"Dito pala siya nagtatrabaho," tinapik ng mga daliri ni Gabriel ang mesa habang patuloy niyang pinagmamasdan ang istraktura ng Sapphire Co. Building.
Simple lamang ang disenyo nito kumpara sa The Elysian Co. Ngunit ang mga bintana ay nag-aalok ng magandang tanawin ng lugar para sa mga naninirahan sa urban area.
"Sapat na bang dahilan ang isyung iyon para iwanan niya ang lugar na ito nang ganoon na lang?" Napaisip siya habang inaalala ang dahilan kung bakit umalis si Mr. Li sa boardroom.
Kahit naiirita pa rin siya sa babae, na-curious siya sa dahilan ng pagrerebelde nito sa kumpanyang ito.
"Eto na po sir," agad na bumalik si Mr. Li.
Binigyan siya nito ng isang folder na naglalaman ng sagot sa kanyang mga tanong. Pagkatapos ay umatras siya upang hayaan siyang basahin ito nang mag-isa.
"Hindi pa ho siya iniimbestigahan, sir. Hindi po natin alam kung ito ay mga katotohanan o mga haka-haka lamang,” depensa ni Mr. Li sa Chief.
Tumango lang si Gabriel na kunwaring sang-ayon sa kanya. Ngunit sa pag-scan niya sa mga pahina, nalaman niya kaagad na ito ay matibay na batayan para sa Chief na maalis sa kumpanya.
Kahit papaano ay gumaan ang loob niya nang malaman na ang babaeng nakatagpo niya ay may makatwirang galit, sa halip ng pagpapakita lamang ng masamang ugali.
At baka naman hinarap niya pa rin ang sitwasyon na ito nang may diplomasya.
‘Kaya lang, sa ugaling pinakita niya kanina, hindi ko alam kung ganoon nga ang ginawa niya,’ ‘ naisip niya na nagpasalubong sa kanyang makapal na maitim na kilay.
‘Kung ganoon ang ginawa niya sa akin na hindi pa niya kilala, ano pa ang kaya niyang gawin sa taong kilala niyang nang-aapi ng ibang tao?’
"I wonder how scandalous this place is a few hours before I came here," kumislap ang amusement sa kanyang mga mata.
“Magiging isang masamang rekord ito para sa Sapphire Co. kung lalabas ito,” saad niya kay Mr. Li. “I suggest baguhin nyo ang terms ng contract niya mula extermination to resignation. It would be more beneficial to Sapphire Co. that way.”
"Yes, sir!" isang misteryosong ngiti ang nagpa angat ng labi ni Mr. Li. ‘Mukhang malapit ang relasyon niya kay Miss Chen.’
Ngunit wala si Gabriel sa oras na iyon ng araw na iyon upang saksihan ang mga manggagawa ng ibang kumpanya na magkagatan sa isa't isa. Marami siyang importanteng bagay na dapat asikasuhin. Hinila niya ang kanyang manggas para tingnan muli ang kanyang relo, “Nasaan si Mr. Zhang? Eksaktong 18 minutes na siyang late."
"Kung wala siya dito sa loob ng 2 minutes, aalis na ako," masungit niyang dagdag at tumayo.
Napayuko sa kanya si Mr. Li sa kahihiyan. Ibinuka niya ang kanyang bibig at hihingi sana ng tawad kay Gabriel sa kanyang pagkaantala nang sa wakas ay nagpakita si Mr. Zhang.
Binuksan niya ang pinto na may masayang lakad habang sumisigaw, "What’s the rush, anak? Kabibisita mo lang nga sa akin, excited ka na agad umalis?" Biniro niya siya.
Mukhang masaya ang CEO ng Sapphire Co. na makita siya, pero nanginginig ang kanyang boses. Kitang-kita kung paano siya bumuntong-hininga para maibsan ang kanyang pagkabalisa.
Si Gabriel naman ay dahan-dahang umupo sa kinauupuan niya kanina na nagpalaglag sa panga ni Mr. Li.
Nakaugalian na ng dalawang negosyante na magkamayan o yumuko sa isa't isa bago sila makipagtransaksyon. Gayunpaman, hindi ginawa iyon ni Mr. Yang. Sa halip, sinagot niya ang kanyang tanong sa isang mapang-asar na paraan.
“Number one. Huwag mo akong tawaging ‘anak’ dahil hindi tayo magkadugo,” guhit ni Gabriel.
Tapos mabilis niyang idinagdag, “And number two. Hindi ako nandito para bumisita. Nandito ako para bigyan ka ng mensahe." Isang masamang kislap ang makikita sa kanyang mga mata.
Hindi napigilan ni Mr. Zhang ang umubo nang malakas, kaya tumakbo si Mr. Li papunta sa water station at agad siyang inalok ng inumin. Mabilis itong ininom ni Mr. Zhang at hinawakan niya ang braso ni Mr. Li bilang suporta.
Gayunpaman, sinubukan ni Mr. Li na humiwalay sa kanya at ngumiti dito na mukhang humihingi ng tawad. Hindi niya hahayaang madamay ang sarili na makaaway ng nakakatakot na lalaking ito! Kasing bilis ng kidlat, yumuko siya sa kanilang dalawa at pagkatapos ay tumakbo paalis.
Napalunok si Mr. Zhang habang dahan-dahang tumalikod para tingnan ang mensahero na ipinadala sa kanya.
Sinubukan niyang gawing magaan ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagbibiro, “Narinig ko ang pangalang Gabriel na nangangahulugang ‘isang sugo ng Diyos’. Siguradong may good news ka sa akin." Natawa siya sa sarili niyang kalokohan.
Gayunpaman, hindi nagpakita ng anumang reaksyon si Gabriel.
Mabilis na napawi ang ngiti ni Mr. Zhang nang makita niya ang blangkong ekspresyon sa mukha ni Gabriel. Napakamot siya sa ulo at naghanap ng upuan sa harap ng bisita niya at pinaupo ang sarili.
"Hindi ako magpapaligoy-ligoy pa," nag-cross ang mga binti ni Gabriel habang nakasandal. “It came to the Chairman’s notice na nakikipagsabwatan ka with the Mings when you are still affiliated with us. Alam mo namann na ang Mings ang archenemy namin in the market.”
Lumipad ang kamay ni Mr. Zhang sa kanyang dibdib sa gulat. “I - I can explain that,” apela niya habang inilalabas ang kanyang cell phone at hinahanap ang kanyang mga larawan..
“Nagkita lang kami sa isang celebration party. Ang aming mga anak na lalaki ay nasa parehong soccer league. I assure you there is no transaction going on or whatsoever,” patuloy niya sa pagpapaliwanag, saka niya tinuro ang isang picture sa phone niya.
Sinilip ito ni Gabriel. Ito ay talagang isang imahe ng isang party na may mga magulang at mga batang lalaki. Gayunpaman, isang mapang-uyam na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.“It’s a nice picture. But I don’t buy it.” Kinuha niya ang isang folder mula sa kanyang attaché case at inilapag sa mesa.
Nagmamadaling tiningnan ni Mr. Zhang kung ano iyon. At sa kanyang takot, nakita niya ang kanyang sarili na kasama ang isa sa mga Ming sa halos lahat ng mga lihim na pagpupulong na kanilang pinuntahan. Mukhang kinuha sila mula sa footage ng security ng mga lokasyon na kanilang kinaroroonan.
Dahan-dahang tumingala si Mr. Zhang. Ang mukha ni Mr. Yang ay mukha ng isang anghel. Pero sa kabuuan, para siyang anghel na may dalawang sungay at buntot.
"Pakisabi sa Chairman na hindi ko na uulitin," pakiusap ni Mr. Zhang habang nakaluhod, ang ulo niya ay nasa sahig. “Ang loyalty ko ay nasa The Elysian. Ang iyong ama at ako ay naging malapit na magkaibigan sa loob ng maraming taon. Natukso lang ako kasi nag-offer sila sa akin ng napakalaking halaga,” nauutal niyang sabi dahil siya ay napahiya at nahuli siya sa akto.
Dalawang taon na ngayon ang Sapphire Co. sa The Elysian Inc. Ngunit ang relasyon nina Mr. Zhang at Chairman Yang ay ilang dekada na. Naisip ni Mr. Zhang na ang kanilang matagal na alyansa ay isasaalang-alang ng mga Yang. Pero nagkamali siya.
“Loyalty is not gray. It is black and white. It is either you are completely loyal. Or you are not loyal at all,” sumandal si Gabriel at humarap kay Mr. Zhang, hindi nagpakita ng anumang tanda ng awa sa kanya.
“Dapat alam mo na kapag pinadala na ng Chairman ang kanyang anak, it is the last call. Mula ngayon, wala na sa amin ang Sapphire Co."
Pinagpagan ni Gabriel ang kanyang high-end coat gamit ang kanyang mga palad at siya ay tumayo.
Tumingin si Gabriel sa bintana at sa magandang tanawin bago siya naglakad papunta sa pintuan ng boardroom. Malinaw niyang naalala ang tagubilin ng Chairman. "Cut our ties with them, kahit anong sabihin niya."
Sa isang iglap, itinaas ni Mr. Zhang ang kanyang manggas at pinunasan ang sapatos ni Gabriel habang nakaluhod.
“P-please tell me what I can do to gain his favor again. Sigurado akong we have built a great connection -"
Mukhang umaasa pa rin siya na mapapahinuhod niya ang puso ng boss ng The Elysian Inc. Ngunit ang ginawa niya ay kabaligtaran ang epekto sa walang awang CEO.
“For those years, dapat alam mo na. Hindi kinukunsinti ng Elysian ang mga rebelde,” hirit ni Gabriel na pilit na hinihila ang kanyang paa. Naglabas siya ng alcohol spray at winisikan ang kanyang sapatos.
“I personally am disgusted with them,” diin ni Gabriel habang tinitignan si Mr. Zhang na nakaluhod pa din at parang maiiyak na.
“Ayusin mo ang sarili mo bago ka makita ng mga tao mo in that shameful state. Goodbye, Mr. Zhang,” malamig niyang sabi, hindi naapektuhan ng emosyonal na aksyon sa kanyang harapan.
Kinuha ni Gabriel ang kanyang case at aalis na sana, nang makita niya ang folder patungkol sa mga eskandalo ng kanilang Chief. "Siya nga pala, may advice ako sa iyo. Isa sa mga chiefs nyo dito ay isang rotten apple. Fire him before he destroys your whole barrel.”
Pagkatapos ay umalis na siya at hindi man lang pinakinggan ang huling salita ni Mr. Zhang.
"I'm sorry for being late, boss," yumuko si Paul kay Gabriel habang hinahabol niya ang kanyang hininga. Agad niyang binuksan ang pinto ng passenger’s seat ng kotse ng kanyang amo.Si Paul ay driver at personal assistant ni Gabriel. Hindi siya karaniwang umaalis sa tabi ng kanyang amo. Ngunit ngayon, humiling siya na magbakasyon para tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa isang ospital. "Anong nangyari sa kotse mo, boss?" hinawakan ni Paul ang scratch sa bagong biling sasakyan ng executive."Huwag mo na akong tanungin muli," isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gabriel habang inaalala ang hindi magandang pangyayari kasama si Evina Chen. ‘Kamusta na kaya siya ngayon?’ Ngunit kaagad niyang inalis iyon sa kanyang isip pagkatapos niyang maalala kung paano niya sinubukang tuhurin ang kanyang gitna.“Tumawag na ako ng service. Kamusta ang nanay mo?" sagot ni Gabriel para ma-distract siya. Pagkatapos ay idinantay niya ang kanyang ulo sa headrest ng upuan.Pinaandar na ni Pa
Samantala…"Pupunta ako dyan in 10 minutes. Hold on, Evie." alo ni Maria kay Evina habang parang baliw na bumubusina ang kanyang sasakyan. Natanggap niya ang balita na kakatanggal lang ng kanyang nakababatang kapatid sa trabaho. Hindi man lang nagpaalam sa mga kasamahan niya, agad siyang umalis sa lokasyon niya para makipagkita sa kanya. Magkausap sila sa phone habang nagmamaneho siya papunta sa kinaroroonan ni Evina.“Take your time, Iya. Hindi pa naman end of the world,” natatawang tugon ni Evina sa kanyang nakatatandang kapatid. “Huwag ako. I know you too much, Evina Chen,” irap ni Maria, dahilan para bumunghalit ng tawa si Evina sa kabilang linya.“Sige. Salamat, ate. I appreciate it,” sincere na sabi ni Evina bago nila binaba ang tawag. Dinampot ni Evina ang iced tea sa kanyang harapan para pakalmahin ang pusong nagdurusa. Tama si Maria. Dinadaan niya lang sa tawa pero she was devastated sa kinalabasan ng ginawa niya. Kahit na naniniwala siyang tama lang ang ginawa niya, con
“Ring!” “Ring!” “Ring!”Agad na umupo si Evina sa kama. Nagmamadali siyang tumayo, nagsuot ng tsinelas at kinuha ang tuwalya. Kagaya ng laging morning routine niya, maliligo na siya. Pero napagtanto niyang wala na nga pala siyang mapupuntahan.“Body clock ko na siguro. Isa ka ng officially unemployed, Evina. Congratulations sa bago mong buhay." tinapik niya ang kanyang ulo ng tatlong beses, sinisiguradong gagana ito ng maayos.Bumalik siya sa kanyang kama at humiga muli sa kanyang malambot na mga unan bago kinuha ang kanyang cell phone para tingnan ang kanyang mga news feed. Ngayon ay marami na siyang oras para gawin iyon.Habang ini-scan niya ang kanyang social media account, nakita niyang nagpo-post ang dati niyang kaklase ng mga larawan niya sa stage na may libo-libong likes at hearts. Kamakailan ay na-promote siya ng kumpanyang kanyang pinagtatrabahuan."Sigurado akong katakot takot na pagmamakaawa ang ginawa niya sa boss niya. Hmph," umirap ang mga mata ni Evina. Nagpatuloy siya
Hinanap agad ni Evina ang The Elysian Inc sa internet. Pamilyar siya sa giant corporation na ito, ngunit hindi niya kilala ang mga tao sa likod ng hierarchy. Dapat ay may malawak siyang kaalaman sa kumpanya kung gusto niyang maging bahagi nito.“Ang Elysian Inc. ay nag-aalok ng maraming pagpipilian ng software para sa maraming layunin. Ang kanilang software ay sa ngayon ang pinaka ginagamit na operating system sa bansa. Sa kita na $107.8 milyon, ang nangingibabaw na industriya ng software ay nananatiling The Elysian Inc. Ang kumpanya ay itinatag noong 1965 ng founder na si Chairman Rafael Yang.”"Wow! Impressive," tango ni Evina habang ini-scroll pababa ang pahina. Gayunpaman, ang nakatawag pansin sa kanya ay ang larawan ng nagtatag ng kahanga-hangang korporasyon."Parang pamilyar siya," nag-zoom in siya sa larawan ni Chairman Yang, na nasa webpage din na tinitingnan niya. Napaka-attractive niya para sa isang lalaking kasing edad niya. Ang kanyang ilong ay napaka-prominente sa ibabaw
"Alam mo kung gaano kita kagusto, Evina," sabi ni Julian sa namamaos na boses, na kinukumpleto ang nakakatakot na ambiance sa loob ng sasakyan.Nasa parking lot pa sila ng isang abandonadong building kung saan dinala ni Julian si Evina.Natulala si Evina dahil hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.Ilang oras lang ang nakalipas nang dalawin siya nito sa unit nito, kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Maria. Sinabi niya rito na may alam siyang job opening sa kanilang kumpanya, kaya sumama ito sa kanya. “L-Let’s go, Julian. Baka hinihintay na nila tayo," bulalas niya.Naghanap ang kanyang mga mata ng palatandaan na baka nasa company naman talaga sila ni Julian. At hindi niya gagawin ang iniisip nito na gagawin niya.Ngunit ang mga ilaw ay patuloy na kumikislap, na nagbigay ng anino sa nakakatakot na mukha ni Julian. Napaatras si Evina hanggang sa madikit ang buong katawan niya sa pinto ng sasakyan."Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ‘to," saad ni Julian sa pagitan
Sa kabilang panig ng distrito, nasa isang business meeting si Gabriel kasama ang CEO ng Astro Inc. “Congratulations, Mr. Yang. Pinahahalagahan namin ang iyong initiative na makipag-ugnayan muna sa amin," yuko kay Gabriel ng CEO ng Astro, Inc. habang nakikipagkamay. "Talagang hangarin ng Chairman na makipagtulungan sa isang world-class na kumpanya tulad ng Astro, Inc." Yumuko rin si Gabriel sa kanya.Kakakuha lang ni Gabriel sa deal. Ilang buwan ng namumuhunan ang The Elysian, Inc para makuha ito. Nasa good mood siya at sumisipol habang papunta sa parking lot sa basement ng Astro Inc. Building."The Chairman would be so proud of me," nakangiting sabi niya sa sarili habang papalapit sa kanyang sasakyan. Tila naramdaman ni Paul ang positibong resulta ng transaksyon. Ngumiti siya habang, pinagbubuksan niya siya ng pinto ng kotse. Habang ginagawa niya iyon, nahagip ng mga mata ni Gabriel ang gilid nito. Napalitan ng pagsimangot ang mukha niya nang maalala ang salarin sa likod nito."Ev
Natigilan si Paul ng ilang segundo bago niya iniabot ang kanyang baril kay Gabriel. Nagulat siguro siya sa biglang reaksyon ni Gabriel. Nagulat din si Gabriel sa kanyang sarili. Hindi karaniwan para sa kanya na magdirekta ng sandata sa iba.‘Pero hindi rin naman ordinaryo ang sitwasyong ‘to,’ bulong ni Gabriel sa sarili habang lalabas na sana at ipagtatanggol ang babae.Sa sandaling nasa kamay ni Gabriel ang baril ni Paul, agad siyang umikot para lumabas ng sasakyan. Gayunpaman, nang siya ay lumingon, nakita niya ang isang payat na braso na umaabot sa nakabukas na pinto."Papasukin mo ako!" sigaw ng babaeng kanina pa hysterical na humihingi ng tulong sa kanila.Hindi man lang siya humingi ng permiso kay Gabriel. Agad siyang gumapang sa loob at tinulak si Gabriel sa kabilang side ng sasakyan.Agad niyang isinara ang pinto at mabilis na iwinasiwas ang kamay kay Paul habang hinihiling niya, “Go, go, go! Bilisan mo!” Tumango si Paul na para bang naramdaman niya ang kaapurahan ng sitwasy
Tahimik na naghihintay si Evina sa kotse habang nasa labas ang CEO. Ang driver nito o bodyguard ay kasama niya. Pakiramdam ni Evina ay kahit papano ay ligtas siya Nasa parking lot sila ng isang department store kung saan hiniling ng may-ari ng sasakyan na dumaan muna dito.Gusto niyang kalimutan ang nangyari. Pero aaminin niya, sobrang naapektuhan siya nito. Ang alaala ng kamuntik ng panggagahasa ni Julian sa kanya sa isang abandonadong gusali ay di maalis sa kanyang isipan at hindi siya makahinga. Napahawak ang kanyang kamay sa pinakamalapit na suporta na kanyang matatagpuan habang siya ay humihingang malalim. "Ayos ka lang ba, Miss Chen?" lumingon si Paul sa kanya at inalok siya ng isang bote ng tubig. Ngumiti si Evina sa kanya at tinanggap ang bote. Pagkatapos ay uminom siya mula dito, umaasa na maibsan nito ang kanyang pakiramdam. Habang tumatagos ang inuming tubig sa kanyang mga cells, nagsimulang huminga nang normal si Evina. "Salamat. Baka mawala naman ito bukas makala
Nakangiti si Julio mula tenga hanggang tenga habang hinihintay nila ang tugon ni Mr. Zheng. Nasa boardroom na siya at ang iba pang executives, kasama sina Gabriel at Evina. Lahat sila ay nasasabik na malaman kung sino ang nanalo ng hinahangad na proyekto.Sa kanyang ginawa, kumbinsido si Julio na ang Ming’s Group ang mananalo sa bid. Medyo nagulat siya na makitang nagtatrabaho pa rin si Evina kay Gabriel. Alam niyang matalino si Gabriel para malaman ang ginawa niya. Napahawak si Julio sa baba habang nakatitig sa dalawa. Nakikipagkwentuhan lang si Gabriel sa ibang executives. Si Evina naman ay nakatitig sa kanya. “Magandang araw sa inyo! I’m now ready to announce the company that we would work with,” bati ni Mr. Zheng sa kanila, na ikinagagambala ni Julio sa kanyang obserbasyon. "Kung hindi tayo, I'm sure it's either the Ming's or The Elysian's," narinig niyang nag-uusap ang mga ito. Ang iba ay nagsasaad din ng kanilang sariling taya para sa nanalo. Inamoy ni Julio ang matami
"Gabriel," Isang halinghing ang kumawala sa mga labi ni Evina habang binibigkas ang pangalan ng kanyang boss. Namumuo ang butil ng pawis sa kanyang noo habang nasasarapan sa ginagawa niya sa kanya.Pabalik-balik ang ulo niya sa pagkahibang. Hinawakan ng kanyang mga daliri ang kanyang puting kumot hanggang sa maabot niya ang kaniyang sukdulan.Makalipas ang ilang minuto, huminahon ang kanyang katawan at bumalik sa dati nitong kalagayan. Habang nangyayari iyon, bigla siyang bumalikwas mula sa kanyang kama. Lumibot ang mga mata niya sa paligid niya. Nakahiga pa rin siya, at 5am pa lang ng umaga. At walang Mr. Yang."Panaginip lang," sabi ni Evina at nayuko ang kanyang mga balikat. Hindi niya alam kung dahil ba sa natutuwa siya o dahil disappointed siya.Alam niyang kailangan niyang layuan ito, gaya ng ipinangako niya sa kapatid na si Maria. Ang orihinal niyang plano sa pagiging executive assistant ay para lang kumita ng pera para sa kanyang pamilya. Ayaw niyang mainvolve sa kahi
Sa loob ng isang linggo, nagtrabaho sina Gabriel at Evina sa paggawa ng panukala na mas mura at mas siguradong lalago kumpara sa Ming’s Group. Si Evina ay nagmungkahi ng mga paraan upang gawin ito ayon sa kanyang nakitang karakter at motibasyon ni Mr. Zheng, ang may-ari ng Gentech Project. Sa kabilang banda, tinarabaho ni Gabriel ang pagputol ng mga gastos at pag-improve ng iba pang mga mapagkukunan upang gawing mas cost-friendly ang plano kaysa dati. Sa kanilang pagtutulungan, nagpuyat sila sa opisina. Ginamit din nila ang sabado at linggo. Habang ginagawa nila ito, nagsimula silang makilala ang isa't isa, ang kanilang mga gusto at hindi gusto, kung ano ang nagpapasaya o nakakalungkot sa kanila. Naging masiyahin si Gabriel at naging mas malaya na magpakita ng kanyang tunay na emosyon. Kasabay nito, si Evina ay nagsimulang makinig at magpasakop sa isang may awtoridad sa kanya."Tama ka. Ire-revise ko po ulit sir. Just give me a few minutes,” tumango si Evina pagkatapos niyang p
"Ginamit ako ni Julio?" hindi makapaniwalang sambit ni Evina. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga sandaling iyon. Ramdam niya ang bawat himaymay sa kanyang kalamnan na nag-aapoy sa galit kay Julio. At gayundin sa kanyang sarili dahil sa pagiging mapaniwalain sa kanyang mapanlinlang na mga pakana.Gayunpaman, naawa din siya kay Gabriel. Dugo at pawis ang ibinuhos niya para sa proyektong ito. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili. Pero alam niyang ang katigasan ng ulo niya ang dahilan ng kaguluhang ito. At gusto niyang aminin iyon."Humihingi ako ng paumanhin, sir. Dapat nakinig ako sa'yo noong sinabi mong layuan ko siya," yuko niya. Hindi nag-react si Gabriel.Naramdaman naman ni Mr. Gu na parang kailangan nila ng privacy. Yumuko siya sa kanilang dalawa at sinabing, “Titingnan ko lang kung ano ang magagawa ko. Excuse me, ma'am at sir." Silang dalawa na lang ngayon ang nasa opisina. Pero hindi pa rin nagsasalita si Gabriel. Para siyang na-freeze sa kinatat
Kinabukasan, excited si Gabriel na pumasok sa trabaho. Sanay siyang mag-isang makipaglabanan ng utak sa iba pang mga executives na namumuno sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Pero ibang kaso kahapon.Si Gabriel ay sumipol habang inaalala kung paano humakbang si Evina para iangat ang The Elysian Inc sa pedestal habang ang mga executives ay umaawit ng papuri sa kanilang pangunahing kaaway. Dahil sa mahusay na kasanayan ni Evina sa pakikipagrelasyon, tila binago niya ang kanilang direksiyon mula sa Ming's Group tungo sa The Elysian. Ito ay kapaki-pakinabang dahil ito ay dumaloy sa aktwal na pagpupulong, kung saan ang tenga ng Direktor na namumuno sa Gentech ay pumalakpak sa pagkakarinig kung gaano kaungos sa iba ang The Elysian Inc. Mayroon na silang pahiwatig na gagawa sila ng isang matalinong pamumuhunan kung pipiliin nila ang kanilang kumpanya.Naalala rin niya kung paano sinabi ni Evina na siya ang kanyang “gem”, at hindi siya ang nakahanap siya, pero baliktad.Parang ang corny ng
Humugot ng malalim na hininga si Evina pagkatapos niyang humigop ng milk tea niya. Dumadagsa ang mga manggagawa mula sa opisina patungo kung nasaan siya ngayon. Tila kagagaling lang nila sa nakakapagod na bahagi ng araw at kakain na ng kanilang meryenda sa hapon. Malapit lang ang tea shop sa building kung saan sila nagkaroon ng meeting para sa Gentech. Nanatili siya habang hinihintay si Julio, nang hindi nalalaman ng kanyang boss. Ilang oras ang nakalipas, pumunta si Evina sa banyo habang nagpapatuloy ang meeting. Sa panahong iyon, nilapitan siya ni Julio at hiniling na makipagkita sa kanya. May ipapakonsulta daw siya sa kanya patungkol sa kapatid niya.“I would hit two birds in one stone,” tiniyak ni Evina sa sarili kung bakit siya nanatili. Magagawa niyang maghiganti. Kasabay nito, matutulungan niya ang kanyang boss na magkaroon ng dagdag na kalamangan laban sa kanyang karibal. Hindi binanggit ni Mr. Yang na si Julio pala ay si Julio Ming, ang nakatatandang kapatid ni Julia
Naweirduhan si Gabriel sa sariling reaksyon kay Evina. Paano niya naiisip ang isang malaswang eksena habang nagtatrabaho? Maiintindihan niya kung nasa labas sila ng opisina. Ngunit ito ang unang pagkakataon na na distract siya sa ganun habang nagtatrabaho. Sa epekto ni Evina sa kanya, nagpasya siyang makipagkita nalang sa kanilang kliyente sa ibang distrito nang wala siya. Gayunpaman, pakiramdam niya ay nagkamali siya dahil gusto niya itong makasama sa sandaling iyon. Tumingin siya sa likod at tinignan kung malayo na ba sila sa The Elysian Inc. "May naiwan ka ba, boss?" tanong ni Paul sa kanya nang makita ang kanyang pagkabalisa sa rearview mirror. "Uh yeah, I think dapat kasama natin si Miss Chen, para maging pamilyar siya sa industriya," paliwanag ni Gabriel. Tinikom ni Paul ang kaniyang mga labi upang pigilan ang mga ito mangiti. First time niyang makitang nag-aalala ang amo niya sa isang babae. Hindi pa siya nag-aalok ng tulong sa sinumang babae noon. Hindi rin siya nag
Alas otso na ng umaga. Pero parang madaling araw pa lang. Ang araw at ang madilim na ulap ay tila nagtatalo kung sino ang maghahari sa buong araw. "Lalayuan ko siya hangga't kaya ko," determinadong wika ni Evina habang nakapikit. Nakaupo na siya sa kanyang upuan sa opisina, at handa nang harapin ang bigat ng trabaho para sa araw na iyon."Ano ang kinakatakutan mo, little mouse?" Isang malalim at banayad na boses ang bumalabag kay Evina mula sa kanyang pagmumuni-muni. Si Mr. Yang iyon, ang kanyang multi-billionaire boss. At isang dipa lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Nagulat si Evina sa pagkakaupo. Pero pinagkrus niya ang kanyang braso at pinandilatan siya.“Wala akong kinakatakutan. And I’m not a little mouse.” Napataas ang isang sulok ng labi ni Mr. Yang. Umayos siya ng pagkakatayo at inayos niya ang kanyang kurbata at itinaas ang kanyang baba. Para bang sinasabi niyang boss siya, at empleyado lang niya. “S-sir,” agad na dagdag ni Evina sabay yuko. ‘Luka-luka ka, Ev
“Oo. Anak siya ni Chairman Yang, ang founder ng The Elysian Inc,” pagmamalaki ni Evina pero may bahid ng pag-aalala sa tono nito.Matapos ang sunod-sunod na hindi magandang pangyayari na kanyang naranasan, pakiramdam niya ay nakahanap na siya ng kapayapaan. Sa wakas ay maaari na siyang kumita ng totoong pera at magsimula ng sarili niyang negosyo habang tinutulungan ang pamilya ng kanyang kapatid na mamuhay nang kumportable.Ang pagtatrabaho bilang isang executive assistant ng CEO ay totoong nagpasaya sa kanya, kahit papaano. Ngunit tila hindi ito ang kaso sa kanyang nakatatandang kapatid na babae.Namumutla ang mga labi niya habang binabanggit ang pangalan ng kumpanya na para bang isinumpa ito at hindi dapat banggitin. Pero si Evina lang ang nakapuna nito. Mabilis na kinagat ni Maria ang maputla niyang mga labi, na nagpabalik ng dugo dito."Ikinagagalak kong makilala ka, Sir. Siguro kailangan na naming umalis ngayon. Ang haba ng traffic papunta ko dito. Hinihintay na din ako ng an