"Kumalma kana at syaka isa pa hindi nya alam na mag asawa tayong dalawa" Pag papakalma nya kay Axcel habang hinahaplos ang braso ng lalaki. Ang cute tuloy ngayon tignan ni Axcel dahil mukha syang batang devil dahil sa hairband na suot na sinasaniban ng selos. "Bulag ba sya o gusto nyang bigyan ko sya ng rason para mabulag at tuluyan nyang hindi mapansin na may kasama ka." Punong puno ng selos nitong wika. "Sinabi na nga nya, hindi nya alam na Asawa kita dahil napag kamalan ka nyang kuya ko... He also made it clear naman na kung kuya kita e hihingin nya ang kamay ko sa'yo. I like his confidence." Natatawa at may pang aasar sa boses ni Carmela. Nag salubong ang kilay ni Axcel sa pang aasar nya. Bago pa man makakapag salita si Axcel ng kanyang pag mamaktol ay hinila na sya ni Carmela papunta sa tapat ng horror house. "H'wag kanang mag salita ng kung ano-ano. Words are to powerful atsyaka isa pa madami rin akong nakatingin sayo na mga Babae. Gusto kong tusukin mata nila isa isa pero
Nabingi ata si Carmela at wala syang marinig. Ano? Dito maninirahan si Shanaia? Bakit? Wala ba syang ibang matutuluyan? Kung titignan naman ay mayaman din ito kaya bakit sa dinami dami ng pwedeng maging tuluyan nya gaya ng hotel. Bakit dito pa sa mansion?Nasagot ang katanungan sa kanyang utak ng mag salita si Veronica. "Ever since umuuwi kami ni Shanaia dito sa Pilipinas lagi syang namamalagi dito sa Mansion. You know, never talaga kami mapag hihiwalay na dalawa. She's like my older sister na atsyaka ok lang naman sa inyo, hindi ba?"Hindi. Hindi ito ok kay Carmela dahil ngayon lakang nakikita nya na ang kakaibang awra ni Shanaia. Parehong pareho kay Pearlyn. "Of course Hija! Shanaia is like a member of the Mostrales family na nga eh". Makahulugang sabi ni Mama Aegin habang tumatawa ito. Bumaling si Shanaia kay Carmela. "I hope it's ok to you and I will not make you uncomfortable... Pearlyn right?" Nilahad ni Shanaia ang kanyang kamay. Tumingin doon si Carmela. Sa totoo lang ay w
Buong gabi na tahimik si Carmela. Kahit tabi silang natulog sa kama ay ramdam ni Axcel ang lamig ng gabi kahit nakayakap sya sa Asawa. Alam nyang nasaktan talaga nya ng labis si Carmela. Alam nya ang kanyang kasalanan at hindi sya nag huhugas kamay sa kanyang ginawa. Kinaumagahan ay nagising si Axcel na wala si Carmela sa kanyang tabi. Hindi sya sanay sa panlalamig ng Babae. Bumukas ang pintuan ng CR at iniluwal non si Carmela na katatapos lang maligo at naka palit. Hindi sya binalingan ng tingin. "Mahal" Tawag nya kay Carmela pero parang walang narinig ang Babae at diretsyo lang ito sa kanyang pag lakad palabas ng silid. Sinundan nya ang Asawa.Sa pag mamadali ni Carmela para maiwasan si Axcel hindi nya inaasahang matapilok sa hagdan. Sa pag aakalang babagsak sya sa susunod na baitang ng hagdan ay napa pikit sya ng mariin habang hinihintay ang kanyang pag bagsak. Ngunit makaraan ang ilang minuto ay wala syang naramdaman kundi ang braso na humahapit sa kanya."Got you". Bulong ng is
"It's a good thing that you regain your conscious Carmela. Lahat kami ay nag aalala. Hindi biro na limang araw kang walang malay. Halos baliktarin ni Axcel ang Mundo makahanap lang ng magaling na Doctor para ipatingin ka." Nahihiyang ngumiti ng tipid si Carmela. Pagka alis ni Axcel kanina ay agad namang pumasok si Gramps. Buti nalang at soundproof ang kwarto ng hotel kaya naman hindi narinig ng matanda ang pag tatalo nilang mag asawa. "Siguro ay dahil din po sa pagod ng katawan ko kaya natagalan ang pag kakaroon ko ng malay." Tumango si Gramps sa kanyang sinabi, "Marahil nga at ganoon Hija, this past few days nakikita kitang busy at madalas na puyat. Nangungulila ka nanaman ba kay Cody? H'wag kang mag alala Hija dahil lagi kong pinapatingin sa kaibigan kong Doctor ang anak mo. Kung minsan na wala rin akong ginagawa ay pumupunta ako sa hospital para makipag laro kay Cody..." Napahinto ang matanda ng ilang segundo at umalingawngaw ang baritono nitong tawa habang iniisip ang bonding
"Nakaka inis ka talaga Axcel!" Singhal ni Carmela habang nag lalakad papuntang elevator. Sinubukan nyang takpan ang namamaga nyang labi na may sugat sa pamamagitan ng makapal na pulang lipstick. Paano ba naman mukha syang nilantakan ng isang gutom na gutom na tigre. Nakakaramdam tuloy sya ng hapdi sa kanyang labi. "That will be your punishment." Hanggang ngayon ay naririnig nya pa rin ang boses ng Asawa sa huli nitong sinabi kanina. Oo at may nangyari nanaman sa kanilang dalawa at tinawag 'yon na punishment ni Axcel bago ito umalis na may malaking ngiti. "Nakalimutan ko pa naman ang pills ko sa Mansion". Simula ng sunod sunod ang nangyayari sa kanila ni Axcel sa kama ay bumili na sya ng pills at patago nya itong iniinom. Hindi naman din siguro magagalit si Axcel kung malaman nitong umiinom sya ng pills dahil napag usapan na nila ang pagkakaroon ng pamilya. Buti nalang at naiintindihan yon ng Asawa. Nang tumunog ang elevator ay lumabas na sya at nag lakad papuntang lobby. Sya nalang
Humanap ng maaring pag silungan si Carmela at yon ay sa isang malalaking bato. Muli nyang hinalughug ang kanyang bag at inilabas doon ang lighter. Kumuha rin sya ng mga tuyong dahon para sindihan nang makagawa sya ng apoy ay itinapat nya doon ang kanyang dalawang kamay para mainitan. Kahit masakit ang kanyang kamay ay pilit nyang pinunit ang kanyang manipis na damit para gawing bandage sa kanyang palad. Ramdam nya na ang lamig at ang panginginig ng kanyang laman loob. Niyayakap nya ang kanyang sarili. Nararamdaman nya na rin ang pag kalam ng kanyang sikmura dahil sa gutom pero wala rin naman syang ganang kainin ang mga biscuits na nasa loob ng kanyang bag. Ang kanyang utak ay lumilipad lang kay Axcel at Shanaia. Habang abala ang Asawa na alalayan si Shanaia sya naman itong nahulog. Hinahanap ba sya ngayon? Naka baba naba sila? Maayos naba kalagayan nila? O ipag papa bukas nila ang pag hahanap sa kanya dahil masyado nang gabi at malakas ang buhos ulan? May pumapatak na tubig ulan s
Tabi sila sa iisang kama pero parang malayo ang kanilang agwat. Ang dating mainit na gabi sa kanilang mga yakap, ngayon ay pareho silang nababalot ng panlalamig. Magkasama sila pero bakit parang nag iisa lang ngayon si Carmela?Wala syang gana sa lahat ni kumain ay hindi nya magawa. Walang ibang marinig sa loob ng silid kundi ang mabibigat nilang pag hinga. Kanina pa sya sinusubukang yakapin ni Axcel ngunit sa bawat pag yakap ng kanyang Asawa ay sya namang pag hawi nya sa kamay nito at pag kawala sa mga yakap ng lalaki. Patay ang ilaw. Ang mga sumisilip na ilaw na nanggagaling sa labas ang tanging nag bibigay ng liwanag sa kwarto. Tanging ang unan lang ang nakaka saksi sa kanyang sekretong pag iyak. Kahit hindi ito iharap ni Carmela sa kanya, alam nyang umiiyak ito ngayon. Pinipilit nyang hindi humikbi sa sakit at bigat na kanyang nararamdaman. Lumipas na ang ilang oras pero hindi pa rin napapawi ang kanyang nararamdaman. Sabi nila kapag umiyak, gagaan ang pakiramdam. Pero bakit iba
"May Plano kabang sabihin kay Axcel ang katotohanan?" Inaalalayan sya ni Gramps na maupo sa isang silya. "Hind-i ko po alam". Hindi nya talaga alam kung sasabihin nya ba ang totoo o itatago nalang muna ito dahil may naging kasunduan sila ni Pearlyn. Kahit naman siguro sabihin nya ang totoo kay Pearlyn na si Axcel ang ama ng kanyang anak ay mas susundin pa rin ng kapatid ang personal na kagustuhan. Tumango si Gramps. Hindi nya hahadlangan o papaki alaman ang magiging desisyon ni Carmela dahil alam nyang nahihirapan na ito ngayon. At alam nyang maayos ang mga kahihitnan ng lahat dahil may tiwala sya kay Carmela. "Naiintindihan kita Apo. Ngunit sana kapag handa kana ay magawa mo itong sabihin kay Axcel. Hindi biro ang pagkakaroon ng anak, hindi ito basta bastang responsibilidad. Mahirap ang mag palaki ng anak nang mag isa kalang. Noong pinalaki ko si Renz at Axcel maski ako ay nahirapan, mas mahirap pa kesa sa pag papalaki ko sa kanilang mga magulang nila marahil ay noon lagi akong n
Naunang nakadalo sa kumpanya si Ronald at Precious. Ilang minuto na silang nasa loob nang kanilang sasakyan. Dinudumog kasi sila ng mga reporter ngayon, panay ang pag flash nang kanilang mga camera at ang iba naman ay sabik nang maka kuha ng kanilang panayam sa nangyari. Hawak ni Ronald ang lagayan. Mabigat ang kanyang nararamdaman ngayon sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ito hinahawakan ni Precious dahil para sa kanya ay nandidiri sya. Isasama sana nila ngayon si Pearlyn pero kailangan nilang ipakitang na kay Carmela lang ang atensyon. "I think we should go outside bago pa dumating ang mga Mostrales..." Hindi sumagot si Ronald duon. Nakatulala lang syang pinapanood ang mga tao sa labas habang mahigpit ang pagkaka kapit sa inaakalang abo ng katawan ni Carmela. "Do you think this is really an ambush against my political run?" Iyon lang kasi ang nakikita nilang rason kung bakit nila kinabitan ng Bomba ang sasakyan ni Carmela. Iyon din kasi ang sinabi sa kanila ng mga Mostrale
"Cheers?" Itinaas ni Murphy ang kanyang wine glass sa ere. Anong oras na ng gabi at natanggap na nila ang report na sumabog na ang bombang inilagay nila sa sasakyan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi si Manong Gab at Axcel. Iniisip nila na paniguradong nag luluksa na ang dalawa sa pagkawala ni Carmela. Ngayon, panahon naman na upang mag saya sila dahil sa wakas ay nagawa na nilang pabagsakin si Carmela dahil alam naman nilang makakapasok na sila kapag si Axcel na ang naupo sa pinakamataas na posisyon. Ipinag lapit nila ang kanilang mga baso dahilan nang malakas na tunog nito na umalingawngaw sa buong Mansion. Lahat sila ay may ngiting tagumpay sa kanilang mga labi. Ang karamihan ay dahil sa pera, kapangyarihan, at kumpanya. Habang si Pearlyn naman ay masosolo nya na si Axcel at hindi na kailan man malalaman ng kanyang magulang ang katotohanan. Ininom na nila ang kani-kanilang baso ng wine, "What a wonderful night..." Bulong ni Pearlyn. KINUHA ni Axcel ang kumot sa lo
Matapos ang usapan at mamatay ang tawag ni Jenny sa kanya ay bigla syang may natanggap na text na nang gagaling kay Manong Gab. Hindi nya na sana 'yon babasahin dahil pabalik na sya sa kanilang pinag parking-an nang mahagip nang kanyang mata ang salitang 'patawad' sa screen. Pinindot nya nalang ang text dahil sa pag tataka kung bakit ito humihingi ng tawad sa kanya kung pwede namang mamaya nalang sa loob ng sasakyan, hindi ba? "Carmela, sana mapatawad mo ako sa aking nagawa... lalo na sa pagka sira nang pamilyang binuo n'yo ni Axcel. Kasalanan ko kung bakit ito nasira... At sana mapatawad mo rin ako kung bakit hindi ko kayang harapin ang mga kabayaran sa aking nagawa." Nag sisimula nang bumilis ang tibok nang kanyang puso sa kanyang binabasa, "Ako ang naka patay kay Cody... ako ang salarin, ako ang truck driver..." parang nahulog ang kanyang puso. Si Manong Gab? Paano nya ito nagawa? At bakit?....Para syang pinag taksilan... Hindi... literal na pinag taksilan talaga sya. Namuo a
Naalimpungatan si Carmela ng makaramdam sya ng pagka lamig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman nyang naka sandal sya sa balikat ni Axcel. Kaagad syang umayos nang upo at tinanggal ang jacket na naka patong sa kanya. Alam nyang kagaya nya ay nilalamig na ngayon si Axcel. Inilagay nya rin ito sa lalaki. Napa buntong hininga sya. Anong oras na pero mukhang wala pa atang balak rumesponde ang mga empleyado. Pinakatitigan nya si Axcel na mahimbing na natutulog. Malumanay at puno ng rahan nyang inayos ang buhok nito para hindi sya magising. "Ano ba Carmela!" Wika nya sa kanyang sa loobin. Bumaba kasi ang kanyang tingin sa mapulang labi ng lalaki. Hindi nya maipaliwag ang kanyang nararamdaman na para bang gusto nya itong halikan na hindi. Ilang dangkal nalang ang lapit nang kanilang mukha at mukhang nananalo na ang sigaw ng kanyang puso. Unti-unti na syang napapalapit sa lalaki nang biglang mabilis na nag bukas ang pintuan ng elevator. Napa tingin sya duon, "Shit!" Utas nya nang
"I really can't believe what's happening right now!" Si Tita Regina na kanina pa pabalik balik sa kanyang nilalakadan. Matapos ang mga pangyayari kanina sa opisina ay kaagad silang umuwi. Lahat sila ay wala sa katinuan at kapwa lumilipad ang mga utak—kung paano patalsikin si Carmela sa pwesto. "Hindi naman natin sya basta bastang matatanggal kung sya ang napiling taga pag mana ni Papang..." Muling humithit sa sigarilyo si Ortiz, "Besides, mukhang pinag isipan pa ito ng mabuti ng matanda bago sya pumanaw... Sa lahat pa talaga nang tao na pwede nyang pamanahan, bakit pa ang Babaeng p0kp0k na 'yon?" Niyupos nya ang sigarilyo sa isang Ashtray. Napa ngisi si Pearlyn nang may pumasok na ideya sa kanyang utak. Hindi nya na kasi kayang pigilan pa ang gigil nya kay Carmela. Nakaka asiwa lang isipin na pinapaburan nanaman si Carmela nang mga mahahalagang bagay ng Tadhana. Paniguradong magugustuhan ng pamilya ang kanyang plano. "Why don't we came out a plan?" Lahat sila ay napa baling sa kany
Aalis na sana ang mga Investors at ang mga mahahalagang tao nang biglang mag salita si Axcel na ikina tigil nilang lahat. "Since you're already the CEO of this company... Can I ask you personally?"Nagulat din sya sa biglang tanong ni Axcel. "Go on..." sumimsim sya sa wine na kanyang iniinom, pilit tinatago ang nararamdamang kaba. Paano ba naman ay seryoso kung makatingin sa kanya ang lalaki sa kanya ngayon. "I want to work here..." Nahulog ang panga nilang lahat sa kanyang sinabi. Maging si Carmela ay hindi nakapag salita ng ilang segundo. Tumayo ito mula sa pagkaka upo at humakbang papalapit sa kanya. Nakatayo na ang lalaki ngayon sa kanyang harapan, mata sa mata, lahat ng atensyon ay nasa kanilang dalawa. Ilang pulgada lang ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa at nang susukat ang kanilang mga tingin "with a greater position in this company..." Nagsimula nang mag bulung bulungan ang mga tao sa kanilang narinig. Naiilang syang napa ngiti ng pilit, "What do you mean?" Grab
Tumingin si Carmela sa kanyang repleksyon sa harap ng salamin. Kanina nya pa kinakausap ang kanyang sarili. Hindi nya na nakayanan ang kanyang emosyon at nasabunutan nya na ang kanyang sarili. Paano ba naman kasi ay sasabihin nya na sana ang totoo kanina kay Axcel pero nong nakita nya ang lalaki ay bigla nalang syang napa takbo papalayo. "Come on Carmela!" Pang babawi nya sa kanyang tunay na huwisyo, "Come to think of it!" Tumaas ang tono ng kanyang boses, "If you accept the position of the company... hindi na nila pag iinitan si Axcel..." gaya nalang ng naabutan nya kaninang umaga na kinakawawa nila ang walang kalaban-laban na si Axcel at nang mas lalo nya pa itong ma pro-protektahan. "Hindi nga nila pag iinitan si Axcel, pero pano naman ako?" Tinuro nya ang sarili, "Siguro ay mas maganda na rin 'yon dahil kaya kong mang laban kahit papaano at nasa tamang pag iisip ako..." Napalunok sya nang maalala ang mga pag babago ni Axcel at ang akusa sa kanya nang kanyang mga magulang na na
Nasa malalim na pag iisip si Axcel nang biglang mag bukas ang pintuan nang kwarto. Iniluwal non si Tress, nasa malayo palang ang lalaki ay naamoy nya na ang alak. Naka ngisi itong lumapit sa kanya at inilapag ang kulay brown na envelope sa kanyang lamesahan, "this is the only informations that I got." Kaagad nang binuksan ni Axcel ang envelope. Makikita duon ang ibang mga picture ni Jaren at Carmela na sabay pumapasok sa bahay na kanilang tinutuluyan sa ibang bansa. "Nag sama lang silang dalawa and base to the informations that I have gathered, wala silang naging relasyon through out the years na mag kasama silang dalawa..."Sinuri ni Axcel ang mga nasa papel, malinis 'yon at walang mga ka suspetsya-suspetsyang pangyayari. Paano ba namang hindi magiging malinis ang mga records na nandoon eh si Bruce na mismo ang may gawa. Pinag tatakpan nila ang lahat na patungkol kay Arkin. "... but base on my other resources may pinangako pa pala si Carmela kay Jaren, huh?" Nag salubong ang ki
Nagising si Carmela sa kanyang pag kakahiga nang bigla syang may marinig na sigawan na nang gagaling sa unang palapag ng Mansion. Kaagad syang bumangon upang tignan ang nangyayaring kaguluhan. Halos takbuhin nya na pababa ang hagdan nang makitang sinampal ni Aegin si Axcel. Patakbo nyang nilapitan ang dating Asawa at hinarap ang Ina nito. Hinawakan nya ang kamay ni Axcel at pumwesto sa harapan ng lalaki, pino protektahan ito. Sarkastikong tumawa si Aegin, "What? Isa ka rin eh! Dapat talaga hindi na ako pumayag na noon palang na pabalikin ka rito sa Mansion! Wala kana talagang ibang dinala dito sa pamilyang ito kundi kamalasan!" Napalunok sya sa sinabi nito. Hindi nya alam kung ano ang nangyayari ngayon. Nararamdaman nya ang mahinang pag hila ni Axcel sa kanyang kamay, senyales na h'wag nya nang harapin ang nanay nito. Ang kaso lang ay hindi sya papayag na muling masaktan si Axcel. Napatingin si Carmela kina Pearlyn na kapapasok lang sa Mansion dala ang mga luggage nila matapos ang