Humanap ng maaring pag silungan si Carmela at yon ay sa isang malalaking bato. Muli nyang hinalughug ang kanyang bag at inilabas doon ang lighter. Kumuha rin sya ng mga tuyong dahon para sindihan nang makagawa sya ng apoy ay itinapat nya doon ang kanyang dalawang kamay para mainitan. Kahit masakit ang kanyang kamay ay pilit nyang pinunit ang kanyang manipis na damit para gawing bandage sa kanyang palad. Ramdam nya na ang lamig at ang panginginig ng kanyang laman loob. Niyayakap nya ang kanyang sarili. Nararamdaman nya na rin ang pag kalam ng kanyang sikmura dahil sa gutom pero wala rin naman syang ganang kainin ang mga biscuits na nasa loob ng kanyang bag. Ang kanyang utak ay lumilipad lang kay Axcel at Shanaia. Habang abala ang Asawa na alalayan si Shanaia sya naman itong nahulog. Hinahanap ba sya ngayon? Naka baba naba sila? Maayos naba kalagayan nila? O ipag papa bukas nila ang pag hahanap sa kanya dahil masyado nang gabi at malakas ang buhos ulan? May pumapatak na tubig ulan s
Tabi sila sa iisang kama pero parang malayo ang kanilang agwat. Ang dating mainit na gabi sa kanilang mga yakap, ngayon ay pareho silang nababalot ng panlalamig. Magkasama sila pero bakit parang nag iisa lang ngayon si Carmela?Wala syang gana sa lahat ni kumain ay hindi nya magawa. Walang ibang marinig sa loob ng silid kundi ang mabibigat nilang pag hinga. Kanina pa sya sinusubukang yakapin ni Axcel ngunit sa bawat pag yakap ng kanyang Asawa ay sya namang pag hawi nya sa kamay nito at pag kawala sa mga yakap ng lalaki. Patay ang ilaw. Ang mga sumisilip na ilaw na nanggagaling sa labas ang tanging nag bibigay ng liwanag sa kwarto. Tanging ang unan lang ang nakaka saksi sa kanyang sekretong pag iyak. Kahit hindi ito iharap ni Carmela sa kanya, alam nyang umiiyak ito ngayon. Pinipilit nyang hindi humikbi sa sakit at bigat na kanyang nararamdaman. Lumipas na ang ilang oras pero hindi pa rin napapawi ang kanyang nararamdaman. Sabi nila kapag umiyak, gagaan ang pakiramdam. Pero bakit iba
"May Plano kabang sabihin kay Axcel ang katotohanan?" Inaalalayan sya ni Gramps na maupo sa isang silya. "Hind-i ko po alam". Hindi nya talaga alam kung sasabihin nya ba ang totoo o itatago nalang muna ito dahil may naging kasunduan sila ni Pearlyn. Kahit naman siguro sabihin nya ang totoo kay Pearlyn na si Axcel ang ama ng kanyang anak ay mas susundin pa rin ng kapatid ang personal na kagustuhan. Tumango si Gramps. Hindi nya hahadlangan o papaki alaman ang magiging desisyon ni Carmela dahil alam nyang nahihirapan na ito ngayon. At alam nyang maayos ang mga kahihitnan ng lahat dahil may tiwala sya kay Carmela. "Naiintindihan kita Apo. Ngunit sana kapag handa kana ay magawa mo itong sabihin kay Axcel. Hindi biro ang pagkakaroon ng anak, hindi ito basta bastang responsibilidad. Mahirap ang mag palaki ng anak nang mag isa kalang. Noong pinalaki ko si Renz at Axcel maski ako ay nahirapan, mas mahirap pa kesa sa pag papalaki ko sa kanilang mga magulang nila marahil ay noon lagi akong n
"Ano b-a Lolo. H'wag po kayong mag salita ng ganyan. Kung hindi po dahil sa inyo siguro po habang buhay na po akong nasa kumbento. Walang pinag aralan, at hindi makakaranas ng maayos na Buhay." Pinunasan nya ang mga luha ni Lolo Pedro. Hindi na nakapag salita ang matanda at panay hikbi nalang ang ginagawa nito. May gusto syang sabihin kay Carmela ngunit hindi nya naman ito kayang sabihin ngayon. Parang naubusan sya ng boses dahil wala ng ni Isang salita ang lumalabas sa kanyang bibig. "Sana kung dumating man ang panahon na yon Apo ay magawa mo akong patawarin... Ngunit alam ko sa aking sarili ginawa ko lang ang tama kong gawin para ilayo ka sa masamang mundo..." Ano ba ang gustong sabihin ni Lolo sa kanya? "Bakit hindi nyo nalang po sabihin Lolo? kahit ano pa man po yan ay alam kong maiintindihan ko po kung bakit nyo ito nagawa at mapapatawad ko po kayo kaaagad. Kilala nyo ako Lo, hindi ako kagaya ng inyong iniisip."Hinaplos ni Lolo Pedro ang mukha ni Carmela at mapait itong ngum
Matapos ang mahigit isang oras na pag hihintay ni Carmela at Cody sa labas ng hospital ay sa wakas lumabas na rin si Gramps. Mahahalatang umiyak ito dahil sa pamumula at paniningkit ng kanyang mata. Nag tatakang lumapit si Carmela, "Anong nangyari Gramps?" Pinunasan ni Gramps ang kanyang mata at nag kunwaring nahihirapan itong imulat. Tumawa ng mahina ang matanda. "Wala naman. May pumasok lang sa aking Mata at pina huyupan ko ito kay Pedro tiyak na mas lalo atang lumala". Tila hindi nakumbimsi ni Gramps si Carmela sa kanyang pag sisinungaling. Kaya muli syang nag salita, ngayon ay mas nakaka kumbinsi na. He rub his eyes, "Ang kati rin sa loob ng aking mata, parang may tumutusok at hindi ko pa magawang imulat ang aking mata ng mas maayos." Buti nalang at ngayon ay mukhang kumbinsido na si Carmela kaya pumasok na sila sa sasakyan. Mga alas dos na ng hapon at sobrang nakakapagod ang araw ngayon dahil buong mag hapon silang may pinupuntahan. "If you want to visit Pedro, you can do it.
"A... Axce-l" Nangangatal nyang tawag sa kanyang Asawa ng makarating ito sa Mansion. Naka tayo lang si Axcel sa labas ng silid ni Gramps. Hindi ito makapaniwalang naka tingin sa kanila. Napalunok sya mariin habang naka tingin sa walang malay na katawan ni Gramps. Napako ata sya sa kanyang kinatatayuan at hindi nya magalaw ang kanyang mga paa para lumapit sa kanila.Magulo ang kanyang buhok. Ang suot nitong tuxedo ay hindi na maayos ang pagkaka botones. Ang kanyang necktie ay halos mahulog na rin. Nawalan na sya ng lakas at nabitawan nya na ang hawak na mga Lego. Oo at Lego ang kanyang ibibigay kay Gramps dahil mahilig bumuo si Gramps ng mga Lego na kanyang ipapasikat sa mga kaibigan. Kaya naisipan nyang magpa customize ng Lego na may larawan ni Gramps... pero parang hindi na ito mabubuo dahil ang dapat ma bumuo nito ay namaalam na. "Axcel, lumapit ka rito at kausapin mo muna si Gramps... Siguradong wala pang ilang minuto ng namaalam sya... Nararamdaman ko pa ang init ng katawan nya
"Are you sure you're not pregnant o baka naman tinatago mo ito sa akin?" Muling pag tatanong sa kanya ni Axcel. Hindi na mabilang ni Carmela kung ilang beses na ba syang tinanong ni Axcel kung nag dadalang tao ito simula ng mabasa nya ang sulat ni Gramps. Hinawakan nya ang braso ng asawa at ngumiti. "Hindi nga... At syaka kung buntis man ako sasabihin ko kaagad ito sayo. Wala naman sigurong dahilan para hindi ko ito sabihin sayo hindi ba?" Kahit alam nya sa kanyang sarili na sya ang maraming dahilan na bakit hindi nya sasabihin kay Axcel na sya ay nag dadalang tao kung sakali. Tumango si Axcel at yumakap sa kanya. "Thank you for spending the rest of the day with Gramps." May lungkot sa boses nito. Ngayon ay nasa kwarto na sila dahil mag sisimula ng ayusin ang mansion para sa magiging lamay ni Gramps. "Kung alam ko lang na ito ang magiging huling araw ni Gramps sana ay hindi nalang ako umalis. Sana ay nanatili nalang ako sa kanyang tabi". Nahihimigin nya ang pagsisisi ni Axcel. T
Ilang araw na ang lumipas simula ng komprontahin sya ni Renz tungkol sa kung sino talaga sya at kahapon lang din ng mailibing si Gramps. Lahat ng pamilya Mostrales ay kompleto, ang mga nasa ibang bansa ay nagsi uwian para ihatid si Gramps sa huli nitong hantungan. "Bakit kaya ganoon? Mangilan ngilan lang ang umiyak ng ihatid namin si Gramps. Namamalik mata lang ba ako? O nakita ko silang masaya dahil wala na si Gramps?" Tanong nya sa kanyang sarili habang nag susuklay ng buhok. Hanggang ngayon ay naniningkit pa rin ang kanyang mata gawa ng pagkaka iyak. Halos hindi mabilang ang angkan ng Mostrales ngunit bilang na bilang ang mga umiyak. Ipinilid nya ang kanyang ulo sa kanyang mga naiisip. "Baka ayaw lang nila ipakita na umiiyak sila dahil gusto ni Gramps na masaya lang kami kahit na wala na sya". Bulong nya sa kanyang sarili. Kahit sino naman ang tao na yumao gustong makitang masaya ang mga naka paligid sa kanya kahit wala na sya. Ayaw nyang may iwan syang mga tao na mabibigat ang
"H'wag mo nang uulitin yon ha?" Malumanay nyang wika habang pinupunasan ang buhok ng Asawa. Katatapos lang nitong maligo. Pagkatapos nilang mahanap si Axcel ay para silang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Kasalukuyan silang nasa kama ngayon, nasa harap nya si Axcel na naka higa sa kanya habang pikit ang mga mata. Ninanamnam nya ang bawat sandali ng punas ni Carmela sa hibla ng kanyang buhok. Tumango ang lalaki, "I wil-l not do it agai-n." He firmly said with a full of assurance na hindi nya na nga uulitin ang kanyang ginawa.Paniguradong ipapa alala ng kanyang kapatid at dating mother in law ang mga ginawang masama sa kanya ni Axcel para ang lalaki na ang lumayo. Ngayong alam nya na ang taktiks ng dalawang demonyo ay mas magiging maingat pa sya mas lalo kung patungkol ito kay Axcel dahil mabilis lang ma trigger ang lalaki. Kung pwede nya lang i-rugby ang kanyang sarili sa lalaki ay gagawin nya para hindi sila mapag hiwalay dito sa loob ng Mansion. Napag alaman nya ring kaya talaga
Matapos nyang kunan ng meryenda ang mga Promises ay bumalik na sya sa loob ng kanyang kwarto. Abala ba naman ang mga lalaki sa pag pupusta ng manok online. Kaya heto at sa tuwing nananalo sila sa pusta ay nag hihiyawan sila. Masaya naman sya dahil nakikita nyang tumatawa ang kanyang Asawa, pero ewan ba nya at naiinis din sya dahil tinuturuan ng mga Promises ang kanyang Asawa sa ibang uri ng sugal. Napapa hilot nalang talaga sya sa kanyang sintido. Para saan pa na nananalo sila ng 500? kung barya lang naman ito sa kanila. Timpak timpak ang kanilang mga pera pero halos lahat ng bagay babaratin na ata nila. Sabagay at mga negosyante nga naman. "Kaya siguro niregaluhan nila ng manok si Axcel" napa ngiwi nalang sya sa kanyang iniisip. Muli nyang binalingan ng tingin ang malaking larawan ni Gramps. Hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Bruce kanina. Paulit-ulit pa rin nya itong naririnig. Pagak syang natawa, "Sa dami ng pasikot sikot dito sa Mansion paano ako makakah
Nagising nalang si Carmela sa sinag ng Araw na tumatama sa kanyang mukha. Iminulat nya ang kanyang mata na may pagtataka dahil naka higa na sya sa kama. Matapos ang eksena kagabi ay hindi sya tumabi sa kama kasama si Axcel. Sa couch sya natulog at nakalimutan nya na ngang buksan ang drawer dahil umiinit ang kanyang ulo matapos makita ang kanyang ex mother in law. Dinaig nya pa ang uling na nag aapoy sa inis."Good mornin-g!""AY KABAYO!" Napatayo sya sa gulat at matalas na tinignan si Axcel. Kahit kapapasok lang nito sa kanyang kwarto at may ilang kilometro silang distansya naamoy nya na ang mabangong lalaki. Paano ba naman at bagong ligo ito naka ayos ito ngayon. Natawa si Axcel sa kanyang reaction."Walang nakakatawa!" Inayos nya ang kanyang hinigaan. "Anong oras darating ang mga kaibigan mo?" Nag text ang mga Promises na pupunta sila ngayon dito sa Mansion at nong tanungin nya kung anong oras, wala man lang ni Isa sa kanila ang sumagot! Dinaig pa nila ang mga famous na artista
"Axcel!" Sita ni Carmela sa lalaki. Paano ba naman at simula kaninang umaga ay palagi nang naka buntot sa kanya ang lalaki. Hindi lang yon dahil parang mas naging maalaga pa ito sa kanya. Nalilito na tuloy sya kung sya ba ang mag aalaga sa lalaki o si Axcel ang mag aalaga sa kanya. Nandito na sila sa taas ng Mansion dahil anong oras na rin ng gabi. Kailangan na nilang matulog dahil bukas mag sisimula na nyang turuan ang lalaki. Kailangan nila ng sapat na tulog para masigla sila bukas. "Gusto kitan-g katabi, maha-l" mala Bata nitong wika. "Hindi ako pumunta rito sa Mansion para tabihan kang matulog, Axcel. Pumunta ako rito para tulungan kang maka recover —""Bak-a maka recove-r ako ng mabili-s kung k-atabi kita—""No Axcel!""Pleaseee-e, asawa ko~"Parang si Arkin lang ang datingan kung may ipapabiling lalaruan! Malamang sa malamang dahil mag Ama sila. "Hindi ka pa ba nag sasawa? Katabi mo ako sa hapag kainan, sa sala, sa veranda at kung saan saan pa. Kulang nalang ay kumandong kan
Tulala sa kawalan si Axcel habang paulit ulit na umalingawngaw sa kanyang tenga ang kanyang mga narinig kanina sa kusina. Mapupungay ang kanyang mata habang ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa takot. Napasabunot sya sa kanyang sarili dahil kanina nya pa pinipilit na maka alala. Namumula ang kanyang buong mukha. "Toto-o ba ang sinabi sa aki-n nina Mam-a nong nakaraa-n sa hospita-l?" Nanginginig nyang tanong sa kanyang sarili. Kung totoo man na sya ang rason kung bakit umalis si Carmela noon ay baka ni kanyang sarili ay hindi nya mapatawad. "A-ano ba an-g nagaw-a ko?..." Muli nyang sinabunutan ang kanyang sarili, ngayon naman ay halos matanggal na ang ibang hibla ng kanyang buhok sa kanyang anit. Nang hindi sya maka alala ay hindi sya nag dalawang isip na suntukin ang kanyang ulo. Paulit-ulit nya itong ginagawa habang sinasabi ang katagang, "natatako-t ako..." Takot na takot sya. Pakiramdam nya ay sobrang dilim ng kapaligiran kapag gusto nyang alalahanin ang mga nangyari sa naka
Kinaumagahan ay maagang bumangon si Carmela sa kanyang kama upang mag ayos ng kanyang sarili. Pagkatapos nyang maligo at mag bihis ay lumabas na sya ng kanyang kwarto. Naglalakad sya sa hallway ng biglang mag bukas ang isang kwarto malapit sa hagdan at yon ang dati nilang kwarto ni Axcel. Natigil sya sa pag lalakad ng mag tama ang mata nilang dalawa ni Axcel na kapwa gulat ng makita ang isa't isa. Sumingaw ang magaang ngiti ng lalaki na nagpatibok sa kanyang puso, "Magan-da a-ng umag-a ko nga-yon dahi-l ikaw ang un-a kong makikit-a. I thought I wa-s just d-dreaming that you're her-e, pero andito kana ng-a pala. Hind-i na panagini-p ang l-lahat... hanggang sa panagini-p ko kasi ika-w lang a-ng lama-n."Kumunot ang kanyang nuo, bakit mukhang bumabanat ngayon ang lalaki? At syaka paano nya nasasabi ang mga salitang ito ngayon? eh hindi ba at tabi sila ni Pearlyn na natutulog?She unintentionally rolled her eyes, "Ako una mong makikita? Anong tingin mo kay Pearlyn? Multo?" Hindi naman s
"B-buti at u-umuwi k-kana dito sa Mansio-n" masayang ani ni Axcel habang yakap sya. Mag iilang minuto na silang magkayakap pero hindi pa rin kumakalas ang lalaki. Nararamdaman nya ang saya nito sa kanyang boses ng makita sya. Kusang lumipad ang kanyang palad sa likudan ng lalaki para suklihan ng magaang yakap si Axcel. "Ka-kahapon pa kit-a hinihinta-y... g-gusto na kasi kitan-g makita, sabik na sabik akong maka sama ka uli-t." Hindi nya inaasahang ganito ang uri ng pananalita ni Axcel. Ang dating tuwid at baritono nitong boses ngayon ay nagkakanda utal utal kahit pinipilit nitong mag salita ng maayos. Ang kanyang madilim na tingin ay lumipat kay Pearlyn na hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang mga mata dahil sa biglaan nyang pag dating. Hindi nito alam ang kanyang gagawin at nanginginig ito sa takot. Bahaw syang ngumiti sa kapatid. Bakit kaya mukhang natatakot ito ng makita sya? Nasaan na ang Pearlyn na palaban? Sumanib na ba sa kanyang katawan ang palabang Pearlyn? Makalipas a
"Tatanungin ulit kita... Are you sure about that?" Nang tatansyang tanong sa kanya ni Jaren. Napakagat sya sa kanyang pang ibabang labi at dahan dahang tumango, "Napag usapan naman na natin 'to hindi ba?"Napalunok si Jaren. Nakikita sa mata ng lalaki ang pag aalala para sa kanya. Naiintindihan naman ito ni Carmela dahil alam nyang papasukin nya nanaman ang magulong mundo ni Axcel. Hindi lang 'yon dahil kinumbinsi sya ni Tristan na muling manatili sa Mostrales Mansion. Binalingan nya si Arkin na abala sa pag aayos ng kanyang mga gamit na dadalhin sa hospital. Karamihan ng nilalagay nya sa kanyang bag ay mga laruan dahil ani ng Bata ay makikipag laro sya sa ibang pasyente. Nang tanungin nila ni Jaren si Arkin kung gusto ba nitong manatili sa poder ni JohnRobert at mag bakasyon sa Japan ng ilang buwan o kaya naman sumama kay Jaren sa hospital, mas pinili ni Arkin na manatili sa hospital. Sabi pa nga ng Bata ay para may makalaro ang mga batang pasesyente duon. Excited tuloy ang bata, p
Napahilot sa sintido si Tristan at halos iumpog nya na ang kanyang ulo sa harap ng manibela ng sasakyan. "Ano ba ang mga pinapasok mo Tristan!" Sigaw nya sa kanyang sarili. Hindi pa sya nakuntento sa pag untog nya at sinabunutan nya pa ang sarili. Nababaliw na ata sya. "Susunod na ata ako sa pagiging baliw ng kaibigan natin" hindi makapaniwala nyang ani. Natawa si JR na nakaupo sa tabi ng driver seat ng kanyang kotse. "Anong nakakatawa!? Nakakatawa bang panoorin akong nag dudusa at nagiging alipin ng ulupong na yon!" Pag mamaktol nya na mas lalong ikina hagalpak ng tawa ni JohnRobert. "Ginusto mo yan eh, ikaw ba si Jollibee? Ibang klase! Pabida ka kasi. Alam mo kung sino ang dapat sisihin sa sitwayong pinasukan mo? Walang iba kundi ang sarili mo. Akala mo ata ikaw si Superman para sagipin si Axcel. Mas sweet ka pa sa kanya kesa sa magiging Asawa mo." Napabuntong hininga si Tristan, "Hindi na ako makapag focus sa sarili kong buhay. Naging baby sitter na ako ng baby damulag na yon!