GRAMPS POINT OF VIEW: Something is fishy. Nakakapag taka. Hindi na co accident ang mga pang yayari. Pasikat na ang araw pero hindi ko pa rin makuha ang tulog ko at kanina pa ako nag iisip isip. "This is the only way to know the truth". Bulong ko habang pinag mamasdan ang hibla ng buhok na pasimple kong kinuha kay Cody ng haplusin ko ang kanyang ulo. Kanina nga ay para akong naka kita nang multo at napabalik sa nakaraan noong inaalagaan ko si Axcel dahil pareho sila ng resemblance. Noong mga nakaraang Araw ay pina imbestigahan ko sya. Oo at alam kong sya ang foster daughter ng Ejercito Family pero nakakapag taka lang na nag papanggap sya bilang si Pearlyn. Tama lang ang ginawa kong pa imbestigahan sya dahil maski si Pedro ay hindi nito alam na may anak na ang kanyang Apo. Nang umalis ito nang Bansa ay wala na silang naging koneksyon kaya naman masaya ang aking kaibigan nang malaman nyang nag balik na si Carmela sa Pilipinas. "Nalaman ko kay Tristan na may pinapa imbestigahan si Ax
Tanghali na nang magising si Carmela dahil sa puyat. Pag mulat ng kanyang mata ay mukha na ni Axcel ang bumungad sa kanya. Simula nang magising si Axcel, wala na syang ibang ginawa kundi pag mamasdan ang mahimbing na pag tulog ni Carmela. Napa upo si Carmela at inayos ang buhok. Alam nyang mukha syang sinabunutan nang tatlong unggoy sa tuwing babangon sya mula sa pagkaka tulog. "Stop staring at me!" Nahihiya nyang sabi habang tinatakpan ang kanyang mukha. "I can't help it Baby, you're so adorable". Puri naman sa kanya ni Axcel. Napa tingin sya sa side table nang maamoy ang pagkain. Kinuha ni Axcel ang bed table at inayos ito sa kama. Nilagay nang lalaki ang pagkain doon. "You should eat breakfast na. After you eat you get ready. Ayaw kong naka kulong kalang dito sa Mansion kaya mamamasyal tayo. Is there a place that you want to go?" Napa isip sya. May gusto ba syang puntahan? Bukod sa hindi sya pala labas na tao. Nasanay lang syang naka kulong sa bahay at nag babasa ng libro kes
"Kumalma kana at syaka isa pa hindi nya alam na mag asawa tayong dalawa" Pag papakalma nya kay Axcel habang hinahaplos ang braso ng lalaki. Ang cute tuloy ngayon tignan ni Axcel dahil mukha syang batang devil dahil sa hairband na suot na sinasaniban ng selos. "Bulag ba sya o gusto nyang bigyan ko sya ng rason para mabulag at tuluyan nyang hindi mapansin na may kasama ka." Punong puno ng selos nitong wika. "Sinabi na nga nya, hindi nya alam na Asawa kita dahil napag kamalan ka nyang kuya ko... He also made it clear naman na kung kuya kita e hihingin nya ang kamay ko sa'yo. I like his confidence." Natatawa at may pang aasar sa boses ni Carmela. Nag salubong ang kilay ni Axcel sa pang aasar nya. Bago pa man makakapag salita si Axcel ng kanyang pag mamaktol ay hinila na sya ni Carmela papunta sa tapat ng horror house. "H'wag kanang mag salita ng kung ano-ano. Words are to powerful atsyaka isa pa madami rin akong nakatingin sayo na mga Babae. Gusto kong tusukin mata nila isa isa pero
Nabingi ata si Carmela at wala syang marinig. Ano? Dito maninirahan si Shanaia? Bakit? Wala ba syang ibang matutuluyan? Kung titignan naman ay mayaman din ito kaya bakit sa dinami dami ng pwedeng maging tuluyan nya gaya ng hotel. Bakit dito pa sa mansion?Nasagot ang katanungan sa kanyang utak ng mag salita si Veronica. "Ever since umuuwi kami ni Shanaia dito sa Pilipinas lagi syang namamalagi dito sa Mansion. You know, never talaga kami mapag hihiwalay na dalawa. She's like my older sister na atsyaka ok lang naman sa inyo, hindi ba?"Hindi. Hindi ito ok kay Carmela dahil ngayon lakang nakikita nya na ang kakaibang awra ni Shanaia. Parehong pareho kay Pearlyn. "Of course Hija! Shanaia is like a member of the Mostrales family na nga eh". Makahulugang sabi ni Mama Aegin habang tumatawa ito. Bumaling si Shanaia kay Carmela. "I hope it's ok to you and I will not make you uncomfortable... Pearlyn right?" Nilahad ni Shanaia ang kanyang kamay. Tumingin doon si Carmela. Sa totoo lang ay w
Buong gabi na tahimik si Carmela. Kahit tabi silang natulog sa kama ay ramdam ni Axcel ang lamig ng gabi kahit nakayakap sya sa Asawa. Alam nyang nasaktan talaga nya ng labis si Carmela. Alam nya ang kanyang kasalanan at hindi sya nag huhugas kamay sa kanyang ginawa. Kinaumagahan ay nagising si Axcel na wala si Carmela sa kanyang tabi. Hindi sya sanay sa panlalamig ng Babae. Bumukas ang pintuan ng CR at iniluwal non si Carmela na katatapos lang maligo at naka palit. Hindi sya binalingan ng tingin. "Mahal" Tawag nya kay Carmela pero parang walang narinig ang Babae at diretsyo lang ito sa kanyang pag lakad palabas ng silid. Sinundan nya ang Asawa.Sa pag mamadali ni Carmela para maiwasan si Axcel hindi nya inaasahang matapilok sa hagdan. Sa pag aakalang babagsak sya sa susunod na baitang ng hagdan ay napa pikit sya ng mariin habang hinihintay ang kanyang pag bagsak. Ngunit makaraan ang ilang minuto ay wala syang naramdaman kundi ang braso na humahapit sa kanya."Got you". Bulong ng is
"It's a good thing that you regain your conscious Carmela. Lahat kami ay nag aalala. Hindi biro na limang araw kang walang malay. Halos baliktarin ni Axcel ang Mundo makahanap lang ng magaling na Doctor para ipatingin ka." Nahihiyang ngumiti ng tipid si Carmela. Pagka alis ni Axcel kanina ay agad namang pumasok si Gramps. Buti nalang at soundproof ang kwarto ng hotel kaya naman hindi narinig ng matanda ang pag tatalo nilang mag asawa. "Siguro ay dahil din po sa pagod ng katawan ko kaya natagalan ang pag kakaroon ko ng malay." Tumango si Gramps sa kanyang sinabi, "Marahil nga at ganoon Hija, this past few days nakikita kitang busy at madalas na puyat. Nangungulila ka nanaman ba kay Cody? H'wag kang mag alala Hija dahil lagi kong pinapatingin sa kaibigan kong Doctor ang anak mo. Kung minsan na wala rin akong ginagawa ay pumupunta ako sa hospital para makipag laro kay Cody..." Napahinto ang matanda ng ilang segundo at umalingawngaw ang baritono nitong tawa habang iniisip ang bonding
"Nakaka inis ka talaga Axcel!" Singhal ni Carmela habang nag lalakad papuntang elevator. Sinubukan nyang takpan ang namamaga nyang labi na may sugat sa pamamagitan ng makapal na pulang lipstick. Paano ba naman mukha syang nilantakan ng isang gutom na gutom na tigre. Nakakaramdam tuloy sya ng hapdi sa kanyang labi. "That will be your punishment." Hanggang ngayon ay naririnig nya pa rin ang boses ng Asawa sa huli nitong sinabi kanina. Oo at may nangyari nanaman sa kanilang dalawa at tinawag 'yon na punishment ni Axcel bago ito umalis na may malaking ngiti. "Nakalimutan ko pa naman ang pills ko sa Mansion". Simula ng sunod sunod ang nangyayari sa kanila ni Axcel sa kama ay bumili na sya ng pills at patago nya itong iniinom. Hindi naman din siguro magagalit si Axcel kung malaman nitong umiinom sya ng pills dahil napag usapan na nila ang pagkakaroon ng pamilya. Buti nalang at naiintindihan yon ng Asawa. Nang tumunog ang elevator ay lumabas na sya at nag lakad papuntang lobby. Sya nalang
Humanap ng maaring pag silungan si Carmela at yon ay sa isang malalaking bato. Muli nyang hinalughug ang kanyang bag at inilabas doon ang lighter. Kumuha rin sya ng mga tuyong dahon para sindihan nang makagawa sya ng apoy ay itinapat nya doon ang kanyang dalawang kamay para mainitan. Kahit masakit ang kanyang kamay ay pilit nyang pinunit ang kanyang manipis na damit para gawing bandage sa kanyang palad. Ramdam nya na ang lamig at ang panginginig ng kanyang laman loob. Niyayakap nya ang kanyang sarili. Nararamdaman nya na rin ang pag kalam ng kanyang sikmura dahil sa gutom pero wala rin naman syang ganang kainin ang mga biscuits na nasa loob ng kanyang bag. Ang kanyang utak ay lumilipad lang kay Axcel at Shanaia. Habang abala ang Asawa na alalayan si Shanaia sya naman itong nahulog. Hinahanap ba sya ngayon? Naka baba naba sila? Maayos naba kalagayan nila? O ipag papa bukas nila ang pag hahanap sa kanya dahil masyado nang gabi at malakas ang buhos ulan? May pumapatak na tubig ulan s
Kumuha ng ice si Carmela sa ref at inilagay ito sa kanyang eyebags."Ano ba ang nangyari sayo, Hija... Umiyak ka nanaman ba dahil napanaginipan mo si Cody?" Usisa sa kanya ni Nanay Emilda. Abala sila ngayon sa pag lalagay sa plato ng kanilang mga niluto. Tumingin si Carmela sa reflection nya sa ref, hanggang ngayon namamaga pa rin ang kanyang mata mula sa sumbatan nilang dalawa ni Axcel kagabi. Malusog ang kanyang eyebags. Paano ba naman at mga alas tres na sya ng madaling araw nakatulog tapos babangon pa ng 5:30 para tumulong sa pag luluto. "Opo" tipid nyang sagot. Alam na kasi ni Nanay Emilda na sa tuwing binibisita sya ng anak sa panaginip ay umiiyak sya, pero ngayon iba ang dahilan. Lumungkot ang mukha ng matanda, "Baka kasi kailangan mo na ring umusad... kung nahihirapan ka ngayon, tiyak na mas lalong nahihirapan ang anak mong tumawid sa kabilang buhay. Kailangan mong ipakitang maayos kana Carmela..." Tama ang sinabi ni Nanay Emilda, kailangan nya nang tanggapin ang mga nangy
Halos ipako na ni Carmela ang kanyang sarili sa upuan ng sasakyan. Kanina pa nanginginig ang kanyang tuhod simula ng maka alis sila sa restaurant. Hindi naman mukhang nag bibiro si Axcel sa kanyang sinabi. "Ano ba Carmela! Ilang beses nyo nang ginawa ang bagay na 'yon" pag sasabi nya sa kanyang sarili. Ngunit kahit ilang beses na nilang ginawa ang bagay na 'yon. Kakaiba ang kanilang sitwasyon ngayon kaya parang hindi nya na kayang gawin kasama ang lalaki."Hihintayin mo bang buhatin kita para lumabas ka jan?" May pag uutos sa boses ng lalaki. Hindi nya na namalayang kanina pa sila nakarating sa Mansion at heto pinag buksan pa sya ng Asawa ng pintuan. Salubong ang makapal na kilay nito. "Ah... eh" wala syang masabi na mas lalong ikina inis ng lalaki. "Kung gusto mong matulog dito sa sasakyan, then so be it..." Muli na sana nyang isasara ang pintuan ng napag desisyon na ni Carmela na lumabas, "lalabas din pala eh" bulong nya na may halong pang rereklamo. Pumasok na sila sa loob ng M
Humahangos syang binuksan ang pintuan ng opisina ni Axcel, nag aalala ang tingin ng Promises na naka baling sa kanya. Naglakad sya paloob halos matapilok na sya dahil sa pag mamadali. Ibinaba nya ang mga kape sa lamesahan, tagaktak ang kanyang pawis. "Oh bakit ngayon ka lang!?" Galit na si Axcel, as if hindi sya ang salarin sa pag babayad ng mga katabing coffeeshop para mag sara ngayong araw. Hindi lang 'yon dahil sya rin ang dahilan kung bakit hindi umaandar ang elevator dahilan kung bakit mas lalo pang naramdaman ni Carmela ang pagod dahil sa hagdanan sya dumaan, e nasa pinaka taas na palapag pa naman ang opisina ng Lalaki. "Wala kasi akong mabilhan na malapitang coffee shop kaya sa kabilang bayan pa ako napadpad. Hindi rin gumagana ang elevator kaya mas lalo akong natagalan dahil dumaan ako sa hagdanan" pinunasan nya ang kanyang pawis. Sumasabay pa sa kanyang nararamdaman ang pag ikot ng mundo sa hilo dahil wala syang tulog kasabay ng pagkalam ng sikmura dahil wala pang kain si
Nag aalalang napa tingin si Hanz sa kanyang wrist watch, "It's been 30 minutes pero wala pa rin si Carmela, ayos lang kaya sya?" Natawa si Axcel habang pinag lalaruan ang ballpen, "nagsisimula palang ako pero interesting na".Natigilan sila sa pag babasa ng mga nasa papel. May mini meeting sila ngayong mag ka kaibigan para sa business collaboration nila, napag isipan kasi nilang mag tayo ng business na nakapangalan sa kanila. They will call it, "The Promises house" kung saan ito ay isang engrandeng hotel sa isang Private na Isla na kanilang bibilhin. "What do you mean?" Usisa ni Harvey. Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi, "pinasara ko ang mga malalapit na coffee shop."Nahulog ang panga nilang lahat sa narinig. Talaga ngang tuluyang naging demonyo ang kanilang kaibigan dahil ang coffeeshop na paniguradong bukas ay sa kabilang bayan pa. "Kumusta na kaya sya? mukhang mainit pa naman sa labas..." Tumingin sya sa window glass at natawa ng makitang mukhang nakakapaso ang in
"Oh, saan kayo pupunta?" Takang tanong ni Mama Aegin nang makasalubong nila ang matanda sa Sala. Sa likod nya ay si Pearlyn na nakatingin sa kanilang dalawa ni Axcel at sa madiin na pagkakahawak sa kanya ng lalaki.Matapos nyang magpalit kanina ay agad syang kinalakadkad ng lalaki palabas ng maids quarter para isama sya sa kompanya."Isasama ko sya sa kompanya" tipid na sagot ng anak. Nanlaki ang mata ng matanda, "At bakit mo sya isasama Axcel? H'wag mo sabihing mas gugustuhin mong kasama ang mapag panggap na yan kesa sa tunay mong Asawa!?" "Bakit may sinabi ba akong mag de date kami sa kompanya?" Pilit pa ring nagpupumiglas si Carmela mula sa pag kakahawak ng Asawa pero kada ginagawa nya yon at sya namang mas lalong pag diin ng pagkakahawak nito. Nagbago ang ekspresyon ngayon ng Ina ng lalaki, "Hindi ba pwedeng si Pearlyn ang kasama mo ngayong araw, kararating nya lang kahapon ngunit sa halip na sya ang tinututukan mo ngayon e..." Tumingin si Mama Aegin sa kanya ng may pandidiri s
MAGIISANG LINGGO na matapos ang bangungot na nangyari sa buhay ni Axcel at Carmela. Kauuwi lang ni Carmela galing sa sementeryo. Binisita nya si Cody upang tignan na rin kung maayos na ang lapida nito. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso, parang kahapon lang ito nangyari at lagi nya pa ring hinahanap ang presensya ng anak. Papasok na sya sa loob ng Mansion ng bigla syang matigil ng makita ang kanyang Ate Pearlyn na nakikipag beso kay Mama Aegin. Lumipat ang kanyang tingin sa maletang naka hilera at kasalukuyang tinataas ngayon ng mga katulong. Dito na ba titira ang kapatid? Saan ito mag kwa-kwarto? Ibig bang sabihin nito ay aalis na sya sa Mansion? Alam ba ito ni Axcel? Sunod sunod na katanungan sa kanyang isip. "Welcome sa Mostrales Dela Familia Mansion..." Masayang bati sa kanya ni Mama Aegin, kumawala sila sa pag kakayakap, "I'm glad na ang totoong Pearlyn na ang naka tayo ngayon sa aking harapan. Napaka ganda mo at mas may class kapang tignan kesa sa nag
"Anong ibig mong sabihin na nakatakas ang driver!? Hanapin mo sya ngayon din!" Bulyaw ni Axcel kay Tristan sa kabilang linya."I'm currently finding it pero wala talaga eh, deleted ang lahat, parang may makapangyarihang nag ko cover up sa kanya..." Kabadong sagot ni Tristan. Dahil sa sagot na yon, naitapon ng lalaki ang hawak nyang baso na may lamang beer. Tumunog ito ng malakas dahil sa pagka basag, napa tayo sya na nang gigigil."Listen to me. I won't let that punk get away kung kailangang bali baliktarin ang Mundo at halughugin sya. Gawin mo! Kapag nahanap mo ang gunggong na 'yon iharap mo sya sakin..." Dinampot nya ang bote ng beer sa kanyang office table at binato ito sa kanyang pintuan. Ang sekretarya nyang dapat na papasok sa office ay natakot ng marinig ang malakas na pagka basag ng kung ano. "At baka makapatay na ako ng tao. He just killed my Son, Tristan. I want him now, iharap nyo sakin ang bwisit na yan!" Nang gagalaiti nyang utos. Namumula na ngayon ang kanyang mata. Nan
"A-asan ang anak ko?" Nanginginig na tanong ni Carmela habang tumatakbo papunta sa emergency room ng hospital.Sa hindi kalayuan makikita nyang kumakaripas din ng takbo si Doctor Jaren habang nag mamadaling sinusuot ang surgical mask. Nang malaman ng lalaking itatakbo si Cody sa hospital mula sa isang nurse na naka sakay sa ambulansya at kritikal ang kondisyon ng Bata, kahit day off nito ay nag mamadali syang pinaharurot ang kanyang sasakyan, sya lang din kasi ang nag iisang doctor sa Emergency room na magaling kaya hindi nya gustong ipagkatiwala sa ibang doctor si Cody. Nagkasalubong silang dalawa sa main door, magsasalita na sana sya ng bigla syang unahan ng Binata habang sinusuot ang isang gloves. "Wait for us here, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. I will do my best." Agad na itong pumasok sa loob."Jusko" takot na utal ni Carmela habang umiiyak. Napahilamos na sya gamit ang kanyang palad sa mukha. Sinubukan nyang pakalmahin ang kanyang sarili pero parang sa tuwing ginagawa nya
"Pearlyn, hello?? Ayos kalang ba? Kanina pa kita tinatawag." Kung hindi pa sya nilapitan ni Janeth tiyak na hindi pa sya babalik sa kanyang huwisyo. Hindi nya pa rin tinataggal ang paningin sa tatlong unexpected guess. Bakit nandito ngayon si Pearlyn at ang kanilang magulang? Paniguradong alam na nila ang pag papanggap na kanyang ginagawa dahil may lakas na ng loob si Pearlyn na iharap dito ang dalawang matanda. Nagtama ang tingin nila ni Papa Ronald, bakas sa mata nito ang gulat ng makita sya at kalaunang napalitan ng dinadalang kapangyarihan na mapanganib dahilan ng pagtayuan ng kanyang balahibo sa katawan, nakakaramdam na sya ngayon ng lubusang takot sa tingin na yon. "A-h ano nga pala ulit ang sinasabi mo?" Muli nyang tanong dahil kahit nag salita na si Janeth ay wala pa ring pumasok sa kanyang utak dahil iniisip nya ang magulang at ang maaring mangyari ngayong araw. "Ang sabi ko mag sisimula na tayo kapag lumabas na sa mansion si Axcel" tumango nalang sya sa sinasabi ni Jan