Akala nya iba ang pamilya nang mga Mostrales sa mga matapobreng pamilya gaya nang kanyang kinalakihan. Ngunit nag kakamali sya, dahil pare pareho lang pala sila. Parehong mayaman at sariling resputasyon ang iniisip. Hindi nya tuloy kayang pigilan ang kanyang sarili na mag tanong, "Bakit kapag mayaman ok lang na gawin ang mga bagay na mali? pero kapag mahihirap ang gumagawa nang mga bagay na ganoon ay mas napapamukha sa kanilang masama silang tao?"Kung pwede lang sigurong sumagot ang hangin ay sasagot ito. Mas nararamdaman tuloy ni Carmela ang pang liliit sa kanyang sarili. Minumulto na sya nang kalungkutan at na mi miss nya na ang kanyang anak. Sa tuwing nakakaramdam sya nang lungkot ang madalas nya lang kaagapay ay ang kanyang anak dahil si Cody ang source nang kanyang lakas. Literal na nga na sa mga katulad nyang Ina ang kanilang primary source of motivation para mag patuloy ay ang pamilya. Ngunit sa lagay nya, si Cody lang ang kaya nyang tawaging pamilya. Kasalukuyan syang nasa
Hindi kaagad nakapag salita si Carmela sa narinig... Alam na nang matanda na sya si Carmela at hindi si Pearlyn? Hindi sya makapag salita dahil sa sarit saring emosyon na kanyang nararamdaman. Papaano na sya ngayon? Nahuli na sya? Ano nalang ang mararamdaman ni Axcel kapag nalaman nya ang totoo? Hindi 'to maari... at bakit si Axcel pa ang kanyang iniisip sa mga oras na 'to at hindi ang kanyang kalagayan. Pinaikutan sya nang matanda. Napa pikit si Carmela nang huminto si Gramps sa kanyang likudan. Ramdam nya ang bawat bigat nang hininga nito. "Simula nong unang nag panggap ka bilang ang iyong kapatid..." Huminto ito sa pag sasalita kasabay nang pag pigil nya sa pag hinga. "Alam na alam ko na ang pag papanggap na ginagawa mo. Alam ko ang mga impormasyon sayo mula ulo hanggang paa. Nakakapag taka lang.... dahil nung pina imbestigahan kita may mga butal na impormasyon. Gaya nalang ng kung sino ang Tatay nang anak mo"Hindi sya nakapag salita dahil kahit mismo sya ay hindi nya kilala ang
GRAMPS POINT OF VIEW: Something is fishy. Nakakapag taka. Hindi na co accident ang mga pang yayari. Pasikat na ang araw pero hindi ko pa rin makuha ang tulog ko at kanina pa ako nag iisip isip. "This is the only way to know the truth". Bulong ko habang pinag mamasdan ang hibla ng buhok na pasimple kong kinuha kay Cody ng haplusin ko ang kanyang ulo. Kanina nga ay para akong naka kita nang multo at napabalik sa nakaraan noong inaalagaan ko si Axcel dahil pareho sila ng resemblance. Noong mga nakaraang Araw ay pina imbestigahan ko sya. Oo at alam kong sya ang foster daughter ng Ejercito Family pero nakakapag taka lang na nag papanggap sya bilang si Pearlyn. Tama lang ang ginawa kong pa imbestigahan sya dahil maski si Pedro ay hindi nito alam na may anak na ang kanyang Apo. Nang umalis ito nang Bansa ay wala na silang naging koneksyon kaya naman masaya ang aking kaibigan nang malaman nyang nag balik na si Carmela sa Pilipinas. "Nalaman ko kay Tristan na may pinapa imbestigahan si Ax
Tanghali na nang magising si Carmela dahil sa puyat. Pag mulat ng kanyang mata ay mukha na ni Axcel ang bumungad sa kanya. Simula nang magising si Axcel, wala na syang ibang ginawa kundi pag mamasdan ang mahimbing na pag tulog ni Carmela. Napa upo si Carmela at inayos ang buhok. Alam nyang mukha syang sinabunutan nang tatlong unggoy sa tuwing babangon sya mula sa pagkaka tulog. "Stop staring at me!" Nahihiya nyang sabi habang tinatakpan ang kanyang mukha. "I can't help it Baby, you're so adorable". Puri naman sa kanya ni Axcel. Napa tingin sya sa side table nang maamoy ang pagkain. Kinuha ni Axcel ang bed table at inayos ito sa kama. Nilagay nang lalaki ang pagkain doon. "You should eat breakfast na. After you eat you get ready. Ayaw kong naka kulong kalang dito sa Mansion kaya mamamasyal tayo. Is there a place that you want to go?" Napa isip sya. May gusto ba syang puntahan? Bukod sa hindi sya pala labas na tao. Nasanay lang syang naka kulong sa bahay at nag babasa ng libro kes
"Kumalma kana at syaka isa pa hindi nya alam na mag asawa tayong dalawa" Pag papakalma nya kay Axcel habang hinahaplos ang braso ng lalaki. Ang cute tuloy ngayon tignan ni Axcel dahil mukha syang batang devil dahil sa hairband na suot na sinasaniban ng selos. "Bulag ba sya o gusto nyang bigyan ko sya ng rason para mabulag at tuluyan nyang hindi mapansin na may kasama ka." Punong puno ng selos nitong wika. "Sinabi na nga nya, hindi nya alam na Asawa kita dahil napag kamalan ka nyang kuya ko... He also made it clear naman na kung kuya kita e hihingin nya ang kamay ko sa'yo. I like his confidence." Natatawa at may pang aasar sa boses ni Carmela. Nag salubong ang kilay ni Axcel sa pang aasar nya. Bago pa man makakapag salita si Axcel ng kanyang pag mamaktol ay hinila na sya ni Carmela papunta sa tapat ng horror house. "H'wag kanang mag salita ng kung ano-ano. Words are to powerful atsyaka isa pa madami rin akong nakatingin sayo na mga Babae. Gusto kong tusukin mata nila isa isa pero
Nabingi ata si Carmela at wala syang marinig. Ano? Dito maninirahan si Shanaia? Bakit? Wala ba syang ibang matutuluyan? Kung titignan naman ay mayaman din ito kaya bakit sa dinami dami ng pwedeng maging tuluyan nya gaya ng hotel. Bakit dito pa sa mansion?Nasagot ang katanungan sa kanyang utak ng mag salita si Veronica. "Ever since umuuwi kami ni Shanaia dito sa Pilipinas lagi syang namamalagi dito sa Mansion. You know, never talaga kami mapag hihiwalay na dalawa. She's like my older sister na atsyaka ok lang naman sa inyo, hindi ba?"Hindi. Hindi ito ok kay Carmela dahil ngayon lakang nakikita nya na ang kakaibang awra ni Shanaia. Parehong pareho kay Pearlyn. "Of course Hija! Shanaia is like a member of the Mostrales family na nga eh". Makahulugang sabi ni Mama Aegin habang tumatawa ito. Bumaling si Shanaia kay Carmela. "I hope it's ok to you and I will not make you uncomfortable... Pearlyn right?" Nilahad ni Shanaia ang kanyang kamay. Tumingin doon si Carmela. Sa totoo lang ay w
Buong gabi na tahimik si Carmela. Kahit tabi silang natulog sa kama ay ramdam ni Axcel ang lamig ng gabi kahit nakayakap sya sa Asawa. Alam nyang nasaktan talaga nya ng labis si Carmela. Alam nya ang kanyang kasalanan at hindi sya nag huhugas kamay sa kanyang ginawa. Kinaumagahan ay nagising si Axcel na wala si Carmela sa kanyang tabi. Hindi sya sanay sa panlalamig ng Babae. Bumukas ang pintuan ng CR at iniluwal non si Carmela na katatapos lang maligo at naka palit. Hindi sya binalingan ng tingin. "Mahal" Tawag nya kay Carmela pero parang walang narinig ang Babae at diretsyo lang ito sa kanyang pag lakad palabas ng silid. Sinundan nya ang Asawa.Sa pag mamadali ni Carmela para maiwasan si Axcel hindi nya inaasahang matapilok sa hagdan. Sa pag aakalang babagsak sya sa susunod na baitang ng hagdan ay napa pikit sya ng mariin habang hinihintay ang kanyang pag bagsak. Ngunit makaraan ang ilang minuto ay wala syang naramdaman kundi ang braso na humahapit sa kanya."Got you". Bulong ng is
"It's a good thing that you regain your conscious Carmela. Lahat kami ay nag aalala. Hindi biro na limang araw kang walang malay. Halos baliktarin ni Axcel ang Mundo makahanap lang ng magaling na Doctor para ipatingin ka." Nahihiyang ngumiti ng tipid si Carmela. Pagka alis ni Axcel kanina ay agad namang pumasok si Gramps. Buti nalang at soundproof ang kwarto ng hotel kaya naman hindi narinig ng matanda ang pag tatalo nilang mag asawa. "Siguro ay dahil din po sa pagod ng katawan ko kaya natagalan ang pag kakaroon ko ng malay." Tumango si Gramps sa kanyang sinabi, "Marahil nga at ganoon Hija, this past few days nakikita kitang busy at madalas na puyat. Nangungulila ka nanaman ba kay Cody? H'wag kang mag alala Hija dahil lagi kong pinapatingin sa kaibigan kong Doctor ang anak mo. Kung minsan na wala rin akong ginagawa ay pumupunta ako sa hospital para makipag laro kay Cody..." Napahinto ang matanda ng ilang segundo at umalingawngaw ang baritono nitong tawa habang iniisip ang bonding
"H'wag mo nang uulitin yon ha?" Malumanay nyang wika habang pinupunasan ang buhok ng Asawa. Katatapos lang nitong maligo. Pagkatapos nilang mahanap si Axcel ay para silang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Kasalukuyan silang nasa kama ngayon, nasa harap nya si Axcel na naka higa sa kanya habang pikit ang mga mata. Ninanamnam nya ang bawat sandali ng punas ni Carmela sa hibla ng kanyang buhok. Tumango ang lalaki, "I wil-l not do it agai-n." He firmly said with a full of assurance na hindi nya na nga uulitin ang kanyang ginawa.Paniguradong ipapa alala ng kanyang kapatid at dating mother in law ang mga ginawang masama sa kanya ni Axcel para ang lalaki na ang lumayo. Ngayong alam nya na ang taktiks ng dalawang demonyo ay mas magiging maingat pa sya mas lalo kung patungkol ito kay Axcel dahil mabilis lang ma trigger ang lalaki. Kung pwede nya lang i-rugby ang kanyang sarili sa lalaki ay gagawin nya para hindi sila mapag hiwalay dito sa loob ng Mansion. Napag alaman nya ring kaya talaga
Matapos nyang kunan ng meryenda ang mga Promises ay bumalik na sya sa loob ng kanyang kwarto. Abala ba naman ang mga lalaki sa pag pupusta ng manok online. Kaya heto at sa tuwing nananalo sila sa pusta ay nag hihiyawan sila. Masaya naman sya dahil nakikita nyang tumatawa ang kanyang Asawa, pero ewan ba nya at naiinis din sya dahil tinuturuan ng mga Promises ang kanyang Asawa sa ibang uri ng sugal. Napapa hilot nalang talaga sya sa kanyang sintido. Para saan pa na nananalo sila ng 500? kung barya lang naman ito sa kanila. Timpak timpak ang kanilang mga pera pero halos lahat ng bagay babaratin na ata nila. Sabagay at mga negosyante nga naman. "Kaya siguro niregaluhan nila ng manok si Axcel" napa ngiwi nalang sya sa kanyang iniisip. Muli nyang binalingan ng tingin ang malaking larawan ni Gramps. Hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Bruce kanina. Paulit-ulit pa rin nya itong naririnig. Pagak syang natawa, "Sa dami ng pasikot sikot dito sa Mansion paano ako makakah
Nagising nalang si Carmela sa sinag ng Araw na tumatama sa kanyang mukha. Iminulat nya ang kanyang mata na may pagtataka dahil naka higa na sya sa kama. Matapos ang eksena kagabi ay hindi sya tumabi sa kama kasama si Axcel. Sa couch sya natulog at nakalimutan nya na ngang buksan ang drawer dahil umiinit ang kanyang ulo matapos makita ang kanyang ex mother in law. Dinaig nya pa ang uling na nag aapoy sa inis."Good mornin-g!""AY KABAYO!" Napatayo sya sa gulat at matalas na tinignan si Axcel. Kahit kapapasok lang nito sa kanyang kwarto at may ilang kilometro silang distansya naamoy nya na ang mabangong lalaki. Paano ba naman at bagong ligo ito naka ayos ito ngayon. Natawa si Axcel sa kanyang reaction."Walang nakakatawa!" Inayos nya ang kanyang hinigaan. "Anong oras darating ang mga kaibigan mo?" Nag text ang mga Promises na pupunta sila ngayon dito sa Mansion at nong tanungin nya kung anong oras, wala man lang ni Isa sa kanila ang sumagot! Dinaig pa nila ang mga famous na artista
"Axcel!" Sita ni Carmela sa lalaki. Paano ba naman at simula kaninang umaga ay palagi nang naka buntot sa kanya ang lalaki. Hindi lang yon dahil parang mas naging maalaga pa ito sa kanya. Nalilito na tuloy sya kung sya ba ang mag aalaga sa lalaki o si Axcel ang mag aalaga sa kanya. Nandito na sila sa taas ng Mansion dahil anong oras na rin ng gabi. Kailangan na nilang matulog dahil bukas mag sisimula na nyang turuan ang lalaki. Kailangan nila ng sapat na tulog para masigla sila bukas. "Gusto kitan-g katabi, maha-l" mala Bata nitong wika. "Hindi ako pumunta rito sa Mansion para tabihan kang matulog, Axcel. Pumunta ako rito para tulungan kang maka recover —""Bak-a maka recove-r ako ng mabili-s kung k-atabi kita—""No Axcel!""Pleaseee-e, asawa ko~"Parang si Arkin lang ang datingan kung may ipapabiling lalaruan! Malamang sa malamang dahil mag Ama sila. "Hindi ka pa ba nag sasawa? Katabi mo ako sa hapag kainan, sa sala, sa veranda at kung saan saan pa. Kulang nalang ay kumandong kan
Tulala sa kawalan si Axcel habang paulit ulit na umalingawngaw sa kanyang tenga ang kanyang mga narinig kanina sa kusina. Mapupungay ang kanyang mata habang ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa takot. Napasabunot sya sa kanyang sarili dahil kanina nya pa pinipilit na maka alala. Namumula ang kanyang buong mukha. "Toto-o ba ang sinabi sa aki-n nina Mam-a nong nakaraa-n sa hospita-l?" Nanginginig nyang tanong sa kanyang sarili. Kung totoo man na sya ang rason kung bakit umalis si Carmela noon ay baka ni kanyang sarili ay hindi nya mapatawad. "A-ano ba an-g nagaw-a ko?..." Muli nyang sinabunutan ang kanyang sarili, ngayon naman ay halos matanggal na ang ibang hibla ng kanyang buhok sa kanyang anit. Nang hindi sya maka alala ay hindi sya nag dalawang isip na suntukin ang kanyang ulo. Paulit-ulit nya itong ginagawa habang sinasabi ang katagang, "natatako-t ako..." Takot na takot sya. Pakiramdam nya ay sobrang dilim ng kapaligiran kapag gusto nyang alalahanin ang mga nangyari sa naka
Kinaumagahan ay maagang bumangon si Carmela sa kanyang kama upang mag ayos ng kanyang sarili. Pagkatapos nyang maligo at mag bihis ay lumabas na sya ng kanyang kwarto. Naglalakad sya sa hallway ng biglang mag bukas ang isang kwarto malapit sa hagdan at yon ang dati nilang kwarto ni Axcel. Natigil sya sa pag lalakad ng mag tama ang mata nilang dalawa ni Axcel na kapwa gulat ng makita ang isa't isa. Sumingaw ang magaang ngiti ng lalaki na nagpatibok sa kanyang puso, "Magan-da a-ng umag-a ko nga-yon dahi-l ikaw ang un-a kong makikit-a. I thought I wa-s just d-dreaming that you're her-e, pero andito kana ng-a pala. Hind-i na panagini-p ang l-lahat... hanggang sa panagini-p ko kasi ika-w lang a-ng lama-n."Kumunot ang kanyang nuo, bakit mukhang bumabanat ngayon ang lalaki? At syaka paano nya nasasabi ang mga salitang ito ngayon? eh hindi ba at tabi sila ni Pearlyn na natutulog?She unintentionally rolled her eyes, "Ako una mong makikita? Anong tingin mo kay Pearlyn? Multo?" Hindi naman s
"B-buti at u-umuwi k-kana dito sa Mansio-n" masayang ani ni Axcel habang yakap sya. Mag iilang minuto na silang magkayakap pero hindi pa rin kumakalas ang lalaki. Nararamdaman nya ang saya nito sa kanyang boses ng makita sya. Kusang lumipad ang kanyang palad sa likudan ng lalaki para suklihan ng magaang yakap si Axcel. "Ka-kahapon pa kit-a hinihinta-y... g-gusto na kasi kitan-g makita, sabik na sabik akong maka sama ka uli-t." Hindi nya inaasahang ganito ang uri ng pananalita ni Axcel. Ang dating tuwid at baritono nitong boses ngayon ay nagkakanda utal utal kahit pinipilit nitong mag salita ng maayos. Ang kanyang madilim na tingin ay lumipat kay Pearlyn na hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang mga mata dahil sa biglaan nyang pag dating. Hindi nito alam ang kanyang gagawin at nanginginig ito sa takot. Bahaw syang ngumiti sa kapatid. Bakit kaya mukhang natatakot ito ng makita sya? Nasaan na ang Pearlyn na palaban? Sumanib na ba sa kanyang katawan ang palabang Pearlyn? Makalipas a
"Tatanungin ulit kita... Are you sure about that?" Nang tatansyang tanong sa kanya ni Jaren. Napakagat sya sa kanyang pang ibabang labi at dahan dahang tumango, "Napag usapan naman na natin 'to hindi ba?"Napalunok si Jaren. Nakikita sa mata ng lalaki ang pag aalala para sa kanya. Naiintindihan naman ito ni Carmela dahil alam nyang papasukin nya nanaman ang magulong mundo ni Axcel. Hindi lang 'yon dahil kinumbinsi sya ni Tristan na muling manatili sa Mostrales Mansion. Binalingan nya si Arkin na abala sa pag aayos ng kanyang mga gamit na dadalhin sa hospital. Karamihan ng nilalagay nya sa kanyang bag ay mga laruan dahil ani ng Bata ay makikipag laro sya sa ibang pasyente. Nang tanungin nila ni Jaren si Arkin kung gusto ba nitong manatili sa poder ni JohnRobert at mag bakasyon sa Japan ng ilang buwan o kaya naman sumama kay Jaren sa hospital, mas pinili ni Arkin na manatili sa hospital. Sabi pa nga ng Bata ay para may makalaro ang mga batang pasesyente duon. Excited tuloy ang bata, p
Napahilot sa sintido si Tristan at halos iumpog nya na ang kanyang ulo sa harap ng manibela ng sasakyan. "Ano ba ang mga pinapasok mo Tristan!" Sigaw nya sa kanyang sarili. Hindi pa sya nakuntento sa pag untog nya at sinabunutan nya pa ang sarili. Nababaliw na ata sya. "Susunod na ata ako sa pagiging baliw ng kaibigan natin" hindi makapaniwala nyang ani. Natawa si JR na nakaupo sa tabi ng driver seat ng kanyang kotse. "Anong nakakatawa!? Nakakatawa bang panoorin akong nag dudusa at nagiging alipin ng ulupong na yon!" Pag mamaktol nya na mas lalong ikina hagalpak ng tawa ni JohnRobert. "Ginusto mo yan eh, ikaw ba si Jollibee? Ibang klase! Pabida ka kasi. Alam mo kung sino ang dapat sisihin sa sitwayong pinasukan mo? Walang iba kundi ang sarili mo. Akala mo ata ikaw si Superman para sagipin si Axcel. Mas sweet ka pa sa kanya kesa sa magiging Asawa mo." Napabuntong hininga si Tristan, "Hindi na ako makapag focus sa sarili kong buhay. Naging baby sitter na ako ng baby damulag na yon!