Share

Chapter 5: Mr. Yang

Author: AraBella
last update Last Updated: 2024-06-28 16:19:04

Sa kasalukuyan...

"Evina Chen," napaawang ang labi ni Gabriel habang binabaligtad ang card sa kamay niya. Nilagay niya ito sa inner pocket ng coat niya habang naglalakad siya patungo sa Sapphire Co. Building.

Tanghali noon, at inaasahan niyang magkakaroon ng libreng oras ang CEO ng Sapphire Co. sa kanyang sorpresang pagbisita. 

Ngunit siya ang natigilan nang makasalubong ang isang masungit na dalaga na tila nasa bad side ng kanyang mga nakatataas. 

Nagagalit siya sa kanya sa pagsira ng kanyang kotse at pagtatangkang tuhurin siya. Pero parang may kung ano sa kanya na gusto niyang makita ulit siya.

"O huwag na lang," sabi niya sa kanyang sarili habang iniunat niya ang kanyang malalapad na balikat. 

Pumasok siya sa main door ng building. 

****

Nasa reception couch ang ilang empleyado nang mapansin siya ng isa sa kanila. Agad siyang tumango dito.

"Si Mr. Yang!" tinampal nito ang sariling noo. "Yari tayo. Mukhang magkaka problema tayo," bulong niya sa kasamahan.

“Paano siya magiging cause ng problema?” napahagikgik ang kanyang katrabaho, "Mukha nga siyang anghel na bumaba mula sa langit para pagpalain tayo." Tinakpan niya ang namumula niyang mukha habang nakatitig sa tinutukoy niya. 

Hindi karaniwan para sa kanila na makita siya sa lugar na iyon dahil hindi siya empleyado o boss sa Sapphire Co. 

Gayunpaman, nakilala siya ng ilang mga tauhan. Si Gabriel Yang ay kilala sa mundo ng negosyo bilang "pinakabata at pinaka malupit na CEO sa industriya ng IT”.

Mabilis silang tumayo at gumawa ng linya para batiin siya.

"Good day, Mr. Yang," agad na pumunta sa likuran niya ang ibang staff na nakakaalam ng posisyon niya. Sinubukan nilang makasabay siya sa paglalakad niya papunta sa elevator. 

"Karangalan namin na bisitahin ng CEO ng The Elysian Inc., ang aming parent company at ang numero unong korporasyon sa aming bansa," masiglang bati ni Mr. Li. "Ano ang maipaglilingkod namin sa iyo, sir?" magalang na tanong niya habang naglalakad sa likuran niya.

Ito ang pangalawang pagkakataon na nakita ni Mr. Li si Gabriel Yang. Ang una ay sa paglulunsad ng Sapphire Co. bilang daughter company ng The Elysian Inc. dalawang taon na ang nakararaan.

Sa unang impresyon niya sa kanya, alam niyang kailangang na mapunta ang Sapphire Co. sa good side nito. Dapat ay wala siyang makitang kapintasan sa kanilang kumpanya.

Gayunpaman, tila ang kanilang bisita ay walang planong makita ang sinuman sa kanila. Nagpatuloy siya sa paglalakad nang hindi man lang siya nilingon.  

“I am here on behalf of the Chairman. Nandito ba si Mr. Zhang?" sagot niya with an aloof expression, habang tinitingnan ang ID ni Mr. Li.

"Of course, sir! Ikinalulugod kong i-assist kayo hanggang sa office nya,” agad namang yumuko si Mr.Li sa kanya. "This way, sir." 

In a matter of minutes, nasa loob na sila ng Board Room ng Sapphire Co. Building. 

"Gusto mo bang uminom ng kape o tsaa habang naghihintay, sir?" Alok agad sa kanya ni Mr. Li pagkaupo niya. 

Sa totoo lang, kailangan pa ni Mr. Li tumawag sa kanyang kliyente. Ngunit mas mahalaga si Mr. Yang kaysa dito. Si Mr. Yang ay hindi lang ordinaryong bisita para sa kanila. Siya ay VVIP.

"No," ang prangka na sabi ni Mr. Yang habang tinitingnan ang kanyang relo. Pagkatapos ay inilibot niya ang tingin sa buong silid. 

Ang mga dingding ay pinalamutian ng mga larawan ng mga pinuno ng kumpanya, mga logo, mga parangal, mga plake, at iba pang mga palatandaan ng pagmamalaki at kasaganaan ng kumpanya. 

Ang sinumang bibisita dito ay maniniwala na ito ay kumpanya na worth it ng investments. 

Napangiti si Mr. Li habang pinagmamasdan ang pag oobserba ni Mr. Yang, proud sa mga natamo ng Sapphire Co.  nitong mga nakaraang taon. Inaasahan niyang pupurihin sila ni Mr. Yang. 

Pero laking gulat niya ng marinig ang tanong niya.

“Nabalitaan ko na may empleyadong natanggal ngayon. Maaari ko bang malaman ang dahilan sa likod nito?" diretsong tanong niya habang nakatagilid ang katawan sa direksyon niya.

Nanlaki ang mata ni Mr. Li sa takot habang iniisip kung paano niya nalaman iyon. Sa totoo lang, gulantang pa rin siya sa nangyari kay Ms. Chen.

Alam niyang darating ang araw na iyon. Ngunit hindi sa araw na ito na bibisitahin sila ni Mr. Yang.

Maririnig ang ugong ng aircon habang nag-iisip ng sasabihin si Mr. Li. 

“Misunderstanding lang po, sir. It’s not a big deal,” nauutal niyang sabi habang nakatingin sa pinto, umaasang papasok si Mr. Zhang anumang oras. 

Termination is a big deal. Ano ang problema?" tanong ng CEO ng The Elysian Inc. habang siya ay nakatitig sa kanya, hindi man lang  gumagalaw kahit isang pulgada. Magkadaupang palad ang mga kamay niya habang hinihintay ang sagot niya.

Biglang pumunta si Mr. Li sa kabilang bahagi ng silid upang kumuha ng isang basong tubig. Sa kanyang pagkalito, hindi na siya nag-abalang alukin ito. 

Wala siyang ideya kung gaano karaming impormasyon ang alam ni Mr. Yang. Kaya nagpasya siyang sagutin siya ng totoo. Gayunpman, hindi niya ibinigay ang lahat.

“O-of course, Mr. Yang. Inakusahan ng aming empleyado ang isa sa aming mga nakatataas. Pero hindi mo na po ito dapat alalahanin, sir. It’s just a misunderstanding,” paniniguro nito sa kanya habang tumatango nang may malaking ngiti sa labi.

Gayunpaman, tila hindi ito palalampasin ng pinuno. "Well, totoo ba ang mga sinabi niya?" tanong sa kanya ng CEO na nakakunot ang kanyang mga kilay.

Napakamot ng ulo si Mr. Li bilang tugon. Kung magsisinungaling ako, at mag-iimbestiga siya tungkol dito, tiyak na mawawalan ako ng trabaho.

Tumikhim siya bago sumagot, "Mayroong folder na ipinadala si Ms. Chen sa akin -"

"Let me see it," pinutol siya ng superior na nasa harapan niya habang iniikot niya ang kanyang upuan paharap sa mesa.

“S-sir?” lumunok si Mr. Li. Hindi niya pwedeng makita ang mga file na iyon!

"Naghihintay ako," naiinip na saad ni Mr. Yang. 

Mukhang walang choice si Mr. Li kung hindi umasang darating kaagad si Mr. Zhang. 

Right away, sir!” nagpasya si Mr. Li na sumaludo bago tumakbo palayo upang kunin ang mga files. 

Related chapters

  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 6: Walang Awang CEO

    "Dito pala siya nagtatrabaho," tinapik ng mga daliri ni Gabriel ang mesa habang patuloy niyang pinagmamasdan ang istraktura ng Sapphire Co. Building. Simple lamang ang disenyo nito kumpara sa The Elysian Co. Ngunit ang mga bintana ay nag-aalok ng magandang tanawin ng lugar para sa mga naninirahan sa urban area. "Sapat na bang dahilan ang isyung iyon para iwanan niya ang lugar na ito nang ganoon na lang?" Napaisip siya habang inaalala ang dahilan kung bakit umalis si Mr. Li sa boardroom. Kahit naiirita pa rin siya sa babae, na-curious siya sa dahilan ng pagrerebelde nito sa kumpanyang ito."Eto na po sir," agad na bumalik si Mr. Li. Binigyan siya nito ng isang folder na naglalaman ng sagot sa kanyang mga tanong. Pagkatapos ay umatras siya upang hayaan siyang basahin ito nang mag-isa. "Hindi pa ho siya iniimbestigahan, sir. Hindi po natin alam kung ito ay mga katotohanan o mga haka-haka lamang,” depensa ni Mr. Li sa Chief.Tumango lang si Gabriel na kunwaring sang-ayon sa kanya. N

    Last Updated : 2024-07-09
  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 7: Kailangan Mo Nang Mag Asawa

    "I'm sorry for being late, boss," yumuko si Paul kay Gabriel habang hinahabol niya ang kanyang hininga. Agad niyang binuksan ang pinto ng passenger’s seat ng kotse ng kanyang amo.Si Paul ay driver at personal assistant ni Gabriel. Hindi siya karaniwang umaalis sa tabi ng kanyang amo. Ngunit ngayon, humiling siya na magbakasyon para tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa isang ospital. "Anong nangyari sa kotse mo, boss?" hinawakan ni Paul ang scratch sa bagong biling sasakyan ng executive."Huwag mo na akong tanungin muli," isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gabriel habang inaalala ang hindi magandang pangyayari kasama si Evina Chen. ‘Kamusta na kaya siya ngayon?’ Ngunit kaagad niyang inalis iyon sa kanyang isip pagkatapos niyang maalala kung paano niya sinubukang tuhurin ang kanyang gitna.“Tumawag na ako ng service. Kamusta ang nanay mo?" sagot ni Gabriel para ma-distract siya. Pagkatapos ay idinantay niya ang kanyang ulo sa headrest ng upuan.Pinaandar na ni Pa

    Last Updated : 2024-07-10
  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 8: Family Time

    Samantala…"Pupunta ako dyan in 10 minutes. Hold on, Evie." alo ni Maria kay Evina habang parang baliw na bumubusina ang kanyang sasakyan. Natanggap niya ang balita na kakatanggal lang ng kanyang nakababatang kapatid sa trabaho. Hindi man lang nagpaalam sa mga kasamahan niya, agad siyang umalis sa lokasyon niya para makipagkita sa kanya. Magkausap sila sa phone habang nagmamaneho siya papunta sa kinaroroonan ni Evina.“Take your time, Iya. Hindi pa naman end of the world,” natatawang tugon ni Evina sa kanyang nakatatandang kapatid. “Huwag ako. I know you too much, Evina Chen,” irap ni Maria, dahilan para bumunghalit ng tawa si Evina sa kabilang linya.“Sige. Salamat, ate. I appreciate it,” sincere na sabi ni Evina bago nila binaba ang tawag. Dinampot ni Evina ang iced tea sa kanyang harapan para pakalmahin ang pusong nagdurusa. Tama si Maria. Dinadaan niya lang sa tawa pero she was devastated sa kinalabasan ng ginawa niya. Kahit na naniniwala siyang tama lang ang ginawa niya, con

    Last Updated : 2024-07-11
  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 9: Walang Trabaho

    “Ring!” “Ring!” “Ring!”Agad na umupo si Evina sa kama. Nagmamadali siyang tumayo, nagsuot ng tsinelas at kinuha ang tuwalya. Kagaya ng laging morning routine niya, maliligo na siya. Pero napagtanto niyang wala na nga pala siyang mapupuntahan.“Body clock ko na siguro. Isa ka ng officially unemployed, Evina. Congratulations sa bago mong buhay." tinapik niya ang kanyang ulo ng tatlong beses, sinisiguradong gagana ito ng maayos.Bumalik siya sa kanyang kama at humiga muli sa kanyang malambot na mga unan bago kinuha ang kanyang cell phone para tingnan ang kanyang mga news feed. Ngayon ay marami na siyang oras para gawin iyon.Habang ini-scan niya ang kanyang social media account, nakita niyang nagpo-post ang dati niyang kaklase ng mga larawan niya sa stage na may libo-libong likes at hearts. Kamakailan ay na-promote siya ng kumpanyang kanyang pinagtatrabahuan."Sigurado akong katakot takot na pagmamakaawa ang ginawa niya sa boss niya. Hmph," umirap ang mga mata ni Evina. Nagpatuloy siya

    Last Updated : 2024-07-12
  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 10: Hindi Inaasahang Bisita

    Hinanap agad ni Evina ang The Elysian Inc sa internet. Pamilyar siya sa giant corporation na ito, ngunit hindi niya kilala ang mga tao sa likod ng hierarchy. Dapat ay may malawak siyang kaalaman sa kumpanya kung gusto niyang maging bahagi nito.“Ang Elysian Inc. ay nag-aalok ng maraming pagpipilian ng software para sa maraming layunin. Ang kanilang software ay sa ngayon ang pinaka ginagamit na operating system sa bansa. Sa kita na $107.8 milyon, ang nangingibabaw na industriya ng software ay nananatiling The Elysian Inc. Ang kumpanya ay itinatag noong 1965 ng founder na si Chairman Rafael Yang.”"Wow! Impressive," tango ni Evina habang ini-scroll pababa ang pahina. Gayunpaman, ang nakatawag pansin sa kanya ay ang larawan ng nagtatag ng kahanga-hangang korporasyon."Parang pamilyar siya," nag-zoom in siya sa larawan ni Chairman Yang, na nasa webpage din na tinitingnan niya. Napaka-attractive niya para sa isang lalaking kasing edad niya. Ang kanyang ilong ay napaka-prominente sa ibabaw

    Last Updated : 2024-07-17
  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 11: Tulong!

    "Alam mo kung gaano kita kagusto, Evina," sabi ni Julian sa namamaos na boses, na kinukumpleto ang nakakatakot na ambiance sa loob ng sasakyan.Nasa parking lot pa sila ng isang abandonadong building kung saan dinala ni Julian si Evina.Natulala si Evina dahil hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.Ilang oras lang ang nakalipas nang dalawin siya nito sa unit nito, kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Maria. Sinabi niya rito na may alam siyang job opening sa kanilang kumpanya, kaya sumama ito sa kanya. “L-Let’s go, Julian. Baka hinihintay na nila tayo," bulalas niya.Naghanap ang kanyang mga mata ng palatandaan na baka nasa company naman talaga sila ni Julian. At hindi niya gagawin ang iniisip nito na gagawin niya.Ngunit ang mga ilaw ay patuloy na kumikislap, na nagbigay ng anino sa nakakatakot na mukha ni Julian. Napaatras si Evina hanggang sa madikit ang buong katawan niya sa pinto ng sasakyan."Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ‘to," saad ni Julian sa pagitan

    Last Updated : 2024-07-18
  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 12: Kakaibang Babae

    Sa kabilang panig ng distrito, nasa isang business meeting si Gabriel kasama ang CEO ng Astro Inc. “Congratulations, Mr. Yang. Pinahahalagahan namin ang iyong initiative na makipag-ugnayan muna sa amin," yuko kay Gabriel ng CEO ng Astro, Inc. habang nakikipagkamay. "Talagang hangarin ng Chairman na makipagtulungan sa isang world-class na kumpanya tulad ng Astro, Inc." Yumuko rin si Gabriel sa kanya.Kakakuha lang ni Gabriel sa deal. Ilang buwan ng namumuhunan ang The Elysian, Inc para makuha ito. Nasa good mood siya at sumisipol habang papunta sa parking lot sa basement ng Astro Inc. Building."The Chairman would be so proud of me," nakangiting sabi niya sa sarili habang papalapit sa kanyang sasakyan. Tila naramdaman ni Paul ang positibong resulta ng transaksyon. Ngumiti siya habang, pinagbubuksan niya siya ng pinto ng kotse. Habang ginagawa niya iyon, nahagip ng mga mata ni Gabriel ang gilid nito. Napalitan ng pagsimangot ang mukha niya nang maalala ang salarin sa likod nito."Ev

    Last Updated : 2024-07-25
  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 13: Magkakilala

    Natigilan si Paul ng ilang segundo bago niya iniabot ang kanyang baril kay Gabriel. Nagulat siguro siya sa biglang reaksyon ni Gabriel. Nagulat din si Gabriel sa kanyang sarili. Hindi karaniwan para sa kanya na magdirekta ng sandata sa iba.‘Pero hindi rin naman ordinaryo ang sitwasyong ‘to,’ bulong ni Gabriel sa sarili habang lalabas na sana at ipagtatanggol ang babae.Sa sandaling nasa kamay ni Gabriel ang baril ni Paul, agad siyang umikot para lumabas ng sasakyan. Gayunpaman, nang siya ay lumingon, nakita niya ang isang payat na braso na umaabot sa nakabukas na pinto."Papasukin mo ako!" sigaw ng babaeng kanina pa hysterical na humihingi ng tulong sa kanila.Hindi man lang siya humingi ng permiso kay Gabriel. Agad siyang gumapang sa loob at tinulak si Gabriel sa kabilang side ng sasakyan.Agad niyang isinara ang pinto at mabilis na iwinasiwas ang kamay kay Paul habang hinihiling niya, “Go, go, go! Bilisan mo!” Tumango si Paul na para bang naramdaman niya ang kaapurahan ng sitwasy

    Last Updated : 2024-07-25

Latest chapter

  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 28: For The Win

    Nakangiti si Julio mula tenga hanggang tenga habang hinihintay nila ang tugon ni Mr. Zheng. Nasa boardroom na siya at ang iba pang executives, kasama sina Gabriel at Evina. Lahat sila ay nasasabik na malaman kung sino ang nanalo ng hinahangad na proyekto.Sa kanyang ginawa, kumbinsido si Julio na ang Ming’s Group ang mananalo sa bid. Medyo nagulat siya na makitang nagtatrabaho pa rin si Evina kay Gabriel. Alam niyang matalino si Gabriel para malaman ang ginawa niya. Napahawak si Julio sa baba habang nakatitig sa dalawa. Nakikipagkwentuhan lang si Gabriel sa ibang executives. Si Evina naman ay nakatitig sa kanya. “Magandang araw sa inyo! I’m now ready to announce the company that we would work with,” bati ni Mr. Zheng sa kanila, na ikinagagambala ni Julio sa kanyang obserbasyon. "Kung hindi tayo, I'm sure it's either the Ming's or The Elysian's," narinig niyang nag-uusap ang mga ito. Ang iba ay nagsasaad din ng kanilang sariling taya para sa nanalo. Inamoy ni Julio ang matami

  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 27: Sikreto

    "Gabriel," Isang halinghing ang kumawala sa mga labi ni Evina habang binibigkas ang pangalan ng kanyang boss. Namumuo ang butil ng pawis sa kanyang noo habang nasasarapan sa ginagawa niya sa kanya.Pabalik-balik ang ulo niya sa pagkahibang. Hinawakan ng kanyang mga daliri ang kanyang puting kumot hanggang sa maabot niya ang kaniyang sukdulan.Makalipas ang ilang minuto, huminahon ang kanyang katawan at bumalik sa dati nitong kalagayan. Habang nangyayari iyon, bigla siyang bumalikwas mula sa kanyang kama. Lumibot ang mga mata niya sa paligid niya. Nakahiga pa rin siya, at 5am pa lang ng umaga. At walang Mr. Yang."Panaginip lang," sabi ni Evina at nayuko ang kanyang mga balikat. Hindi niya alam kung dahil ba sa natutuwa siya o dahil disappointed siya.Alam niyang kailangan niyang layuan ito, gaya ng ipinangako niya sa kapatid na si Maria. Ang orihinal niyang plano sa pagiging executive assistant ay para lang kumita ng pera para sa kanyang pamilya. Ayaw niyang mainvolve sa kahi

  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 26: Office Affair

    Sa loob ng isang linggo, nagtrabaho sina Gabriel at Evina sa paggawa ng panukala na mas mura at mas siguradong lalago kumpara sa Ming’s Group. Si Evina ay nagmungkahi ng mga paraan upang gawin ito ayon sa kanyang nakitang karakter at motibasyon ni Mr. Zheng, ang may-ari ng Gentech Project. Sa kabilang banda, tinarabaho ni Gabriel ang pagputol ng mga gastos at pag-improve ng iba pang mga mapagkukunan upang gawing mas cost-friendly ang plano kaysa dati. Sa kanilang pagtutulungan, nagpuyat sila sa opisina. Ginamit din nila ang sabado at linggo. Habang ginagawa nila ito, nagsimula silang makilala ang isa't isa, ang kanilang mga gusto at hindi gusto, kung ano ang nagpapasaya o nakakalungkot sa kanila. Naging masiyahin si Gabriel at naging mas malaya na magpakita ng kanyang tunay na emosyon. Kasabay nito, si Evina ay nagsimulang makinig at magpasakop sa isang may awtoridad sa kanya."Tama ka. Ire-revise ko po ulit sir. Just give me a few minutes,” tumango si Evina pagkatapos niyang p

  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 25: Patawarin Mo Ako

    "Ginamit ako ni Julio?" hindi makapaniwalang sambit ni Evina. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga sandaling iyon. Ramdam niya ang bawat himaymay sa kanyang kalamnan na nag-aapoy sa galit kay Julio. At gayundin sa kanyang sarili dahil sa pagiging mapaniwalain sa kanyang mapanlinlang na mga pakana.Gayunpaman, naawa din siya kay Gabriel. Dugo at pawis ang ibinuhos niya para sa proyektong ito. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili. Pero alam niyang ang katigasan ng ulo niya ang dahilan ng kaguluhang ito. At gusto niyang aminin iyon."Humihingi ako ng paumanhin, sir. Dapat nakinig ako sa'yo noong sinabi mong layuan ko siya," yuko niya. Hindi nag-react si Gabriel.Naramdaman naman ni Mr. Gu na parang kailangan nila ng privacy. Yumuko siya sa kanilang dalawa at sinabing, “Titingnan ko lang kung ano ang magagawa ko. Excuse me, ma'am at sir." Silang dalawa na lang ngayon ang nasa opisina. Pero hindi pa rin nagsasalita si Gabriel. Para siyang na-freeze sa kinatat

  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 24: Ang Salarin

    Kinabukasan, excited si Gabriel na pumasok sa trabaho. Sanay siyang mag-isang makipaglabanan ng utak sa iba pang mga executives na namumuno sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Pero ibang kaso kahapon.Si Gabriel ay sumipol habang inaalala kung paano humakbang si Evina para iangat ang The Elysian Inc sa pedestal habang ang mga executives ay umaawit ng papuri sa kanilang pangunahing kaaway. Dahil sa mahusay na kasanayan ni Evina sa pakikipagrelasyon, tila binago niya ang kanilang direksiyon mula sa Ming's Group tungo sa The Elysian. Ito ay kapaki-pakinabang dahil ito ay dumaloy sa aktwal na pagpupulong, kung saan ang tenga ng Direktor na namumuno sa Gentech ay pumalakpak sa pagkakarinig kung gaano kaungos sa iba ang The Elysian Inc. Mayroon na silang pahiwatig na gagawa sila ng isang matalinong pamumuhunan kung pipiliin nila ang kanilang kumpanya.Naalala rin niya kung paano sinabi ni Evina na siya ang kanyang “gem”, at hindi siya ang nakahanap siya, pero baliktad.Parang ang corny ng

  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 23: Banggaan

    Humugot ng malalim na hininga si Evina pagkatapos niyang humigop ng milk tea niya. Dumadagsa ang mga manggagawa mula sa opisina patungo kung nasaan siya ngayon. Tila kagagaling lang nila sa nakakapagod na bahagi ng araw at kakain na ng kanilang meryenda sa hapon. Malapit lang ang tea shop sa building kung saan sila nagkaroon ng meeting para sa Gentech. Nanatili siya habang hinihintay si Julio, nang hindi nalalaman ng kanyang boss. Ilang oras ang nakalipas, pumunta si Evina sa banyo habang nagpapatuloy ang meeting. Sa panahong iyon, nilapitan siya ni Julio at hiniling na makipagkita sa kanya. May ipapakonsulta daw siya sa kanya patungkol sa kapatid niya.“I would hit two birds in one stone,” tiniyak ni Evina sa sarili kung bakit siya nanatili. Magagawa niyang maghiganti. Kasabay nito, matutulungan niya ang kanyang boss na magkaroon ng dagdag na kalamangan laban sa kanyang karibal. Hindi binanggit ni Mr. Yang na si Julio pala ay si Julio Ming, ang nakatatandang kapatid ni Julia

  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 22: Gem Hunting

    Naweirduhan si Gabriel sa sariling reaksyon kay Evina. Paano niya naiisip ang isang malaswang eksena habang nagtatrabaho? Maiintindihan niya kung nasa labas sila ng opisina. Ngunit ito ang unang pagkakataon na na distract siya sa ganun habang nagtatrabaho. Sa epekto ni Evina sa kanya, nagpasya siyang makipagkita nalang sa kanilang kliyente sa ibang distrito nang wala siya. Gayunpaman, pakiramdam niya ay nagkamali siya dahil gusto niya itong makasama sa sandaling iyon. Tumingin siya sa likod at tinignan kung malayo na ba sila sa The Elysian Inc. "May naiwan ka ba, boss?" tanong ni Paul sa kanya nang makita ang kanyang pagkabalisa sa rearview mirror. "Uh yeah, I think dapat kasama natin si Miss Chen, para maging pamilyar siya sa industriya," paliwanag ni Gabriel. Tinikom ni Paul ang kaniyang mga labi upang pigilan ang mga ito mangiti. First time niyang makitang nag-aalala ang amo niya sa isang babae. Hindi pa siya nag-aalok ng tulong sa sinumang babae noon. Hindi rin siya nag

  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 21: Noodles at Roses

    Alas otso na ng umaga. Pero parang madaling araw pa lang. Ang araw at ang madilim na ulap ay tila nagtatalo kung sino ang maghahari sa buong araw. "Lalayuan ko siya hangga't kaya ko," determinadong wika ni Evina habang nakapikit. Nakaupo na siya sa kanyang upuan sa opisina, at handa nang harapin ang bigat ng trabaho para sa araw na iyon."Ano ang kinakatakutan mo, little mouse?" Isang malalim at banayad na boses ang bumalabag kay Evina mula sa kanyang pagmumuni-muni. Si Mr. Yang iyon, ang kanyang multi-billionaire boss. At isang dipa lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Nagulat si Evina sa pagkakaupo. Pero pinagkrus niya ang kanyang braso at pinandilatan siya.“Wala akong kinakatakutan. And I’m not a little mouse.” Napataas ang isang sulok ng labi ni Mr. Yang. Umayos siya ng pagkakatayo at inayos niya ang kanyang kurbata at itinaas ang kanyang baba. Para bang sinasabi niyang boss siya, at empleyado lang niya. “S-sir,” agad na dagdag ni Evina sabay yuko. ‘Luka-luka ka, Ev

  • The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)   Chapter 20: Kumpisal

    “Oo. Anak siya ni Chairman Yang, ang founder ng The Elysian Inc,” pagmamalaki ni Evina pero may bahid ng pag-aalala sa tono nito.Matapos ang sunod-sunod na hindi magandang pangyayari na kanyang naranasan, pakiramdam niya ay nakahanap na siya ng kapayapaan. Sa wakas ay maaari na siyang kumita ng totoong pera at magsimula ng sarili niyang negosyo habang tinutulungan ang pamilya ng kanyang kapatid na mamuhay nang kumportable.Ang pagtatrabaho bilang isang executive assistant ng CEO ay totoong nagpasaya sa kanya, kahit papaano. Ngunit tila hindi ito ang kaso sa kanyang nakatatandang kapatid na babae.Namumutla ang mga labi niya habang binabanggit ang pangalan ng kumpanya na para bang isinumpa ito at hindi dapat banggitin. Pero si Evina lang ang nakapuna nito. Mabilis na kinagat ni Maria ang maputla niyang mga labi, na nagpabalik ng dugo dito."Ikinagagalak kong makilala ka, Sir. Siguro kailangan na naming umalis ngayon. Ang haba ng traffic papunta ko dito. Hinihintay na din ako ng an

DMCA.com Protection Status