"It's a good thing that you regain your conscious Carmela. Lahat kami ay nag aalala. Hindi biro na limang araw kang walang malay. Halos baliktarin ni Axcel ang Mundo makahanap lang ng magaling na Doctor para ipatingin ka." Nahihiyang ngumiti ng tipid si Carmela. Pagka alis ni Axcel kanina ay agad namang pumasok si Gramps. Buti nalang at soundproof ang kwarto ng hotel kaya naman hindi narinig ng matanda ang pag tatalo nilang mag asawa. "Siguro ay dahil din po sa pagod ng katawan ko kaya natagalan ang pag kakaroon ko ng malay." Tumango si Gramps sa kanyang sinabi, "Marahil nga at ganoon Hija, this past few days nakikita kitang busy at madalas na puyat. Nangungulila ka nanaman ba kay Cody? H'wag kang mag alala Hija dahil lagi kong pinapatingin sa kaibigan kong Doctor ang anak mo. Kung minsan na wala rin akong ginagawa ay pumupunta ako sa hospital para makipag laro kay Cody..." Napahinto ang matanda ng ilang segundo at umalingawngaw ang baritono nitong tawa habang iniisip ang bonding
"Nakaka inis ka talaga Axcel!" Singhal ni Carmela habang nag lalakad papuntang elevator. Sinubukan nyang takpan ang namamaga nyang labi na may sugat sa pamamagitan ng makapal na pulang lipstick. Paano ba naman mukha syang nilantakan ng isang gutom na gutom na tigre. Nakakaramdam tuloy sya ng hapdi sa kanyang labi. "That will be your punishment." Hanggang ngayon ay naririnig nya pa rin ang boses ng Asawa sa huli nitong sinabi kanina. Oo at may nangyari nanaman sa kanilang dalawa at tinawag 'yon na punishment ni Axcel bago ito umalis na may malaking ngiti. "Nakalimutan ko pa naman ang pills ko sa Mansion". Simula ng sunod sunod ang nangyayari sa kanila ni Axcel sa kama ay bumili na sya ng pills at patago nya itong iniinom. Hindi naman din siguro magagalit si Axcel kung malaman nitong umiinom sya ng pills dahil napag usapan na nila ang pagkakaroon ng pamilya. Buti nalang at naiintindihan yon ng Asawa. Nang tumunog ang elevator ay lumabas na sya at nag lakad papuntang lobby. Sya nalang
Humanap ng maaring pag silungan si Carmela at yon ay sa isang malalaking bato. Muli nyang hinalughug ang kanyang bag at inilabas doon ang lighter. Kumuha rin sya ng mga tuyong dahon para sindihan nang makagawa sya ng apoy ay itinapat nya doon ang kanyang dalawang kamay para mainitan. Kahit masakit ang kanyang kamay ay pilit nyang pinunit ang kanyang manipis na damit para gawing bandage sa kanyang palad. Ramdam nya na ang lamig at ang panginginig ng kanyang laman loob. Niyayakap nya ang kanyang sarili. Nararamdaman nya na rin ang pag kalam ng kanyang sikmura dahil sa gutom pero wala rin naman syang ganang kainin ang mga biscuits na nasa loob ng kanyang bag. Ang kanyang utak ay lumilipad lang kay Axcel at Shanaia. Habang abala ang Asawa na alalayan si Shanaia sya naman itong nahulog. Hinahanap ba sya ngayon? Naka baba naba sila? Maayos naba kalagayan nila? O ipag papa bukas nila ang pag hahanap sa kanya dahil masyado nang gabi at malakas ang buhos ulan? May pumapatak na tubig ulan s
Tabi sila sa iisang kama pero parang malayo ang kanilang agwat. Ang dating mainit na gabi sa kanilang mga yakap, ngayon ay pareho silang nababalot ng panlalamig. Magkasama sila pero bakit parang nag iisa lang ngayon si Carmela?Wala syang gana sa lahat ni kumain ay hindi nya magawa. Walang ibang marinig sa loob ng silid kundi ang mabibigat nilang pag hinga. Kanina pa sya sinusubukang yakapin ni Axcel ngunit sa bawat pag yakap ng kanyang Asawa ay sya namang pag hawi nya sa kamay nito at pag kawala sa mga yakap ng lalaki. Patay ang ilaw. Ang mga sumisilip na ilaw na nanggagaling sa labas ang tanging nag bibigay ng liwanag sa kwarto. Tanging ang unan lang ang nakaka saksi sa kanyang sekretong pag iyak. Kahit hindi ito iharap ni Carmela sa kanya, alam nyang umiiyak ito ngayon. Pinipilit nyang hindi humikbi sa sakit at bigat na kanyang nararamdaman. Lumipas na ang ilang oras pero hindi pa rin napapawi ang kanyang nararamdaman. Sabi nila kapag umiyak, gagaan ang pakiramdam. Pero bakit iba
"May Plano kabang sabihin kay Axcel ang katotohanan?" Inaalalayan sya ni Gramps na maupo sa isang silya. "Hind-i ko po alam". Hindi nya talaga alam kung sasabihin nya ba ang totoo o itatago nalang muna ito dahil may naging kasunduan sila ni Pearlyn. Kahit naman siguro sabihin nya ang totoo kay Pearlyn na si Axcel ang ama ng kanyang anak ay mas susundin pa rin ng kapatid ang personal na kagustuhan. Tumango si Gramps. Hindi nya hahadlangan o papaki alaman ang magiging desisyon ni Carmela dahil alam nyang nahihirapan na ito ngayon. At alam nyang maayos ang mga kahihitnan ng lahat dahil may tiwala sya kay Carmela. "Naiintindihan kita Apo. Ngunit sana kapag handa kana ay magawa mo itong sabihin kay Axcel. Hindi biro ang pagkakaroon ng anak, hindi ito basta bastang responsibilidad. Mahirap ang mag palaki ng anak nang mag isa kalang. Noong pinalaki ko si Renz at Axcel maski ako ay nahirapan, mas mahirap pa kesa sa pag papalaki ko sa kanilang mga magulang nila marahil ay noon lagi akong n
"Ano b-a Lolo. H'wag po kayong mag salita ng ganyan. Kung hindi po dahil sa inyo siguro po habang buhay na po akong nasa kumbento. Walang pinag aralan, at hindi makakaranas ng maayos na Buhay." Pinunasan nya ang mga luha ni Lolo Pedro. Hindi na nakapag salita ang matanda at panay hikbi nalang ang ginagawa nito. May gusto syang sabihin kay Carmela ngunit hindi nya naman ito kayang sabihin ngayon. Parang naubusan sya ng boses dahil wala ng ni Isang salita ang lumalabas sa kanyang bibig. "Sana kung dumating man ang panahon na yon Apo ay magawa mo akong patawarin... Ngunit alam ko sa aking sarili ginawa ko lang ang tama kong gawin para ilayo ka sa masamang mundo..." Ano ba ang gustong sabihin ni Lolo sa kanya? "Bakit hindi nyo nalang po sabihin Lolo? kahit ano pa man po yan ay alam kong maiintindihan ko po kung bakit nyo ito nagawa at mapapatawad ko po kayo kaaagad. Kilala nyo ako Lo, hindi ako kagaya ng inyong iniisip."Hinaplos ni Lolo Pedro ang mukha ni Carmela at mapait itong ngum
Matapos ang mahigit isang oras na pag hihintay ni Carmela at Cody sa labas ng hospital ay sa wakas lumabas na rin si Gramps. Mahahalatang umiyak ito dahil sa pamumula at paniningkit ng kanyang mata. Nag tatakang lumapit si Carmela, "Anong nangyari Gramps?" Pinunasan ni Gramps ang kanyang mata at nag kunwaring nahihirapan itong imulat. Tumawa ng mahina ang matanda. "Wala naman. May pumasok lang sa aking Mata at pina huyupan ko ito kay Pedro tiyak na mas lalo atang lumala". Tila hindi nakumbimsi ni Gramps si Carmela sa kanyang pag sisinungaling. Kaya muli syang nag salita, ngayon ay mas nakaka kumbinsi na. He rub his eyes, "Ang kati rin sa loob ng aking mata, parang may tumutusok at hindi ko pa magawang imulat ang aking mata ng mas maayos." Buti nalang at ngayon ay mukhang kumbinsido na si Carmela kaya pumasok na sila sa sasakyan. Mga alas dos na ng hapon at sobrang nakakapagod ang araw ngayon dahil buong mag hapon silang may pinupuntahan. "If you want to visit Pedro, you can do it.
"A... Axce-l" Nangangatal nyang tawag sa kanyang Asawa ng makarating ito sa Mansion. Naka tayo lang si Axcel sa labas ng silid ni Gramps. Hindi ito makapaniwalang naka tingin sa kanila. Napalunok sya mariin habang naka tingin sa walang malay na katawan ni Gramps. Napako ata sya sa kanyang kinatatayuan at hindi nya magalaw ang kanyang mga paa para lumapit sa kanila.Magulo ang kanyang buhok. Ang suot nitong tuxedo ay hindi na maayos ang pagkaka botones. Ang kanyang necktie ay halos mahulog na rin. Nawalan na sya ng lakas at nabitawan nya na ang hawak na mga Lego. Oo at Lego ang kanyang ibibigay kay Gramps dahil mahilig bumuo si Gramps ng mga Lego na kanyang ipapasikat sa mga kaibigan. Kaya naisipan nyang magpa customize ng Lego na may larawan ni Gramps... pero parang hindi na ito mabubuo dahil ang dapat ma bumuo nito ay namaalam na. "Axcel, lumapit ka rito at kausapin mo muna si Gramps... Siguradong wala pang ilang minuto ng namaalam sya... Nararamdaman ko pa ang init ng katawan nya