Share

Chapter 22: Carmela

"Ano b-a Lolo. H'wag po kayong mag salita ng ganyan. Kung hindi po dahil sa inyo siguro po habang buhay na po akong nasa kumbento. Walang pinag aralan, at hindi makakaranas ng maayos na Buhay." Pinunasan nya ang mga luha ni Lolo Pedro.

Hindi na nakapag salita ang matanda at panay hikbi nalang ang ginagawa nito. May gusto syang sabihin kay Carmela ngunit hindi nya naman ito kayang sabihin ngayon. Parang naubusan sya ng boses dahil wala ng ni Isang salita ang lumalabas sa kanyang bibig.

"Sana kung dumating man ang panahon na yon Apo ay magawa mo akong patawarin... Ngunit alam ko sa aking sarili ginawa ko lang ang tama kong gawin para ilayo ka sa masamang mundo..."

Ano ba ang gustong sabihin ni Lolo sa kanya?

"Bakit hindi nyo nalang po sabihin Lolo? kahit ano pa man po yan ay alam kong maiintindihan ko po kung bakit nyo ito nagawa at mapapatawad ko po kayo kaaagad. Kilala nyo ako Lo, hindi ako kagaya ng inyong iniisip."

Hinaplos ni Lolo Pedro ang mukha ni Carmela at mapait itong ngum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status