"What? Why so sudden?" Gulat na tanong ni Tristan kay Axcel ng sabihin nitong gusto nyang pakasalan ang naka blind date nyang Babae kagabi.
"Because she's the only woman who can make me smile and laugh sa unang pag kikita palang". Mga salitang gusto nyang isagot na itinago nya nalang sa kanyang sarili. "She's so honest and one thing that I like about her is her confidence and how she speak her mind. Nagiging totoo sya sa sarili nya". Tipid nyang sagot. "Paano naman ang pinapahanap mong Babae?" "You can still continue finding her. I'll keep my promise that I'll invest at your company if you found her". Gusto lang malaman ni Axcel kung sino ang Babaeng naka one night stand nya noon at kung nasa maayos ba itong kalagayan ngayon . Nang sabihin nga ni Axcel ang magandang Balita kagabi sa kanyang Lolo ay agad nitong pina ayos ang venue ng kasal at simbahan. Muli nanaman syang napa ngiwi ng maalala nya ang sinabi ng Babae kagabi tungkol sa kanyang Lolo. "Siguro nga ay may Babae nang naka hanap ng kiliti mo" Nang aasar na ani ni Tristan habang pinag mamasdan si Axcel na hanggang tenga ang ngiti. "Did you know the word, talbos ng labanos?" Tanong nya nang maalala ang sinabi ni Carmela kagabi sa kanya. Alam nyang isa itong pagkain, pero hindi nya maisip kung bakit sya sinabihan ni Carmela na mukha syang talbos ng labanos. Siguro ay gaya ng pagkaing yon ay nasasarapan ang Babae na makita sya? Napa ismid sya. Wala na talagang tatalo sa kanyang ka gwapuhan. "Saan mo naman yan narinig?" Nag tatakang tanong ni Tristan. "Sinabi nang soon to be wife ko na mukha akong talbos ng labanos. I don't know what type of food is that but I know sa isang tingin palang sakin natatakam na sya" Bumulaslas ng malakas na tawa si Tristan. Sa sobrang pagiging mahangin ni Axcel, hindi nya na namalayang kinu kutya na sya ng kanyang ka blind date. Nakaramdam ng pagka irita si Axcel dahil kay Tristan. "What ever it is, the important thing is that she will be my wife tonight." Naninigurado at patapos nyang pag sasalita. *** Nabalikwas sa pagkakahiga si Carmela sa kanyang kama ng tumunog ang kanyang cellphone. Napa upo sya nang makitang si Pearlyn ang tumatawag. "Lintik ka talaga ang sabi ko sa'yo ay gawin mo ang lahat para hindi ako pakasalan ng lalaki!" Bungad na sigaw ni Pearlyn sa kabilang linya nang sagutin nya ang tawag. Nawala ang nararamdaman na antok ni Carmela sa narinig. Ibig bang sabihin nito ay gusto syang pakasalan ng lalaki? Teka lang... kung papakasalan sya ng lalaki malalaman nito na hindi sya si Pearlyn. "Ginawa ko naman ang lahat Ate. Umakto akong gold digger, nilait ko rin ang itsura nya, kung ano anong salita din ang mga binitawan ko sa kanyang pamilya at nagpanggap din ako na madami nang dumaan sa akin na lalaki. Syaka isa pa pala tungkol sa lalaki hindi naman sya matanda -" Naputol ang kanyang sasabihin. "Wala akong pake! Hindi ako papatol sa mga taong pwede ko ng maging Lolo sa pangit at kunat. Kasalanan mo ang lahat ng 'to, Carmela! You should take full responsibility to it!" Nangangalitngit na wika ni Pearlyn. "Teka lang naman Pearlyn-" "Marry him. Pakasalan mo sya and I'll make sure that I will take a full responsibility to your son's therapy expenses." "Pero paano kapag nalaman nyang hindi ako ikaw?". Takot nitong tanong. Sino ba naman ang hindi matatakot kung ganoon kayaman ang lalaking pag sisinungalingan nya. Sa yaman ni Axcel, ni kaluluwa nya ay kaya na nitong bilihin. "Ako na ang bahala sa mga yan, for the mean time you need to cover me up. Babalik din lang ako jan sa Pilipinas once I'm ready to face the reality. I'm sure naman na mabilis ka nyang matatanggal kapag nalaman nyang palabas lang ang lahat. Syaka once na nakapag invest na ang Mostrales sa kompanya ni Dad , wala naman na silang magagawa kundi tanggapin ako at palayasin ka para makapag sama na kayo ng anak mo. At mag sama ang dalawang makapanyarihang pamilya. Let's say Isang taon ka lang jaan na mag titiis?" Bakit parang andali lang para kay Pearlyn na sabihin ang mga ganitong salita? Totoo ngang makapanyarihan din ang pera para pagalawin ang Isang tao. Gaya nalang ng ginagawa nya ngayon. Nag papaka alipin sa salapi. "Paano si Arkin?" Napa tingin sya sa anak na mahimbing na natutulog. Hinaplos nya ang malambot na mukha ng anak. "Hindi ko naman responsibilidad ang anak mo Carmela, pero dahil mawawalay ka sa anak mo habang nag papanggap bilang ako. Sige na nga, ako na ang bahalang mag tatago sa kanya. I'm thinking of hiding your son in the hospital habang wala ka. Mas matututukan din ang anak mo sa hospital dahil mga high end doctor ang mag aalaga sa anak mo. You don't have to worry, I'll make a way out of it." Pag bibigay assurance ni Pearlyn sa kanya bago nito patayin ang tawag. Mawawalay sya sa anak ng ilang buwan, pero para rin ito sa ikabubuti ni Cody. "Good morning Mommy" Malambing na bati sa kanya ni Cody nang magising ang Bata. "Why are you crying?" Inosente nitong tanong sa kanya. Hindi nya namalayan na umiiyak na pala sya habang pinapakatitigan ang Bata. "Anak, do you want to stay to the hospital?" Ngumiti ang anak sa narinig. "I can stay to the hospital na Mommy?" Excited nitong tanong na tinanguan nya. Simula dati palang ay isa na sa pangarap ni Cody na manirahan sa hospital hanggang sa gumaling sya. Ngayon ay hindi na sila mag aalinlangan na hindi makakapag chemo therapy si Cody dahil kapos sa pera. "The Doctors will look after you. They are a great Doctors anak... Gagaling kan-a". Nabasag ang boses nya sa huli nyang sinabi. Nahulog na sa kanyang mata ang pinipigilan na luha. "But we need to separate our ways Anak... Mommy needs to work while you're staying their". Umiiyak nyang sabi habang iniisip na aabutin ng ilang Linggo bago nya makita ang anak. Iniisip nya palang ang magiging sitwasyon nilang mag Ina ay sinasakal na sya. Nalungkot ang mata ni Cody habang pinapanood ang Ina. Niyakap nya si Carmela, "It's ok Mommy... You need to work para may pang bayad tayo sa mga gastusin at para gumaling ako... I promise Mommy while you're away, gagaling po ako..." Bata palang ang kanyang anak pero napaka maunawain nito. Talikuran man si Carmela ng mundo, may ipinag kaloob naman sa kanya na Isang munting anghel na naiintindihan sya. Hinalikan ni Carmela ang ulo ng anak. "Lalaban tayong dalawa anak, gagawa ako ng paraan para gumaling ka at mabigyan ka ng maayos na Buhay... Gagawin ni Mommy lahat para sa'yo. Mahal na mahal kita Cody..." Humihikbing wika ni Carmela. Matapos nyang kausapin pa ang anak at ipa intindi kay Cody ang lahat ay nag impake na sya ng mga gamit ng anak. Inihatid nya na rin si Cody sa hospital. Hindi nga nag bibiro si Pearlyn dahil Isang private hospital na may magagaling na mga professionals ang mga meron duon. Mas lalong nakaramdam ng haplos sa kanyang puso nang makita ang anak na tuwang tuwa dahil alam nyang gagaling na sya at makakapag sabayan na sa normal na mga Bata. Marami rin ang mga kagaya ni Cody na cancer patients na ka edad nya kaya hindi mararamdaman ng anak ang pag iisa. Matapos makapag paalam sa anak ay mula sa hospital sumakay sya ng taxi upang bumalik sa kanilang apartment. Sa gitna ng byahe ay biglang may tumawag. Hindi nya na tinignan kung sino iyon dahil alam nyang si Pearlyn lang naman ang nakaka alam ng number nya. "Pearlyn, hindi ko ata kakayanin na magpakasal sa taong hindi ko naman mahal." Hindi ko kayang makita ang sarili kong naka tali sa lalaking wala naman akong nararamdaman. Susunod ako sa usapan namin na mag papanggap ako ngunit hindi ibig sabihin non ay kaya kong gampanan ang pag papanggap. Halos mabingi si Carmela at mabitawan ang cellphone ng marinig ang tawa ni Axcel. Ilanh segundo bago sya bumalik sa reyalidad at tinignan ang screen ng kanyang cellphone kung si Axcel nga ba 'yon. Sh!t! Ibang number ang tumawag sa kanya! Papaano nya nakuha ang cellphone number ni Carmela? "Chill baby, hindi pa tayo nag papakasal ay kinakausap mo na agad ang sarili mo...." Biglang natahimik ang kabilang linya. Habang hinihintay nya ang susunod na sasabihin ni Axcel ay hindi magkamayaw ang tibok ng kanyang puso. "Imposibleng wala kang naramdaman sa akin noong una tayong nag kita. Don't worry I'll make you fall for me over and over again. Until you become crazy about me". Mapag larong sabi ni Axcel.Tonight was so magically unrealistic. Sa bilis ng pagtakbo ng oras, ngayong gabi ay naka suot na ng magarbong wedding gown si Carmela. Naka suot na rin ang kanyang belo sa ulo. Nanginginig ang kanyang buong katawan nang mag simula nang tumugtog ang paborito nyang kanta. Dream come true nga na lalakad sya sa kanyang kasal habang tumutugtog ang paborito nyang kanta, pero hindi naman ang kanyang Dream guy ang kanyang papakasalan. "Para kay Cody." Mahinang bulong nya para patatagin ang loob. Ang venue ng kanilang kasal ay sa malawak na hardin na punong puno nang magaganda at iba't ibang kulay ng mga bulaklak at halaman. Garden wedding ang theme ng kasal. Bawat detalyo ng kanilang kasal ay kuhang kuha sa kanyang gusto, parang fairytale na kahit kailan man ay hindi nya inaakalang magkaka totoo, parang Isang panaginip na gusto nyang magising at hindi. Maraming mga paro-paro na hindi magkamayaw sa paglipad sa liwanag na bilog na buwan. Kasabay ng mga ilaw na kumukutitap na parang mga bitwin
Pinapanood ni Carmela sa labas ng bintana ng sasakyan ang bawat daananang kanilang binabaybay. Ngayon ay uuwi sila sa mansion ng mga Mostrales. Nasisigurado nyang malapit na sila sa kanilang distinansyon nang matanaw sa hindi kalayuan ang malaking gate na may nakasulat na, "Mostrales De Familia". Kanina pa pinag mamasdan ni Axcel si Carmela na parang hindi ito mapakali sa kanyang kinauupuan at mistulang gusto na nitong bumaba ng sasakyan. Tumingin sa kanya si Carmela at nang mahuli syang naka tingin sa kanya ay tinaasan lamang sya nang kilay nang Babae. Palihim na napangiti si Axcel sa inasta ni Carmela. "Kita mo nga naman ang Babaeng ito. Matapos ko syang matiklop kagabi ay may lakas pa syang sungitan ako". Ani nya sa kanyang isip. Nang magising nga sila kaninang umaga matapos ang mainit at mapusok na pag sasalo nila kagabi ay halos ibato na ni Carmela ang bed lamp kay Axcel. Hindi rin sya pinapansin nang Babae nang asarin nya ito dahil naalala ni Axcel ang mga pinag sasabi ni Car
Sa dami nang mga Babaeng obsess sa mga branded na bagay tiyak na hindi lang sya ang may panty na ganoon kahit limited edition pa yon na tawagin."Syaka come on Carmela! Hindi mo pag mamay ari ang mundo para ikaw lang ang taong meron sa Isang bagay. Tignan mo naman ang lalaking pinakasalan mo at pinanganak na may gintong kutsyara sa bibig. Kulang na nga ay isusubo na ang ginto sa lalaking yon eh!" Pag kukumbinsi nya sa kanyang sarili. Kagabi nga ay tabi silang dalawa nang lalaki matulog pero hindi nya mahalintana ang pagiging uncomfortable dahil lumilipad ang kanyang isipan na baka si Axcel nga ang Ama ni Cody. Pero napaka imposible naman nang kanyang mga iniisip dahil may mga taong mag kakamukha pero hindi naman mag ka ano-ano. Siguro ay sinwerte lang sya na gwapo ang anak or dahil siguro gwapo din ang kanyang Ama na hindi nya kilala. "Ewan ko ba sayo Carmela at kung ano anong pumapasok sa utak mo! Focus ka lang sa mga pwede mong gawin ngayon para kaayawan ka nang lalaki!" Sita nya
Naunang pumasok sa loob nang Mansion si Axcel na may hindi maipintang mukha gawa ng pag aalala na napalitan nang galit na kalaunan napalitan din ng hiya matapos nyang pag selosan ang kaibigan. Sa likudan naman nya ay si Carmela na hanggang ngayon ay naka ngiti matapos mapagtantu kung bakit ganoon ang reaksyon ni Axcel. "There you are! We're worried sick Pearlyn. Ang akala namin ay nawawala ka so we conduct a search and rescue to find you. Thank goodness and you're all right". Nag aalalang dalo sa kanya ni Mama Aegin. Hinawakan sya sa kamay nang kanyang mother in law habang sinusuri sya mula ulo hanggang paa. Nang makita nito ang sugat sa kanyang paa, gumuhit ang nag aalalang Mukha ng matanda. "Ayo-s lang po ako". Utal na sabi ni Carmela. Inunahan nya na magsalita si Aegin dahil hindi naman malalim ang kanyang galos. Walang wala nga ang sugat nya ngayon sa sugat nya noong nag hahabulan sila ni Cody sa New York. Kumbaga normal lang na galos ang natamo nya ngayon. Napatingin sya sa g
"Baby..." Unti unting minulat ni Carmela ang kanyang mata mula sa pang gigising sa kanya ni Axcel. Mula sa naniningkit nyang mga mata. Agad itong nanlaki nang makita ang hubad na katawan ni Axcel. Agad syang napa upo sa gulat ngunit mas lalo syang nagulat nang yumakap sa kanyang hubad na katawan ang malamig na hangin nang Aircon. Dali dali nyang dinampot ang kumot upang takpan ang kanyang katawan. "You're so silly wifey, don't worry nakita ko naman na ang mga tinatago mo" Natatawa at mapang asar na wika ni Axcel.Tumayo ang lalaki at halos hugasan na ni Carmela ang kanyang eye balls nang alcohol nang makita ang manoy nang lalaki na hindi na buhay. Namula si Cheska at naiinis na kinuha ang unan sa kanyang tabi at binato ito sa Ari ni Axcel. "What the hell-" He uttered due to shocked. "Mag pants ka nga! Magkaroon ka naman nang kahit katiting bakas nang hiya sa katawan. Hindi yong layaw mo lang ang sinusunod mo!" Reklamo nya pero hindi nya naman magawang tanggalin ang kanyang tingin
Akala nya iba ang pamilya nang mga Mostrales sa mga matapobreng pamilya gaya nang kanyang kinalakihan. Ngunit nag kakamali sya, dahil pare pareho lang pala sila. Parehong mayaman at sariling resputasyon ang iniisip. Hindi nya tuloy kayang pigilan ang kanyang sarili na mag tanong, "Bakit kapag mayaman ok lang na gawin ang mga bagay na mali? pero kapag mahihirap ang gumagawa nang mga bagay na ganoon ay mas napapamukha sa kanilang masama silang tao?"Kung pwede lang sigurong sumagot ang hangin ay sasagot ito. Mas nararamdaman tuloy ni Carmela ang pang liliit sa kanyang sarili. Minumulto na sya nang kalungkutan at na mi miss nya na ang kanyang anak. Sa tuwing nakakaramdam sya nang lungkot ang madalas nya lang kaagapay ay ang kanyang anak dahil si Cody ang source nang kanyang lakas. Literal na nga na sa mga katulad nyang Ina ang kanilang primary source of motivation para mag patuloy ay ang pamilya. Ngunit sa lagay nya, si Cody lang ang kaya nyang tawaging pamilya. Kasalukuyan syang nasa
Hindi kaagad nakapag salita si Carmela sa narinig... Alam na nang matanda na sya si Carmela at hindi si Pearlyn? Hindi sya makapag salita dahil sa sarit saring emosyon na kanyang nararamdaman. Papaano na sya ngayon? Nahuli na sya? Ano nalang ang mararamdaman ni Axcel kapag nalaman nya ang totoo? Hindi 'to maari... at bakit si Axcel pa ang kanyang iniisip sa mga oras na 'to at hindi ang kanyang kalagayan. Pinaikutan sya nang matanda. Napa pikit si Carmela nang huminto si Gramps sa kanyang likudan. Ramdam nya ang bawat bigat nang hininga nito. "Simula nong unang nag panggap ka bilang ang iyong kapatid..." Huminto ito sa pag sasalita kasabay nang pag pigil nya sa pag hinga. "Alam na alam ko na ang pag papanggap na ginagawa mo. Alam ko ang mga impormasyon sayo mula ulo hanggang paa. Nakakapag taka lang.... dahil nung pina imbestigahan kita may mga butal na impormasyon. Gaya nalang ng kung sino ang Tatay nang anak mo"Hindi sya nakapag salita dahil kahit mismo sya ay hindi nya kilala ang
GRAMPS POINT OF VIEW: Something is fishy. Nakakapag taka. Hindi na co accident ang mga pang yayari. Pasikat na ang araw pero hindi ko pa rin makuha ang tulog ko at kanina pa ako nag iisip isip. "This is the only way to know the truth". Bulong ko habang pinag mamasdan ang hibla ng buhok na pasimple kong kinuha kay Cody ng haplusin ko ang kanyang ulo. Kanina nga ay para akong naka kita nang multo at napabalik sa nakaraan noong inaalagaan ko si Axcel dahil pareho sila ng resemblance. Noong mga nakaraang Araw ay pina imbestigahan ko sya. Oo at alam kong sya ang foster daughter ng Ejercito Family pero nakakapag taka lang na nag papanggap sya bilang si Pearlyn. Tama lang ang ginawa kong pa imbestigahan sya dahil maski si Pedro ay hindi nito alam na may anak na ang kanyang Apo. Nang umalis ito nang Bansa ay wala na silang naging koneksyon kaya naman masaya ang aking kaibigan nang malaman nyang nag balik na si Carmela sa Pilipinas. "Nalaman ko kay Tristan na may pinapa imbestigahan si Ax
"H'wag mo nang uulitin yon ha?" Malumanay nyang wika habang pinupunasan ang buhok ng Asawa. Katatapos lang nitong maligo. Pagkatapos nilang mahanap si Axcel ay para silang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Kasalukuyan silang nasa kama ngayon, nasa harap nya si Axcel na naka higa sa kanya habang pikit ang mga mata. Ninanamnam nya ang bawat sandali ng punas ni Carmela sa hibla ng kanyang buhok. Tumango ang lalaki, "I wil-l not do it agai-n." He firmly said with a full of assurance na hindi nya na nga uulitin ang kanyang ginawa.Paniguradong ipapa alala ng kanyang kapatid at dating mother in law ang mga ginawang masama sa kanya ni Axcel para ang lalaki na ang lumayo. Ngayong alam nya na ang taktiks ng dalawang demonyo ay mas magiging maingat pa sya mas lalo kung patungkol ito kay Axcel dahil mabilis lang ma trigger ang lalaki. Kung pwede nya lang i-rugby ang kanyang sarili sa lalaki ay gagawin nya para hindi sila mapag hiwalay dito sa loob ng Mansion. Napag alaman nya ring kaya talaga
Matapos nyang kunan ng meryenda ang mga Promises ay bumalik na sya sa loob ng kanyang kwarto. Abala ba naman ang mga lalaki sa pag pupusta ng manok online. Kaya heto at sa tuwing nananalo sila sa pusta ay nag hihiyawan sila. Masaya naman sya dahil nakikita nyang tumatawa ang kanyang Asawa, pero ewan ba nya at naiinis din sya dahil tinuturuan ng mga Promises ang kanyang Asawa sa ibang uri ng sugal. Napapa hilot nalang talaga sya sa kanyang sintido. Para saan pa na nananalo sila ng 500? kung barya lang naman ito sa kanila. Timpak timpak ang kanilang mga pera pero halos lahat ng bagay babaratin na ata nila. Sabagay at mga negosyante nga naman. "Kaya siguro niregaluhan nila ng manok si Axcel" napa ngiwi nalang sya sa kanyang iniisip. Muli nyang binalingan ng tingin ang malaking larawan ni Gramps. Hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Bruce kanina. Paulit-ulit pa rin nya itong naririnig. Pagak syang natawa, "Sa dami ng pasikot sikot dito sa Mansion paano ako makakah
Nagising nalang si Carmela sa sinag ng Araw na tumatama sa kanyang mukha. Iminulat nya ang kanyang mata na may pagtataka dahil naka higa na sya sa kama. Matapos ang eksena kagabi ay hindi sya tumabi sa kama kasama si Axcel. Sa couch sya natulog at nakalimutan nya na ngang buksan ang drawer dahil umiinit ang kanyang ulo matapos makita ang kanyang ex mother in law. Dinaig nya pa ang uling na nag aapoy sa inis."Good mornin-g!""AY KABAYO!" Napatayo sya sa gulat at matalas na tinignan si Axcel. Kahit kapapasok lang nito sa kanyang kwarto at may ilang kilometro silang distansya naamoy nya na ang mabangong lalaki. Paano ba naman at bagong ligo ito naka ayos ito ngayon. Natawa si Axcel sa kanyang reaction."Walang nakakatawa!" Inayos nya ang kanyang hinigaan. "Anong oras darating ang mga kaibigan mo?" Nag text ang mga Promises na pupunta sila ngayon dito sa Mansion at nong tanungin nya kung anong oras, wala man lang ni Isa sa kanila ang sumagot! Dinaig pa nila ang mga famous na artista
"Axcel!" Sita ni Carmela sa lalaki. Paano ba naman at simula kaninang umaga ay palagi nang naka buntot sa kanya ang lalaki. Hindi lang yon dahil parang mas naging maalaga pa ito sa kanya. Nalilito na tuloy sya kung sya ba ang mag aalaga sa lalaki o si Axcel ang mag aalaga sa kanya. Nandito na sila sa taas ng Mansion dahil anong oras na rin ng gabi. Kailangan na nilang matulog dahil bukas mag sisimula na nyang turuan ang lalaki. Kailangan nila ng sapat na tulog para masigla sila bukas. "Gusto kitan-g katabi, maha-l" mala Bata nitong wika. "Hindi ako pumunta rito sa Mansion para tabihan kang matulog, Axcel. Pumunta ako rito para tulungan kang maka recover —""Bak-a maka recove-r ako ng mabili-s kung k-atabi kita—""No Axcel!""Pleaseee-e, asawa ko~"Parang si Arkin lang ang datingan kung may ipapabiling lalaruan! Malamang sa malamang dahil mag Ama sila. "Hindi ka pa ba nag sasawa? Katabi mo ako sa hapag kainan, sa sala, sa veranda at kung saan saan pa. Kulang nalang ay kumandong kan
Tulala sa kawalan si Axcel habang paulit ulit na umalingawngaw sa kanyang tenga ang kanyang mga narinig kanina sa kusina. Mapupungay ang kanyang mata habang ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa takot. Napasabunot sya sa kanyang sarili dahil kanina nya pa pinipilit na maka alala. Namumula ang kanyang buong mukha. "Toto-o ba ang sinabi sa aki-n nina Mam-a nong nakaraa-n sa hospita-l?" Nanginginig nyang tanong sa kanyang sarili. Kung totoo man na sya ang rason kung bakit umalis si Carmela noon ay baka ni kanyang sarili ay hindi nya mapatawad. "A-ano ba an-g nagaw-a ko?..." Muli nyang sinabunutan ang kanyang sarili, ngayon naman ay halos matanggal na ang ibang hibla ng kanyang buhok sa kanyang anit. Nang hindi sya maka alala ay hindi sya nag dalawang isip na suntukin ang kanyang ulo. Paulit-ulit nya itong ginagawa habang sinasabi ang katagang, "natatako-t ako..." Takot na takot sya. Pakiramdam nya ay sobrang dilim ng kapaligiran kapag gusto nyang alalahanin ang mga nangyari sa naka
Kinaumagahan ay maagang bumangon si Carmela sa kanyang kama upang mag ayos ng kanyang sarili. Pagkatapos nyang maligo at mag bihis ay lumabas na sya ng kanyang kwarto. Naglalakad sya sa hallway ng biglang mag bukas ang isang kwarto malapit sa hagdan at yon ang dati nilang kwarto ni Axcel. Natigil sya sa pag lalakad ng mag tama ang mata nilang dalawa ni Axcel na kapwa gulat ng makita ang isa't isa. Sumingaw ang magaang ngiti ng lalaki na nagpatibok sa kanyang puso, "Magan-da a-ng umag-a ko nga-yon dahi-l ikaw ang un-a kong makikit-a. I thought I wa-s just d-dreaming that you're her-e, pero andito kana ng-a pala. Hind-i na panagini-p ang l-lahat... hanggang sa panagini-p ko kasi ika-w lang a-ng lama-n."Kumunot ang kanyang nuo, bakit mukhang bumabanat ngayon ang lalaki? At syaka paano nya nasasabi ang mga salitang ito ngayon? eh hindi ba at tabi sila ni Pearlyn na natutulog?She unintentionally rolled her eyes, "Ako una mong makikita? Anong tingin mo kay Pearlyn? Multo?" Hindi naman s
"B-buti at u-umuwi k-kana dito sa Mansio-n" masayang ani ni Axcel habang yakap sya. Mag iilang minuto na silang magkayakap pero hindi pa rin kumakalas ang lalaki. Nararamdaman nya ang saya nito sa kanyang boses ng makita sya. Kusang lumipad ang kanyang palad sa likudan ng lalaki para suklihan ng magaang yakap si Axcel. "Ka-kahapon pa kit-a hinihinta-y... g-gusto na kasi kitan-g makita, sabik na sabik akong maka sama ka uli-t." Hindi nya inaasahang ganito ang uri ng pananalita ni Axcel. Ang dating tuwid at baritono nitong boses ngayon ay nagkakanda utal utal kahit pinipilit nitong mag salita ng maayos. Ang kanyang madilim na tingin ay lumipat kay Pearlyn na hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang mga mata dahil sa biglaan nyang pag dating. Hindi nito alam ang kanyang gagawin at nanginginig ito sa takot. Bahaw syang ngumiti sa kapatid. Bakit kaya mukhang natatakot ito ng makita sya? Nasaan na ang Pearlyn na palaban? Sumanib na ba sa kanyang katawan ang palabang Pearlyn? Makalipas a
"Tatanungin ulit kita... Are you sure about that?" Nang tatansyang tanong sa kanya ni Jaren. Napakagat sya sa kanyang pang ibabang labi at dahan dahang tumango, "Napag usapan naman na natin 'to hindi ba?"Napalunok si Jaren. Nakikita sa mata ng lalaki ang pag aalala para sa kanya. Naiintindihan naman ito ni Carmela dahil alam nyang papasukin nya nanaman ang magulong mundo ni Axcel. Hindi lang 'yon dahil kinumbinsi sya ni Tristan na muling manatili sa Mostrales Mansion. Binalingan nya si Arkin na abala sa pag aayos ng kanyang mga gamit na dadalhin sa hospital. Karamihan ng nilalagay nya sa kanyang bag ay mga laruan dahil ani ng Bata ay makikipag laro sya sa ibang pasyente. Nang tanungin nila ni Jaren si Arkin kung gusto ba nitong manatili sa poder ni JohnRobert at mag bakasyon sa Japan ng ilang buwan o kaya naman sumama kay Jaren sa hospital, mas pinili ni Arkin na manatili sa hospital. Sabi pa nga ng Bata ay para may makalaro ang mga batang pasesyente duon. Excited tuloy ang bata, p
Napahilot sa sintido si Tristan at halos iumpog nya na ang kanyang ulo sa harap ng manibela ng sasakyan. "Ano ba ang mga pinapasok mo Tristan!" Sigaw nya sa kanyang sarili. Hindi pa sya nakuntento sa pag untog nya at sinabunutan nya pa ang sarili. Nababaliw na ata sya. "Susunod na ata ako sa pagiging baliw ng kaibigan natin" hindi makapaniwala nyang ani. Natawa si JR na nakaupo sa tabi ng driver seat ng kanyang kotse. "Anong nakakatawa!? Nakakatawa bang panoorin akong nag dudusa at nagiging alipin ng ulupong na yon!" Pag mamaktol nya na mas lalong ikina hagalpak ng tawa ni JohnRobert. "Ginusto mo yan eh, ikaw ba si Jollibee? Ibang klase! Pabida ka kasi. Alam mo kung sino ang dapat sisihin sa sitwayong pinasukan mo? Walang iba kundi ang sarili mo. Akala mo ata ikaw si Superman para sagipin si Axcel. Mas sweet ka pa sa kanya kesa sa magiging Asawa mo." Napabuntong hininga si Tristan, "Hindi na ako makapag focus sa sarili kong buhay. Naging baby sitter na ako ng baby damulag na yon!