"Anak laban sa kanyang Ina o Ina laban sa kanyang anak?" Tanong nya sa hangin habang hinihintay ang pag dating ni Axcel. Nawala sya sa lalim ng kanyang pag iisip ng tawagin sya ng katulong para mag gabihan. "Ma'am Pearlyn, pinapatawag ka po ni Madam Aegin. Mag sasabay sabay daw po kayong lahat para mag gabihan"Tumango sya sa katulong, "Sige, susunod ako." Muling bumaling si Carmela sa gate ng Mansion para sa pag babakasakaling maaninag nya ang pauwi na sasakyan ni Axcel nang makita nyang walang paparating ay pumasok na sya sa loob at dumeretsyo sa hapag kainan. Nasa kalayuan palang sya ay naririnig nya na ang boses ni Veronica na nag rereklamo. "How come na pera lang ang matatanggap ko?" Mapaklang humalakhak si Veronica. "Excuse me? Isa akong Mostrales, dugo ni Gramps ang dumadaloy sa'kin. Hindi pu pwedeng hindi ako makakapasok sa kompanya!" Hinawakan sya ni Mama Aegin, "Calm down Hija, nasa harapan tayo ng hapagkainan. Hindi ba pwedeng ipag paliban muna ang pag iisip kung sino
Hindi nya magawang magalit kay Axcel o mag tampo dahil alam nyang may naging pag kukulang sya bilang asawa nito. Kahit na sampal sa kanya ang sinabi ni Shania kagabi naiintindihan nya ito. Mas magandang sinabi nga sa kanya ni Shania ang salitang 'yon dahil ngayon ay magagawa nyang bumawi kay Axcel. Inaayusan nya na ang kanyang sarili ngayon dahil sasama sya sa kompanya para tulungan si Axcel sa ibang mga gawain nito. Tinawagan nya rin ang bawat myembero ng Promises para samahan silang dalawa ni Axcel. Kahit papaano ay nagiging malapit na rin sya sa kaibigan ng kanyang Asawa. Sa tuwing kasama nya ang mga ulopong na 'yon ay kahit papaano nababawasan ang kanyang iniisip. "You're now ready?" Tanong sa kanya ni Axcel na ngayon ay naka ayos na para umalis. Tumango sya at kinuha nya ang kanyang purse para maka alis na silang dalawa. Habang nasa loob sila ng sasakyan ay agad ng nag salita si Axcel."Aalis na ngayon si Shanaia. She needs to go back dahil magkakaroon sya ng run away for a co
Napakagat si Carmela sa sinabi ni JohnRobert. Lahat sila ay naka tingin sa lalaki. Lumipad sa mukha ni JohnRobert ang Isang unan na binato ni Tristan. "Don't joke around the bush, JR." Pag tatawag ni Tristan sa palayaw ni JohnRobert. "Ouch! Do you think I'm joking?" Daing nya. "Mukha mo palang hindi na kapani paniwala. Mga sinasabi mo pa kaya?" Si Erwin na ngayon ay sumisipsip ng inumin."Ni ako na magaling sa larangan ng pag iimbestiga hindi ko nagawang mahanap ang 'mysterious girl'. Ikaw pa kaya na lulubog lilitaw?" Si Tristan. Paano ba namang papaniwalaan si JR eh lagi itong umaalis ng Pilipinas. Minsan na uwi pa nito ay nanatili lang sya ng 1 hour dito sa bansa pagkatapos non ay aalis din kaagad. Ang hirap din kasing paniwalaan ang Promises kung minsan, hindi nga sila mukhang kawatan pero lahat sila nag mumukha namang talbos ng kamote na mang gaganso.Kaya paano naman makikilala ni JR ang mysterious girl na yon? "Bakit ba pinag uusapan pa natin ang Babae na 'yon? It's been li
GRAMPS POINT OF VIEW; (before he died)Napatingin si Gramps sa wall clock. It's already 11:00 pm. He's sure na lahat ng tao sa mansion kagaya nalang ng katulong ay natutulog na. Balak nyang puntahan ngayon si Cody sa hospital para kausapin ang kanyang Apo ngunit nag iingat sya na walang makakapansin sa kanya o kaya naman mag tataka sa kanyang pag alis. Knowing Axcel, baka mamaya ay pinapasundan sya ng kanyang Apo kapag ito ay naka tunog. Kinuha nya ang kanyang cellphone at tinawagan ang isa sa mga pinag kakatiwalaan nyang kaibigan ni Axcel, walang iba kundi si JohnRobert. Sa lahat ng kaibigan ni Axcel alam nyang mas may kapasidad si JR na protektahan ang anak ni Axcel dahil lagi itong umaalis ng bansa at mas madaming connection kesa kay Tristan na magaling lang sa pag iimbestiga. "Hello Gramps.... how are you?" Bati sa kanya ni JR mahahalata sa medjo paos nitong boses na naalimpungatan sa mahimbing na pag kakatulog dahil sa kanyang pag tawag. "Did I disturb your beauty rest?" Pag
Hindi na mabilang ni Carmela kung nakaka ilang tungga na sya ng kanilang iniinom. Alam nya sa kanyang sarili na mababa lang ang kanyang alcohol tolerance dahil unang una palang ay hindi sya ang tipo ng tao na pala inom. Kung sa totoosin ay ito ang una nyang pagkaka taon na matitikman ang mapait na alak na dumadaloy sa kanyang lalamunan. Kasalukuyan silang nasa high end Bar kasama ang kanyang Ate Pearlyn na abala na sa pakikipag sayawan sa dance floor kasama ang mga kaibigan nito. "Aray!" Daing nya ng makaramdam ng sakit sa ulo. Sa unang pag lagok nya ng baso kanina na punong puno ng alak na bigay sa kanya ni Pearlyn ay agad syang nakaramdam ng pagka hilo at sa hindi maipaliwanag na dahilan din ay kahit ayaw nya nang uminom ay parang gusto pa ng kanyang katawan na animo'y isa syang dalubhasa sa panginginom. Kaya ngayon ay ramdam nya na ang labis na pagka hilo at init ng kanyang katawan na hindi nya alam saan nang gagaling. "Carmela" Rinig nyang tawag sa kanya ni Pearlyn. Naka pikit
"Wala pa rin bang lead?" Tanong ni Axcel kay Tristan. Isa sa mga kaibigan nyang mahilig mag imbestiga. Kasalukuyan silang nag lalaro ngayon ng Billiards sa loob ng Casino na pag mamay ari ni JohnRobert, isa sa kanilang mga kaibigan. Uminom ng Beer si Tristan bago mag salita at seryosong pumwesto habang tinatantsya sa kanyang mga mata ang bola. "Mahirap hanapin ang pinapahanap mo na ayaw mag pahanap Axcel" Malamig na sabi ni Tristan. Umusbong ang pagka irita kay Axcel. "What do you mean na hindi mo mahanap? Ganyan naba kahina ang mga koneksyon mo ngayon at wala ni isang lead ang pinapahanap ko sa'yo?""Bakit ba masyado kang obsessed? It's just a one night stand. Isang mainit lang na gabi ang nangyari sa inyong dalawa. Come on, Bro. There's a lot of fish in the sea ika nga nila-" Hindi natuloy ng kaibigan ang sasabihin ng mag salita sya. "Because she might carrying my child." Natigilan silang lahat sa sinabi nya. Ilang araw nya na iniisip na baka buntis ang Babae kaya gusto nya ito
Carmela's Point of View. Makalipas ang ilang taon ay napag desisyonan na naming umuwi dito sa Pilipinas ni Cody. Kasalukuyan na kaming nasa Apartment na uupahan naming mag Ina. Hindi ito kalakihan, sakto lang ito para sa aming dalawa at dahil na rin siguro kaunti lang ang gamit namin.Pinapanood ko si Cody habang nag lalaro. Hindi madali para sa akin na bumalik dito sa Pilipinas dahil natatakot akong malaman ito ng aking Daddy o kaya'y may ibang maka alam at maapektuhan nito ang pagiging politician nya. Ang huling naging balita ko lang sa pamilya namin ay hindi nanalong Mayor ang aking Ama dahil hindi raw hamak na mas malakas at madaming connections sa nakatataas ang nakalaban nya noong election. Ngayon ay nag fo focus nalang sila sa kanilang business na pabagsak na. Nawala ako sa pag iisip at nag tatakang tumingin sa Isang number na nag flash sa aking cellphone. Ang number na ito ay unsave kaya hindi ko alam kung sino ang tumatawag. Sinagot ko ito. "Hello?" Alanganin kong bungad s
Napako sa kinatatayuan si Carmela ng makarating sa mamahaling restaurant kung saan sila mag kikita ng kanyang ka blind date. Hindi nya na alam kung ilang minuto syang naka tayo sa labas at tinitignan nalang ang mga taong pumapasok sa loob. "Kaya mo 'to Carmela, para 'to sa inyong dalawa ng anak mo. Ginagawa mo ito para kay Arkin" Bulong nya sa sarili habang iniisip ang anak. Ngunit kabaliktaran ata nito na palakasin ang loob nya dahil mas lalo syang dinalaw ng kaba. Muli syang huminga ng malalim bago humakbang papasok sa restaurant. Sa isip nya ay tatapusin nya na lahat ngayong gabi dahil kung papatagalin lang nya ay mas lalo syang kakabahan. Naka suot sya ng maikling palda at revealing na damit na padala sa kanya ni Pearlyn. May kasama din itong mamahalin na shoulder Bag at mga alahas na tunay na ginto dahil kailangan nyang mag mukhang disente at mag mukhang Pearlyn talaga. Confident syang nag lakad. Ang suot nyang sandal na may mataas na takong ay gumagawa ng tunog sa bawat hakb