Hindi nya magawang magalit kay Axcel o mag tampo dahil alam nyang may naging pag kukulang sya bilang asawa nito. Kahit na sampal sa kanya ang sinabi ni Shania kagabi naiintindihan nya ito. Mas magandang sinabi nga sa kanya ni Shania ang salitang 'yon dahil ngayon ay magagawa nyang bumawi kay Axcel. Inaayusan nya na ang kanyang sarili ngayon dahil sasama sya sa kompanya para tulungan si Axcel sa ibang mga gawain nito. Tinawagan nya rin ang bawat myembero ng Promises para samahan silang dalawa ni Axcel. Kahit papaano ay nagiging malapit na rin sya sa kaibigan ng kanyang Asawa. Sa tuwing kasama nya ang mga ulopong na 'yon ay kahit papaano nababawasan ang kanyang iniisip. "You're now ready?" Tanong sa kanya ni Axcel na ngayon ay naka ayos na para umalis. Tumango sya at kinuha nya ang kanyang purse para maka alis na silang dalawa. Habang nasa loob sila ng sasakyan ay agad ng nag salita si Axcel."Aalis na ngayon si Shanaia. She needs to go back dahil magkakaroon sya ng run away for a co
Napakagat si Carmela sa sinabi ni JohnRobert. Lahat sila ay naka tingin sa lalaki. Lumipad sa mukha ni JohnRobert ang Isang unan na binato ni Tristan. "Don't joke around the bush, JR." Pag tatawag ni Tristan sa palayaw ni JohnRobert. "Ouch! Do you think I'm joking?" Daing nya. "Mukha mo palang hindi na kapani paniwala. Mga sinasabi mo pa kaya?" Si Erwin na ngayon ay sumisipsip ng inumin."Ni ako na magaling sa larangan ng pag iimbestiga hindi ko nagawang mahanap ang 'mysterious girl'. Ikaw pa kaya na lulubog lilitaw?" Si Tristan. Paano ba namang papaniwalaan si JR eh lagi itong umaalis ng Pilipinas. Minsan na uwi pa nito ay nanatili lang sya ng 1 hour dito sa bansa pagkatapos non ay aalis din kaagad. Ang hirap din kasing paniwalaan ang Promises kung minsan, hindi nga sila mukhang kawatan pero lahat sila nag mumukha namang talbos ng kamote na mang gaganso.Kaya paano naman makikilala ni JR ang mysterious girl na yon? "Bakit ba pinag uusapan pa natin ang Babae na 'yon? It's been li
GRAMPS POINT OF VIEW; (before he died)Napatingin si Gramps sa wall clock. It's already 11:00 pm. He's sure na lahat ng tao sa mansion kagaya nalang ng katulong ay natutulog na. Balak nyang puntahan ngayon si Cody sa hospital para kausapin ang kanyang Apo ngunit nag iingat sya na walang makakapansin sa kanya o kaya naman mag tataka sa kanyang pag alis. Knowing Axcel, baka mamaya ay pinapasundan sya ng kanyang Apo kapag ito ay naka tunog. Kinuha nya ang kanyang cellphone at tinawagan ang isa sa mga pinag kakatiwalaan nyang kaibigan ni Axcel, walang iba kundi si JohnRobert. Sa lahat ng kaibigan ni Axcel alam nyang mas may kapasidad si JR na protektahan ang anak ni Axcel dahil lagi itong umaalis ng bansa at mas madaming connection kesa kay Tristan na magaling lang sa pag iimbestiga. "Hello Gramps.... how are you?" Bati sa kanya ni JR mahahalata sa medjo paos nitong boses na naalimpungatan sa mahimbing na pag kakatulog dahil sa kanyang pag tawag. "Did I disturb your beauty rest?" Pag
MAAGANG bumangon si Carmela na walang iniisip. Gumaan na ang kanyang pakiramdam nang malaman na nasa mabuting kalagayan na ang kanyang anak at wala ng kahit sino ang mag tatangka sa Buhay ni Cody. Kahit papaano ay bumalik na sa dati ang pag iisip ni Carmela. "Ganito pala ang pakiramdam na magigising na walang mabigat na nararamdaman o walang inaalala" naka ngiti nyang wika.Wala ngayon si Axcel sa Mansion dahil pupunta itong Davao para tignan ang pinapagawa nyang bagong resort. Hindi talaga nauubusan ng mga idea ang Asawa sa mga business. Tinignan ni Carmela ang kanyang pills sa ilalim ng kama. "Dito ko lang 'yon nilagay ah" utal nya. "Lagi nalang nawawala ang mga pills ko. Noong una noong nag family outing, pangalawa ang mga stock ko sa CR na tinago ko naman sa drawer at ngayon nawawala naman ang tinago ko sa ilalim ng kama." May time na nga na hindi na sya nakaka inom dahil hindi biro ang patago nyang pag bili ng pills at bigla bigla nalang din mawawala. "Ilalagay ko nalang sa
"Earth to Carmela are you ok?" Hinawakan nya na ang kamay ng Babae para bumalik ito sa reyalidad. Kasalukuyan silang nasa hapag kainan ngayon ni Carmela pero parang kanina pa wala sa sarili ang kanyang Asawa. May nangyari ba kanina noong wala sya? May ginawa ba sa kanya sina Tita Regina bago sila umalis sa bahay? Halos masiraan na sya ng utak kaiisip kung ano ang nangyari. Kapag tinanong nya naman si Carmela hindi ito nag sasalita at naka tulala lang na parang estatwa. "An... ano nga ulit yon? May sinasabi kaba?" Napahawak si Axcel sa kanyang sintido. Kanina pa sya talak nang talak hindi pala nakikinig ang kausap nya. Hindi nakapag focus si Carmela dahil paulit ulit nyang naririnig ang boses ni Pearlyn. Babalik na ang kanyang kapatid at bilang nalang ang mga nalalabi nyang araw sa pananatili sa tabi ni Axcel at natatakot syang dumating ang araw na yon. "Are you ok? May sakit kaba?" Lumipad ang kamay ni Axcel sa nuo ni Carmela para pakiramdaman kung may sakit ang asawa. "Mainit ka
JohnRobert's Point of View:"What did you just say?!" Gulantang na tanong ni JohnRobert sa kanya. Oh shoot! May bago nanaman syang problema. Simula ng mangealam sya sa buhay ni Axcel at Carmela sunod sunod na ang problemang dumadating sa kanya. Nasa gitna sila ngayon ng kalsada at halos ibangga na ata ni JR ang kanilang sinasakyan sa narinig nya. "May lahi ba kayong bingi ni Axcel? Lagi ko nalang inuulit ang mga sinasabi ko. Tinalo nyo po ang mga Bata" naiiritang si Tristan. Salubong na ngayon ang kilay ni JohnRobert, "Tanga kaba? Kahit sino mabibingi sa mga sinasabi mo ngayon. Sinong tanga ang makaka isip na mag lagay ng tracker sa sasakyan na ginagamit ni Pearlyn." Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Tristan, "Malamang isa sya sa mga pinag sususpetsyahan ko. I should know her whereabouts mamaya ay may binabalak syang mangyari kay Axcel considering na politician and businessman ang kanyang Ama. Maybe they're meeting behind our backs and planning something hindi ba? Somethin
Biglang namatay ang tawag matapos nyang mag salita. Nilukob sya ng pag hihinala kung kaya ng marinig nyang pinatay na ni Carmela ang shower sa CR sinyales na tapos na itong maligo ay agad nyang dinelete ang call log ng kahina hinalang Babae. Ibinalik nya sa dating pwesto ang cellphone ni Carmela bago pa man tuluyang makalabas ng banyo ang Asawa. Nag tatakang napa tingin si Carmela sa kanyang asawa dahil para itong na estatwa ng makita sya, kalaunan ay lumipat ang kanyang tingin sa kanyang cellphone. Tumawag ba si Pearlyn? Nakalimutan nyang itago ang kanyang cellphone kanina sa pag mamadali. Excited na kasi syang makasama muli ang anak, wala namang message history sa kanyang cellphone dahil hindi sila nag te text ni Ate Pearlyn, kadalasan ay tawag lang talaga para mas safe at kapag tumawag naman ang Ate automatic na i-de-delete nya kaagad ito. "Kanina ka pa jan? Akala ko ay naka alis kana?" Takang tanong nya.Sana lang ay mali ang kanyang nasa isip na hinihintay sya ng kanyang Asawa
"Pinag loloko mo ba ako Carmela!?" Galit na bulyaw sa kanya ni Pearlyn habang nanlilisik ang mga matang naka tingin sa kanya. Napahawak sya sa kanyang pisngi na namumula. Nag simula na ring tumulo ang kanyang luha sa gulat at takot. "Hi-hindi A-ate..." Napa pikit ng mariin si Pearlyn bago tumawa at tumingin kay Carmela na parang isa syang baliw ngayon. Alam nyang ito ang tumatakbo sa utak ng kanyang kapatid, na nababaliw na sya sa pag sabi ng totoo. Sino nga bang tanga ang maniniwala sa kanyang sasabihin hindi ba? "Hibang kana ba? Kung napamahal ka sa hindi mo naman tunay na Asawa. H'wag kang gumawa ng kwento Carmela!" Mas lalo pang tumaas ang tono ng boses ni Pearlyn. "Hindi ako gumagawa ng kwento Ate... Ang lalaking naka one night stand ko ng gabing yon ay walang iba kundi si Axcel, Ate." May pakikiusap na sa kanyang boses. Napa sabunot si Pearlyn sa mismong buhok dahil sa sobrang stress na dinulot ng kanyang kapatid. "Eh hindi ba at naging kayo ni Javin? Baka naman may nang
"Tatanungin ulit kita... Are you sure about that?" Nang tatansyang tanong sa kanya ni Jaren. Napakagat sya sa kanyang pang ibabang labi at dahan dahang tumango, "Napag usapan naman na natin 'to hindi ba?"Napalunok si Jaren. Nakikita sa mata ng lalaki ang pag aalala para sa kanya. Naiintindihan naman ito ni Carmela dahil alam nyang papasukin nya nanaman ang magulong mundo ni Axcel. Hindi lang 'yon dahil kinumbinsi sya ni Tristan na muling manatili sa Mostrales Mansion. Binalingan nya si Arkin na abala sa pag aayos ng kanyang mga gamit na dadalhin sa hospital. Karamihan ng nilalagay nya sa kanyang bag ay mga laruan dahil ani ng Bata ay makikipag laro sya sa ibang pasyente. Nang tanungin nila ni Jaren si Arkin kung gusto ba nitong manatili sa poder ni JohnRobert at mag bakasyon sa Japan ng ilang buwan o kaya naman sumama kay Jaren sa hospital, mas pinili ni Arkin na manatili sa hospital. Sabi pa nga ng Bata ay para may makalaro ang mga batang pasesyente duon. Excited tuloy ang bata, p
Napahilot sa sintido si Tristan at halos iumpog nya na ang kanyang ulo sa harap ng manibela ng sasakyan. "Ano ba ang mga pinapasok mo Tristan!" Sigaw nya sa kanyang sarili. Hindi pa sya nakuntento sa pag untog nya at sinabunutan nya pa ang sarili. Nababaliw na ata sya. "Susunod na ata ako sa pagiging baliw ng kaibigan natin" hindi makapaniwala nyang ani. Natawa si JR na nakaupo sa tabi ng driver seat ng kanyang kotse. "Anong nakakatawa!? Nakakatawa bang panoorin akong nag dudusa at nagiging alipin ng ulupong na yon!" Pag mamaktol nya na mas lalong ikina hagalpak ng tawa ni JohnRobert. "Ginusto mo yan eh, ikaw ba si Jollibee? Ibang klase! Pabida ka kasi. Alam mo kung sino ang dapat sisihin sa sitwayong pinasukan mo? Walang iba kundi ang sarili mo. Akala mo ata ikaw si Superman para sagipin si Axcel. Mas sweet ka pa sa kanya kesa sa magiging Asawa mo." Napabuntong hininga si Tristan, "Hindi na ako makapag focus sa sarili kong buhay. Naging baby sitter na ako ng baby damulag na yon!
Nanghihinang napa upo si Carmela sa kama nilang dalawa ni Arkin. Ilang oras na ang lumipas at lumalalim na ang gabi ngunit hanggang ngayon ay naririnig nya pa rin ang boses ni Tristan na paulit-ulit nag p-play sa kanyang tenga. Pumatak ang kanyang luha habang hinahaplos ang buhok ng anak. Nadudurog ang kanyang puso, "Sorry..." Mahina nyang utas sa nanginginig na boses. "Sorry dahil... tinago ko rin sayo ang totoo..." Napalunok sya. Hindi pa alam ni Arkin na hindi si Jaren ang totoo nyang Ama at wala syang balak sabihin sa anak ang katotohanan dahil nangako syang pro-protektahan nya ang anak. Hindi sya papayag na muling mangyari ang madilim na pangyayari sa kanyang buhay. Hindi nya maiwasang makaramdam ng pagka guilty. "Sana maintindihan nyo ak-o... Hind-i ito para sa aki-n, ginagawa ko ito para say-o dahil natatakot ako... Arkin, takot na tako-t akon-g balang ara-w ay kunin ka sa'kin... natatakot akong malaman nila ang totoo... natatakot akong balang araw ay hahanapin mo ang Ama mo
Kasalukuyan nang nag aayos si Carmela ng kanilang mga gamit. Matapos nilang mag hapunan ay kaagad nang naka tulog si Arkin. Hanggang ngayon ay iniisip nya pa rin si Tristan. Ano ang ginagawa nito sa sementeryo? Ang mga mata nito ay madaming sinasabi sa kanya. Alam naman nyang walang masamang binabalak si Tristan dahil napaka bait nitong tao. Hindi nya mapigilang mag alala kung sinabi nya kaya ang tungkol kay Arkin kay Axcel? Bakit ba kasi sa dami ng makakakita sa kanila ay isa pa sa mga side kick ni Axcel!Napa pitlag sya ng maramdaman ang kamay ni Jaren na yumayakap sa kanyang likudan, "para kang kabuteng kung saan-saan sumusulpot!" She exclaimed dahil sa sobrang gulat. Natawa si Jaren. Ang hininga nito ay tumatama sa likudan ng kanyang tenga dahilan ng pag tayo ng kanyang mga balahibo, "Do you like our house?"Inikot ni Carmela ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay. Dalawang palapag ito, sa taas ang dalawang kwarto kung saan tabi silang dalawa ni Arkin habang ang isa naman ay k
Naka ngising bumalik ng hospital si Tristan. Buong akala nya ay nagkakamali lang sya ng lead, pero matapos nyang makumpirma na naka balik na nga ng Pilipinas si Carmela matapos ang ilang taon na wala syang balita sa Babae o ano mang lead ay hindi nya mapigilang mapa isip. "I see..." Tumango tango sya. Ang kanyang daliri ay nakalagay sa kanyang baba habang nagpapaka lunod sa malalim na pag iisip, "I already connect the dots. So that's the reason why I don't have any lead to her whereabouts, huh? dahil si Jaren ang kasama nya..." Kaya pala simula ng ma discharge ito sa hospital ay ni anino hindi na nila nahagilap upang ibalita sa kanya ang nangyari kay Axcel. He's pretty sure na ginamit ni Jaren ang kanyang privilege para mawalan sila ng track kay Carmela. Ni hindi pa nga nila alam na wala na pala ang Babae sa Pilipinas!"Given that you're 4 years considered missing... babalik ka ng Pilipinas na may kasamang Bata..." Natatanga syang tumawa, "na kamukha pa talaga ni Axcel." Ngayon pala
After 4 years..."Mommy!" Masayang tawag sa kanya ni Arkin. Tumatakbo ang kanyang anak na lumapit sa kanya. "Baby!" Umupo sya para yakapin ng mahigpit ang anak. "Did you miss, Mommy?" Kumawala ang Bata sa kanyang pag kakayakap at hinarap sya, malungkot itong tumango.Naningkit ang mata ni Carmela kay Arkin. Mukhang hindi naman talaga sya na mi miss ng anak dahil peke ang emosyong pinapakita nya sa kanya. Natawa sya sa sobrang cute ni Arkin at hinaplos ang buhok nito. "Are you sure?" Ngumiti si Arkin, "No po. I don't really miss you Mommy..." Deretsyo at honest nitong sagot. Tinuro nya si Jaren na naka upo sa Sala. May matamis na ngiti sa kanyang labi habang pinapanood silang dalawa, "Si Dada lang po ang naka miss sayo. He can't sleep properly last night because you're not here, sya po ang sad, Mommy. Hindi po ako, pero nagiging sad po ako kapag sad si Dada". Inumaga na nang naka uwi si Carmela. Hindi nya nagawang umuwi kagabi dahil nilakad nya ang mga papeles na kakailanganin par
Nanigas si Carmela sa kanyang kinatatayuan sa narinig. Frest start of life sa Germany? Nag aalinlangan sya kung sasama ba sya o hindi dahil wala naman sa Plano nya ang umalis ng bansa. Oo at gusto nyang magpaka layo-layo, pero sa hindi ganitong pamamaraan. "Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sumama Carmela... I'm still willing to help you to start fresh in the country, pero inaalala ko lang ay wala kang kasama dito, paano kung manganganak ka? Paano kapag pinapasundan ka ni Axcel at malaman nyang may anak kayong dalawa? Paano kung may nangyaring masama sa anak mo?" Nakukuha nya ang point ni Jaren. Noong kay Cody pa man noong naninirahan sila noon sa New York, nahihirapan syang itago ang kanyang anak dahil baka malaman ito ni Papa Ronald. Kung dito sa Pilipinas at mag isa nya lang tiyak na ipapa imbestiga sya ni Axcel at hindi sya nito tatantanan.Napabuntong hininga sya, "pero andito ang pamilya ko, Jaren..." Napakagat sya sa kanyang pang ibabang labi. Andito si Cody... Napasulyap
"Nahanap nyo na ba kung saan nag tatago ang gunggong na yon?" Mariin na tanong ni Axcel kay Tristan. Kasalukuyan syang nasa parking lot ng sasakyan. Umalis sya sa kwarto ni Carmela ng masigurong natutulog na ang Babae. Kahapon ay nabalitaan nyang hanggang ngayon ay pinapahanap pa rin ni Jaren si Javin kay Bruce. Alam nyang hindi ito kaagad ma tra track ni Bruce dahil mas bihasa lang ito sa pag iimbestiga hindi kagaya ni Tristan na mabilis sa pag track ng mga location. "Give me 3 more minutes..." sagot nito. Naririnig ni Axcel sa kabilang linya ang nang gigigil na pag titipa ng kaibigan sa kanyang key board kaharap nito ang computer. Natunugan na ni Javin na ipapahanap sya ni Axcel kung kaya naman ginalingan din nito sa pag tatago. Subalit kahit anong galing nya sa pag tatago kung magaling din si Tristan sa pag track ng mga location, walang silbi ang nagiging effort nito sa pag tatago. Lumipas na ang tatlong minuto, "I already sent you the address." Malamig na wika ni Tristan. Binab
Pangalawang araw na nila sa hospital at kahit ilang beses nang pinag tabuyan ni Carmela si Axcel hindi pa rin sya umaalis hanggat hindi nya kasama nya ang Asawa. "Kumain kana ba?" Mag tatanghali na at wala pa silang kain. Naka upo si Carmela sa hospital bed nang pumasok si Axcel at hanggang ngayon ay naka tulala pa rin si Carmela sa kawalan. Kumain na sya kanina pag alis ni Axcel sa kwarto, buti nalang talaga at meron si Jaren na mayat maya ang pag bisita sa kanya. Nakakain nya tuloy ang mga cravings nya. Hindi pinansin ni Carmela ang lalaki dahil malalim ang kanyang iniisip, kung saan sya pwedeng pumunta kung hihiwalay na sya kay Axcel lalo na't ngayon na tinatago nya ang kanyang pag bubuntis. Bukas ay ma di-discharge na sya. Noon ay binisita nya ang dating apartment na tinutuluyan nilang dalawa ni Cody, wala na ang mga gamit nila doon ang sabi ng landlady may Isang Babae daw ang nag utos na itapon lahat ng 'yon. Kahit hindi sabihin ng landlord kung sino alam nyang si Pearlyn ang