MAAGANG bumangon si Carmela na walang iniisip. Gumaan na ang kanyang pakiramdam nang malaman na nasa mabuting kalagayan na ang kanyang anak at wala ng kahit sino ang mag tatangka sa Buhay ni Cody. Kahit papaano ay bumalik na sa dati ang pag iisip ni Carmela. "Ganito pala ang pakiramdam na magigising na walang mabigat na nararamdaman o walang inaalala" naka ngiti nyang wika.Wala ngayon si Axcel sa Mansion dahil pupunta itong Davao para tignan ang pinapagawa nyang bagong resort. Hindi talaga nauubusan ng mga idea ang Asawa sa mga business. Tinignan ni Carmela ang kanyang pills sa ilalim ng kama. "Dito ko lang 'yon nilagay ah" utal nya. "Lagi nalang nawawala ang mga pills ko. Noong una noong nag family outing, pangalawa ang mga stock ko sa CR na tinago ko naman sa drawer at ngayon nawawala naman ang tinago ko sa ilalim ng kama." May time na nga na hindi na sya nakaka inom dahil hindi biro ang patago nyang pag bili ng pills at bigla bigla nalang din mawawala. "Ilalagay ko nalang sa
"Earth to Carmela are you ok?" Hinawakan nya na ang kamay ng Babae para bumalik ito sa reyalidad. Kasalukuyan silang nasa hapag kainan ngayon ni Carmela pero parang kanina pa wala sa sarili ang kanyang Asawa. May nangyari ba kanina noong wala sya? May ginawa ba sa kanya sina Tita Regina bago sila umalis sa bahay? Halos masiraan na sya ng utak kaiisip kung ano ang nangyari. Kapag tinanong nya naman si Carmela hindi ito nag sasalita at naka tulala lang na parang estatwa. "An... ano nga ulit yon? May sinasabi kaba?" Napahawak si Axcel sa kanyang sintido. Kanina pa sya talak nang talak hindi pala nakikinig ang kausap nya. Hindi nakapag focus si Carmela dahil paulit ulit nyang naririnig ang boses ni Pearlyn. Babalik na ang kanyang kapatid at bilang nalang ang mga nalalabi nyang araw sa pananatili sa tabi ni Axcel at natatakot syang dumating ang araw na yon. "Are you ok? May sakit kaba?" Lumipad ang kamay ni Axcel sa nuo ni Carmela para pakiramdaman kung may sakit ang asawa. "Mainit ka
JohnRobert's Point of View:"What did you just say?!" Gulantang na tanong ni JohnRobert sa kanya. Oh shoot! May bago nanaman syang problema. Simula ng mangealam sya sa buhay ni Axcel at Carmela sunod sunod na ang problemang dumadating sa kanya. Nasa gitna sila ngayon ng kalsada at halos ibangga na ata ni JR ang kanilang sinasakyan sa narinig nya. "May lahi ba kayong bingi ni Axcel? Lagi ko nalang inuulit ang mga sinasabi ko. Tinalo nyo po ang mga Bata" naiiritang si Tristan. Salubong na ngayon ang kilay ni JohnRobert, "Tanga kaba? Kahit sino mabibingi sa mga sinasabi mo ngayon. Sinong tanga ang makaka isip na mag lagay ng tracker sa sasakyan na ginagamit ni Pearlyn." Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Tristan, "Malamang isa sya sa mga pinag sususpetsyahan ko. I should know her whereabouts mamaya ay may binabalak syang mangyari kay Axcel considering na politician and businessman ang kanyang Ama. Maybe they're meeting behind our backs and planning something hindi ba? Somethin
Biglang namatay ang tawag matapos nyang mag salita. Nilukob sya ng pag hihinala kung kaya ng marinig nyang pinatay na ni Carmela ang shower sa CR sinyales na tapos na itong maligo ay agad nyang dinelete ang call log ng kahina hinalang Babae. Ibinalik nya sa dating pwesto ang cellphone ni Carmela bago pa man tuluyang makalabas ng banyo ang Asawa. Nag tatakang napa tingin si Carmela sa kanyang asawa dahil para itong na estatwa ng makita sya, kalaunan ay lumipat ang kanyang tingin sa kanyang cellphone. Tumawag ba si Pearlyn? Nakalimutan nyang itago ang kanyang cellphone kanina sa pag mamadali. Excited na kasi syang makasama muli ang anak, wala namang message history sa kanyang cellphone dahil hindi sila nag te text ni Ate Pearlyn, kadalasan ay tawag lang talaga para mas safe at kapag tumawag naman ang Ate automatic na i-de-delete nya kaagad ito. "Kanina ka pa jan? Akala ko ay naka alis kana?" Takang tanong nya.Sana lang ay mali ang kanyang nasa isip na hinihintay sya ng kanyang Asawa
"Pinag loloko mo ba ako Carmela!?" Galit na bulyaw sa kanya ni Pearlyn habang nanlilisik ang mga matang naka tingin sa kanya. Napahawak sya sa kanyang pisngi na namumula. Nag simula na ring tumulo ang kanyang luha sa gulat at takot. "Hi-hindi A-ate..." Napa pikit ng mariin si Pearlyn bago tumawa at tumingin kay Carmela na parang isa syang baliw ngayon. Alam nyang ito ang tumatakbo sa utak ng kanyang kapatid, na nababaliw na sya sa pag sabi ng totoo. Sino nga bang tanga ang maniniwala sa kanyang sasabihin hindi ba? "Hibang kana ba? Kung napamahal ka sa hindi mo naman tunay na Asawa. H'wag kang gumawa ng kwento Carmela!" Mas lalo pang tumaas ang tono ng boses ni Pearlyn. "Hindi ako gumagawa ng kwento Ate... Ang lalaking naka one night stand ko ng gabing yon ay walang iba kundi si Axcel, Ate." May pakikiusap na sa kanyang boses. Napa sabunot si Pearlyn sa mismong buhok dahil sa sobrang stress na dinulot ng kanyang kapatid. "Eh hindi ba at naging kayo ni Javin? Baka naman may nang
Aabot na ata sa langit ang ngisi ni Bruce ngayon dahil sa laki ng perang matatanggap mula kay Axcel. Maangas ang datingan nya ngayon habang nag lalakad palapit sa loob ng opisina ng kaibigan. Sumalampak sya ng upo sa couch at nag mamayabang na sinulyapan si Axcel na abala sa pag aayos ng mga brief case na may laman na mga pera. "Seriously, pahihirapan mo pa akong ayusin ang mga dolyares na 'to? Pwede ko namang isulat nalang sa cheke". Naiiritang reklamo ni Axcel. Paano ba naman at sinabihan sya ni Bruce na ihanda na nito ang 500 million na ibibigay nya sa kaibigan at gusto pa nitong cash talaga na ibibigay nito sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Bruce, "Na-ah... kailangan ko ng cash dahil isa-isa ko yang ibibigay sa mga tauhan ko. Isang buwan na nilang sahod yan. Buti nalang talaga at nakaka gimbal ang mga impormasyong nakuha ko ngayon..." Kinuha nya ang isang kahang sigarilyo na naka lakip sa suot nyang denim jacket syaka ito sinindihan, "Mahal talaga magpatakbo ng negosyo u
"Cody... gusto mo bang lumabas muna tayo at mag uusap muna sila Mommy at Daddy." Pag tatawag ni JR kay Cody para lumabas. Parehong binalingan ni Cody ng tingin ang kanyang Mommy at Daddy bago hawakan ang kamay ni JohnRobert at sabay silang lumabas. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa mukha ni Carmela ang gulat sa kanyang naabutan, si Axcel na naka luhod sa kanilang anak. Napalunok sya at para syang nawalan ng boses para mag salita. Pinag hahandaan nya na kung paano nya sasabihin kay Axcel ang lahat eh, hindi nya lang inaasahan na ngayon ang magiging araw na yon kaya para syang natuktukan na bisukol. Hindi nya rin alam ang kanyang gagawin. Nahahalata nya rin ang galit sa mga mapupungay na mata ni Axcel na parang panahon nag babantang bumuhos ng malakas na ulan at kidlat. Tumayo ito mula sa pagkaka luhod at humakbang palapit sa kanya. Sa bawat hakbang na ginagawa ng lalaki ay ang kanya namang pag atras hanggang sa ang kanya nalang naramdaman ay ang malamig na pader. Kulang nalang ay
"Are you sure about this?" Pagtatanong sa kanya ni Doctor Jaren.Tumango sya. Napagkasunduan nila ni Axcel na hindi na dito titira si Cody sa hospital dahil uuwi na silang tatlo sa Mansion. "Babalik nalang kami kapag-" naputol ang kanyang sasabihin."Sya ba ang totoong Ama ni Cody?" Muli nitong tanong habang inaasikaso ang mga papers ng anak para sa pag labas nito. Napalunok sya, "Yes Doc, sya ang Daddy ni Cody-"Malakas ang appeal ni Doctor Jaren kung sa tutuisin sya nga ang highlight sa loob ng hospital. Madami ang nag kakagusto sa lalaki, bukod kasi sa gwapo, matalino, matipunong katawan ay sobrang bait din nito at very down to earth, napaka humble kung sabihin. Makalaglag panty din talaga ang gwapo nya, plus points nalang na Doctor sya, napaka naturally caring nya. At syempre mayaman. Madaming mga agencies pa nga minsan ang nagpapanggap na pasyente ni Doctor Jaren para lang makausap nila ang Lalaki at offeran ito ng modeling agency at pagiging artista. Ang ending lahat ng busine
Kumuha ng ice si Carmela sa ref at inilagay ito sa kanyang eyebags."Ano ba ang nangyari sayo, Hija... Umiyak ka nanaman ba dahil napanaginipan mo si Cody?" Usisa sa kanya ni Nanay Emilda. Abala sila ngayon sa pag lalagay sa plato ng kanilang mga niluto. Tumingin si Carmela sa reflection nya sa ref, hanggang ngayon namamaga pa rin ang kanyang mata mula sa sumbatan nilang dalawa ni Axcel kagabi. Malusog ang kanyang eyebags. Paano ba naman at mga alas tres na sya ng madaling araw nakatulog tapos babangon pa ng 5:30 para tumulong sa pag luluto. "Opo" tipid nyang sagot. Alam na kasi ni Nanay Emilda na sa tuwing binibisita sya ng anak sa panaginip ay umiiyak sya, pero ngayon iba ang dahilan. Lumungkot ang mukha ng matanda, "Baka kasi kailangan mo na ring umusad... kung nahihirapan ka ngayon, tiyak na mas lalong nahihirapan ang anak mong tumawid sa kabilang buhay. Kailangan mong ipakitang maayos kana Carmela..." Tama ang sinabi ni Nanay Emilda, kailangan nya nang tanggapin ang mga nangy
Halos ipako na ni Carmela ang kanyang sarili sa upuan ng sasakyan. Kanina pa nanginginig ang kanyang tuhod simula ng maka alis sila sa restaurant. Hindi naman mukhang nag bibiro si Axcel sa kanyang sinabi. "Ano ba Carmela! Ilang beses nyo nang ginawa ang bagay na 'yon" pag sasabi nya sa kanyang sarili. Ngunit kahit ilang beses na nilang ginawa ang bagay na 'yon. Kakaiba ang kanilang sitwasyon ngayon kaya parang hindi nya na kayang gawin kasama ang lalaki."Hihintayin mo bang buhatin kita para lumabas ka jan?" May pag uutos sa boses ng lalaki. Hindi nya na namalayang kanina pa sila nakarating sa Mansion at heto pinag buksan pa sya ng Asawa ng pintuan. Salubong ang makapal na kilay nito. "Ah... eh" wala syang masabi na mas lalong ikina inis ng lalaki. "Kung gusto mong matulog dito sa sasakyan, then so be it..." Muli na sana nyang isasara ang pintuan ng napag desisyon na ni Carmela na lumabas, "lalabas din pala eh" bulong nya na may halong pang rereklamo. Pumasok na sila sa loob ng M
Humahangos syang binuksan ang pintuan ng opisina ni Axcel, nag aalala ang tingin ng Promises na naka baling sa kanya. Naglakad sya paloob halos matapilok na sya dahil sa pag mamadali. Ibinaba nya ang mga kape sa lamesahan, tagaktak ang kanyang pawis. "Oh bakit ngayon ka lang!?" Galit na si Axcel, as if hindi sya ang salarin sa pag babayad ng mga katabing coffeeshop para mag sara ngayong araw. Hindi lang 'yon dahil sya rin ang dahilan kung bakit hindi umaandar ang elevator dahilan kung bakit mas lalo pang naramdaman ni Carmela ang pagod dahil sa hagdanan sya dumaan, e nasa pinaka taas na palapag pa naman ang opisina ng Lalaki. "Wala kasi akong mabilhan na malapitang coffee shop kaya sa kabilang bayan pa ako napadpad. Hindi rin gumagana ang elevator kaya mas lalo akong natagalan dahil dumaan ako sa hagdanan" pinunasan nya ang kanyang pawis. Sumasabay pa sa kanyang nararamdaman ang pag ikot ng mundo sa hilo dahil wala syang tulog kasabay ng pagkalam ng sikmura dahil wala pang kain si
Nag aalalang napa tingin si Hanz sa kanyang wrist watch, "It's been 30 minutes pero wala pa rin si Carmela, ayos lang kaya sya?" Natawa si Axcel habang pinag lalaruan ang ballpen, "nagsisimula palang ako pero interesting na".Natigilan sila sa pag babasa ng mga nasa papel. May mini meeting sila ngayong mag ka kaibigan para sa business collaboration nila, napag isipan kasi nilang mag tayo ng business na nakapangalan sa kanila. They will call it, "The Promises house" kung saan ito ay isang engrandeng hotel sa isang Private na Isla na kanilang bibilhin. "What do you mean?" Usisa ni Harvey. Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi, "pinasara ko ang mga malalapit na coffee shop."Nahulog ang panga nilang lahat sa narinig. Talaga ngang tuluyang naging demonyo ang kanilang kaibigan dahil ang coffeeshop na paniguradong bukas ay sa kabilang bayan pa. "Kumusta na kaya sya? mukhang mainit pa naman sa labas..." Tumingin sya sa window glass at natawa ng makitang mukhang nakakapaso ang in
"Oh, saan kayo pupunta?" Takang tanong ni Mama Aegin nang makasalubong nila ang matanda sa Sala. Sa likod nya ay si Pearlyn na nakatingin sa kanilang dalawa ni Axcel at sa madiin na pagkakahawak sa kanya ng lalaki.Matapos nyang magpalit kanina ay agad syang kinalakadkad ng lalaki palabas ng maids quarter para isama sya sa kompanya."Isasama ko sya sa kompanya" tipid na sagot ng anak. Nanlaki ang mata ng matanda, "At bakit mo sya isasama Axcel? H'wag mo sabihing mas gugustuhin mong kasama ang mapag panggap na yan kesa sa tunay mong Asawa!?" "Bakit may sinabi ba akong mag de date kami sa kompanya?" Pilit pa ring nagpupumiglas si Carmela mula sa pag kakahawak ng Asawa pero kada ginagawa nya yon at sya namang mas lalong pag diin ng pagkakahawak nito. Nagbago ang ekspresyon ngayon ng Ina ng lalaki, "Hindi ba pwedeng si Pearlyn ang kasama mo ngayong araw, kararating nya lang kahapon ngunit sa halip na sya ang tinututukan mo ngayon e..." Tumingin si Mama Aegin sa kanya ng may pandidiri s
MAGIISANG LINGGO na matapos ang bangungot na nangyari sa buhay ni Axcel at Carmela. Kauuwi lang ni Carmela galing sa sementeryo. Binisita nya si Cody upang tignan na rin kung maayos na ang lapida nito. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso, parang kahapon lang ito nangyari at lagi nya pa ring hinahanap ang presensya ng anak. Papasok na sya sa loob ng Mansion ng bigla syang matigil ng makita ang kanyang Ate Pearlyn na nakikipag beso kay Mama Aegin. Lumipat ang kanyang tingin sa maletang naka hilera at kasalukuyang tinataas ngayon ng mga katulong. Dito na ba titira ang kapatid? Saan ito mag kwa-kwarto? Ibig bang sabihin nito ay aalis na sya sa Mansion? Alam ba ito ni Axcel? Sunod sunod na katanungan sa kanyang isip. "Welcome sa Mostrales Dela Familia Mansion..." Masayang bati sa kanya ni Mama Aegin, kumawala sila sa pag kakayakap, "I'm glad na ang totoong Pearlyn na ang naka tayo ngayon sa aking harapan. Napaka ganda mo at mas may class kapang tignan kesa sa nag
"Anong ibig mong sabihin na nakatakas ang driver!? Hanapin mo sya ngayon din!" Bulyaw ni Axcel kay Tristan sa kabilang linya."I'm currently finding it pero wala talaga eh, deleted ang lahat, parang may makapangyarihang nag ko cover up sa kanya..." Kabadong sagot ni Tristan. Dahil sa sagot na yon, naitapon ng lalaki ang hawak nyang baso na may lamang beer. Tumunog ito ng malakas dahil sa pagka basag, napa tayo sya na nang gigigil."Listen to me. I won't let that punk get away kung kailangang bali baliktarin ang Mundo at halughugin sya. Gawin mo! Kapag nahanap mo ang gunggong na 'yon iharap mo sya sakin..." Dinampot nya ang bote ng beer sa kanyang office table at binato ito sa kanyang pintuan. Ang sekretarya nyang dapat na papasok sa office ay natakot ng marinig ang malakas na pagka basag ng kung ano. "At baka makapatay na ako ng tao. He just killed my Son, Tristan. I want him now, iharap nyo sakin ang bwisit na yan!" Nang gagalaiti nyang utos. Namumula na ngayon ang kanyang mata. Nan
"A-asan ang anak ko?" Nanginginig na tanong ni Carmela habang tumatakbo papunta sa emergency room ng hospital.Sa hindi kalayuan makikita nyang kumakaripas din ng takbo si Doctor Jaren habang nag mamadaling sinusuot ang surgical mask. Nang malaman ng lalaking itatakbo si Cody sa hospital mula sa isang nurse na naka sakay sa ambulansya at kritikal ang kondisyon ng Bata, kahit day off nito ay nag mamadali syang pinaharurot ang kanyang sasakyan, sya lang din kasi ang nag iisang doctor sa Emergency room na magaling kaya hindi nya gustong ipagkatiwala sa ibang doctor si Cody. Nagkasalubong silang dalawa sa main door, magsasalita na sana sya ng bigla syang unahan ng Binata habang sinusuot ang isang gloves. "Wait for us here, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. I will do my best." Agad na itong pumasok sa loob."Jusko" takot na utal ni Carmela habang umiiyak. Napahilamos na sya gamit ang kanyang palad sa mukha. Sinubukan nyang pakalmahin ang kanyang sarili pero parang sa tuwing ginagawa nya
"Pearlyn, hello?? Ayos kalang ba? Kanina pa kita tinatawag." Kung hindi pa sya nilapitan ni Janeth tiyak na hindi pa sya babalik sa kanyang huwisyo. Hindi nya pa rin tinataggal ang paningin sa tatlong unexpected guess. Bakit nandito ngayon si Pearlyn at ang kanilang magulang? Paniguradong alam na nila ang pag papanggap na kanyang ginagawa dahil may lakas na ng loob si Pearlyn na iharap dito ang dalawang matanda. Nagtama ang tingin nila ni Papa Ronald, bakas sa mata nito ang gulat ng makita sya at kalaunang napalitan ng dinadalang kapangyarihan na mapanganib dahilan ng pagtayuan ng kanyang balahibo sa katawan, nakakaramdam na sya ngayon ng lubusang takot sa tingin na yon. "A-h ano nga pala ulit ang sinasabi mo?" Muli nyang tanong dahil kahit nag salita na si Janeth ay wala pa ring pumasok sa kanyang utak dahil iniisip nya ang magulang at ang maaring mangyari ngayong araw. "Ang sabi ko mag sisimula na tayo kapag lumabas na sa mansion si Axcel" tumango nalang sya sa sinasabi ni Jan