JohnRobert's Point of View:"What did you just say?!" Gulantang na tanong ni JohnRobert sa kanya. Oh shoot! May bago nanaman syang problema. Simula ng mangealam sya sa buhay ni Axcel at Carmela sunod sunod na ang problemang dumadating sa kanya. Nasa gitna sila ngayon ng kalsada at halos ibangga na ata ni JR ang kanilang sinasakyan sa narinig nya. "May lahi ba kayong bingi ni Axcel? Lagi ko nalang inuulit ang mga sinasabi ko. Tinalo nyo po ang mga Bata" naiiritang si Tristan. Salubong na ngayon ang kilay ni JohnRobert, "Tanga kaba? Kahit sino mabibingi sa mga sinasabi mo ngayon. Sinong tanga ang makaka isip na mag lagay ng tracker sa sasakyan na ginagamit ni Pearlyn." Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Tristan, "Malamang isa sya sa mga pinag sususpetsyahan ko. I should know her whereabouts mamaya ay may binabalak syang mangyari kay Axcel considering na politician and businessman ang kanyang Ama. Maybe they're meeting behind our backs and planning something hindi ba? Somethin
Biglang namatay ang tawag matapos nyang mag salita. Nilukob sya ng pag hihinala kung kaya ng marinig nyang pinatay na ni Carmela ang shower sa CR sinyales na tapos na itong maligo ay agad nyang dinelete ang call log ng kahina hinalang Babae. Ibinalik nya sa dating pwesto ang cellphone ni Carmela bago pa man tuluyang makalabas ng banyo ang Asawa. Nag tatakang napa tingin si Carmela sa kanyang asawa dahil para itong na estatwa ng makita sya, kalaunan ay lumipat ang kanyang tingin sa kanyang cellphone. Tumawag ba si Pearlyn? Nakalimutan nyang itago ang kanyang cellphone kanina sa pag mamadali. Excited na kasi syang makasama muli ang anak, wala namang message history sa kanyang cellphone dahil hindi sila nag te text ni Ate Pearlyn, kadalasan ay tawag lang talaga para mas safe at kapag tumawag naman ang Ate automatic na i-de-delete nya kaagad ito. "Kanina ka pa jan? Akala ko ay naka alis kana?" Takang tanong nya.Sana lang ay mali ang kanyang nasa isip na hinihintay sya ng kanyang Asawa
"Pinag loloko mo ba ako Carmela!?" Galit na bulyaw sa kanya ni Pearlyn habang nanlilisik ang mga matang naka tingin sa kanya. Napahawak sya sa kanyang pisngi na namumula. Nag simula na ring tumulo ang kanyang luha sa gulat at takot. "Hi-hindi A-ate..." Napa pikit ng mariin si Pearlyn bago tumawa at tumingin kay Carmela na parang isa syang baliw ngayon. Alam nyang ito ang tumatakbo sa utak ng kanyang kapatid, na nababaliw na sya sa pag sabi ng totoo. Sino nga bang tanga ang maniniwala sa kanyang sasabihin hindi ba? "Hibang kana ba? Kung napamahal ka sa hindi mo naman tunay na Asawa. H'wag kang gumawa ng kwento Carmela!" Mas lalo pang tumaas ang tono ng boses ni Pearlyn. "Hindi ako gumagawa ng kwento Ate... Ang lalaking naka one night stand ko ng gabing yon ay walang iba kundi si Axcel, Ate." May pakikiusap na sa kanyang boses. Napa sabunot si Pearlyn sa mismong buhok dahil sa sobrang stress na dinulot ng kanyang kapatid. "Eh hindi ba at naging kayo ni Javin? Baka naman may nang
Aabot na ata sa langit ang ngisi ni Bruce ngayon dahil sa laki ng perang matatanggap mula kay Axcel. Maangas ang datingan nya ngayon habang nag lalakad palapit sa loob ng opisina ng kaibigan. Sumalampak sya ng upo sa couch at nag mamayabang na sinulyapan si Axcel na abala sa pag aayos ng mga brief case na may laman na mga pera. "Seriously, pahihirapan mo pa akong ayusin ang mga dolyares na 'to? Pwede ko namang isulat nalang sa cheke". Naiiritang reklamo ni Axcel. Paano ba naman at sinabihan sya ni Bruce na ihanda na nito ang 500 million na ibibigay nya sa kaibigan at gusto pa nitong cash talaga na ibibigay nito sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Bruce, "Na-ah... kailangan ko ng cash dahil isa-isa ko yang ibibigay sa mga tauhan ko. Isang buwan na nilang sahod yan. Buti nalang talaga at nakaka gimbal ang mga impormasyong nakuha ko ngayon..." Kinuha nya ang isang kahang sigarilyo na naka lakip sa suot nyang denim jacket syaka ito sinindihan, "Mahal talaga magpatakbo ng negosyo u
"Cody... gusto mo bang lumabas muna tayo at mag uusap muna sila Mommy at Daddy." Pag tatawag ni JR kay Cody para lumabas. Parehong binalingan ni Cody ng tingin ang kanyang Mommy at Daddy bago hawakan ang kamay ni JohnRobert at sabay silang lumabas. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa mukha ni Carmela ang gulat sa kanyang naabutan, si Axcel na naka luhod sa kanilang anak. Napalunok sya at para syang nawalan ng boses para mag salita. Pinag hahandaan nya na kung paano nya sasabihin kay Axcel ang lahat eh, hindi nya lang inaasahan na ngayon ang magiging araw na yon kaya para syang natuktukan na bisukol. Hindi nya rin alam ang kanyang gagawin. Nahahalata nya rin ang galit sa mga mapupungay na mata ni Axcel na parang panahon nag babantang bumuhos ng malakas na ulan at kidlat. Tumayo ito mula sa pagkaka luhod at humakbang palapit sa kanya. Sa bawat hakbang na ginagawa ng lalaki ay ang kanya namang pag atras hanggang sa ang kanya nalang naramdaman ay ang malamig na pader. Kulang nalang ay
"Are you sure about this?" Pagtatanong sa kanya ni Doctor Jaren.Tumango sya. Napagkasunduan nila ni Axcel na hindi na dito titira si Cody sa hospital dahil uuwi na silang tatlo sa Mansion. "Babalik nalang kami kapag-" naputol ang kanyang sasabihin."Sya ba ang totoong Ama ni Cody?" Muli nitong tanong habang inaasikaso ang mga papers ng anak para sa pag labas nito. Napalunok sya, "Yes Doc, sya ang Daddy ni Cody-"Malakas ang appeal ni Doctor Jaren kung sa tutuisin sya nga ang highlight sa loob ng hospital. Madami ang nag kakagusto sa lalaki, bukod kasi sa gwapo, matalino, matipunong katawan ay sobrang bait din nito at very down to earth, napaka humble kung sabihin. Makalaglag panty din talaga ang gwapo nya, plus points nalang na Doctor sya, napaka naturally caring nya. At syempre mayaman. Madaming mga agencies pa nga minsan ang nagpapanggap na pasyente ni Doctor Jaren para lang makausap nila ang Lalaki at offeran ito ng modeling agency at pagiging artista. Ang ending lahat ng busine
"Why the fuck are you calling me?" Iritang bungad ni Harvey sa kabilang linya. Anong oras naba? It's already 12 am at heto si Axcel hindi makatulog dahil excited syang ipag diwang ang kaarawan ng anak. Gusto nya ring kasama ang kanyang mga kaibigan pero sa ilang beses nyang tinawagan ang mga Promises. Isa lang ang sumagot sa tawag nya at yon ay si Harvey. Naalimpungatan sya sa tawag ni Axcel dahil kakatulog nya lang ng mga 11:00 pm at tumawag naman sa kanya si Axcel ng 12:00 am. "Kung may balak kayong ipasilip ako kay San Pedro sana ay sinabi nyo nalang sa akin hindi yong unti-unti nyo akong pinapatay."Natawa si Axcel, "Alam kong alam mo na ang balita, what should I expect? May pakpak ang Balita sa Promises. Birthday ngayon ni Cody, dumalo kayo-" Bumangon na si Harvey sa pagkakahiga naka boxer lang ito at hindi na sya nag suot ng pants o kahit ano mang saplot sa katawan. Kinuha nya lang ang susi ng kanyang sasakyan at pumunta sa sa garahe ng kanyang Mansion. "Kahit hindi naman
"Pearlyn, hello?? Ayos kalang ba? Kanina pa kita tinatawag." Kung hindi pa sya nilapitan ni Janeth tiyak na hindi pa sya babalik sa kanyang huwisyo. Hindi nya pa rin tinataggal ang paningin sa tatlong unexpected guess. Bakit nandito ngayon si Pearlyn at ang kanilang magulang? Paniguradong alam na nila ang pag papanggap na kanyang ginagawa dahil may lakas na ng loob si Pearlyn na iharap dito ang dalawang matanda. Nagtama ang tingin nila ni Papa Ronald, bakas sa mata nito ang gulat ng makita sya at kalaunang napalitan ng dinadalang kapangyarihan na mapanganib dahilan ng pagtayuan ng kanyang balahibo sa katawan, nakakaramdam na sya ngayon ng lubusang takot sa tingin na yon. "A-h ano nga pala ulit ang sinasabi mo?" Muli nyang tanong dahil kahit nag salita na si Janeth ay wala pa ring pumasok sa kanyang utak dahil iniisip nya ang magulang at ang maaring mangyari ngayong araw. "Ang sabi ko mag sisimula na tayo kapag lumabas na sa mansion si Axcel" tumango nalang sya sa sinasabi ni Jan
NANGINGINIG ang kamay ni Regina habang inilalagay sa kanyang maleta ang kanyang ibang mga gamit. Halos lahat sila sa loob ng Mansion ay nag kakagulo, gusto na nilang umalis sa Pilipinas sa lalong madaling panahon bago pa tuluyang lumalin ang mga imbestigasyon at mag sama-sama pa silang lahat bumagsak sa loob ng kulungan. Kaliwa't kanan ang kanilang pagiging aligaga at panay ang tingin nila sa orasan. May flight kasi sila na kailangan nilang habulin na ka bo-book lang din nila. Salamat nalang talaga sa kanilang attorney na matalino't magaling dahil naka alis sila ng presinto kanina! Si Murphy lang ang naiwan duon dahil mas mabigat ang ebidensya na naka turo sa kanya. Hindi na nila alam ang mga nangyayari dahil wala silang koneksyon sa loob, baka mamaya ay nilalaglag na rin sila ni Murphy sa iba pang mga kasalanan! Ang Loko na 'yon! Tama lang na pinahiya sya ni Carmela sa public para si Murphy lang ang pag tuunan nang pansin nang lahat! Pumasok si Aegin sa kwarto ni Regina. Hanggang
Naunang nakadalo sa kumpanya si Ronald at Precious. Ilang minuto na silang nasa loob nang kanilang sasakyan. Dinudumog kasi sila ng mga reporter ngayon, panay ang pag flash nang kanilang mga camera at ang iba naman ay sabik nang maka kuha ng kanilang panayam sa nangyari. Hawak ni Ronald ang lagayan. Mabigat ang kanyang nararamdaman ngayon sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ito hinahawakan ni Precious dahil para sa kanya ay nandidiri sya. Isasama sana nila ngayon si Pearlyn pero kailangan nilang ipakitang na kay Carmela lang ang atensyon. "I think we should go outside bago pa dumating ang mga Mostrales..." Hindi sumagot si Ronald duon. Nakatulala lang syang pinapanood ang mga tao sa labas habang mahigpit ang pagkaka kapit sa inaakalang abo ng katawan ni Carmela. "Do you think this is really an ambush against my political run?" Iyon lang kasi ang nakikita nilang rason kung bakit nila kinabitan ng Bomba ang sasakyan ni Carmela. Iyon din kasi ang sinabi sa kanila ng mga Mostrale
"Cheers?" Itinaas ni Murphy ang kanyang wine glass sa ere. Anong oras na ng gabi at natanggap na nila ang report na sumabog na ang bombang inilagay nila sa sasakyan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi si Manong Gab at Axcel. Iniisip nila na paniguradong nag luluksa na ang dalawa sa pagkawala ni Carmela. Ngayon, panahon naman na upang mag saya sila dahil sa wakas ay nagawa na nilang pabagsakin si Carmela dahil alam naman nilang makakapasok na sila kapag si Axcel na ang naupo sa pinakamataas na posisyon. Ipinag lapit nila ang kanilang mga baso dahilan nang malakas na tunog nito na umalingawngaw sa buong Mansion. Lahat sila ay may ngiting tagumpay sa kanilang mga labi. Ang karamihan ay dahil sa pera, kapangyarihan, at kumpanya. Habang si Pearlyn naman ay masosolo nya na si Axcel at hindi na kailan man malalaman ng kanyang magulang ang katotohanan. Ininom na nila ang kani-kanilang baso ng wine, "What a wonderful night..." Bulong ni Pearlyn. KINUHA ni Axcel ang kumot sa lo
Matapos ang usapan at mamatay ang tawag ni Jenny sa kanya ay bigla syang may natanggap na text na nang gagaling kay Manong Gab. Hindi nya na sana 'yon babasahin dahil pabalik na sya sa kanilang pinag parking-an nang mahagip nang kanyang mata ang salitang 'patawad' sa screen. Pinindot nya nalang ang text dahil sa pag tataka kung bakit ito humihingi ng tawad sa kanya kung pwede namang mamaya nalang sa loob ng sasakyan, hindi ba? "Carmela, sana mapatawad mo ako sa aking nagawa... lalo na sa pagka sira nang pamilyang binuo n'yo ni Axcel. Kasalanan ko kung bakit ito nasira... At sana mapatawad mo rin ako kung bakit hindi ko kayang harapin ang mga kabayaran sa aking nagawa." Nag sisimula nang bumilis ang tibok nang kanyang puso sa kanyang binabasa, "Ako ang naka patay kay Cody... ako ang salarin, ako ang truck driver..." parang nahulog ang kanyang puso. Si Manong Gab? Paano nya ito nagawa? At bakit?....Para syang pinag taksilan... Hindi... literal na pinag taksilan talaga sya. Namuo a
Naalimpungatan si Carmela ng makaramdam sya ng pagka lamig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman nyang naka sandal sya sa balikat ni Axcel. Kaagad syang umayos nang upo at tinanggal ang jacket na naka patong sa kanya. Alam nyang kagaya nya ay nilalamig na ngayon si Axcel. Inilagay nya rin ito sa lalaki. Napa buntong hininga sya. Anong oras na pero mukhang wala pa atang balak rumesponde ang mga empleyado. Pinakatitigan nya si Axcel na mahimbing na natutulog. Malumanay at puno ng rahan nyang inayos ang buhok nito para hindi sya magising. "Ano ba Carmela!" Wika nya sa kanyang sa loobin. Bumaba kasi ang kanyang tingin sa mapulang labi ng lalaki. Hindi nya maipaliwag ang kanyang nararamdaman na para bang gusto nya itong halikan na hindi. Ilang dangkal nalang ang lapit nang kanilang mukha at mukhang nananalo na ang sigaw ng kanyang puso. Unti-unti na syang napapalapit sa lalaki nang biglang mabilis na nag bukas ang pintuan ng elevator. Napa tingin sya duon, "Shit!" Utas nya nang
"I really can't believe what's happening right now!" Si Tita Regina na kanina pa pabalik balik sa kanyang nilalakadan. Matapos ang mga pangyayari kanina sa opisina ay kaagad silang umuwi. Lahat sila ay wala sa katinuan at kapwa lumilipad ang mga utak—kung paano patalsikin si Carmela sa pwesto. "Hindi naman natin sya basta bastang matatanggal kung sya ang napiling taga pag mana ni Papang..." Muling humithit sa sigarilyo si Ortiz, "Besides, mukhang pinag isipan pa ito ng mabuti ng matanda bago sya pumanaw... Sa lahat pa talaga nang tao na pwede nyang pamanahan, bakit pa ang Babaeng p0kp0k na 'yon?" Niyupos nya ang sigarilyo sa isang Ashtray. Napa ngisi si Pearlyn nang may pumasok na ideya sa kanyang utak. Hindi nya na kasi kayang pigilan pa ang gigil nya kay Carmela. Nakaka asiwa lang isipin na pinapaburan nanaman si Carmela nang mga mahahalagang bagay ng Tadhana. Paniguradong magugustuhan ng pamilya ang kanyang plano. "Why don't we came out a plan?" Lahat sila ay napa baling sa kany
Aalis na sana ang mga Investors at ang mga mahahalagang tao nang biglang mag salita si Axcel na ikina tigil nilang lahat. "Since you're already the CEO of this company... Can I ask you personally?"Nagulat din sya sa biglang tanong ni Axcel. "Go on..." sumimsim sya sa wine na kanyang iniinom, pilit tinatago ang nararamdamang kaba. Paano ba naman ay seryoso kung makatingin sa kanya ang lalaki sa kanya ngayon. "I want to work here..." Nahulog ang panga nilang lahat sa kanyang sinabi. Maging si Carmela ay hindi nakapag salita ng ilang segundo. Tumayo ito mula sa pagkaka upo at humakbang papalapit sa kanya. Nakatayo na ang lalaki ngayon sa kanyang harapan, mata sa mata, lahat ng atensyon ay nasa kanilang dalawa. Ilang pulgada lang ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa at nang susukat ang kanilang mga tingin "with a greater position in this company..." Nagsimula nang mag bulung bulungan ang mga tao sa kanilang narinig. Naiilang syang napa ngiti ng pilit, "What do you mean?" Grab
Tumingin si Carmela sa kanyang repleksyon sa harap ng salamin. Kanina nya pa kinakausap ang kanyang sarili. Hindi nya na nakayanan ang kanyang emosyon at nasabunutan nya na ang kanyang sarili. Paano ba naman kasi ay sasabihin nya na sana ang totoo kanina kay Axcel pero nong nakita nya ang lalaki ay bigla nalang syang napa takbo papalayo. "Come on Carmela!" Pang babawi nya sa kanyang tunay na huwisyo, "Come to think of it!" Tumaas ang tono ng kanyang boses, "If you accept the position of the company... hindi na nila pag iinitan si Axcel..." gaya nalang ng naabutan nya kaninang umaga na kinakawawa nila ang walang kalaban-laban na si Axcel at nang mas lalo nya pa itong ma pro-protektahan. "Hindi nga nila pag iinitan si Axcel, pero pano naman ako?" Tinuro nya ang sarili, "Siguro ay mas maganda na rin 'yon dahil kaya kong mang laban kahit papaano at nasa tamang pag iisip ako..." Napalunok sya nang maalala ang mga pag babago ni Axcel at ang akusa sa kanya nang kanyang mga magulang na na
Nasa malalim na pag iisip si Axcel nang biglang mag bukas ang pintuan nang kwarto. Iniluwal non si Tress, nasa malayo palang ang lalaki ay naamoy nya na ang alak. Naka ngisi itong lumapit sa kanya at inilapag ang kulay brown na envelope sa kanyang lamesahan, "this is the only informations that I got." Kaagad nang binuksan ni Axcel ang envelope. Makikita duon ang ibang mga picture ni Jaren at Carmela na sabay pumapasok sa bahay na kanilang tinutuluyan sa ibang bansa. "Nag sama lang silang dalawa and base to the informations that I have gathered, wala silang naging relasyon through out the years na mag kasama silang dalawa..."Sinuri ni Axcel ang mga nasa papel, malinis 'yon at walang mga ka suspetsya-suspetsyang pangyayari. Paano ba namang hindi magiging malinis ang mga records na nandoon eh si Bruce na mismo ang may gawa. Pinag tatakpan nila ang lahat na patungkol kay Arkin. "... but base on my other resources may pinangako pa pala si Carmela kay Jaren, huh?" Nag salubong ang ki