GRAMPS POINT OF VIEW; (before he died)Napatingin si Gramps sa wall clock. It's already 11:00 pm. He's sure na lahat ng tao sa mansion kagaya nalang ng katulong ay natutulog na. Balak nyang puntahan ngayon si Cody sa hospital para kausapin ang kanyang Apo ngunit nag iingat sya na walang makakapansin sa kanya o kaya naman mag tataka sa kanyang pag alis. Knowing Axcel, baka mamaya ay pinapasundan sya ng kanyang Apo kapag ito ay naka tunog. Kinuha nya ang kanyang cellphone at tinawagan ang isa sa mga pinag kakatiwalaan nyang kaibigan ni Axcel, walang iba kundi si JohnRobert. Sa lahat ng kaibigan ni Axcel alam nyang mas may kapasidad si JR na protektahan ang anak ni Axcel dahil lagi itong umaalis ng bansa at mas madaming connection kesa kay Tristan na magaling lang sa pag iimbestiga. "Hello Gramps.... how are you?" Bati sa kanya ni JR mahahalata sa medjo paos nitong boses na naalimpungatan sa mahimbing na pag kakatulog dahil sa kanyang pag tawag. "Did I disturb your beauty rest?" Pag
MAAGANG bumangon si Carmela na walang iniisip. Gumaan na ang kanyang pakiramdam nang malaman na nasa mabuting kalagayan na ang kanyang anak at wala ng kahit sino ang mag tatangka sa Buhay ni Cody. Kahit papaano ay bumalik na sa dati ang pag iisip ni Carmela. "Ganito pala ang pakiramdam na magigising na walang mabigat na nararamdaman o walang inaalala" naka ngiti nyang wika.Wala ngayon si Axcel sa Mansion dahil pupunta itong Davao para tignan ang pinapagawa nyang bagong resort. Hindi talaga nauubusan ng mga idea ang Asawa sa mga business. Tinignan ni Carmela ang kanyang pills sa ilalim ng kama. "Dito ko lang 'yon nilagay ah" utal nya. "Lagi nalang nawawala ang mga pills ko. Noong una noong nag family outing, pangalawa ang mga stock ko sa CR na tinago ko naman sa drawer at ngayon nawawala naman ang tinago ko sa ilalim ng kama." May time na nga na hindi na sya nakaka inom dahil hindi biro ang patago nyang pag bili ng pills at bigla bigla nalang din mawawala. "Ilalagay ko nalang sa
"Earth to Carmela are you ok?" Hinawakan nya na ang kamay ng Babae para bumalik ito sa reyalidad. Kasalukuyan silang nasa hapag kainan ngayon ni Carmela pero parang kanina pa wala sa sarili ang kanyang Asawa. May nangyari ba kanina noong wala sya? May ginawa ba sa kanya sina Tita Regina bago sila umalis sa bahay? Halos masiraan na sya ng utak kaiisip kung ano ang nangyari. Kapag tinanong nya naman si Carmela hindi ito nag sasalita at naka tulala lang na parang estatwa. "An... ano nga ulit yon? May sinasabi kaba?" Napahawak si Axcel sa kanyang sintido. Kanina pa sya talak nang talak hindi pala nakikinig ang kausap nya. Hindi nakapag focus si Carmela dahil paulit ulit nyang naririnig ang boses ni Pearlyn. Babalik na ang kanyang kapatid at bilang nalang ang mga nalalabi nyang araw sa pananatili sa tabi ni Axcel at natatakot syang dumating ang araw na yon. "Are you ok? May sakit kaba?" Lumipad ang kamay ni Axcel sa nuo ni Carmela para pakiramdaman kung may sakit ang asawa. "Mainit ka
JohnRobert's Point of View:"What did you just say?!" Gulantang na tanong ni JohnRobert sa kanya. Oh shoot! May bago nanaman syang problema. Simula ng mangealam sya sa buhay ni Axcel at Carmela sunod sunod na ang problemang dumadating sa kanya. Nasa gitna sila ngayon ng kalsada at halos ibangga na ata ni JR ang kanilang sinasakyan sa narinig nya. "May lahi ba kayong bingi ni Axcel? Lagi ko nalang inuulit ang mga sinasabi ko. Tinalo nyo po ang mga Bata" naiiritang si Tristan. Salubong na ngayon ang kilay ni JohnRobert, "Tanga kaba? Kahit sino mabibingi sa mga sinasabi mo ngayon. Sinong tanga ang makaka isip na mag lagay ng tracker sa sasakyan na ginagamit ni Pearlyn." Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Tristan, "Malamang isa sya sa mga pinag sususpetsyahan ko. I should know her whereabouts mamaya ay may binabalak syang mangyari kay Axcel considering na politician and businessman ang kanyang Ama. Maybe they're meeting behind our backs and planning something hindi ba? Somethin
Biglang namatay ang tawag matapos nyang mag salita. Nilukob sya ng pag hihinala kung kaya ng marinig nyang pinatay na ni Carmela ang shower sa CR sinyales na tapos na itong maligo ay agad nyang dinelete ang call log ng kahina hinalang Babae. Ibinalik nya sa dating pwesto ang cellphone ni Carmela bago pa man tuluyang makalabas ng banyo ang Asawa. Nag tatakang napa tingin si Carmela sa kanyang asawa dahil para itong na estatwa ng makita sya, kalaunan ay lumipat ang kanyang tingin sa kanyang cellphone. Tumawag ba si Pearlyn? Nakalimutan nyang itago ang kanyang cellphone kanina sa pag mamadali. Excited na kasi syang makasama muli ang anak, wala namang message history sa kanyang cellphone dahil hindi sila nag te text ni Ate Pearlyn, kadalasan ay tawag lang talaga para mas safe at kapag tumawag naman ang Ate automatic na i-de-delete nya kaagad ito. "Kanina ka pa jan? Akala ko ay naka alis kana?" Takang tanong nya.Sana lang ay mali ang kanyang nasa isip na hinihintay sya ng kanyang Asawa
"Pinag loloko mo ba ako Carmela!?" Galit na bulyaw sa kanya ni Pearlyn habang nanlilisik ang mga matang naka tingin sa kanya. Napahawak sya sa kanyang pisngi na namumula. Nag simula na ring tumulo ang kanyang luha sa gulat at takot. "Hi-hindi A-ate..." Napa pikit ng mariin si Pearlyn bago tumawa at tumingin kay Carmela na parang isa syang baliw ngayon. Alam nyang ito ang tumatakbo sa utak ng kanyang kapatid, na nababaliw na sya sa pag sabi ng totoo. Sino nga bang tanga ang maniniwala sa kanyang sasabihin hindi ba? "Hibang kana ba? Kung napamahal ka sa hindi mo naman tunay na Asawa. H'wag kang gumawa ng kwento Carmela!" Mas lalo pang tumaas ang tono ng boses ni Pearlyn. "Hindi ako gumagawa ng kwento Ate... Ang lalaking naka one night stand ko ng gabing yon ay walang iba kundi si Axcel, Ate." May pakikiusap na sa kanyang boses. Napa sabunot si Pearlyn sa mismong buhok dahil sa sobrang stress na dinulot ng kanyang kapatid. "Eh hindi ba at naging kayo ni Javin? Baka naman may nang
Aabot na ata sa langit ang ngisi ni Bruce ngayon dahil sa laki ng perang matatanggap mula kay Axcel. Maangas ang datingan nya ngayon habang nag lalakad palapit sa loob ng opisina ng kaibigan. Sumalampak sya ng upo sa couch at nag mamayabang na sinulyapan si Axcel na abala sa pag aayos ng mga brief case na may laman na mga pera. "Seriously, pahihirapan mo pa akong ayusin ang mga dolyares na 'to? Pwede ko namang isulat nalang sa cheke". Naiiritang reklamo ni Axcel. Paano ba naman at sinabihan sya ni Bruce na ihanda na nito ang 500 million na ibibigay nya sa kaibigan at gusto pa nitong cash talaga na ibibigay nito sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Bruce, "Na-ah... kailangan ko ng cash dahil isa-isa ko yang ibibigay sa mga tauhan ko. Isang buwan na nilang sahod yan. Buti nalang talaga at nakaka gimbal ang mga impormasyong nakuha ko ngayon..." Kinuha nya ang isang kahang sigarilyo na naka lakip sa suot nyang denim jacket syaka ito sinindihan, "Mahal talaga magpatakbo ng negosyo u
"Cody... gusto mo bang lumabas muna tayo at mag uusap muna sila Mommy at Daddy." Pag tatawag ni JR kay Cody para lumabas. Parehong binalingan ni Cody ng tingin ang kanyang Mommy at Daddy bago hawakan ang kamay ni JohnRobert at sabay silang lumabas. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa mukha ni Carmela ang gulat sa kanyang naabutan, si Axcel na naka luhod sa kanilang anak. Napalunok sya at para syang nawalan ng boses para mag salita. Pinag hahandaan nya na kung paano nya sasabihin kay Axcel ang lahat eh, hindi nya lang inaasahan na ngayon ang magiging araw na yon kaya para syang natuktukan na bisukol. Hindi nya rin alam ang kanyang gagawin. Nahahalata nya rin ang galit sa mga mapupungay na mata ni Axcel na parang panahon nag babantang bumuhos ng malakas na ulan at kidlat. Tumayo ito mula sa pagkaka luhod at humakbang palapit sa kanya. Sa bawat hakbang na ginagawa ng lalaki ay ang kanya namang pag atras hanggang sa ang kanya nalang naramdaman ay ang malamig na pader. Kulang nalang ay
"MAY BALAK KA BANG PATAYIN AKO SA KABA!?" lumuluhang si Carmela. Ilang minuto na ang lumipas simula nang mangyari 'yon, pero heto, nanginginig pa rin ang kanyang kamay. Nag halo ang takot, pangamba, at pag aalala. "I'm sorry..." paos na paumanhin ni Axcel. Napa upo na si Carmela sa sahig dahil sa nang hihina nyang tuhod. Kanina pa ito nangangatog at salamat sa dyos makaka upo na sya! Umupo rin si Axcel upang mayakap sya. "Ang immature mo!" Pinag susuntok nya ang magkabilaang balikat ng dating asawa, "Pinapatay mo ako sa pagiging isip Bata mo!"Hinayaan nya lang na suntukin sya ni Carmela. Hindi naman 'yon masakit, sa katunayan pa nga nyan ay kinikilig sya sa pag mamaktol ni Carmela. "Ano bang pumasok jan sa utak mo at naisipin mong mag prank ng ganito?!"Kumawala si Axcel sa pagkakayakap nya kay Carmela upang punasan ang mga luha nito. Namumula ang mga mata ng Babae at hanggang ngayon ay bakas pa rin duon ang takot."Sorry na..." Namamaos nyang pag papasensya, pinipigilan ang sar
"Anong gusto mo? Tea? Coffee? Milk? Water? Soda? Or—" Aligaga nyang tanong. Tatayo na sana si Carmela mula sa pag kaka upo sa coach nang biglang hawakan ni Jaren ang kanyang kamay. Napatingin sya sa pag kakahawak duon ni Jaren at napa lunok. Mahigpit yon, pero mararamdaman mo ang pag iingat nang Binata na hindi sya masaktan. "I'm here to check on you... Hindi ako pumunta rito para mag pa asikaso sayo Carmela. I just want a minute today..." Tumango sya at umupo sa tabi nang lalaki. Malawak itong ngumiti sa kanya at tinignan sya mula ulo hanggang paa. Namawis tuloy ang kanyang kamay. Katulad nya, paniguradong hindi sanay si Jaren na makita syang ganito ang ayos. "It's been a month since we're a part... And wow! Look at you, you look like a grown woman..." Hindi makapaniwala nitong papuri sa kanya, "Mas lalo kang gumanda..." namula sya sa sinabi nito.Mahina nyang hinampas ang lalaki, "Ano ka ba! Nag bibiro ka nanaman eh!" Tumawa sya, "Hanggang ngayon ba iniisip mong nag bibiro ako?
Hindi malunok ni Carmela ang kinakain nyang kanin. Ang sarap ng kanilang gabihan pero parang wala itong lasa dahil lumilipad ang kanyang utak sa sinabi ni Jen kanina. Kahit kaharap nya si Axcel na malalim na nakatingin sa kanya na kanina pa sya pinapanood ay para lang itong hangin.Hindi nakikita, pero nararamdaman, o siguro multo? Hindi na nga pinapansin dahil hindi nakikita pero panay ang paramdam.Padabog nyang ibinaba ang kanyang kutsara na gumawa ng tunog, "Kilala mo ba kung sino ang nag pa kalat ng mga pictures na 'yon?" Nang gigigil nyang wika, "I'm pretty sure isa 'yon sa dumalo nang kasal natin!"Normal ba ang nararamdaman ni Axcel nang marinig galing kay Carmela ang salitang, 'kasal natin?' kasi kung hindi... Ibig bang sabihin nasisira na ang mga emosyon sa kanyang katawan? Umiling sya at sabay subo nang kanyang kinakain. Sinubukan nya namang tawagan si Tristan para mag tanong pero imbes na maka kuha ng sagot—responsibilidad ang kanyang nakuha dahil sa isang batang napag k
Napahinga nang maluwag si Axcel nang ibagsak nya ang kanyang katawan sa malambot na kama. Wala na silang naging choice kundi mag sabay ni Carmela sa loob nang taxi na kanyang pinara dahil pinag tulakan na ni Jen si Carmela papasok duon. Everyone assumes that they're together officially na tinatago lang nila ang kanilang relasyon due to work related and dahil na rin sa mga nangyari sa kanilang dalawa. How he wish na ganoon nga. Hinihiling nya na sana kagaya ng kanilang iniisip ang sitwasyon nila ngayon. He groans, "Who in the world spread those pictures!?" Iniisip nya kung sino ang magkakaroon nang mga larawan noong ikinasal silang dalawa ni Carmela but everytime he thinks of it. Una talagang pumapasok sa kanyang utak ang kanyang mga kaibigan. Imposible namang si Gramps ang gagawa no'n e wala na ang matanda sa mundong ibabaw.Kung ang kanyang pamilya naman ay ano pa't ikakalat nila ang mga litratong 'yon? ***Napa sulyap si Arkin sa cellphone ni Tristan na kanyang iniwan sa coffee
MATAPOS ang kanilang Photoshoot ay nag palit na sya nang kanyang damit. Habang nag huhubad sya sa fitting room ay hindi pa rin mag kamayaw ang pag tibok nang kanyang puso. Paano ba naman at nararamdaman nya pa rin ang haplos ni Axcel sa kanyang baywang, ibaba ng dibdib at sa kanyang braso at hanggang ngayon ay para pa rin syang kinu kuryente. "Nababaliw kana, Carmela!" Singhal nya sa kanyang sarili. Mas lalo nya pang ipinilig ang kanyang ulo nang maramdamang muli ang hininga ni Axcel na tumatama sa kanyang leeg. Bahaw syang natawa, "Parang awa mo na Axcel!" Inis nyang wika na para bang kaharap ngayon ang lalaki. Hindi pa ito patay, pero heto, mukhang minumulto na sya nang presensya nang lalaki gawa ng kanina, "Pwede bang lubayan ako ng letche mong kaluluwa! Nakaka bastos na! Kaunting respeto naman ohhh... Nag papalit ako!" Ngayon ay na kumpirma nya na talagang hibang na sya! She totally lost her mind because of Axcel!"AHHHHHH!" sigaw nya at nang gigigil na kinuha ang kanyang isusuo
Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan. May sarili namang sasakyan si Axcel pero nagawa pa talaga nitong maki sabay sa kanya sa pag uwi. Naiinis sya ngayon at mabibigat ang kanyang pag hinga! Napapansin 'yon ni Axcel at alam nya ang dahilan at dahil 'yon sa Babaeng kasama nya kaninang pumasok sa hall. "I told you, she's one of our investors. Sinundo ko sya sa airport dahil hindi nya alam papunta sa venue. She doesn't know everyone... but me" humina ang boses ni Axcel sa kanyang pang huling sinabi. Mas lalo tuloy syang nilukob nang inis! Pwede namang mag tanong ang Babae na 'yon ah! Pipe ba yon? Hindi makapag salita? At kailangan pa talagang si Axcel?!Kunot ang nuo nyang binalingan ang lalaki, "Why? Is it your job to—" Hindi nya natuloy ang kanyang sasabihin nang sagutin na ni Axcel ang kanyang magiging katanungan. "It's part of my job... I'm the vice president after all..." She looked so pissed right now, "It's also part of my job na makipag kwentuhan kay Zaech. If you're allow
"WHAT?! THIS IS RIDICULOUS! ASAWA AKO NG BIKTIMA! ANONG IBIG MONG SABIHIN NA BAWAL AKO PUMASOK?! I NEED TO CHECK MY HUSBAND—HE NEEDS ME!!" Hindi makapaniwalang pag hihisterikal ni Aegin sa mga pulis na naka bantay sa pintuan nang hospital kung saan sinugod si Murphy. Mahigpit ang pag babantay ngayon sa hospital. Mahigit ding ipinag babawal na bawal bumisita ang kung sino mang myembro ng pamilya. Ang papasok lang sa loob ay ang may pinaka mataas na posisyon na pulis at ang mga Doctor at Nurses upang i-check ang kalagayan ng matandang lalaki. Nang malaman ni Aegin ang nangyari kay Murphy. She immediately run to the hospital, kulang na nga lang ay paliparin nya na ang kanyang sinasakyan kanina sa labis na pag aalala. "Ma'am with all due respect, hindi po talaga pwede—""GINAGAGO N'YO BA AKO?! GANYAN BA KAYO KA WALANG PUSO!? I NEED TO KNOW HIS CONDITION WITH MY OWN EYES! I WANT TO SEE HOW BAD IS IT AND HOW HE IS RIGHT NOW!!!" Mukha na syang lata na walang laman ngayon sa sobrang ingay
Padabog na itinapon Carmela ang kanyang shoulder bag sa kanyang lamesahan. Kasalukuyan syang nasa kompanya ngayon. Dumeretsyo na sya rito dahil wala naman syang ibang pupuntahan. Saan nga ba sya pupunta ngayon? Kung panay ang buntot sa kanya nang mga reporters sa nag iinit na Balita. Sabagay at pag kaka kitaan nila dahil duon naman naka sasalay ang kanilang trabaho kaya ganoon nalang kung sugurin sya nang mga ito na mukhang may zombie apocalypse. "Bwisit!" Mabigat nyang singhal at mabigat ang loob na umupo sa kanyang swivel chair. Hindi sya makakapunta ng presinto — pinag bawalan ang presensya nilang dalawa ni Axcel! Ang rason ay baka kung ano 'raw ang magawa nila kay Murphy! "Letcheng justice system ito! Pati ba naman ang mga lintik na kriminal ay protektado ng lintik na batas!" Naiintindihan nya naman na bawal silang pumasok, e, dahil literal na makakapatay talaga sila ngayon — lalo na si Axcel! Naiintindihan nya rin naman na bawat tao ay may mga karapatan, pati ang mga kriminal!
Pansamantalang itinigil ang pag ku-kwestyon kay Murphy dahil kahit anong pilit nilang sumagot ito ay mukhang wala itong balak mag salita, nawalan na ata nang boses ang G4ga! Hindi naman pwedeng mag tutuloy-tuloy ang lahat, buti nalang talaga at naibigay na nila ang ebidensya sa mga awtoridad. Laking tulong din talaga ang boses nang nga mamamayan nang mapanood ang balita. Hindi lang sya ang humihingi ng hustisya — marami sila. Si Axcel ay nasa loob ng investigation room para mag bigay nang kanyang panayam tungkol sa sitwasyon na kanilang kinakaharap ngayon. Pinapanood nya ang nang hihinang mukha ni Axcel sa one way mirror. Dinudurog sya habang pinapakinggan ang mga sagot nang lalaki. "Sigurado ka bang wala kang planong pagaanin ang kaso nang iyong Ama?"Umiling ito, "He deserves it..." Hindi nya na narinig ang mga sumusunod nitong sasabihin dahil...Nawala ang atensyon nya sa pinapanood nang tumunog ang kanyang cellphone. Number ito nang isa sa mga tauhan ni Bruce. Matapos nya kasin