Natigil ang lahat. Sa sobrang tahimik ay maririnig ang huni ng mga ibon sa labas ng bintana habang lumilipad sila sa kalangitan.
Napanganga si Evina sa gulat sa sinabi ni Cynthia. At bigla siyang tumagilid para itago ito. “No wonder hindi makapagsalita si Cynthia,” naisip niya.
Sumikip ang sikmura niya nang maisip ang maaaring ginawa ng Chief sa kawawang babaeng ito. Naikuyom niya ang kanyang kamao habang pinipigilan ang sarili na hindi harapin ang Chief sa oras ding iyon.
“Akala ko noong una, sobrang friendly lang niya. Ngunit pagkatapos ay sinimulan niya akong hawakan. Tumanggi ako,” nagpatuloy si Cynthia sa pagsasalaysay ng kanyang kuwento, "pero sinabi niya sa akin na matatanggal ako kapag hindi ako bumigay."
Namimilipit ang kanyang braso at nangingiwi habang ibinabahagi ang kanyang karanasan kay Evina.
Nag-aapoy sa galit ang bawat himaymay ng kalamnan ni Evina, “I’m sorry to say this, Cynthia. Pero sa tingin ko dapat pinili mo nalang na tanggalin sa trabaho.”
Iyon ang gagawin niya kung siya ang nasa ganoong sitwasyon. Walang sinuman ang makakahawak sa kanyang katawan nang walang pahintulot niya.
“Oo. Yun nga sana ang ginawa ko. My anxiety over my mom's critical condition got the best of me," nanginginig ang boses ni Cynthia habang binabanggit ang kanyang ina.
Nagpakawala ng mahabang buntong-hininga si Evina habang hinihimas ang likod ni Cynthia.
Alam niya ang pakiramdam ng pagkabalisa dahil sa mahinang kalusugan ng mga magulang. Magagawa ng isang tao ang lahat para maibsan sila sa paghihirap.
Nang makakita ng water cooler na may mga plastic cup sa malapit, agad na kumuha si Evina at inalok ito kay Cynthia.
Tila gumaan ang loob ni Cynthia at tinapos niya ang natitira sa kanyang kwento kay Chief.
"May cancer ang nanay ko, at kailangan niya ng chemotherapy bawat linggo," sabi niya habang pumapatak na ngayon ang mga luha sa kanyang namumulang mukha. "Tama siya. Kung huminto ako sa aking trabaho, hindi ko na siya masusuportahan."
Nanlamig ang kamay ni Evina sa paghagod sa likod ni Cynthia. Nakakunot ang noo niya at tinignan niya siya ng mabuti.
“Teka. Ibig sabihin alam ni Chief ang tungkol sa nanay mo? At ginagamit niya ito para i-blackmail ka para makipagtalik sa kanya?" Nilinaw ni Evina sa kanya, umaasang mali siya.
Sa kasamaang palad, tumango si Cynthia at sumagot, "Nahihiya ako sa sarili ko." Ibinaon niya ang kanyang mukha sa kanyang mga palad habang siya ay hindi mapigilan sa pag iyak.
Humikbi siya ng malakas at nasagad si Evina. Bigla siyang umalis at bumaba.
“Evina! Wait!” Sinundan siya ni Cynthia, ngunit hindi niya ito naabutan. Nagmartsa na si Evina papunta sa opisina ng Chief.
Alam kung ano ang dapat niyang gawin, dumaan siya sa kanyang mesa at kinuha ang folder na binabasa niya kanina.
Napadaan siya sa ilang staff sa kahabaan ng hallway na nakita ang kanyang nagpupuyos na kalooban.
Ang mga may reklamo laban sa Chief ay tumitingin sa kanya nang may pagsang-ayon.
Gayunpaman, ang mga nagpaparaya sa ugali ng Chief para lang tumaas ang posisyon, ay nagbulung-bulungan laban sa kanya.
"Nasa labas si Chief. Makakabalik ka pagkatapos ng tanghalian,” tugon ng sekretarya nang makita niya si Evina na dire-diretsong tumungo sa silid ng Chief.
Gayunpaman, tila hindi siya narinig ni Evina dahil hindi man lang siya huminto o binigyan ng isang mabilis na sulyap.
Gaya ng inaasahan niya, nandoon nga si Chief at aghahanda na talaga siyang lumabas dahil break time na ng mga empleyado ng Sapphire Company.
*******
Nagulat si Chief nang makita siya. Pero hindi siya nairita dahil gusto niya ang physical attributes ni Evina.
“I’m sorry, sir. Sinabi ko na sa kanya -” paumanhin sa kanya ng kanyang sekretarya.
Pero pinutol lang niya. “Ayos lang. Pwede ka nang mag-break ngayon."
“Hell-” Gustong batiin ng Chief si Evina ng maayos. Gayunpaman, ang kanyang masayang mood ay nabago nang humakbang si Evina papunta sa kanyang malambot na sopa at umupo nang kumportable.
Pakiramdam ata niya ay magka level kami.
Karaniwan, ang kanyang mga empleyado ay yumuyuko sa kanya at naghihintay ng kanyang pahiwatig bago nila maiangat ang kanilang mga ulo.
Gayon pa man, heto siya at nakangiti sa kanya habang ang kanyang mga braso ay naka-cross sa kanyang dibdib.
Nalaglag ang panga ni Chief sa kanyang kapangahasan. Pero napigilan niya ang sarili habang naglalakad papunta sa kinaroroonan niya. Tapos umupo siya sa upuan na nasa tapat niya.
Habang ginagawa niya iyon, bumagsak ang tingin niya sa mahahabang makinis nitong binti. Kapansin-pansin sila dahil naka-short na maiksi si Evina na office uniform nila for that day.
"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, Miss Chen?" Tanong niya, na ngayon ay may ngiti sa labi. Ang kanyang mga mata ay ini-scan ang kanyang katawan habang ginagawa niya iyon.
Gayunpaman, hindi natakot si Evina sa kanyang malaswang titig. “Resign,” tumaas ang isang kilay niya habang nakataas ang kanyang baba.
Nagsalubong ang mga kilay ng Chief sa matapang na tinuran ni Evina. “A-anong sinabi mo?” tanong niya na ngayon ay lukot na ang mukha niya sa pagkalito sa mga kilos niya.
Itinaas ni Evina ang magkabilang balingkinitang braso nito at inilagay sa headrest ng sofa. "Narinig mo ko. Mag-resign ka habang mabait pa ako sa iyo." sagot niya na parang boss siya, at subordinate siya nito.
Nanlaki ang mga mata ng Chief sa pagtataka kay Evina, "Nababaliw ka na ba?" Agad siyang tumayo at naglakad pabalik-balik. Pagkatapos ay huminto ito at humarap sa kanya, “Alam kong may pagka-rebelde ka. Pero mas grabe ka pa pala!"
Ibinagsak ni Evina ang folder ng reklamo sa ibabaw ng mesa na parang bomba. Agad itong kinuha ng Chief at ini-scan ang bawat pahina.
Namutla ang kanyang mukha habang binabasa ang lahat ng mga akusasyon laban sa kanya. Tiningnan niya si Evina saka ang mga papel sa kamay niya, at pagkatapos ay bumalik kay Evina.
Tumatango lang siya na para bang sinasabi niya sa kanya na totoo ang lahat.
Nanginginig ang kamay ng Chief at nahulog ang folder sa sahig. "Gawa-gawa mo lang to!" Siya ay umungal habang ang kanyang baba ay nanginginig sa galit, "How dare you do this? Greenhorn ka lang sa kumpanyang ito!"
Tumayo si Evina at nag-cross arms, “Ewan ko lang kung yan din ang sasabihin ng mga pulis kapag inimbistigahan nila ang kasong to,” isang nakakalokong ngiti ang nakaukit sa mukha ni Evina.
Nahilo bigla ang Chief nang marinig ang pagkakasangkot ng mga pulis. Bumagsak ang mga tuhod niya at napaupo siya sa upuan.
Pero nakatayo lang si Evina na may malamig na ekspresyon sa mukha.
Nang tila nanumbalik ang lakas ng Chief, sumigaw siya ng buong lakas, “Lumabas ka! You are fired!"
Hindi naman natakot si Evina. Tumalikod lang siya sa kanya at binitawan ang huling salita niya.
"And you’re going down with me," itinaas ni Evina ang kanyang gitnang daliri, "arsehole."
Pagkatapos ay sinara niya ang pinto at umalis.
Sa kasalukuyan..."Evina Chen," napaawang ang labi ni Gabriel habang binabaligtad ang card sa kamay niya. Nilagay niya ito sa inner pocket ng coat niya habang naglalakad siya patungo sa Sapphire Co. Building.Tanghali noon, at inaasahan niyang magkakaroon ng libreng oras ang CEO ng Sapphire Co. sa kanyang sorpresang pagbisita. Ngunit siya ang natigilan nang makasalubong ang isang masungit na dalaga na tila nasa bad side ng kanyang mga nakatataas. Nagagalit siya sa kanya sa pagsira ng kanyang kotse at pagtatangkang tuhurin siya. Pero parang may kung ano sa kanya na gusto niyang makita ulit siya."O huwag na lang," sabi niya sa kanyang sarili habang iniunat niya ang kanyang malalapad na balikat. Pumasok siya sa main door ng building. ****Nasa reception couch ang ilang empleyado nang mapansin siya ng isa sa kanila. Agad siyang tumango dito."Si Mr. Yang!" tinampal nito ang sariling noo. "Yari tayo. Mukhang magkaka problema tayo," bulong niya sa kasamahan.“Paano siya magiging cause
"Dito pala siya nagtatrabaho," tinapik ng mga daliri ni Gabriel ang mesa habang patuloy niyang pinagmamasdan ang istraktura ng Sapphire Co. Building. Simple lamang ang disenyo nito kumpara sa The Elysian Co. Ngunit ang mga bintana ay nag-aalok ng magandang tanawin ng lugar para sa mga naninirahan sa urban area. "Sapat na bang dahilan ang isyung iyon para iwanan niya ang lugar na ito nang ganoon na lang?" Napaisip siya habang inaalala ang dahilan kung bakit umalis si Mr. Li sa boardroom. Kahit naiirita pa rin siya sa babae, na-curious siya sa dahilan ng pagrerebelde nito sa kumpanyang ito."Eto na po sir," agad na bumalik si Mr. Li. Binigyan siya nito ng isang folder na naglalaman ng sagot sa kanyang mga tanong. Pagkatapos ay umatras siya upang hayaan siyang basahin ito nang mag-isa. "Hindi pa ho siya iniimbestigahan, sir. Hindi po natin alam kung ito ay mga katotohanan o mga haka-haka lamang,” depensa ni Mr. Li sa Chief.Tumango lang si Gabriel na kunwaring sang-ayon sa kanya. N
"I'm sorry for being late, boss," yumuko si Paul kay Gabriel habang hinahabol niya ang kanyang hininga. Agad niyang binuksan ang pinto ng passenger’s seat ng kotse ng kanyang amo.Si Paul ay driver at personal assistant ni Gabriel. Hindi siya karaniwang umaalis sa tabi ng kanyang amo. Ngunit ngayon, humiling siya na magbakasyon para tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa isang ospital. "Anong nangyari sa kotse mo, boss?" hinawakan ni Paul ang scratch sa bagong biling sasakyan ng executive."Huwag mo na akong tanungin muli," isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gabriel habang inaalala ang hindi magandang pangyayari kasama si Evina Chen. ‘Kamusta na kaya siya ngayon?’ Ngunit kaagad niyang inalis iyon sa kanyang isip pagkatapos niyang maalala kung paano niya sinubukang tuhurin ang kanyang gitna.“Tumawag na ako ng service. Kamusta ang nanay mo?" sagot ni Gabriel para ma-distract siya. Pagkatapos ay idinantay niya ang kanyang ulo sa headrest ng upuan.Pinaandar na ni Pa
Samantala…"Pupunta ako dyan in 10 minutes. Hold on, Evie." alo ni Maria kay Evina habang parang baliw na bumubusina ang kanyang sasakyan. Natanggap niya ang balita na kakatanggal lang ng kanyang nakababatang kapatid sa trabaho. Hindi man lang nagpaalam sa mga kasamahan niya, agad siyang umalis sa lokasyon niya para makipagkita sa kanya. Magkausap sila sa phone habang nagmamaneho siya papunta sa kinaroroonan ni Evina.“Take your time, Iya. Hindi pa naman end of the world,” natatawang tugon ni Evina sa kanyang nakatatandang kapatid. “Huwag ako. I know you too much, Evina Chen,” irap ni Maria, dahilan para bumunghalit ng tawa si Evina sa kabilang linya.“Sige. Salamat, ate. I appreciate it,” sincere na sabi ni Evina bago nila binaba ang tawag. Dinampot ni Evina ang iced tea sa kanyang harapan para pakalmahin ang pusong nagdurusa. Tama si Maria. Dinadaan niya lang sa tawa pero she was devastated sa kinalabasan ng ginawa niya. Kahit na naniniwala siyang tama lang ang ginawa niya, con
“Ring!” “Ring!” “Ring!”Agad na umupo si Evina sa kama. Nagmamadali siyang tumayo, nagsuot ng tsinelas at kinuha ang tuwalya. Kagaya ng laging morning routine niya, maliligo na siya. Pero napagtanto niyang wala na nga pala siyang mapupuntahan.“Body clock ko na siguro. Isa ka ng officially unemployed, Evina. Congratulations sa bago mong buhay." tinapik niya ang kanyang ulo ng tatlong beses, sinisiguradong gagana ito ng maayos.Bumalik siya sa kanyang kama at humiga muli sa kanyang malambot na mga unan bago kinuha ang kanyang cell phone para tingnan ang kanyang mga news feed. Ngayon ay marami na siyang oras para gawin iyon.Habang ini-scan niya ang kanyang social media account, nakita niyang nagpo-post ang dati niyang kaklase ng mga larawan niya sa stage na may libo-libong likes at hearts. Kamakailan ay na-promote siya ng kumpanyang kanyang pinagtatrabahuan."Sigurado akong katakot takot na pagmamakaawa ang ginawa niya sa boss niya. Hmph," umirap ang mga mata ni Evina. Nagpatuloy siya
Hinanap agad ni Evina ang The Elysian Inc sa internet. Pamilyar siya sa giant corporation na ito, ngunit hindi niya kilala ang mga tao sa likod ng hierarchy. Dapat ay may malawak siyang kaalaman sa kumpanya kung gusto niyang maging bahagi nito.“Ang Elysian Inc. ay nag-aalok ng maraming pagpipilian ng software para sa maraming layunin. Ang kanilang software ay sa ngayon ang pinaka ginagamit na operating system sa bansa. Sa kita na $107.8 milyon, ang nangingibabaw na industriya ng software ay nananatiling The Elysian Inc. Ang kumpanya ay itinatag noong 1965 ng founder na si Chairman Rafael Yang.”"Wow! Impressive," tango ni Evina habang ini-scroll pababa ang pahina. Gayunpaman, ang nakatawag pansin sa kanya ay ang larawan ng nagtatag ng kahanga-hangang korporasyon."Parang pamilyar siya," nag-zoom in siya sa larawan ni Chairman Yang, na nasa webpage din na tinitingnan niya. Napaka-attractive niya para sa isang lalaking kasing edad niya. Ang kanyang ilong ay napaka-prominente sa ibabaw
"Alam mo kung gaano kita kagusto, Evina," sabi ni Julian sa namamaos na boses, na kinukumpleto ang nakakatakot na ambiance sa loob ng sasakyan.Nasa parking lot pa sila ng isang abandonadong building kung saan dinala ni Julian si Evina.Natulala si Evina dahil hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.Ilang oras lang ang nakalipas nang dalawin siya nito sa unit nito, kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Maria. Sinabi niya rito na may alam siyang job opening sa kanilang kumpanya, kaya sumama ito sa kanya. “L-Let’s go, Julian. Baka hinihintay na nila tayo," bulalas niya.Naghanap ang kanyang mga mata ng palatandaan na baka nasa company naman talaga sila ni Julian. At hindi niya gagawin ang iniisip nito na gagawin niya.Ngunit ang mga ilaw ay patuloy na kumikislap, na nagbigay ng anino sa nakakatakot na mukha ni Julian. Napaatras si Evina hanggang sa madikit ang buong katawan niya sa pinto ng sasakyan."Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ‘to," saad ni Julian sa pagitan
Sa kabilang panig ng distrito, nasa isang business meeting si Gabriel kasama ang CEO ng Astro Inc. “Congratulations, Mr. Yang. Pinahahalagahan namin ang iyong initiative na makipag-ugnayan muna sa amin," yuko kay Gabriel ng CEO ng Astro, Inc. habang nakikipagkamay. "Talagang hangarin ng Chairman na makipagtulungan sa isang world-class na kumpanya tulad ng Astro, Inc." Yumuko rin si Gabriel sa kanya.Kakakuha lang ni Gabriel sa deal. Ilang buwan ng namumuhunan ang The Elysian, Inc para makuha ito. Nasa good mood siya at sumisipol habang papunta sa parking lot sa basement ng Astro Inc. Building."The Chairman would be so proud of me," nakangiting sabi niya sa sarili habang papalapit sa kanyang sasakyan. Tila naramdaman ni Paul ang positibong resulta ng transaksyon. Ngumiti siya habang, pinagbubuksan niya siya ng pinto ng kotse. Habang ginagawa niya iyon, nahagip ng mga mata ni Gabriel ang gilid nito. Napalitan ng pagsimangot ang mukha niya nang maalala ang salarin sa likod nito."Ev
Nakangiti si Julio mula tenga hanggang tenga habang hinihintay nila ang tugon ni Mr. Zheng. Nasa boardroom na siya at ang iba pang executives, kasama sina Gabriel at Evina. Lahat sila ay nasasabik na malaman kung sino ang nanalo ng hinahangad na proyekto.Sa kanyang ginawa, kumbinsido si Julio na ang Ming’s Group ang mananalo sa bid. Medyo nagulat siya na makitang nagtatrabaho pa rin si Evina kay Gabriel. Alam niyang matalino si Gabriel para malaman ang ginawa niya. Napahawak si Julio sa baba habang nakatitig sa dalawa. Nakikipagkwentuhan lang si Gabriel sa ibang executives. Si Evina naman ay nakatitig sa kanya. “Magandang araw sa inyo! I’m now ready to announce the company that we would work with,” bati ni Mr. Zheng sa kanila, na ikinagagambala ni Julio sa kanyang obserbasyon. "Kung hindi tayo, I'm sure it's either the Ming's or The Elysian's," narinig niyang nag-uusap ang mga ito. Ang iba ay nagsasaad din ng kanilang sariling taya para sa nanalo. Inamoy ni Julio ang matami
"Gabriel," Isang halinghing ang kumawala sa mga labi ni Evina habang binibigkas ang pangalan ng kanyang boss. Namumuo ang butil ng pawis sa kanyang noo habang nasasarapan sa ginagawa niya sa kanya.Pabalik-balik ang ulo niya sa pagkahibang. Hinawakan ng kanyang mga daliri ang kanyang puting kumot hanggang sa maabot niya ang kaniyang sukdulan.Makalipas ang ilang minuto, huminahon ang kanyang katawan at bumalik sa dati nitong kalagayan. Habang nangyayari iyon, bigla siyang bumalikwas mula sa kanyang kama. Lumibot ang mga mata niya sa paligid niya. Nakahiga pa rin siya, at 5am pa lang ng umaga. At walang Mr. Yang."Panaginip lang," sabi ni Evina at nayuko ang kanyang mga balikat. Hindi niya alam kung dahil ba sa natutuwa siya o dahil disappointed siya.Alam niyang kailangan niyang layuan ito, gaya ng ipinangako niya sa kapatid na si Maria. Ang orihinal niyang plano sa pagiging executive assistant ay para lang kumita ng pera para sa kanyang pamilya. Ayaw niyang mainvolve sa kahi
Sa loob ng isang linggo, nagtrabaho sina Gabriel at Evina sa paggawa ng panukala na mas mura at mas siguradong lalago kumpara sa Ming’s Group. Si Evina ay nagmungkahi ng mga paraan upang gawin ito ayon sa kanyang nakitang karakter at motibasyon ni Mr. Zheng, ang may-ari ng Gentech Project. Sa kabilang banda, tinarabaho ni Gabriel ang pagputol ng mga gastos at pag-improve ng iba pang mga mapagkukunan upang gawing mas cost-friendly ang plano kaysa dati. Sa kanilang pagtutulungan, nagpuyat sila sa opisina. Ginamit din nila ang sabado at linggo. Habang ginagawa nila ito, nagsimula silang makilala ang isa't isa, ang kanilang mga gusto at hindi gusto, kung ano ang nagpapasaya o nakakalungkot sa kanila. Naging masiyahin si Gabriel at naging mas malaya na magpakita ng kanyang tunay na emosyon. Kasabay nito, si Evina ay nagsimulang makinig at magpasakop sa isang may awtoridad sa kanya."Tama ka. Ire-revise ko po ulit sir. Just give me a few minutes,” tumango si Evina pagkatapos niyang p
"Ginamit ako ni Julio?" hindi makapaniwalang sambit ni Evina. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga sandaling iyon. Ramdam niya ang bawat himaymay sa kanyang kalamnan na nag-aapoy sa galit kay Julio. At gayundin sa kanyang sarili dahil sa pagiging mapaniwalain sa kanyang mapanlinlang na mga pakana.Gayunpaman, naawa din siya kay Gabriel. Dugo at pawis ang ibinuhos niya para sa proyektong ito. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili. Pero alam niyang ang katigasan ng ulo niya ang dahilan ng kaguluhang ito. At gusto niyang aminin iyon."Humihingi ako ng paumanhin, sir. Dapat nakinig ako sa'yo noong sinabi mong layuan ko siya," yuko niya. Hindi nag-react si Gabriel.Naramdaman naman ni Mr. Gu na parang kailangan nila ng privacy. Yumuko siya sa kanilang dalawa at sinabing, “Titingnan ko lang kung ano ang magagawa ko. Excuse me, ma'am at sir." Silang dalawa na lang ngayon ang nasa opisina. Pero hindi pa rin nagsasalita si Gabriel. Para siyang na-freeze sa kinatat
Kinabukasan, excited si Gabriel na pumasok sa trabaho. Sanay siyang mag-isang makipaglabanan ng utak sa iba pang mga executives na namumuno sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Pero ibang kaso kahapon.Si Gabriel ay sumipol habang inaalala kung paano humakbang si Evina para iangat ang The Elysian Inc sa pedestal habang ang mga executives ay umaawit ng papuri sa kanilang pangunahing kaaway. Dahil sa mahusay na kasanayan ni Evina sa pakikipagrelasyon, tila binago niya ang kanilang direksiyon mula sa Ming's Group tungo sa The Elysian. Ito ay kapaki-pakinabang dahil ito ay dumaloy sa aktwal na pagpupulong, kung saan ang tenga ng Direktor na namumuno sa Gentech ay pumalakpak sa pagkakarinig kung gaano kaungos sa iba ang The Elysian Inc. Mayroon na silang pahiwatig na gagawa sila ng isang matalinong pamumuhunan kung pipiliin nila ang kanilang kumpanya.Naalala rin niya kung paano sinabi ni Evina na siya ang kanyang “gem”, at hindi siya ang nakahanap siya, pero baliktad.Parang ang corny ng
Humugot ng malalim na hininga si Evina pagkatapos niyang humigop ng milk tea niya. Dumadagsa ang mga manggagawa mula sa opisina patungo kung nasaan siya ngayon. Tila kagagaling lang nila sa nakakapagod na bahagi ng araw at kakain na ng kanilang meryenda sa hapon. Malapit lang ang tea shop sa building kung saan sila nagkaroon ng meeting para sa Gentech. Nanatili siya habang hinihintay si Julio, nang hindi nalalaman ng kanyang boss. Ilang oras ang nakalipas, pumunta si Evina sa banyo habang nagpapatuloy ang meeting. Sa panahong iyon, nilapitan siya ni Julio at hiniling na makipagkita sa kanya. May ipapakonsulta daw siya sa kanya patungkol sa kapatid niya.“I would hit two birds in one stone,” tiniyak ni Evina sa sarili kung bakit siya nanatili. Magagawa niyang maghiganti. Kasabay nito, matutulungan niya ang kanyang boss na magkaroon ng dagdag na kalamangan laban sa kanyang karibal. Hindi binanggit ni Mr. Yang na si Julio pala ay si Julio Ming, ang nakatatandang kapatid ni Julia
Naweirduhan si Gabriel sa sariling reaksyon kay Evina. Paano niya naiisip ang isang malaswang eksena habang nagtatrabaho? Maiintindihan niya kung nasa labas sila ng opisina. Ngunit ito ang unang pagkakataon na na distract siya sa ganun habang nagtatrabaho. Sa epekto ni Evina sa kanya, nagpasya siyang makipagkita nalang sa kanilang kliyente sa ibang distrito nang wala siya. Gayunpaman, pakiramdam niya ay nagkamali siya dahil gusto niya itong makasama sa sandaling iyon. Tumingin siya sa likod at tinignan kung malayo na ba sila sa The Elysian Inc. "May naiwan ka ba, boss?" tanong ni Paul sa kanya nang makita ang kanyang pagkabalisa sa rearview mirror. "Uh yeah, I think dapat kasama natin si Miss Chen, para maging pamilyar siya sa industriya," paliwanag ni Gabriel. Tinikom ni Paul ang kaniyang mga labi upang pigilan ang mga ito mangiti. First time niyang makitang nag-aalala ang amo niya sa isang babae. Hindi pa siya nag-aalok ng tulong sa sinumang babae noon. Hindi rin siya nag
Alas otso na ng umaga. Pero parang madaling araw pa lang. Ang araw at ang madilim na ulap ay tila nagtatalo kung sino ang maghahari sa buong araw. "Lalayuan ko siya hangga't kaya ko," determinadong wika ni Evina habang nakapikit. Nakaupo na siya sa kanyang upuan sa opisina, at handa nang harapin ang bigat ng trabaho para sa araw na iyon."Ano ang kinakatakutan mo, little mouse?" Isang malalim at banayad na boses ang bumalabag kay Evina mula sa kanyang pagmumuni-muni. Si Mr. Yang iyon, ang kanyang multi-billionaire boss. At isang dipa lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Nagulat si Evina sa pagkakaupo. Pero pinagkrus niya ang kanyang braso at pinandilatan siya.“Wala akong kinakatakutan. And I’m not a little mouse.” Napataas ang isang sulok ng labi ni Mr. Yang. Umayos siya ng pagkakatayo at inayos niya ang kanyang kurbata at itinaas ang kanyang baba. Para bang sinasabi niyang boss siya, at empleyado lang niya. “S-sir,” agad na dagdag ni Evina sabay yuko. ‘Luka-luka ka, Ev
“Oo. Anak siya ni Chairman Yang, ang founder ng The Elysian Inc,” pagmamalaki ni Evina pero may bahid ng pag-aalala sa tono nito.Matapos ang sunod-sunod na hindi magandang pangyayari na kanyang naranasan, pakiramdam niya ay nakahanap na siya ng kapayapaan. Sa wakas ay maaari na siyang kumita ng totoong pera at magsimula ng sarili niyang negosyo habang tinutulungan ang pamilya ng kanyang kapatid na mamuhay nang kumportable.Ang pagtatrabaho bilang isang executive assistant ng CEO ay totoong nagpasaya sa kanya, kahit papaano. Ngunit tila hindi ito ang kaso sa kanyang nakatatandang kapatid na babae.Namumutla ang mga labi niya habang binabanggit ang pangalan ng kumpanya na para bang isinumpa ito at hindi dapat banggitin. Pero si Evina lang ang nakapuna nito. Mabilis na kinagat ni Maria ang maputla niyang mga labi, na nagpabalik ng dugo dito."Ikinagagalak kong makilala ka, Sir. Siguro kailangan na naming umalis ngayon. Ang haba ng traffic papunta ko dito. Hinihintay na din ako ng an