Sa ika-18th Birthday ni Carmela ay na set-up sya nang kanyang Nobyo at hindi tunay na kapatid na si Pearlyn upang makipag one night stand sa inaakalang matandang lalaki. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay si Axcel Mostrales ang kanyang nakasalo sa isang mainit na gabi. Ang pinaka batang bilyonaryo sa buong Asya. Nalaman nang kanyang fosters parents na politician ang nangyari at sa galit nila ay itinakwil nila si Carmela. Sa takot na malaman ng mga itong buntis sya ay nagawa nya itong itago at magpunta nang ibang bansa. Hanggang sa makalipas ang ilang taon ay bumalik sila ng Pilipinas kasama ang kanyang anak at inalok sya ni Pearlyn na si Carmela ang dumalo sa blind date na gusto nang kanilang magulang. Walang ibang nagawa si Carmela kundi makipag sundo kapalit ng malaking halaga ng pera. Ang tanging gagawin lang naman ni Carmela ay magpanggap bilang si Pearlyn at gumawa ng paraan para hindi sya pakasalan nang lalaki. Ngunit tila ba mapag laro ang Tadhana at gusto syang pakasalan nang lalaki na walang iba kundi si Axcel Mostrales, ang ama nang kanyang anak.
view moreGRAMPS POINT OF VIEW; (before he died)Napatingin si Gramps sa wall clock. It's already 11:00 pm. He's sure na lahat ng tao sa mansion kagaya nalang ng katulong ay natutulog na. Balak nyang puntahan ngayon si Cody sa hospital para kausapin ang kanyang Apo ngunit nag iingat sya na walang makakapansin sa kanya o kaya naman mag tataka sa kanyang pag alis. Knowing Axcel, baka mamaya ay pinapasundan sya ng kanyang Apo kapag ito ay naka tunog. Kinuha nya ang kanyang cellphone at tinawagan ang isa sa mga pinag kakatiwalaan nyang kaibigan ni Axcel, walang iba kundi si JohnRobert. Sa lahat ng kaibigan ni Axcel alam nyang mas may kapasidad si JR na protektahan ang anak ni Axcel dahil lagi itong umaalis ng bansa at mas madaming connection kesa kay Tristan na magaling lang sa pag iimbestiga. "Hello Gramps.... how are you?" Bati sa kanya ni JR mahahalata sa medjo paos nitong boses na naalimpungatan sa mahimbing na pag kakatulog dahil sa kanyang pag tawag. "Did I disturb your beauty rest?" Pag
Napakagat si Carmela sa sinabi ni JohnRobert. Lahat sila ay naka tingin sa lalaki. Lumipad sa mukha ni JohnRobert ang Isang unan na binato ni Tristan. "Don't joke around the bush, JR." Pag tatawag ni Tristan sa palayaw ni JohnRobert. "Ouch! Do you think I'm joking?" Daing nya. "Mukha mo palang hindi na kapani paniwala. Mga sinasabi mo pa kaya?" Si Erwin na ngayon ay sumisipsip ng inumin."Ni ako na magaling sa larangan ng pag iimbestiga hindi ko nagawang mahanap ang 'mysterious girl'. Ikaw pa kaya na lulubog lilitaw?" Si Tristan. Paano ba namang papaniwalaan si JR eh lagi itong umaalis ng Pilipinas. Minsan na uwi pa nito ay nanatili lang sya ng 1 hour dito sa bansa pagkatapos non ay aalis din kaagad. Ang hirap din kasing paniwalaan ang Promises kung minsan, hindi nga sila mukhang kawatan pero lahat sila nag mumukha namang talbos ng kamote na mang gaganso.Kaya paano naman makikilala ni JR ang mysterious girl na yon? "Bakit ba pinag uusapan pa natin ang Babae na 'yon? It's been li
Hindi nya magawang magalit kay Axcel o mag tampo dahil alam nyang may naging pag kukulang sya bilang asawa nito. Kahit na sampal sa kanya ang sinabi ni Shania kagabi naiintindihan nya ito. Mas magandang sinabi nga sa kanya ni Shania ang salitang 'yon dahil ngayon ay magagawa nyang bumawi kay Axcel. Inaayusan nya na ang kanyang sarili ngayon dahil sasama sya sa kompanya para tulungan si Axcel sa ibang mga gawain nito. Tinawagan nya rin ang bawat myembero ng Promises para samahan silang dalawa ni Axcel. Kahit papaano ay nagiging malapit na rin sya sa kaibigan ng kanyang Asawa. Sa tuwing kasama nya ang mga ulopong na 'yon ay kahit papaano nababawasan ang kanyang iniisip. "You're now ready?" Tanong sa kanya ni Axcel na ngayon ay naka ayos na para umalis. Tumango sya at kinuha nya ang kanyang purse para maka alis na silang dalawa. Habang nasa loob sila ng sasakyan ay agad ng nag salita si Axcel."Aalis na ngayon si Shanaia. She needs to go back dahil magkakaroon sya ng run away for a co
"Anak laban sa kanyang Ina o Ina laban sa kanyang anak?" Tanong nya sa hangin habang hinihintay ang pag dating ni Axcel. Nawala sya sa lalim ng kanyang pag iisip ng tawagin sya ng katulong para mag gabihan. "Ma'am Pearlyn, pinapatawag ka po ni Madam Aegin. Mag sasabay sabay daw po kayong lahat para mag gabihan"Tumango sya sa katulong, "Sige, susunod ako." Muling bumaling si Carmela sa gate ng Mansion para sa pag babakasakaling maaninag nya ang pauwi na sasakyan ni Axcel nang makita nyang walang paparating ay pumasok na sya sa loob at dumeretsyo sa hapag kainan. Nasa kalayuan palang sya ay naririnig nya na ang boses ni Veronica na nag rereklamo. "How come na pera lang ang matatanggap ko?" Mapaklang humalakhak si Veronica. "Excuse me? Isa akong Mostrales, dugo ni Gramps ang dumadaloy sa'kin. Hindi pu pwedeng hindi ako makakapasok sa kompanya!" Hinawakan sya ni Mama Aegin, "Calm down Hija, nasa harapan tayo ng hapagkainan. Hindi ba pwedeng ipag paliban muna ang pag iisip kung sino
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ma proseso ni Carmela ang mga nangyayari. Ano nga ba ang mga nangyayari ngayon sa kanyang buhay at sa mga taong naka paligid sa kanya? May gustong sabihin sa kanya si Lolo Pedro ngunit hindi naman nitong magawang sabihin parang sya rin lang Kay Axcel na may gusto syang sabihin ngunit hindi nya magawa. Pumanaw na si Gramps at ginawang taga pag mana ang kanyang anak. Ngunit kung si Cody ang isang taga pag mana, sino naman ang isa?Napa sabunot sya sa kanyang sarili at halos iumpog nya na ang ulo sa pader sa dami ng kanyang iniisip. "Ang pwede ko lang na gawin ngayon ay protektahan si Cody. Hindi biro na sya ang isang taga pag mana ni Gramps lalo na ngayong panahon na nanlilisik ang mga mata nilang lahat kakahagilap sa totoong taga pag mana". Bulong nya sa kanyang sarili habang inaalala ang mga narinig nya kanina. *FLASHBACKS*Napa hinto si Carmela sa pag pasok sa loob ng silid ni Tita Regina ng marinig nya na may kausap ito. Hindi naka sara ng mabuti
Ilang araw na ang lumipas simula ng komprontahin sya ni Renz tungkol sa kung sino talaga sya at kahapon lang din ng mailibing si Gramps. Lahat ng pamilya Mostrales ay kompleto, ang mga nasa ibang bansa ay nagsi uwian para ihatid si Gramps sa huli nitong hantungan. "Bakit kaya ganoon? Mangilan ngilan lang ang umiyak ng ihatid namin si Gramps. Namamalik mata lang ba ako? O nakita ko silang masaya dahil wala na si Gramps?" Tanong nya sa kanyang sarili habang nag susuklay ng buhok. Hanggang ngayon ay naniningkit pa rin ang kanyang mata gawa ng pagkaka iyak. Halos hindi mabilang ang angkan ng Mostrales ngunit bilang na bilang ang mga umiyak. Ipinilid nya ang kanyang ulo sa kanyang mga naiisip. "Baka ayaw lang nila ipakita na umiiyak sila dahil gusto ni Gramps na masaya lang kami kahit na wala na sya". Bulong nya sa kanyang sarili. Kahit sino naman ang tao na yumao gustong makitang masaya ang mga naka paligid sa kanya kahit wala na sya. Ayaw nyang may iwan syang mga tao na mabibigat ang
"Are you sure you're not pregnant o baka naman tinatago mo ito sa akin?" Muling pag tatanong sa kanya ni Axcel. Hindi na mabilang ni Carmela kung ilang beses na ba syang tinanong ni Axcel kung nag dadalang tao ito simula ng mabasa nya ang sulat ni Gramps. Hinawakan nya ang braso ng asawa at ngumiti. "Hindi nga... At syaka kung buntis man ako sasabihin ko kaagad ito sayo. Wala naman sigurong dahilan para hindi ko ito sabihin sayo hindi ba?" Kahit alam nya sa kanyang sarili na sya ang maraming dahilan na bakit hindi nya sasabihin kay Axcel na sya ay nag dadalang tao kung sakali. Tumango si Axcel at yumakap sa kanya. "Thank you for spending the rest of the day with Gramps." May lungkot sa boses nito. Ngayon ay nasa kwarto na sila dahil mag sisimula ng ayusin ang mansion para sa magiging lamay ni Gramps. "Kung alam ko lang na ito ang magiging huling araw ni Gramps sana ay hindi nalang ako umalis. Sana ay nanatili nalang ako sa kanyang tabi". Nahihimigin nya ang pagsisisi ni Axcel. T
"A... Axce-l" Nangangatal nyang tawag sa kanyang Asawa ng makarating ito sa Mansion. Naka tayo lang si Axcel sa labas ng silid ni Gramps. Hindi ito makapaniwalang naka tingin sa kanila. Napalunok sya mariin habang naka tingin sa walang malay na katawan ni Gramps. Napako ata sya sa kanyang kinatatayuan at hindi nya magalaw ang kanyang mga paa para lumapit sa kanila.Magulo ang kanyang buhok. Ang suot nitong tuxedo ay hindi na maayos ang pagkaka botones. Ang kanyang necktie ay halos mahulog na rin. Nawalan na sya ng lakas at nabitawan nya na ang hawak na mga Lego. Oo at Lego ang kanyang ibibigay kay Gramps dahil mahilig bumuo si Gramps ng mga Lego na kanyang ipapasikat sa mga kaibigan. Kaya naisipan nyang magpa customize ng Lego na may larawan ni Gramps... pero parang hindi na ito mabubuo dahil ang dapat ma bumuo nito ay namaalam na. "Axcel, lumapit ka rito at kausapin mo muna si Gramps... Siguradong wala pang ilang minuto ng namaalam sya... Nararamdaman ko pa ang init ng katawan nya
Matapos ang mahigit isang oras na pag hihintay ni Carmela at Cody sa labas ng hospital ay sa wakas lumabas na rin si Gramps. Mahahalatang umiyak ito dahil sa pamumula at paniningkit ng kanyang mata. Nag tatakang lumapit si Carmela, "Anong nangyari Gramps?" Pinunasan ni Gramps ang kanyang mata at nag kunwaring nahihirapan itong imulat. Tumawa ng mahina ang matanda. "Wala naman. May pumasok lang sa aking Mata at pina huyupan ko ito kay Pedro tiyak na mas lalo atang lumala". Tila hindi nakumbimsi ni Gramps si Carmela sa kanyang pag sisinungaling. Kaya muli syang nag salita, ngayon ay mas nakaka kumbinsi na. He rub his eyes, "Ang kati rin sa loob ng aking mata, parang may tumutusok at hindi ko pa magawang imulat ang aking mata ng mas maayos." Buti nalang at ngayon ay mukhang kumbinsido na si Carmela kaya pumasok na sila sa sasakyan. Mga alas dos na ng hapon at sobrang nakakapagod ang araw ngayon dahil buong mag hapon silang may pinupuntahan. "If you want to visit Pedro, you can do it.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments