Carmela's Point of View.
Makalipas ang ilang taon ay napag desisyonan na naming umuwi dito sa Pilipinas ni Cody. Kasalukuyan na kaming nasa Apartment na uupahan naming mag Ina. Hindi ito kalakihan, sakto lang ito para sa aming dalawa at dahil na rin siguro kaunti lang ang gamit namin. Pinapanood ko si Cody habang nag lalaro. Hindi madali para sa akin na bumalik dito sa Pilipinas dahil natatakot akong malaman ito ng aking Daddy o kaya'y may ibang maka alam at maapektuhan nito ang pagiging politician nya. Ang huling naging balita ko lang sa pamilya namin ay hindi nanalong Mayor ang aking Ama dahil hindi raw hamak na mas malakas at madaming connections sa nakatataas ang nakalaban nya noong election. Ngayon ay nag fo focus nalang sila sa kanilang business na pabagsak na. Nawala ako sa pag iisip at nag tatakang tumingin sa Isang number na nag flash sa aking cellphone. Ang number na ito ay unsave kaya hindi ko alam kung sino ang tumatawag. Sinagot ko ito. "Hello?" Alanganin kong bungad sa cellphone ko. "How long has it been, Carmela?" Halos mabitawan ko ang pagkakakahawak sa cellphone ng marinig ko ang boses ni Pearlyn sa kabilang linya. Paano nya nakuha ang number ko? Syaka ano naman ang pakay nya ngayon at napa tawag sya? Alam nya kayang naka uwi ako ng Pilipinas? Baka may masama syang gawin sa aming mag Ina. Should we go back to New York? Sa dami ng mga pumapasok sa aking utak ay parang nabingi na ako sa reyalidad na kanina pa sya dakdak nang dakdak sa kabilang linya. "Hello are you still there?" Naiinip na tono na boses ni Pearlyn. Kahit hindi ko sya kita ay alam kong salubong na ang kilay nito dahil kanina pa ako hindi nakikinig. "Yeah..." Kabadong sagot ko. "Alam kong nahihirapan na kayo financially ng anak mo..." Nabasag ata ang aking pandinig sa sinabi nya. Alam nyang may anak ako? Papaano? Simula nang makapunta ako ng New York ay umalis ako sa Apartment na binigay sa akin ni Daddy at tinanggal ko rin ang ibang connection ko. "Don't worry, hindi ko sasabihin kay Dad na nag bunga ang kalandian na ginawa mo nong gabing 'yon at baka tuluyan kana nyang tanggalan nang hininga. I know that your child is ill and you need tons of money para sa kanyang pag papagaling." Natahimik ako. Isa ito sa mga rason kung bakit kami umuwi ng Pilipinas. Habang tumatagal kami sa New York ay mas tumataas ang aming gastusin. Hindi ko kayang tustusan lahat ng pangangailangan naming dalawa ni Cody, lot na't kailangan nya nang pumasok ng school at nag u-undergo pa sya sa chemotherapy kada buwan. As a single mother na kaunti lang ang kita hindi nya na kaya pag kasyahin ang lahat kaya minabuti nalang naming umuwi. "Let's make a deal kapalit ng pera." Ngayon palang ay gusto ko nang tanggihan kahit hindi nya pa sinasabi ang deal na gusto nyang gawin naming dalawa dahil unang una hindi ko alam kung maganda ba ang gagawin namin at pangalawa ay ayaw ko ng magkaroon ng kahit ano pang koneksyon sa kanila para sa aking anak. "Bumabagsak na kasi ang kompanya at gusto ni Dad na makipag blind date ako sa rival company natin. Ang pamilya ng mga Mostrales. Alam mo naman gaano makapanyarihan ang pamilyang 'yon when it comes to business world. Ang kaso lang e, alam mo namang puro matatandang lalaki ang meron sa pamilyang 'yon. Dad wants me to marry with one of those ugly elder guys. Now ang gagawin mo lang naman during blind date ay i-offend mo sila. Make something na hindi ka aya-aya para ma turn off sya sayo. Gawin mo ang lahat ng kaya mo dahil ayokong maitali sa ganoong uri ng lalaki. Syaka isa pa I'm busy here in Hawaii doing my photoshoots. Once na sinabi mo kay Dad na tumawag ako sa'yo at sinabi mo mga sinasabi ko. Lilintikan ka sa'kin, kayong dalawang anak mo." Maayos pa ang boses ni Pearlyn kanina ngunit naging madiin ang tono nito at nag babanta pa sa huling sinabi nya. Natahimik ako para pag isipan lahat ng sinabi nya. Hindi naman ako pwedeng tumaya sa sugal na walang maibabalik sa akin. Hindi rin naman pwedeng sumabak sa gyera na walang balang tatama sa akin kahit na may bala ako. "Simple lang naman ang gagawin mo eh. Tiyak na madadalian kalang, ayoko kasing makita ako ng mga tao na may kasamang matandang lalaki na uugod ugod na dahil lang sa lintik na blind date na yan para maisalba ang kompanya". Alam ko na kaagad ang kanyang sinasabi. Hindi rin maganda sa kanyang reputasyon bilang isang Modelo na ngayon ay sumisikat na. Ano na nga lang ang iisipin ng ibang tao kapag nakita syang may ka harap na matanda at iisipin na baka sumikat sya dahil sa pera at impluwensya o kaya naman nya na kakayang bumili ng mga mamahalin ay dahil may sugar daddy sya. "Hindi ko kaya, Pearlyn..." Wika ko. Hindi ko kayang mag panggap bilang sya o dahil ayoko lang magkaroon ng connection sa kanila. "Pag isipan mong mabuti Carmela. Hindi kita pinipilit, ikaw lang ang unang pumasok sa aking isipan dahil ikaw lang ang may kakilala sa akin na pu pwedeng mag panggap. Panandalian lang naman." Tumingin ako kay Cody na balot na balot pa rin sa suot na para bang may snow ngayon sa Pilipinas. Namuo ang aking luha ng mag tama ang aming tingin kasabay ng pag silip nang matamis na ngiti sa kanyang namumutlang mga labi. Pera.... para sa pera. Pera lang ang mag sasalba ngayon sa anak ko. Dadalawa lang kami ngayon, sya lang ang nag iisa kong pamilya at hindi ko kakayanin kung may nangyari sa anak ko. Walang libre ngayon sa mundo. Alam kong kapag nag trabaho ako hindi pa rin yon magiging sapat para sa gastusin sa hospital. "Ano na Carmela, time is running. May appointment pa ako mamaya, wala akong oras para makipag usap sayo ng matagal-" "Magkano ang ibibigay mo sa akin?" Hindi na ako nag paligoy ligoy. Natawa sya sa kabilang linya dahil sa pagka desperada ng aking boses. "Hmmm... Mag papanggap kalang naman bilang ako ng Isang gabi. 1 million will be enough if you did a great job para mawalan sya ng interest sayo. Ipakita mo sa kanya ang pagiging low class mo at taong squatter." Ilang taon na ang lumipas pero wala pa 'ring pinag bago si Pearlyn. Ganito pa rin sya mag salita at ganito nya pa rin ako i-trato na sobrang baba ng tingin nya sa akin. Lumunok nalang ako na ani mo' ay lumulunok ako ng mga bubog. "Deal." Sagot ko na wala nang pag aalinlangan. Kailangan kong gawin ito para maipagamot ko ang aking anak dahil sya ang mas importante sa akin ngayon. "Well then, ngayong gabi ang blind date. Mag ayos ka na para bang isa kang gold digger. Isang Axcel Mostrales ang makakaharap mo, gawin mo ng maayos huh, make sure na ayaw kana nyang makita maski anino mo." Huli nyang sinabi bago patayin ang tawag. Humugot pa ako ng malalim na hininga para sa lakas ng loob. "Gagawin ang lahat para sa Anak." Pag kukumbinsi ko sa sarili.Napako sa kinatatayuan si Carmela ng makarating sa mamahaling restaurant kung saan sila mag kikita ng kanyang ka blind date. Hindi nya na alam kung ilang minuto syang naka tayo sa labas at tinitignan nalang ang mga taong pumapasok sa loob. "Kaya mo 'to Carmela, para 'to sa inyong dalawa ng anak mo. Ginagawa mo ito para kay Arkin" Bulong nya sa sarili habang iniisip ang anak. Ngunit kabaliktaran ata nito na palakasin ang loob nya dahil mas lalo syang dinalaw ng kaba. Muli syang huminga ng malalim bago humakbang papasok sa restaurant. Sa isip nya ay tatapusin nya na lahat ngayong gabi dahil kung papatagalin lang nya ay mas lalo syang kakabahan. Naka suot sya ng maikling palda at revealing na damit na padala sa kanya ni Pearlyn. May kasama din itong mamahalin na shoulder Bag at mga alahas na tunay na ginto dahil kailangan nyang mag mukhang disente at mag mukhang Pearlyn talaga. Confident syang nag lakad. Ang suot nyang sandal na may mataas na takong ay gumagawa ng tunog sa bawat hakb
"What? Why so sudden?" Gulat na tanong ni Tristan kay Axcel ng sabihin nitong gusto nyang pakasalan ang naka blind date nyang Babae kagabi. "Because she's the only woman who can make me smile and laugh sa unang pag kikita palang". Mga salitang gusto nyang isagot na itinago nya nalang sa kanyang sarili. "She's so honest and one thing that I like about her is her confidence and how she speak her mind. Nagiging totoo sya sa sarili nya". Tipid nyang sagot. "Paano naman ang pinapahanap mong Babae?" "You can still continue finding her. I'll keep my promise that I'll invest at your company if you found her". Gusto lang malaman ni Axcel kung sino ang Babaeng naka one night stand nya noon at kung nasa maayos ba itong kalagayan ngayon .Nang sabihin nga ni Axcel ang magandang Balita kagabi sa kanyang Lolo ay agad nitong pina ayos ang venue ng kasal at simbahan. Muli nanaman syang napa ngiwi ng maalala nya ang sinabi ng Babae kagabi tungkol sa kanyang Lolo. "Siguro nga ay may Babae nang nak
Tonight was so magically unrealistic. Sa bilis ng pagtakbo ng oras, ngayong gabi ay naka suot na ng magarbong wedding gown si Carmela. Naka suot na rin ang kanyang belo sa ulo. Nanginginig ang kanyang buong katawan nang mag simula nang tumugtog ang paborito nyang kanta. Dream come true nga na lalakad sya sa kanyang kasal habang tumutugtog ang paborito nyang kanta, pero hindi naman ang kanyang Dream guy ang kanyang papakasalan. "Para kay Cody." Mahinang bulong nya para patatagin ang loob. Ang venue ng kanilang kasal ay sa malawak na hardin na punong puno nang magaganda at iba't ibang kulay ng mga bulaklak at halaman. Garden wedding ang theme ng kasal. Bawat detalyo ng kanilang kasal ay kuhang kuha sa kanyang gusto, parang fairytale na kahit kailan man ay hindi nya inaakalang magkaka totoo, parang Isang panaginip na gusto nyang magising at hindi. Maraming mga paro-paro na hindi magkamayaw sa paglipad sa liwanag na bilog na buwan. Kasabay ng mga ilaw na kumukutitap na parang mga bitwin
Pinapanood ni Carmela sa labas ng bintana ng sasakyan ang bawat daananang kanilang binabaybay. Ngayon ay uuwi sila sa mansion ng mga Mostrales. Nasisigurado nyang malapit na sila sa kanilang distinansyon nang matanaw sa hindi kalayuan ang malaking gate na may nakasulat na, "Mostrales De Familia". Kanina pa pinag mamasdan ni Axcel si Carmela na parang hindi ito mapakali sa kanyang kinauupuan at mistulang gusto na nitong bumaba ng sasakyan. Tumingin sa kanya si Carmela at nang mahuli syang naka tingin sa kanya ay tinaasan lamang sya nang kilay nang Babae. Palihim na napangiti si Axcel sa inasta ni Carmela. "Kita mo nga naman ang Babaeng ito. Matapos ko syang matiklop kagabi ay may lakas pa syang sungitan ako". Ani nya sa kanyang isip. Nang magising nga sila kaninang umaga matapos ang mainit at mapusok na pag sasalo nila kagabi ay halos ibato na ni Carmela ang bed lamp kay Axcel. Hindi rin sya pinapansin nang Babae nang asarin nya ito dahil naalala ni Axcel ang mga pinag sasabi ni Car
Sa dami nang mga Babaeng obsess sa mga branded na bagay tiyak na hindi lang sya ang may panty na ganoon kahit limited edition pa yon na tawagin."Syaka come on Carmela! Hindi mo pag mamay ari ang mundo para ikaw lang ang taong meron sa Isang bagay. Tignan mo naman ang lalaking pinakasalan mo at pinanganak na may gintong kutsyara sa bibig. Kulang na nga ay isusubo na ang ginto sa lalaking yon eh!" Pag kukumbinsi nya sa kanyang sarili. Kagabi nga ay tabi silang dalawa nang lalaki matulog pero hindi nya mahalintana ang pagiging uncomfortable dahil lumilipad ang kanyang isipan na baka si Axcel nga ang Ama ni Cody. Pero napaka imposible naman nang kanyang mga iniisip dahil may mga taong mag kakamukha pero hindi naman mag ka ano-ano. Siguro ay sinwerte lang sya na gwapo ang anak or dahil siguro gwapo din ang kanyang Ama na hindi nya kilala. "Ewan ko ba sayo Carmela at kung ano anong pumapasok sa utak mo! Focus ka lang sa mga pwede mong gawin ngayon para kaayawan ka nang lalaki!" Sita nya
Naunang pumasok sa loob nang Mansion si Axcel na may hindi maipintang mukha gawa ng pag aalala na napalitan nang galit na kalaunan napalitan din ng hiya matapos nyang pag selosan ang kaibigan. Sa likudan naman nya ay si Carmela na hanggang ngayon ay naka ngiti matapos mapagtantu kung bakit ganoon ang reaksyon ni Axcel. "There you are! We're worried sick Pearlyn. Ang akala namin ay nawawala ka so we conduct a search and rescue to find you. Thank goodness and you're all right". Nag aalalang dalo sa kanya ni Mama Aegin. Hinawakan sya sa kamay nang kanyang mother in law habang sinusuri sya mula ulo hanggang paa. Nang makita nito ang sugat sa kanyang paa, gumuhit ang nag aalalang Mukha ng matanda. "Ayo-s lang po ako". Utal na sabi ni Carmela. Inunahan nya na magsalita si Aegin dahil hindi naman malalim ang kanyang galos. Walang wala nga ang sugat nya ngayon sa sugat nya noong nag hahabulan sila ni Cody sa New York. Kumbaga normal lang na galos ang natamo nya ngayon. Napatingin sya sa g
"Baby..." Unti unting minulat ni Carmela ang kanyang mata mula sa pang gigising sa kanya ni Axcel. Mula sa naniningkit nyang mga mata. Agad itong nanlaki nang makita ang hubad na katawan ni Axcel. Agad syang napa upo sa gulat ngunit mas lalo syang nagulat nang yumakap sa kanyang hubad na katawan ang malamig na hangin nang Aircon. Dali dali nyang dinampot ang kumot upang takpan ang kanyang katawan. "You're so silly wifey, don't worry nakita ko naman na ang mga tinatago mo" Natatawa at mapang asar na wika ni Axcel.Tumayo ang lalaki at halos hugasan na ni Carmela ang kanyang eye balls nang alcohol nang makita ang manoy nang lalaki na hindi na buhay. Namula si Cheska at naiinis na kinuha ang unan sa kanyang tabi at binato ito sa Ari ni Axcel. "What the hell-" He uttered due to shocked. "Mag pants ka nga! Magkaroon ka naman nang kahit katiting bakas nang hiya sa katawan. Hindi yong layaw mo lang ang sinusunod mo!" Reklamo nya pero hindi nya naman magawang tanggalin ang kanyang tingin
Akala nya iba ang pamilya nang mga Mostrales sa mga matapobreng pamilya gaya nang kanyang kinalakihan. Ngunit nag kakamali sya, dahil pare pareho lang pala sila. Parehong mayaman at sariling resputasyon ang iniisip. Hindi nya tuloy kayang pigilan ang kanyang sarili na mag tanong, "Bakit kapag mayaman ok lang na gawin ang mga bagay na mali? pero kapag mahihirap ang gumagawa nang mga bagay na ganoon ay mas napapamukha sa kanilang masama silang tao?"Kung pwede lang sigurong sumagot ang hangin ay sasagot ito. Mas nararamdaman tuloy ni Carmela ang pang liliit sa kanyang sarili. Minumulto na sya nang kalungkutan at na mi miss nya na ang kanyang anak. Sa tuwing nakakaramdam sya nang lungkot ang madalas nya lang kaagapay ay ang kanyang anak dahil si Cody ang source nang kanyang lakas. Literal na nga na sa mga katulad nyang Ina ang kanilang primary source of motivation para mag patuloy ay ang pamilya. Ngunit sa lagay nya, si Cody lang ang kaya nyang tawaging pamilya. Kasalukuyan syang nasa