Share

Chapter 3: Blind Date

Napako sa kinatatayuan si Carmela ng makarating sa mamahaling restaurant kung saan sila mag kikita ng kanyang ka blind date. Hindi nya na alam kung ilang minuto syang naka tayo sa labas at tinitignan nalang ang mga taong pumapasok sa loob.

"Kaya mo 'to Carmela, para 'to sa inyong dalawa ng anak mo. Ginagawa mo ito para kay Arkin" Bulong nya sa sarili habang iniisip ang anak. Ngunit kabaliktaran ata nito na palakasin ang loob nya dahil mas lalo syang dinalaw ng kaba.

Muli syang huminga ng malalim bago humakbang papasok sa restaurant. Sa isip nya ay tatapusin nya na lahat ngayong gabi dahil kung papatagalin lang nya ay mas lalo syang kakabahan.

Naka suot sya ng maikling palda at revealing na damit na padala sa kanya ni Pearlyn. May kasama din itong mamahalin na shoulder Bag at mga alahas na tunay na ginto dahil kailangan nyang mag mukhang disente at mag mukhang Pearlyn talaga.

Confident syang nag lakad. Ang suot nyang sandal na may mataas na takong ay gumagawa ng tunog sa bawat hakbang nya dahilan ng pag baling ng tingin sa kanya ng Ibang tao. Ang totoo nyan ay gusto nya nang magpakain sa lupa ngayon dahil sa hiya.

Dahil nga hindi sinabi ni Pearlyn ang mukha ng matandang lalaki, hindi nya alam kung kung sino ang kanyang kikitain. Sinuyod nya ng tingin ang mga tao na kumakain ngunit wala namang ni isa kanila ang matanda, karamihan sa mga ito ay mga nasa mid 20's na.

Titingin na sana sya sa kanyang likudan para hanapin ang number ng kanilang table dahil iyon lang ang binigay ni Pearlyn. Nang bigla syang natapilok at kamuntikan nyang mabangga ang waiter na may hawak na pagkain, muntikan pa ngang matapon sa kanya ang mainit na sabaw kung hindi lang sya nasalo ng Isang lalaki.

Ang baywang nya ay naka pulupot sa Isang kamay nang lalaki. Ilang minuto syang naka tingala at pinag mamasdan ang lalaking sumalo sa kanya. Sa isip-isip nya ay nasa langit ba sya at bakit sya nakaka kita ng Anghel.

Agad nyang ibinangon ang kanyang sarili nang may mapag tanto dahil baka makita sya ng kanyang ka blind date. "Thank you". Pag papasalamat nya habang inaayos ang sarili, mas lalo ang kanyang palda na medjo tumaas.

Tumango lang ang lalaki at nauna nang mag lakad.

"Pinag lihi ata sya sa yelo!" Pag mamaktol nya. Hindi man lang sya ngumiti!

Inilibot nya ang kanyang paningin sa para ma

kumpirmahing wala talagang matandang lalaki.

Sabi ni Pearlyn ay number 69 daw ang kanilang table. Tumungo agad sya sa table na naka reserve sa kanila para umupo. Bubuksan nya palang sana ang kanyang cellphone para i-update si Pearlyn ng bigla syang may naramdamang presensya sa kanyang likudan.

Pag tingin nya sa kung sino ito ay nahulog ang kanyang panga sa lalaking naka tingin sa kanya. Walang iba kundi ang lalaking sumalo sa kanya kanina! Hindi pa sya nakaka bawi sa gulat nang umupo ang lalaki sa kanyang harapan. May kinuha itong business card sa tuxedo nitong suot at inabot sa kanya. Ngayon ay kinakabahan na si Carmela. Nanginginig ang kanyang kamay na kinuha ito.

Bakit hindi matandang lalaki ang kaharap ngayon!? Mas gugustuhin pang kaharap ni Carmela ngayon ang senior citizen kesa ang lalaking ka edad nya na nakaka intimidate kaharap.

'Axcel Mostrales'. Basa nya sa pangalan na nakalagay sa Card. Hindi lang yon! Dahil sya ang 'PRESIDENT OF MONTORO', Isa sa mga sikat na sasakyan ngayon.

Napa hawak sya sa kanyang bibig sa gulat. Umuslit naman ang maliit na ngiti sa labi ni Axcel habang tinitignan ang expression ng Babae. Bakit tila ba hindi alam ng Babaeng kaharap nya ngayon na Isa syang Bilyonaryong tao at president ng sikat na kompamya? Nararamdaman na ni Axcel na iba sa ibang Babaeng naka blind date nya ang kaharap nya ngayon dahil halos lahat ay kakilala sya pero itong Babae ay walang ka alam-alam sa mundo.

Napawi ang ngiti ng lalaki ng tumingin sa kanya ang Babae. Sumeryoso muli ang kanyang mukha.

"Ikaw talaga si Axcel Mostrales?" Inosenteng tanong ni Carmela na may halong pag dududa.

Tumaas ang kilay ni Axcel at proud na nag salita. Ngayon lang sya mag yayabang sa ka date dahil parang hindi sya kilala ng Babae, "Why? I get it. Alam kong hindi talaga kapani paniwala kung ang Isang gwapong lalaking mas over qualified pa sa pagiging artista ay kaharap mo ngayon-" Pinutol ni Carmela ang kanyang susunod na sasabihin.

"Sigurado kang ikaw to? O baka naman si Mr. Mostrales na uugod ugod ay hindi maka lakad dahil inaatake na sya nang arthritis nya ngayon kaya kumuha sya nang mag papanggap bilang sya?"

Halos mag salubong ang kilay ni Axcel sa naririnig ngayon. Matandang uugod ugod?

"What do you mean?" Litong tanong ni Axcel.

Napa ngiti si Carmela at napawi na ang kanyang kaba na nararamdaman nya kanina. Sa ngiti nyang 'yon ay lumundag ang puso ni Axcel. Sinenyasan sya ni Carmela na lumapit sa kanya na sinunod naman ni Axcel. Ngayon ay unting pulgada ang layo ng tenga nya sa bibig ng Babae.

"Ang sabi kasi sakin si Sir Axcel daw e Senior Citizen na. Hindi ko naman alam ang mukha ng matandang yon, syaka lahat daw ng lalaki sa pamilyang yon ay matatanda na. Jusko bakit nya pa gusto nang mapapangasawa kung pwede namang magpahinga nalang sya para mas lumalakas pa sya. Kaya ikaw kung ako sa'yo sabihin mo sa kanya na h'wag na syang humanap ng mag papanggap na Bata bilang sya, dahil ayoko sa matandang nanirahan sa panahon nang mga Dinosaurs" Mahabang sabi ni Carmela dahilan ng malawak na pag ngiti ni Axcel na hindi nya namamalayang kumukubli na pala sa kanyang labi. Umayos ng pagkaka upo si Axcel at kinuha nya ang kanyang cellphone.

Tama nga ang kanyang iniisip, walang idea ang Babae kung sino sya. Hinarap nya ang cellphone kay Carmela at ipinakita ang family picture nila kung saan marami sa kanilang angkan ang mga matatandang lalaki. Si Axcel ang nasa gitna ng family picture. Uminom si Carmela ng tubig. May ipinakita naman ang lalaki na picture ng kanyang Lolo.

"I think nag kakamali ka. Siguro ang tinatawag mong matandang lalaki ay ang Lolo ko dahil sya ang nag papa punta sa akin sa mga blind dates. Not everyone knows me dahil ayokong magkaroon ng public figures like the rest of my family. And in fact, may mga pinsan pa ako sa Ibang bansa na ka edad ko. Hindi sila pinanganak kahit sa panahon pa yan na kinagat ni Eve ang Apple."

Hindi sinadyang maibuga ni Carmela ang tubig sa kanyang bunganga sa mukha ni Axcel. Napapikit ang lalaki, agad syang natatarantang kinuha ang tissue at sya mismo ang nag punas non sa kay Axcel.

"Sorry" Nag aalala nyang pag hingi ng tawad habang pinupunasan ang mukha ni Axcel. Hinahawak ni Axcel ang kanyang kamay dahilan ng pag tigil nya. Muli syang napa upo sa kanyang inuupuan.

"Don't worry, there's a lot of people who compliment me because of my dead gorgeous look. Sa aming mag ka kaibigan, ako lang ang pinaka gwapo, kaya that will not affect me at all." Pag mamayabang nya habang iniisip ang mga mukhang unggoy nyang kaibigan.

Hindi pa nakakapag salita si Carmela na parang pipe sa gulat. Sya talaga si Axcel? Halos gusto nya nang ilibing ang kanyang sarili sa kahihiyan. Kung ano-ano pamandin ang pinag sasabi nya sa lalaki kanina. As the same time ay mas maganda na rin yon, para ma offend ang lalaki sa kanya dahil sa mga sinabi nyang walang kabuluhan kanina.

"This is my ultimate goal for him to dislike me" Sabi nya sa sarili. At para hindi talaga sya magustuhan ng lalaki ay kailangan nyang gumawa pa ng Ibang paraan.

"Hindi pa ba nila sinabi sayo na nag mumukha kang talbos ng labanos?" Ngumiti sya nang nakaka asar.

Kumunot ang nuo ni Axcel dahil hindi nya alam ang sinasabi ng Babae. Ano ang talbos ng labanos?

"I'm sorry, but what is talbos ng labanos?" Curious na tanong ni Axcel.

"You don't know what labanos is? Galing ka sa marangya at matalinong pamilya pero hindi mo alam ano yan? Siguro ikaw lang ang may tililing sa utak at b0b0 sa pamilya nyo" Walang preno ang bibig na pagkakasabi nya.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napapa ngiti sya ng Babae kahit kinukutya sya nito. He likes how she entertain him. Never pa syang ngumiti ng ganito sa ibang Babae dahil pihikan lang syang mapa ngiti, ngunit ang si Carmela madali syang napapa ngiti nito.

Kinuha ng lalaki ang tasa at pa simpleng uminom ng kaunti para itago ang lihim na ngiti.

"So I believe your name is Pearlyn, right?" Tanong nya na tinanguan ni Carmela. Nag simula nang mag isip ng iba pang plano si Carmela para hindi sya magustuhan ng lalaki.

Umakto syang naiinitan at hindi komportable sa kanyang inuupuan. "Can you feel the heat?" Nang aakit nyang tanong.

"We can get a VIP room-" Pinutol nya ang sasabihin ni Axcel.

Kinagat nya ang kanyang pang ibabang labi at kinindatan ang lalaki, "How about a VIP hotel room, just the two of us..." Malandi nyang hinaplos ang kamay ni Axcel, "spending the night together under the moonlight." Mahina nyang bulong.

Hindi alam ni Carmela kung saan nya nakukuha ang kanyang mga sinasabi ngayon. Basta ang alam nya lang ay ayaw ng mga lalaki sa mga Babaeng madaming nakalampungan.

"Do you really want it?" Nantatansyang tanong ni Axcel. Kita nya ang pamumula ng Tenga ni Carmela, senyasles na mahiyain ang Babae at ang panginginig ng paa nito na nahagip ng mata ni Axcel kanina habang malanding bumubulong.

"Yeah, if you want. Karamihan sa mga naka blind date ko we always end up in bed together. We can do it too if you want".

Napalunok si Carmela, sana lang ay hindi pumayag ang lalaki sa mga sinasabi nya. Napa ngiti nanaman si Axcel.

Bago pa makasagot ang lalaki ay agad syang nag salita habang binuksan ang kanyang shoulder bag na nag lalaman ng madaming condom na sinadya nyang bilhin kanina. Nanlalaki naman ang mga mata ni Axcel nang ilapag ito lahat ni Carmela sa ibabaw ng lamesa.

Kita rin ang pagka gulantang ng Ibang tao sa restaurant sa ginawa ni Carmela.

"Mamili ka anong flavor ang gusto mo dito, lahat yan nasubukan ko na ng ilang beses-"

"We can decide what flavor should we use later. Pwede bang itago mo yan?" Nahihiyang sabi ni Axcel. Ano bang meron sa Babaeng ito at bakit hindi sya nahihiya sa dami ng tao?

Kailangan mapigilan ni Carmela ang sinabi nya kanina na gawin nila ang bagay na ginagawa ng mag asawa dahil palabas lang dapat 'yon.

Tinabig nya ang tasa na may lamang kape dahilan ng pagka basa ng kanyang Bag. Napatayo sya at hinawakan ang mamahaling Bag sabay halik dito.

"Oh No! My Baby!" Ma drama nyang sigaw. "I'm sorry. Mommy didn't intend to do it. Don't cry, it's ok." Muli nanaman nyang hinalikan ang kanyang Bag na kunwaring sangol kung kanyang ituring.

Tumingin sya kay Axcel na nahuli nyang naka ngiti kanina. "You should get me a new Bag". Isa rin sa mga ayaw ng lalaki ay ang mga mamahaling Bag dahil nag mumukhang uubusin mo ang pera nila sa mga mamamahaling luho.

"Sure. May alam akong bilihan na malapit lang dito."

Lumabas sila ng restaurant at habang nag lalakad sila papunta sa isang boutique na may mamahaling designer Bags ay naamoy nya ang pamilyar na pabango nang lalaki. May kaamoy ang kanyang pabango, hindi nya matukoy kung saan nya ito naamoy.

Pareho din sila ng mata ni Cody at kung paano sila tumingin na hinahalukay pati ang nananahimik mong kaluluwa.

"You can choose whatever you want."

"Good morning Presi-" Hindi natuloy ng mga staff ang pag bati kay Axcel nang sinenyasan nya ang mga ito na h'wag syang batihin. Ayaw nyang malaman ni Carmela na sya ang may ari ng boutique.

Nag simula na syang mag hanap ng Bag na gusto nya. Nasa likod nya naman si Axcel na naka buntot sa kanya.

May kinuhang Isang Bag si Carmela. Kulay puti at magandang tignan, kumikintab ito sa tuwing natatapatan ng ilaw. Natataranta syang ibalik ito ng makita ang price. 6 million, para lang sa Isang Bag!?

Natawa si Axcel nang makita ang reaksyon ni Carmela. "You can get it if you want" Natatawa nyang sabi.

"No. May ganyan na pala ako sa bahay". Pag sisinungaling nya. Kahit ang totoo naman talaga ay ni isang mamahaling Bag sya ay wala. Karamihan pa sa mga Bag nya ay binibili lang sa tyange o kaya ay Ukay.

Tumingin naman sya ng iba pang Bag pero halos mamatay sya sa presyo ng mga ito, pinaka mababang presyo ay 999k at yon ay ang Isang maliit lang na Bag.

"Bakit wala kapag napipili?" Curious na tanong ni Axcel kahit alam nya na ang totoo na dahil ito sa presyo.

"All of the Bags na meron here eh, meron na ako. Sino ba ang may ari ng Boutique na 'to at parang fake lahat ng paninda dito"

Halos masamid sa sariling laway si Axcel. Fake? Paanong naging fake ang mga paninda nya e limited editions lahat ng nandito.

Lumabas sila ng Boutique na wala ni isang nabili. Kinuha ni Carmela ang kanyang cellphone at kunwaring may binabasa.

"I have to go, it's nice meeting you. Kailangan ko pang makipag kita sa ex ko. You know cuddle time with ex" Ani nya sabay kindat.

"Bago pala ako umalis, wala akong pamasahe. Ibinili ko na kasi sa isang katutak ng condom. Bigyan mo naman ako oh". Walang hiyang pang hihingi nya.

"I don't have bills. Cards lang ang meron sa akin" Ani ni Axcel.

"Sige na nga, hayaan mo na. Gamitin mo nalang pera mo pampa gwapo para hindi ka mag mukhang talbos ng labanos sa susunod na blind date mo". Nang aasar na sabi nya bago talikuran ang lalaki.

Habang nag lalakad si Carmela palayo ay naka hinga na rin sya ng maluwag dahil sa wakas ay tapos na rin ang blind date at sigurado syang hindi sya magustuhan ng lalaki.

Nang mawala na sa paningin ni Axcel si Carmela ay napa hawak nalang sya sa sintido nya at napahalakhak ng malakas.

Gusto nya si Carmela, nagustuhan nya na si Carmela.

Kinuha nya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang Lolo na ipinanganak sa taon ng mga Dinosaur na sinabi ni Carmela.

"I'll make your wish come true. I'm gonna marry her tomorrow night, Gramps. I like her". Naka ngiti nyang wika. Halos suntukin na rin nya ang kanyang sarili dahil kanina nya pa hindi mapigilang mapa ngiti.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status