"Wala pa rin bang lead?" Tanong ni Axcel kay Tristan. Isa sa mga kaibigan nyang mahilig mag imbestiga.
Kasalukuyan silang nag lalaro ngayon ng Billiards sa loob ng Casino na pag mamay ari ni JohnRobert, isa sa kanilang mga kaibigan. Uminom ng Beer si Tristan bago mag salita at seryosong pumwesto habang tinatantsya sa kanyang mga mata ang bola. "Mahirap hanapin ang pinapahanap mo na ayaw mag pahanap Axcel" Malamig na sabi ni Tristan. Umusbong ang pagka irita kay Axcel. "What do you mean na hindi mo mahanap? Ganyan naba kahina ang mga koneksyon mo ngayon at wala ni isang lead ang pinapahanap ko sa'yo?" "Bakit ba masyado kang obsessed? It's just a one night stand. Isang mainit lang na gabi ang nangyari sa inyong dalawa. Come on, Bro. There's a lot of fish in the sea ika nga nila-" Hindi natuloy ng kaibigan ang sasabihin ng mag salita sya. "Because she might carrying my child." Natigilan silang lahat sa sinabi nya. Ilang araw nya na iniisip na baka buntis ang Babae kaya gusto nya itong ipahanap para panagutan. "Hindi ka sigurado kung buntis sya at kung buntis man sya. Sigurado kabang ikaw ang ama?" Sabat ni Hanz na kakadating lang. Isa sa mga business man nyang kaibigan. "Alam kong ako ang Ama, syaka isa pa birhen sya. Gusto ko yon panagutan." Kung mahahanap nga lang nya ngayon ang Babae, tiyak na aayain nya agad ito ng kasal. "At my age? It's not even Bad I'm already 20. Kaya ko silang bigyan ng bubong-" "Bubong lang ang kaya mong Ibigay? Hindi ang pundasyon ng bahay? Ano ka nag hihirap?" Natatawang putol sa kanya ni Harvey. "Don't worry, Axcel. We got your back kami na ang sponsor sa Bintana at Kurtina, kawawa ka naman." Ani naman ni Clarence. "Kaya hinihiling ko na sana hindi buntis ang hinahanap ni Axcel kasi ngayon palang pala hindi nya na kayang bigyan ng kompletong tahanan ang asawa't anak nya." Natatawang pang aasar ni Neil. Lahat sila ay natawa maliban sa kanya na salubong ang kilay. Kahit kailan talaga ay wala nang magandang idinulot ang kanyang mga kaibigan. Hindi lang sila sakit sa ulo, sakit din sila sa bulsa kahit na mga bilyonaryo sila para naman silang namumulubi sa pera. "Shut the fvck up" Naiinis nyang singhal. Kailan paba naging matino ang mga kaibigan nya? Nakatapos nga sa pag aaral, private school at galing pa ng Ibang bansa. Nag take ng mga special courses pero mga walang common sense. "Ilan na ba ang mga pera nyo at bakit hindi nyo nalang subukan bumili ng mga bagong utak at h'wag nyo akong pestehin". Pabalang nyang sabi sa mga kaibigan. "Hindi ka namin pinepeste, ikaw kaya ang peste sa buhay ko. Pinag tra trabaho mo ako 24/7 like come on, bakit hindi nalang ako ang asawahin mo? Araw-araw mo akong tinatawagan, kapag hindi ko sinagot tawag mo tine text mo ako. You're flood chatting me na parang papasabugin mo ang mansion ko kapag hindi ko sinagot mga tawag mo. I have a business to take care. Hindi ako papayag na nasa huli ako ng listahan sa ating mag ka kaibigan sa mayayaman noh. What if ako nalang ang pakasalan mo Axcel?... Syaka isa pa we can merge our business" Pang aakit ni Tristan sa kanya na may kasamang kindat. Dahilan naman ito ng pagka mula ng mukha ni Axcel, hindi sa kilig, kundi sa galit sa kabaklaan ng kaibigan. Aminado syang kinukulit nya si Tristan, tinatawagan nya ito para tanungin kung may lead naba sa Babaeng pinapahanap nya. "I don't want you. Pag mumukha mo pa nga lang hindi ko na kaya tagalan ng Isang oras. Makasama pa kaya ng habang buhay." "You're so harsh. Kailangan ko na ata ulit mag pa pogi at baka hindi na ako habulan ng mga Babae." "Hindi ka din naman mag hihirap sa akin. I can fund your life hanggang sa maging senior citizen ka. Magkano pa ang binabayad ko sa'yo sa pag iimbestiga. Hindi ba't 5 million ang binibigay ko sa'yo sa Isang Araw mo?" Malamig nyang sabi. Hindi naman problema sa kanya ang pera basta gawin lang ni Tristan ang tranahong pinapagawa nya. Naka ngisi ngayon ang lahat ng kanyang kaibigan. Hindi nya talaga alam kung ginagawa ba ni Tristan ang Trabaho nya o pineperahan lang sya o kaya naman nagpapayaman lang si Tristan sa sarili nitong kompanya gamit ang pera nyang binibigay sa kaibigan. Kung pwede lang ibenta ang mga buraot na bilyonaryo, ginawa nya na. Hindi naman na lugi ang mga kababaihan sa kanila dahil bukod sa mayaman ang mga kaibigan ay tiyak na maganda din ang magiging lahi ng mga Bata. "Come to think of it, kung wala pang lead sa Babae hanggang ngayon ibig sabihin lang nyan galing sya sa noble family?" Nag tatakang tanong ni JohnRobert. Tama sya, dahil ito na rin ang matagal nang iniisip ni Axcel. "Isipin nyo, Isang Babae na hinahanap na ng Isang Tristan na magaling sa pag iimbestiga pero hindi nahahanap? Does it make sense to all of you?" Seryosong sabi naman ni Neil habang kumakandong kay Hanz. Bakit ba kahit sa seryosong usapan ay pinapairal pa rin nila ang kabaklaan nila? "Parang minamaliit mo ata ako Neil. Baka nakakalimutan mong ako ang nakahanap kay Janeth" Pagmamayabang ni Tristan. Sya kasi ang nakahanap sa nawawalang Asawa ni Neil na si Janeth noong na aksidente ito. "Right! Maybe galing sya sa makapanyarihang pamilya." Si Clarence na niyayakap si Neil. "Hindi naman din pasok ang palusot ng security team na accidenteng na bura ang CCTV dahil nong chineck ko rin ito sa files ng mga deleted footage ay wala na rin ito. May nag manipulate siguro na makapanyarihang pamilya". Tumango silang lahat sa sinabi ni Tristan. "Wow! Didn't know na naka jackpot pala si Axcel. Baka mahirap nang abutan ang kayamanan mo Axcel dahil sure ball nang mayaman ang Babae. Who knows? Anak siguro ng presidente?" Si Harvey na umiinom ng Bear. "And ilang buwan na simula ang nakalilipas pero wala pa ring lead. At ang magaling nating kaibigan gusto atang pakasalan ang Babae at kung hindi nga buntis ay aanakan nya na ito." "Syaka bakit ba wala kang maalala Axcel, are you in drugs that time?" Magkakaharap na sila ngayon sa couch. Seryoso na silang lahat sa kanilang pinag uusapan. "Tignan mo pagiging play boy mo! Paano ka mag seseryoso nyan kung noong gabing ginawa nyo yon e wala ka sa huwisyo." "It's clearly one night stand." Sagot ni Neil. Natahimik sya para mag isip-isip habang pinapakinggan ang mga kabalbalan na sinasabi ng mga kaibigan. "Syaka kung buntis ang Babae ay hahanapin ka nya, hindi ba? Like baka sya pa ang mag habol sayo na parang asong ulol dahil nga buntis sya at kailangan nya ng pambili ng Gatas sa anak nyo." "parang magandang hanapin ang Babae ah, what do you all think of it? Let's think smart once na nahanap natin ang Babae at buntis nga ito. May taga pag mana na si Axcel. Magandang kidnapin natin ito at mang hingi tayo ng Ransome kay Axcel. Well, 100 million isn't enough." "We need 20 billion-" "I don't want money, I want his company." "Idiots." Tipid nyang wika. "Baka din naman totoong mayaman ang Babae at galing sa well known family kaya hindi hinahanap ang kaibigan natin na laging bina blind ng kanyang Lolo sa kung sino sinong Babae pero choosy pa kaibigan natin" "Naka Ilan na nga syang blind date eh. Ang kwento kwento pa nga ng mga kababaihan na nasagap ko e walang kwentang ka date tong si Axcel." "Baka hindi nila nahanap ang kiliti ng magaling nating kaibigan". Pag bibiro ni Tristan. "Wala kana bang ibang mapang hahawakan sa kanya? O mga ibang gamit na naiwan nya? Maybe we can locate it" Tanong ni Neil na nagpa tigil sa mundo ng mga binatilyong bilyonaryo. Meron nga, merong naiwan ang Babae at yon ay ang panty nya na napunit ni Axcel noong gabing ginagawa nila ang milagro. Nakita nya lang ito sa sahig at yon lang. Napa ngisi sya, may lakas pa ng loob ang Babae na umalis na walang suot na panty huh? "Well then, gusto nya ng taguan? I'll give it to her. H'wag lang syang mag makaawa sa akin kapag nahanap at nahuli ko na sya dahil hinding hindi ko na sya papakawalan". Pag babanta nito na bulong sa hangin.Carmela's Point of View. Makalipas ang ilang taon ay napag desisyonan na naming umuwi dito sa Pilipinas ni Cody. Kasalukuyan na kaming nasa Apartment na uupahan naming mag Ina. Hindi ito kalakihan, sakto lang ito para sa aming dalawa at dahil na rin siguro kaunti lang ang gamit namin.Pinapanood ko si Cody habang nag lalaro. Hindi madali para sa akin na bumalik dito sa Pilipinas dahil natatakot akong malaman ito ng aking Daddy o kaya'y may ibang maka alam at maapektuhan nito ang pagiging politician nya. Ang huling naging balita ko lang sa pamilya namin ay hindi nanalong Mayor ang aking Ama dahil hindi raw hamak na mas malakas at madaming connections sa nakatataas ang nakalaban nya noong election. Ngayon ay nag fo focus nalang sila sa kanilang business na pabagsak na. Nawala ako sa pag iisip at nag tatakang tumingin sa Isang number na nag flash sa aking cellphone. Ang number na ito ay unsave kaya hindi ko alam kung sino ang tumatawag. Sinagot ko ito. "Hello?" Alanganin kong bungad s
Napako sa kinatatayuan si Carmela ng makarating sa mamahaling restaurant kung saan sila mag kikita ng kanyang ka blind date. Hindi nya na alam kung ilang minuto syang naka tayo sa labas at tinitignan nalang ang mga taong pumapasok sa loob. "Kaya mo 'to Carmela, para 'to sa inyong dalawa ng anak mo. Ginagawa mo ito para kay Arkin" Bulong nya sa sarili habang iniisip ang anak. Ngunit kabaliktaran ata nito na palakasin ang loob nya dahil mas lalo syang dinalaw ng kaba. Muli syang huminga ng malalim bago humakbang papasok sa restaurant. Sa isip nya ay tatapusin nya na lahat ngayong gabi dahil kung papatagalin lang nya ay mas lalo syang kakabahan. Naka suot sya ng maikling palda at revealing na damit na padala sa kanya ni Pearlyn. May kasama din itong mamahalin na shoulder Bag at mga alahas na tunay na ginto dahil kailangan nyang mag mukhang disente at mag mukhang Pearlyn talaga. Confident syang nag lakad. Ang suot nyang sandal na may mataas na takong ay gumagawa ng tunog sa bawat hakb
"What? Why so sudden?" Gulat na tanong ni Tristan kay Axcel ng sabihin nitong gusto nyang pakasalan ang naka blind date nyang Babae kagabi. "Because she's the only woman who can make me smile and laugh sa unang pag kikita palang". Mga salitang gusto nyang isagot na itinago nya nalang sa kanyang sarili. "She's so honest and one thing that I like about her is her confidence and how she speak her mind. Nagiging totoo sya sa sarili nya". Tipid nyang sagot. "Paano naman ang pinapahanap mong Babae?" "You can still continue finding her. I'll keep my promise that I'll invest at your company if you found her". Gusto lang malaman ni Axcel kung sino ang Babaeng naka one night stand nya noon at kung nasa maayos ba itong kalagayan ngayon .Nang sabihin nga ni Axcel ang magandang Balita kagabi sa kanyang Lolo ay agad nitong pina ayos ang venue ng kasal at simbahan. Muli nanaman syang napa ngiwi ng maalala nya ang sinabi ng Babae kagabi tungkol sa kanyang Lolo. "Siguro nga ay may Babae nang nak
Tonight was so magically unrealistic. Sa bilis ng pagtakbo ng oras, ngayong gabi ay naka suot na ng magarbong wedding gown si Carmela. Naka suot na rin ang kanyang belo sa ulo. Nanginginig ang kanyang buong katawan nang mag simula nang tumugtog ang paborito nyang kanta. Dream come true nga na lalakad sya sa kanyang kasal habang tumutugtog ang paborito nyang kanta, pero hindi naman ang kanyang Dream guy ang kanyang papakasalan. "Para kay Cody." Mahinang bulong nya para patatagin ang loob. Ang venue ng kanilang kasal ay sa malawak na hardin na punong puno nang magaganda at iba't ibang kulay ng mga bulaklak at halaman. Garden wedding ang theme ng kasal. Bawat detalyo ng kanilang kasal ay kuhang kuha sa kanyang gusto, parang fairytale na kahit kailan man ay hindi nya inaakalang magkaka totoo, parang Isang panaginip na gusto nyang magising at hindi. Maraming mga paro-paro na hindi magkamayaw sa paglipad sa liwanag na bilog na buwan. Kasabay ng mga ilaw na kumukutitap na parang mga bitwin
Pinapanood ni Carmela sa labas ng bintana ng sasakyan ang bawat daananang kanilang binabaybay. Ngayon ay uuwi sila sa mansion ng mga Mostrales. Nasisigurado nyang malapit na sila sa kanilang distinansyon nang matanaw sa hindi kalayuan ang malaking gate na may nakasulat na, "Mostrales De Familia". Kanina pa pinag mamasdan ni Axcel si Carmela na parang hindi ito mapakali sa kanyang kinauupuan at mistulang gusto na nitong bumaba ng sasakyan. Tumingin sa kanya si Carmela at nang mahuli syang naka tingin sa kanya ay tinaasan lamang sya nang kilay nang Babae. Palihim na napangiti si Axcel sa inasta ni Carmela. "Kita mo nga naman ang Babaeng ito. Matapos ko syang matiklop kagabi ay may lakas pa syang sungitan ako". Ani nya sa kanyang isip. Nang magising nga sila kaninang umaga matapos ang mainit at mapusok na pag sasalo nila kagabi ay halos ibato na ni Carmela ang bed lamp kay Axcel. Hindi rin sya pinapansin nang Babae nang asarin nya ito dahil naalala ni Axcel ang mga pinag sasabi ni Car
Sa dami nang mga Babaeng obsess sa mga branded na bagay tiyak na hindi lang sya ang may panty na ganoon kahit limited edition pa yon na tawagin."Syaka come on Carmela! Hindi mo pag mamay ari ang mundo para ikaw lang ang taong meron sa Isang bagay. Tignan mo naman ang lalaking pinakasalan mo at pinanganak na may gintong kutsyara sa bibig. Kulang na nga ay isusubo na ang ginto sa lalaking yon eh!" Pag kukumbinsi nya sa kanyang sarili. Kagabi nga ay tabi silang dalawa nang lalaki matulog pero hindi nya mahalintana ang pagiging uncomfortable dahil lumilipad ang kanyang isipan na baka si Axcel nga ang Ama ni Cody. Pero napaka imposible naman nang kanyang mga iniisip dahil may mga taong mag kakamukha pero hindi naman mag ka ano-ano. Siguro ay sinwerte lang sya na gwapo ang anak or dahil siguro gwapo din ang kanyang Ama na hindi nya kilala. "Ewan ko ba sayo Carmela at kung ano anong pumapasok sa utak mo! Focus ka lang sa mga pwede mong gawin ngayon para kaayawan ka nang lalaki!" Sita nya
Naunang pumasok sa loob nang Mansion si Axcel na may hindi maipintang mukha gawa ng pag aalala na napalitan nang galit na kalaunan napalitan din ng hiya matapos nyang pag selosan ang kaibigan. Sa likudan naman nya ay si Carmela na hanggang ngayon ay naka ngiti matapos mapagtantu kung bakit ganoon ang reaksyon ni Axcel. "There you are! We're worried sick Pearlyn. Ang akala namin ay nawawala ka so we conduct a search and rescue to find you. Thank goodness and you're all right". Nag aalalang dalo sa kanya ni Mama Aegin. Hinawakan sya sa kamay nang kanyang mother in law habang sinusuri sya mula ulo hanggang paa. Nang makita nito ang sugat sa kanyang paa, gumuhit ang nag aalalang Mukha ng matanda. "Ayo-s lang po ako". Utal na sabi ni Carmela. Inunahan nya na magsalita si Aegin dahil hindi naman malalim ang kanyang galos. Walang wala nga ang sugat nya ngayon sa sugat nya noong nag hahabulan sila ni Cody sa New York. Kumbaga normal lang na galos ang natamo nya ngayon. Napatingin sya sa g
"Baby..." Unti unting minulat ni Carmela ang kanyang mata mula sa pang gigising sa kanya ni Axcel. Mula sa naniningkit nyang mga mata. Agad itong nanlaki nang makita ang hubad na katawan ni Axcel. Agad syang napa upo sa gulat ngunit mas lalo syang nagulat nang yumakap sa kanyang hubad na katawan ang malamig na hangin nang Aircon. Dali dali nyang dinampot ang kumot upang takpan ang kanyang katawan. "You're so silly wifey, don't worry nakita ko naman na ang mga tinatago mo" Natatawa at mapang asar na wika ni Axcel.Tumayo ang lalaki at halos hugasan na ni Carmela ang kanyang eye balls nang alcohol nang makita ang manoy nang lalaki na hindi na buhay. Namula si Cheska at naiinis na kinuha ang unan sa kanyang tabi at binato ito sa Ari ni Axcel. "What the hell-" He uttered due to shocked. "Mag pants ka nga! Magkaroon ka naman nang kahit katiting bakas nang hiya sa katawan. Hindi yong layaw mo lang ang sinusunod mo!" Reklamo nya pero hindi nya naman magawang tanggalin ang kanyang tingin
"Kanina ka pa ba nag hihintay?" Tanong nya kay Jaren nang makalapit sya sa lalaki. Umupo ito sa tapat nya, nakapag order na si Jaren ng kanilang kakainin na dalawang slice ng cake at iced coffee. Umangat ang labi ni Jaren, "Hindi naman... Mukhang ayos na ayos ka ngayon ah, may date ka?" May pag bibiro sa tono nya pero hinihiling nyang sana'y salungat ang magiging sagot ni Carmela. "Kanino naman ako makikipag date?" Oo nga pala, naalala nyang hindi na sya tinuturing na Asawa ni Axcel. Kaya sino naman ang ide-date nya hindi ba?"Baka kasi after natin mag kita may iba kang kikitahin" Natawa sya, "Sino naman? Halos mangilan ngilan nga lang ang kakilala kong lalaki at syaka mailap ako kaya imposibleng may magiging ka date ako o may mag de-date sakin"Napa tuwid ng upo si Jaren at tumingin sa kanya ng seryoso, "What if this is a date?" Nanlamig ang kamay ni Carmela sa narinig, bakit ba ang weird ng mga taong nakapaligid sa kanya ngayon? Si Jimenez gusto syang pakasalan, si Axcel pinag s
"No!" Matigas na wika ni Axcel."Why no?" Nang iinsultong si Jim."Just because I say so." Ma autoridad nitong rebat. "Pero sya ang gusto kong pakasalan—""Shut your mouth Jimenez Dela Vera! Madami kang pwedeng pakasalan na Babae na paniguradong pasok sa tipo mo kaya don't you even dare go near her. Sya lang ang Babaeng hindi ko kayang makitang may kasamang iba." Nagulat si Carmela sa sinabi ni Axcel. E halos kamuhian nga sya nito e, ngayon ano nanaman ba ang sinasabi ng mokong na 'to? Nakaramdaman ng selos si Pearlyn sa sinabi ni Axcel dahilan ng pag role ng eyes nya. Lumapit sa kanya ang Asawa at hinigit sya sa tabi ni Jim, mukhang tawang tawa naman ang lalaki sa inaasta ni Axcel. Mahigpit ang hawak sa kanya ng Asawa kulang nalang ay mabali ang kanyang kamay. "This will be the last time that I will see your face here Jim. I don't want to see your face lurking around here on our mansion""You're so rude""Aalis kana o sasabihin ko kay Lolo Judas na spotted ka noong nakaraan sa is
Kumuha ng ice si Carmela sa ref at inilagay ito sa kanyang eyebags."Ano ba ang nangyari sayo, Hija... Umiyak ka nanaman ba dahil napanaginipan mo si Cody?" Usisa sa kanya ni Nanay Emilda. Abala sila ngayon sa pag lalagay sa plato ng kanilang mga niluto. Tumingin si Carmela sa reflection nya sa ref, hanggang ngayon namamaga pa rin ang kanyang mata mula sa sumbatan nilang dalawa ni Axcel kagabi. Malusog ang kanyang eyebags. Paano ba naman at mga alas tres na sya ng madaling araw nakatulog tapos babangon pa ng 5:30 para tumulong sa pag luluto. "Opo" tipid nyang sagot. Alam na kasi ni Nanay Emilda na sa tuwing binibisita sya ng anak sa panaginip ay umiiyak sya, pero ngayon iba ang dahilan. Lumungkot ang mukha ng matanda, "Baka kasi kailangan mo na ring umusad... kung nahihirapan ka ngayon, tiyak na mas lalong nahihirapan ang anak mong tumawid sa kabilang buhay. Kailangan mong ipakitang maayos kana Carmela..." Tama ang sinabi ni Nanay Emilda, kailangan nya nang tanggapin ang mga nangy
Halos ipako na ni Carmela ang kanyang sarili sa upuan ng sasakyan. Kanina pa nanginginig ang kanyang tuhod simula ng maka alis sila sa restaurant. Hindi naman mukhang nag bibiro si Axcel sa kanyang sinabi. "Ano ba Carmela! Ilang beses nyo nang ginawa ang bagay na 'yon" pag sasabi nya sa kanyang sarili. Ngunit kahit ilang beses na nilang ginawa ang bagay na 'yon. Kakaiba ang kanilang sitwasyon ngayon kaya parang hindi nya na kayang gawin kasama ang lalaki."Hihintayin mo bang buhatin kita para lumabas ka jan?" May pag uutos sa boses ng lalaki. Hindi nya na namalayang kanina pa sila nakarating sa Mansion at heto pinag buksan pa sya ng Asawa ng pintuan. Salubong ang makapal na kilay nito. "Ah... eh" wala syang masabi na mas lalong ikina inis ng lalaki. "Kung gusto mong matulog dito sa sasakyan, then so be it..." Muli na sana nyang isasara ang pintuan ng napag desisyon na ni Carmela na lumabas, "lalabas din pala eh" bulong nya na may halong pang rereklamo. Pumasok na sila sa loob ng M
Humahangos syang binuksan ang pintuan ng opisina ni Axcel, nag aalala ang tingin ng Promises na naka baling sa kanya. Naglakad sya paloob halos matapilok na sya dahil sa pag mamadali. Ibinaba nya ang mga kape sa lamesahan, tagaktak ang kanyang pawis. "Oh bakit ngayon ka lang!?" Galit na si Axcel, as if hindi sya ang salarin sa pag babayad ng mga katabing coffeeshop para mag sara ngayong araw. Hindi lang 'yon dahil sya rin ang dahilan kung bakit hindi umaandar ang elevator dahilan kung bakit mas lalo pang naramdaman ni Carmela ang pagod dahil sa hagdanan sya dumaan, e nasa pinaka taas na palapag pa naman ang opisina ng Lalaki. "Wala kasi akong mabilhan na malapitang coffee shop kaya sa kabilang bayan pa ako napadpad. Hindi rin gumagana ang elevator kaya mas lalo akong natagalan dahil dumaan ako sa hagdanan" pinunasan nya ang kanyang pawis. Sumasabay pa sa kanyang nararamdaman ang pag ikot ng mundo sa hilo dahil wala syang tulog kasabay ng pagkalam ng sikmura dahil wala pang kain si
Nag aalalang napa tingin si Hanz sa kanyang wrist watch, "It's been 30 minutes pero wala pa rin si Carmela, ayos lang kaya sya?" Natawa si Axcel habang pinag lalaruan ang ballpen, "nagsisimula palang ako pero interesting na".Natigilan sila sa pag babasa ng mga nasa papel. May mini meeting sila ngayong mag ka kaibigan para sa business collaboration nila, napag isipan kasi nilang mag tayo ng business na nakapangalan sa kanila. They will call it, "The Promises house" kung saan ito ay isang engrandeng hotel sa isang Private na Isla na kanilang bibilhin. "What do you mean?" Usisa ni Harvey. Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi, "pinasara ko ang mga malalapit na coffee shop."Nahulog ang panga nilang lahat sa narinig. Talaga ngang tuluyang naging demonyo ang kanilang kaibigan dahil ang coffeeshop na paniguradong bukas ay sa kabilang bayan pa. "Kumusta na kaya sya? mukhang mainit pa naman sa labas..." Tumingin sya sa window glass at natawa ng makitang mukhang nakakapaso ang in
"Oh, saan kayo pupunta?" Takang tanong ni Mama Aegin nang makasalubong nila ang matanda sa Sala. Sa likod nya ay si Pearlyn na nakatingin sa kanilang dalawa ni Axcel at sa madiin na pagkakahawak sa kanya ng lalaki.Matapos nyang magpalit kanina ay agad syang kinalakadkad ng lalaki palabas ng maids quarter para isama sya sa kompanya."Isasama ko sya sa kompanya" tipid na sagot ng anak. Nanlaki ang mata ng matanda, "At bakit mo sya isasama Axcel? H'wag mo sabihing mas gugustuhin mong kasama ang mapag panggap na yan kesa sa tunay mong Asawa!?" "Bakit may sinabi ba akong mag de date kami sa kompanya?" Pilit pa ring nagpupumiglas si Carmela mula sa pag kakahawak ng Asawa pero kada ginagawa nya yon at sya namang mas lalong pag diin ng pagkakahawak nito. Nagbago ang ekspresyon ngayon ng Ina ng lalaki, "Hindi ba pwedeng si Pearlyn ang kasama mo ngayong araw, kararating nya lang kahapon ngunit sa halip na sya ang tinututukan mo ngayon e..." Tumingin si Mama Aegin sa kanya ng may pandidiri s
MAGIISANG LINGGO na matapos ang bangungot na nangyari sa buhay ni Axcel at Carmela. Kauuwi lang ni Carmela galing sa sementeryo. Binisita nya si Cody upang tignan na rin kung maayos na ang lapida nito. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso, parang kahapon lang ito nangyari at lagi nya pa ring hinahanap ang presensya ng anak. Papasok na sya sa loob ng Mansion ng bigla syang matigil ng makita ang kanyang Ate Pearlyn na nakikipag beso kay Mama Aegin. Lumipat ang kanyang tingin sa maletang naka hilera at kasalukuyang tinataas ngayon ng mga katulong. Dito na ba titira ang kapatid? Saan ito mag kwa-kwarto? Ibig bang sabihin nito ay aalis na sya sa Mansion? Alam ba ito ni Axcel? Sunod sunod na katanungan sa kanyang isip. "Welcome sa Mostrales Dela Familia Mansion..." Masayang bati sa kanya ni Mama Aegin, kumawala sila sa pag kakayakap, "I'm glad na ang totoong Pearlyn na ang naka tayo ngayon sa aking harapan. Napaka ganda mo at mas may class kapang tignan kesa sa nag
"Anong ibig mong sabihin na nakatakas ang driver!? Hanapin mo sya ngayon din!" Bulyaw ni Axcel kay Tristan sa kabilang linya."I'm currently finding it pero wala talaga eh, deleted ang lahat, parang may makapangyarihang nag ko cover up sa kanya..." Kabadong sagot ni Tristan. Dahil sa sagot na yon, naitapon ng lalaki ang hawak nyang baso na may lamang beer. Tumunog ito ng malakas dahil sa pagka basag, napa tayo sya na nang gigigil."Listen to me. I won't let that punk get away kung kailangang bali baliktarin ang Mundo at halughugin sya. Gawin mo! Kapag nahanap mo ang gunggong na 'yon iharap mo sya sakin..." Dinampot nya ang bote ng beer sa kanyang office table at binato ito sa kanyang pintuan. Ang sekretarya nyang dapat na papasok sa office ay natakot ng marinig ang malakas na pagka basag ng kung ano. "At baka makapatay na ako ng tao. He just killed my Son, Tristan. I want him now, iharap nyo sakin ang bwisit na yan!" Nang gagalaiti nyang utos. Namumula na ngayon ang kanyang mata. Nan