Biglang namatay ang tawag matapos nyang mag salita. Nilukob sya ng pag hihinala kung kaya ng marinig nyang pinatay na ni Carmela ang shower sa CR sinyales na tapos na itong maligo ay agad nyang dinelete ang call log ng kahina hinalang Babae. Ibinalik nya sa dating pwesto ang cellphone ni Carmela bago pa man tuluyang makalabas ng banyo ang Asawa. Nag tatakang napa tingin si Carmela sa kanyang asawa dahil para itong na estatwa ng makita sya, kalaunan ay lumipat ang kanyang tingin sa kanyang cellphone. Tumawag ba si Pearlyn? Nakalimutan nyang itago ang kanyang cellphone kanina sa pag mamadali. Excited na kasi syang makasama muli ang anak, wala namang message history sa kanyang cellphone dahil hindi sila nag te text ni Ate Pearlyn, kadalasan ay tawag lang talaga para mas safe at kapag tumawag naman ang Ate automatic na i-de-delete nya kaagad ito. "Kanina ka pa jan? Akala ko ay naka alis kana?" Takang tanong nya.Sana lang ay mali ang kanyang nasa isip na hinihintay sya ng kanyang Asawa
"Pinag loloko mo ba ako Carmela!?" Galit na bulyaw sa kanya ni Pearlyn habang nanlilisik ang mga matang naka tingin sa kanya. Napahawak sya sa kanyang pisngi na namumula. Nag simula na ring tumulo ang kanyang luha sa gulat at takot. "Hi-hindi A-ate..." Napa pikit ng mariin si Pearlyn bago tumawa at tumingin kay Carmela na parang isa syang baliw ngayon. Alam nyang ito ang tumatakbo sa utak ng kanyang kapatid, na nababaliw na sya sa pag sabi ng totoo. Sino nga bang tanga ang maniniwala sa kanyang sasabihin hindi ba? "Hibang kana ba? Kung napamahal ka sa hindi mo naman tunay na Asawa. H'wag kang gumawa ng kwento Carmela!" Mas lalo pang tumaas ang tono ng boses ni Pearlyn. "Hindi ako gumagawa ng kwento Ate... Ang lalaking naka one night stand ko ng gabing yon ay walang iba kundi si Axcel, Ate." May pakikiusap na sa kanyang boses. Napa sabunot si Pearlyn sa mismong buhok dahil sa sobrang stress na dinulot ng kanyang kapatid. "Eh hindi ba at naging kayo ni Javin? Baka naman may nang
Aabot na ata sa langit ang ngisi ni Bruce ngayon dahil sa laki ng perang matatanggap mula kay Axcel. Maangas ang datingan nya ngayon habang nag lalakad palapit sa loob ng opisina ng kaibigan. Sumalampak sya ng upo sa couch at nag mamayabang na sinulyapan si Axcel na abala sa pag aayos ng mga brief case na may laman na mga pera. "Seriously, pahihirapan mo pa akong ayusin ang mga dolyares na 'to? Pwede ko namang isulat nalang sa cheke". Naiiritang reklamo ni Axcel. Paano ba naman at sinabihan sya ni Bruce na ihanda na nito ang 500 million na ibibigay nya sa kaibigan at gusto pa nitong cash talaga na ibibigay nito sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Bruce, "Na-ah... kailangan ko ng cash dahil isa-isa ko yang ibibigay sa mga tauhan ko. Isang buwan na nilang sahod yan. Buti nalang talaga at nakaka gimbal ang mga impormasyong nakuha ko ngayon..." Kinuha nya ang isang kahang sigarilyo na naka lakip sa suot nyang denim jacket syaka ito sinindihan, "Mahal talaga magpatakbo ng negosyo u
"Cody... gusto mo bang lumabas muna tayo at mag uusap muna sila Mommy at Daddy." Pag tatawag ni JR kay Cody para lumabas. Parehong binalingan ni Cody ng tingin ang kanyang Mommy at Daddy bago hawakan ang kamay ni JohnRobert at sabay silang lumabas. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa mukha ni Carmela ang gulat sa kanyang naabutan, si Axcel na naka luhod sa kanilang anak. Napalunok sya at para syang nawalan ng boses para mag salita. Pinag hahandaan nya na kung paano nya sasabihin kay Axcel ang lahat eh, hindi nya lang inaasahan na ngayon ang magiging araw na yon kaya para syang natuktukan na bisukol. Hindi nya rin alam ang kanyang gagawin. Nahahalata nya rin ang galit sa mga mapupungay na mata ni Axcel na parang panahon nag babantang bumuhos ng malakas na ulan at kidlat. Tumayo ito mula sa pagkaka luhod at humakbang palapit sa kanya. Sa bawat hakbang na ginagawa ng lalaki ay ang kanya namang pag atras hanggang sa ang kanya nalang naramdaman ay ang malamig na pader. Kulang nalang ay
"Are you sure about this?" Pagtatanong sa kanya ni Doctor Jaren.Tumango sya. Napagkasunduan nila ni Axcel na hindi na dito titira si Cody sa hospital dahil uuwi na silang tatlo sa Mansion. "Babalik nalang kami kapag-" naputol ang kanyang sasabihin."Sya ba ang totoong Ama ni Cody?" Muli nitong tanong habang inaasikaso ang mga papers ng anak para sa pag labas nito. Napalunok sya, "Yes Doc, sya ang Daddy ni Cody-"Malakas ang appeal ni Doctor Jaren kung sa tutuisin sya nga ang highlight sa loob ng hospital. Madami ang nag kakagusto sa lalaki, bukod kasi sa gwapo, matalino, matipunong katawan ay sobrang bait din nito at very down to earth, napaka humble kung sabihin. Makalaglag panty din talaga ang gwapo nya, plus points nalang na Doctor sya, napaka naturally caring nya. At syempre mayaman. Madaming mga agencies pa nga minsan ang nagpapanggap na pasyente ni Doctor Jaren para lang makausap nila ang Lalaki at offeran ito ng modeling agency at pagiging artista. Ang ending lahat ng busine
"Why the fuck are you calling me?" Iritang bungad ni Harvey sa kabilang linya. Anong oras naba? It's already 12 am at heto si Axcel hindi makatulog dahil excited syang ipag diwang ang kaarawan ng anak. Gusto nya ring kasama ang kanyang mga kaibigan pero sa ilang beses nyang tinawagan ang mga Promises. Isa lang ang sumagot sa tawag nya at yon ay si Harvey. Naalimpungatan sya sa tawag ni Axcel dahil kakatulog nya lang ng mga 11:00 pm at tumawag naman sa kanya si Axcel ng 12:00 am. "Kung may balak kayong ipasilip ako kay San Pedro sana ay sinabi nyo nalang sa akin hindi yong unti-unti nyo akong pinapatay."Natawa si Axcel, "Alam kong alam mo na ang balita, what should I expect? May pakpak ang Balita sa Promises. Birthday ngayon ni Cody, dumalo kayo-" Bumangon na si Harvey sa pagkakahiga naka boxer lang ito at hindi na sya nag suot ng pants o kahit ano mang saplot sa katawan. Kinuha nya lang ang susi ng kanyang sasakyan at pumunta sa sa garahe ng kanyang Mansion. "Kahit hindi naman
"Pearlyn, hello?? Ayos kalang ba? Kanina pa kita tinatawag." Kung hindi pa sya nilapitan ni Janeth tiyak na hindi pa sya babalik sa kanyang huwisyo. Hindi nya pa rin tinataggal ang paningin sa tatlong unexpected guess. Bakit nandito ngayon si Pearlyn at ang kanilang magulang? Paniguradong alam na nila ang pag papanggap na kanyang ginagawa dahil may lakas na ng loob si Pearlyn na iharap dito ang dalawang matanda. Nagtama ang tingin nila ni Papa Ronald, bakas sa mata nito ang gulat ng makita sya at kalaunang napalitan ng dinadalang kapangyarihan na mapanganib dahilan ng pagtayuan ng kanyang balahibo sa katawan, nakakaramdam na sya ngayon ng lubusang takot sa tingin na yon. "A-h ano nga pala ulit ang sinasabi mo?" Muli nyang tanong dahil kahit nag salita na si Janeth ay wala pa ring pumasok sa kanyang utak dahil iniisip nya ang magulang at ang maaring mangyari ngayong araw. "Ang sabi ko mag sisimula na tayo kapag lumabas na sa mansion si Axcel" tumango nalang sya sa sinasabi ni Jan
"A-asan ang anak ko?" Nanginginig na tanong ni Carmela habang tumatakbo papunta sa emergency room ng hospital.Sa hindi kalayuan makikita nyang kumakaripas din ng takbo si Doctor Jaren habang nag mamadaling sinusuot ang surgical mask. Nang malaman ng lalaking itatakbo si Cody sa hospital mula sa isang nurse na naka sakay sa ambulansya at kritikal ang kondisyon ng Bata, kahit day off nito ay nag mamadali syang pinaharurot ang kanyang sasakyan, sya lang din kasi ang nag iisang doctor sa Emergency room na magaling kaya hindi nya gustong ipagkatiwala sa ibang doctor si Cody. Nagkasalubong silang dalawa sa main door, magsasalita na sana sya ng bigla syang unahan ng Binata habang sinusuot ang isang gloves. "Wait for us here, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. I will do my best." Agad na itong pumasok sa loob."Jusko" takot na utal ni Carmela habang umiiyak. Napahilamos na sya gamit ang kanyang palad sa mukha. Sinubukan nyang pakalmahin ang kanyang sarili pero parang sa tuwing ginagawa nya
"Tatanungin ulit kita... Are you sure about that?" Nang tatansyang tanong sa kanya ni Jaren. Napakagat sya sa kanyang pang ibabang labi at dahan dahang tumango, "Napag usapan naman na natin 'to hindi ba?"Napalunok si Jaren. Nakikita sa mata ng lalaki ang pag aalala para sa kanya. Naiintindihan naman ito ni Carmela dahil alam nyang papasukin nya nanaman ang magulong mundo ni Axcel. Hindi lang 'yon dahil kinumbinsi sya ni Tristan na muling manatili sa Mostrales Mansion. Binalingan nya si Arkin na abala sa pag aayos ng kanyang mga gamit na dadalhin sa hospital. Karamihan ng nilalagay nya sa kanyang bag ay mga laruan dahil ani ng Bata ay makikipag laro sya sa ibang pasyente. Nang tanungin nila ni Jaren si Arkin kung gusto ba nitong manatili sa poder ni JohnRobert at mag bakasyon sa Japan ng ilang buwan o kaya naman sumama kay Jaren sa hospital, mas pinili ni Arkin na manatili sa hospital. Sabi pa nga ng Bata ay para may makalaro ang mga batang pasesyente duon. Excited tuloy ang bata, p
Napahilot sa sintido si Tristan at halos iumpog nya na ang kanyang ulo sa harap ng manibela ng sasakyan. "Ano ba ang mga pinapasok mo Tristan!" Sigaw nya sa kanyang sarili. Hindi pa sya nakuntento sa pag untog nya at sinabunutan nya pa ang sarili. Nababaliw na ata sya. "Susunod na ata ako sa pagiging baliw ng kaibigan natin" hindi makapaniwala nyang ani. Natawa si JR na nakaupo sa tabi ng driver seat ng kanyang kotse. "Anong nakakatawa!? Nakakatawa bang panoorin akong nag dudusa at nagiging alipin ng ulupong na yon!" Pag mamaktol nya na mas lalong ikina hagalpak ng tawa ni JohnRobert. "Ginusto mo yan eh, ikaw ba si Jollibee? Ibang klase! Pabida ka kasi. Alam mo kung sino ang dapat sisihin sa sitwayong pinasukan mo? Walang iba kundi ang sarili mo. Akala mo ata ikaw si Superman para sagipin si Axcel. Mas sweet ka pa sa kanya kesa sa magiging Asawa mo." Napabuntong hininga si Tristan, "Hindi na ako makapag focus sa sarili kong buhay. Naging baby sitter na ako ng baby damulag na yon!
Nanghihinang napa upo si Carmela sa kama nilang dalawa ni Arkin. Ilang oras na ang lumipas at lumalalim na ang gabi ngunit hanggang ngayon ay naririnig nya pa rin ang boses ni Tristan na paulit-ulit nag p-play sa kanyang tenga. Pumatak ang kanyang luha habang hinahaplos ang buhok ng anak. Nadudurog ang kanyang puso, "Sorry..." Mahina nyang utas sa nanginginig na boses. "Sorry dahil... tinago ko rin sayo ang totoo..." Napalunok sya. Hindi pa alam ni Arkin na hindi si Jaren ang totoo nyang Ama at wala syang balak sabihin sa anak ang katotohanan dahil nangako syang pro-protektahan nya ang anak. Hindi sya papayag na muling mangyari ang madilim na pangyayari sa kanyang buhay. Hindi nya maiwasang makaramdam ng pagka guilty. "Sana maintindihan nyo ak-o... Hind-i ito para sa aki-n, ginagawa ko ito para say-o dahil natatakot ako... Arkin, takot na tako-t akon-g balang ara-w ay kunin ka sa'kin... natatakot akong malaman nila ang totoo... natatakot akong balang araw ay hahanapin mo ang Ama mo
Kasalukuyan nang nag aayos si Carmela ng kanilang mga gamit. Matapos nilang mag hapunan ay kaagad nang naka tulog si Arkin. Hanggang ngayon ay iniisip nya pa rin si Tristan. Ano ang ginagawa nito sa sementeryo? Ang mga mata nito ay madaming sinasabi sa kanya. Alam naman nyang walang masamang binabalak si Tristan dahil napaka bait nitong tao. Hindi nya mapigilang mag alala kung sinabi nya kaya ang tungkol kay Arkin kay Axcel? Bakit ba kasi sa dami ng makakakita sa kanila ay isa pa sa mga side kick ni Axcel!Napa pitlag sya ng maramdaman ang kamay ni Jaren na yumayakap sa kanyang likudan, "para kang kabuteng kung saan-saan sumusulpot!" She exclaimed dahil sa sobrang gulat. Natawa si Jaren. Ang hininga nito ay tumatama sa likudan ng kanyang tenga dahilan ng pag tayo ng kanyang mga balahibo, "Do you like our house?"Inikot ni Carmela ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay. Dalawang palapag ito, sa taas ang dalawang kwarto kung saan tabi silang dalawa ni Arkin habang ang isa naman ay k
Naka ngising bumalik ng hospital si Tristan. Buong akala nya ay nagkakamali lang sya ng lead, pero matapos nyang makumpirma na naka balik na nga ng Pilipinas si Carmela matapos ang ilang taon na wala syang balita sa Babae o ano mang lead ay hindi nya mapigilang mapa isip. "I see..." Tumango tango sya. Ang kanyang daliri ay nakalagay sa kanyang baba habang nagpapaka lunod sa malalim na pag iisip, "I already connect the dots. So that's the reason why I don't have any lead to her whereabouts, huh? dahil si Jaren ang kasama nya..." Kaya pala simula ng ma discharge ito sa hospital ay ni anino hindi na nila nahagilap upang ibalita sa kanya ang nangyari kay Axcel. He's pretty sure na ginamit ni Jaren ang kanyang privilege para mawalan sila ng track kay Carmela. Ni hindi pa nga nila alam na wala na pala ang Babae sa Pilipinas!"Given that you're 4 years considered missing... babalik ka ng Pilipinas na may kasamang Bata..." Natatanga syang tumawa, "na kamukha pa talaga ni Axcel." Ngayon pala
After 4 years..."Mommy!" Masayang tawag sa kanya ni Arkin. Tumatakbo ang kanyang anak na lumapit sa kanya. "Baby!" Umupo sya para yakapin ng mahigpit ang anak. "Did you miss, Mommy?" Kumawala ang Bata sa kanyang pag kakayakap at hinarap sya, malungkot itong tumango.Naningkit ang mata ni Carmela kay Arkin. Mukhang hindi naman talaga sya na mi miss ng anak dahil peke ang emosyong pinapakita nya sa kanya. Natawa sya sa sobrang cute ni Arkin at hinaplos ang buhok nito. "Are you sure?" Ngumiti si Arkin, "No po. I don't really miss you Mommy..." Deretsyo at honest nitong sagot. Tinuro nya si Jaren na naka upo sa Sala. May matamis na ngiti sa kanyang labi habang pinapanood silang dalawa, "Si Dada lang po ang naka miss sayo. He can't sleep properly last night because you're not here, sya po ang sad, Mommy. Hindi po ako, pero nagiging sad po ako kapag sad si Dada". Inumaga na nang naka uwi si Carmela. Hindi nya nagawang umuwi kagabi dahil nilakad nya ang mga papeles na kakailanganin par
Nanigas si Carmela sa kanyang kinatatayuan sa narinig. Frest start of life sa Germany? Nag aalinlangan sya kung sasama ba sya o hindi dahil wala naman sa Plano nya ang umalis ng bansa. Oo at gusto nyang magpaka layo-layo, pero sa hindi ganitong pamamaraan. "Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sumama Carmela... I'm still willing to help you to start fresh in the country, pero inaalala ko lang ay wala kang kasama dito, paano kung manganganak ka? Paano kapag pinapasundan ka ni Axcel at malaman nyang may anak kayong dalawa? Paano kung may nangyaring masama sa anak mo?" Nakukuha nya ang point ni Jaren. Noong kay Cody pa man noong naninirahan sila noon sa New York, nahihirapan syang itago ang kanyang anak dahil baka malaman ito ni Papa Ronald. Kung dito sa Pilipinas at mag isa nya lang tiyak na ipapa imbestiga sya ni Axcel at hindi sya nito tatantanan.Napabuntong hininga sya, "pero andito ang pamilya ko, Jaren..." Napakagat sya sa kanyang pang ibabang labi. Andito si Cody... Napasulyap
"Nahanap nyo na ba kung saan nag tatago ang gunggong na yon?" Mariin na tanong ni Axcel kay Tristan. Kasalukuyan syang nasa parking lot ng sasakyan. Umalis sya sa kwarto ni Carmela ng masigurong natutulog na ang Babae. Kahapon ay nabalitaan nyang hanggang ngayon ay pinapahanap pa rin ni Jaren si Javin kay Bruce. Alam nyang hindi ito kaagad ma tra track ni Bruce dahil mas bihasa lang ito sa pag iimbestiga hindi kagaya ni Tristan na mabilis sa pag track ng mga location. "Give me 3 more minutes..." sagot nito. Naririnig ni Axcel sa kabilang linya ang nang gigigil na pag titipa ng kaibigan sa kanyang key board kaharap nito ang computer. Natunugan na ni Javin na ipapahanap sya ni Axcel kung kaya naman ginalingan din nito sa pag tatago. Subalit kahit anong galing nya sa pag tatago kung magaling din si Tristan sa pag track ng mga location, walang silbi ang nagiging effort nito sa pag tatago. Lumipas na ang tatlong minuto, "I already sent you the address." Malamig na wika ni Tristan. Binab
Pangalawang araw na nila sa hospital at kahit ilang beses nang pinag tabuyan ni Carmela si Axcel hindi pa rin sya umaalis hanggat hindi nya kasama nya ang Asawa. "Kumain kana ba?" Mag tatanghali na at wala pa silang kain. Naka upo si Carmela sa hospital bed nang pumasok si Axcel at hanggang ngayon ay naka tulala pa rin si Carmela sa kawalan. Kumain na sya kanina pag alis ni Axcel sa kwarto, buti nalang talaga at meron si Jaren na mayat maya ang pag bisita sa kanya. Nakakain nya tuloy ang mga cravings nya. Hindi pinansin ni Carmela ang lalaki dahil malalim ang kanyang iniisip, kung saan sya pwedeng pumunta kung hihiwalay na sya kay Axcel lalo na't ngayon na tinatago nya ang kanyang pag bubuntis. Bukas ay ma di-discharge na sya. Noon ay binisita nya ang dating apartment na tinutuluyan nilang dalawa ni Cody, wala na ang mga gamit nila doon ang sabi ng landlady may Isang Babae daw ang nag utos na itapon lahat ng 'yon. Kahit hindi sabihin ng landlord kung sino alam nyang si Pearlyn ang