Samantala…
"Pupunta ako dyan in 10 minutes. Hold on, Evie." alo ni Maria kay Evina habang parang baliw na bumubusina ang kanyang sasakyan.
Natanggap niya ang balita na kakatanggal lang ng kanyang nakababatang kapatid sa trabaho. Hindi man lang nagpaalam sa mga kasamahan niya, agad siyang umalis sa lokasyon niya para makipagkita sa kanya.
Magkausap sila sa phone habang nagmamaneho siya papunta sa kinaroroonan ni Evina.
“Take your time, Iya. Hindi pa naman end of the world,” natatawang tugon ni Evina sa kanyang nakatatandang kapatid.
“Huwag ako. I know you too much, Evina Chen,” irap ni Maria, dahilan para bumunghalit ng tawa si Evina sa kabilang linya.
“Sige. Salamat, ate. I appreciate it,” sincere na sabi ni Evina bago nila binaba ang tawag.
Dinampot ni Evina ang iced tea sa kanyang harapan para pakalmahin ang pusong nagdurusa.
Tama si Maria. Dinadaan niya lang sa tawa pero she was devastated sa kinalabasan ng ginawa niya.
Kahit na naniniwala siyang tama lang ang ginawa niya, concern din siya sa kanyang career.
Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya habang ang mga tawa mula sa mga kalapit na mesa ay tumagos sa kanyang mga tainga at nilunod ang kanyang mga iniisip.
Isa ito sa paborito niyang kainan. Alam niyang masikip ito sa ganitong oras. Pero sinadya niyang pumunta doon para aliwin ang sarili.
Ilang minuto ay naroon na si Maria at dinadamayan siya sa kanyang kalungkutan.
“Alam mong kapatid mo ako, Evie. nasa tabi mo ako. Pero nag-aalala lang ako sa future mo. With your skills, you could be an executive assistant to a CEO if you want to,” saway sa kanya ni Maria pagkaupo niya sa upuan sa tapat niya.
Tumugon si Evina sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin. Gustuhin man niyang i-deny ito, talagang nalungkot siya na kailangan itong magtapos sa ganitong paraan. Umaasa siya na magtatagal pa siya sa Sapphire Co.
Nais niya ding umakyat sa corporate ladder, at maging isang successful woman sa kanyang kalakasan. Pagkatapos niyang makaipon ng sapat na pera, magbubukas siya ng sarili niyang negosyo. Ito ang dahilan kung bakit kumuha siya ng kursong Business Administration noong college days niya.
Gayunpaman, palaging lumilitaw ang kanyang rebellious nature sa tuwing nakakakita siya ng injustice na ginagawa ng mga diumano'y leaders ng organisasyong kanyang ginagalawan.
"At saka, you're not getting any younger, you know," patuloy ni Maria habang nakatingin sa paligid niya. Nakatuon ang tingin niya sa isang table.
May dalawang bata na nagsasaya sa pagsundot sa isa't isa. Ang nanay at tatay naman nila ay may matatamis na tingin sa isa't isa habang nakikipaglaro sa kanila.
Napatingin din si Evina sa kanila. Larawan sila ng isang masayang pamilya.
"Paano ka magkakaroon ng lalaki sa buhay mo? Alam mo naman kung paanong ayaw ng mga lalaki sa mga rebelde,” patuloy ni Maria bago tinawag ang waiter.
“Ayoko din naman sa kanila. I won’t be a slave to someone who’ll just force me to do things his own way,” agad na sambit ni Evina habang pinipilipit ang pasta sa kanyang plato.
Habang sinasabi niya iyon, naalala niya ang gwapong lalaking nakita niya sa parking lot. Check siya sa lahat sa kanya mga paglalarawan. Ngunit may kung ano sa kanya na nakaka-attract.
‘Siguro hormones lang. Bakit kailangan niya kasing maging mayaman at pogi pa?’ napaisip si Evina habang umiiling. Napagdesisyunan niyang magfocus na lang sa pag-uusap nila ng kaniyang ate.
“At saka ang daming orphanages ngayon. Sigurado akong matutuwa ang isa sa kanila na maging nanay niya ako," dagdag pa niya at dinala ang pasta sa kanyang bibig.
“Evina! Alam mo namang hindi magugustuhan ni Papa yun!" nanlilisik si Maria habang ang mga braso ay naka-cross sa kanyang dibdib.
Natigilan si Evina sa pagbanggit ng kanyang ama. Lumamlam ang kanyang mukha na parang may isang maitim na ulap na nabuo sa ibabaw nila. “As if namang magiging mabuting lolo siya sa kanila pagkatapos ng ginawa niya satin ni Mama,” reklamo niya habang binababa ang tinidor sa kanyang plato.
“Evina Chen!” tumayo si Maria at ibinagsak ang dalawang kamay sa mesa, na ikinagulat ng ibang mga customer sa malapit.
“Ring!” “Ring!” “Ring!”
“Save by the bell!” ngumisi si Evina sa kanyang nakatatandang kapatid habang kinukuha ang kanyang cell phone. Pero pineke lang niya ito. Sinadya niya ang kanyang ringtone.
‘Mas mabuting huwag na lang pahabain ang usapan. Ang pangit na nga ng nangyayari, lalala pa.’
"Anyway, gusto mo bang bisitahin si Simon?" tanong ni Maria sa nakababatang kapatid pagkatapos niyang tapusin ang pekeng tawag.
Lumiwanag ang mukha ni Evina nang marinig ang pangalan ng kanyang pamangkin, ang anak ni Maria. "Syempre! Ang tagal ko na siyang hindi nakikita."
Masyado siyang naging abala sa trabaho kaya wala na siyang oras para bisitahin ang kanyang mga mahal sa buhay.
“There is a positive side to this rubble after all!’ nakangiting sabi ni Evina, excited sa muling pagkikita nila ng kanyang pamangkin pagkatapos ng mahabang panahon.
Pagkatapos nilang kumain, mabilis silang umalis at pumunta sa tirahan ni Maria.
"Tita Evie!" itinaas ni Simon ang kanyang mga braso habang tumatalon sa tuwa nang makita ang nakababatang kapatid na babae ng kanyang ina.
"Naku, ang laki-laki mo na!" humagikgik si Evina at tumakbo papunta sa kanya. Pagkatapos ay sinubukan niyang buhatin siya, ngunit agad niya itong ibinaba.
“Makukuba ata ako sa’yo. Ang bigat mo na ngayon,” pang-aasar nito sa bata.
Hinila naman siya nito papunta sa ref, para maipakita nito sa kanya ang iba't ibang pagkain na kinakain niya.
Nakahinga ng maluwag si Evina nang maramdaman niya ang mainit na pagmamahal ng pamangkin na yumayakap sa kanyang puso.
Habang nagpapalipas siya ng oras doon, napagtanto niya na mag isa lang pala siya sa buhay. Hindi lang niya ito nakita dahil masyado siyang abala para lang maka-survive.
“Simula ngayon, I will try to hang out with them more kahit bago ako makakuha ng bagong trabaho. Bibisitahin ko rin si Uncle Lucan sa lalong madaling panahon,” naisip niya habang nakahiga sa sopa habang nakikinig kay Simon na naglalaro naman ng isang board game sa mesa.
“Ang boring ni Mama. Lagi nalang niya ako hinahayaan manalo. Mas gusto ko si Papa. Lagi siyang nananalo. Pero lagi niya akong tinuturuan kung bakit ako natatalo kaya sa susunod, mas magaling na ako,” bulalas ni Simon habang naglalaro.
Normal lang sa kanya na sabihin iyon ng malakas. Pero si Evina, alam niya na maaaring masakit ito para sa kanyang kapatid. Mabilis na dumungaw kay Maria ang kayumanggi niyang mga mata, umaasang hindi niya ito narinig.
Si Maria naman ay nasa kusina, ngunit malapit lang ito sa kanila. Hindi inaasahan ni Evina ang sumunod niyang ginawa.
Lumingon si Maria at ngumiti sa kanilang dalawa. “Ayos lang. Mas gusto ko rin si Papa kaysa kay Simon.” Pagkatapos ay hinarap niya ang kanyang anak, na ikinakunot ng noo ni Simon.
"Hindi ah, mas magaling ako kay Papa. Sinabi nya sa akin,” giit ni Simon na naka cross arms.
Nakahinga ng maluwag si Evina. Sa wakas, mapayapa na nilang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang bayaw.
Kung tutuusin, isang taon na ang nakalipas mula nang siya ay pumanaw.
"Kamusta kana ate?" tanong ni Evina kay Maria pagkatapos niyang patulugin si Simon. Nagkakape sila ngayon bago umalis si Evina.
Naririnig niya kung paano humigop ng hangin si Maria nang maalala niya ang kanyang buhay na wala ang kanyang yumaong asawa.
“Mahirap maging single parent. Pero sinusubukan kong maging matatag para kay Simon. Mas mahirap kasi para sa kanya, lalo na ngayong nasa school na siya,” bahagi niya habang tinitingnan ang family picture nila sa baba ng TV.
Silang tatlo ay nasa isang amusement park. At nakaupo si Simon sa balikat ng kanyang ama na may malaking ngiti sa kanyang mukha.
Nakaramdam si Evina ng kakapalan ng kanyang lalamunan habang pinagmamasdan ang kanyang nakatatandang kapatid na babae na sinusubukang maging malakas sa panlabas.
Pero alam niyang sa kaibuturan niya ay naluluha na siya. Itinaas niya ang kanyang mga braso at inakbayan si Maria. “You’re a good mom. Alam kong ipinagmamalaki ka ni Simon.”
Sa ginawa niya, masyado niya atang pinasaya ang kanyang nakatatandang kapatid, dahil nakatanggap siya ng hampas sa braso bilang ganti.
“Aray! Para saan iyon?" ngumisi siya kay Maria.
“Kaya hindi mo dapat subukang magpalaki ng anak sa iyong sarili lang kung pwede namang magkaroon ka ng isang partner sa tabi mo,” pangaral ni Maria. Naalala niya siguro yung usapan nila kanina.
"Pag-iisipan ko," lumayo si Evina sabay ngiti.
Hindi man niya aminin, sa kaibuturan niya ay ayaw niyang tumanda nang mag-isa. Ngunit hindi pa niya nakikilala ang isang lalaking mapagkakatiwalaan niya.
Bumalik siya sa kanyang sasakyan na magaan ang pakiramdam at nagmaneho pabalik sa kanyang unit.
“Ring!” “Ring!” “Ring!”Agad na umupo si Evina sa kama. Nagmamadali siyang tumayo, nagsuot ng tsinelas at kinuha ang tuwalya. Kagaya ng laging morning routine niya, maliligo na siya. Pero napagtanto niyang wala na nga pala siyang mapupuntahan.“Body clock ko na siguro. Isa ka ng officially unemployed, Evina. Congratulations sa bago mong buhay." tinapik niya ang kanyang ulo ng tatlong beses, sinisiguradong gagana ito ng maayos.Bumalik siya sa kanyang kama at humiga muli sa kanyang malambot na mga unan bago kinuha ang kanyang cell phone para tingnan ang kanyang mga news feed. Ngayon ay marami na siyang oras para gawin iyon.Habang ini-scan niya ang kanyang social media account, nakita niyang nagpo-post ang dati niyang kaklase ng mga larawan niya sa stage na may libo-libong likes at hearts. Kamakailan ay na-promote siya ng kumpanyang kanyang pinagtatrabahuan."Sigurado akong katakot takot na pagmamakaawa ang ginawa niya sa boss niya. Hmph," umirap ang mga mata ni Evina. Nagpatuloy siya
Hinanap agad ni Evina ang The Elysian Inc sa internet. Pamilyar siya sa giant corporation na ito, ngunit hindi niya kilala ang mga tao sa likod ng hierarchy. Dapat ay may malawak siyang kaalaman sa kumpanya kung gusto niyang maging bahagi nito.“Ang Elysian Inc. ay nag-aalok ng maraming pagpipilian ng software para sa maraming layunin. Ang kanilang software ay sa ngayon ang pinaka ginagamit na operating system sa bansa. Sa kita na $107.8 milyon, ang nangingibabaw na industriya ng software ay nananatiling The Elysian Inc. Ang kumpanya ay itinatag noong 1965 ng founder na si Chairman Rafael Yang.”"Wow! Impressive," tango ni Evina habang ini-scroll pababa ang pahina. Gayunpaman, ang nakatawag pansin sa kanya ay ang larawan ng nagtatag ng kahanga-hangang korporasyon."Parang pamilyar siya," nag-zoom in siya sa larawan ni Chairman Yang, na nasa webpage din na tinitingnan niya. Napaka-attractive niya para sa isang lalaking kasing edad niya. Ang kanyang ilong ay napaka-prominente sa ibabaw
"Alam mo kung gaano kita kagusto, Evina," sabi ni Julian sa namamaos na boses, na kinukumpleto ang nakakatakot na ambiance sa loob ng sasakyan.Nasa parking lot pa sila ng isang abandonadong building kung saan dinala ni Julian si Evina.Natulala si Evina dahil hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.Ilang oras lang ang nakalipas nang dalawin siya nito sa unit nito, kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Maria. Sinabi niya rito na may alam siyang job opening sa kanilang kumpanya, kaya sumama ito sa kanya. “L-Let’s go, Julian. Baka hinihintay na nila tayo," bulalas niya.Naghanap ang kanyang mga mata ng palatandaan na baka nasa company naman talaga sila ni Julian. At hindi niya gagawin ang iniisip nito na gagawin niya.Ngunit ang mga ilaw ay patuloy na kumikislap, na nagbigay ng anino sa nakakatakot na mukha ni Julian. Napaatras si Evina hanggang sa madikit ang buong katawan niya sa pinto ng sasakyan."Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ‘to," saad ni Julian sa pagitan
Sa kabilang panig ng distrito, nasa isang business meeting si Gabriel kasama ang CEO ng Astro Inc. “Congratulations, Mr. Yang. Pinahahalagahan namin ang iyong initiative na makipag-ugnayan muna sa amin," yuko kay Gabriel ng CEO ng Astro, Inc. habang nakikipagkamay. "Talagang hangarin ng Chairman na makipagtulungan sa isang world-class na kumpanya tulad ng Astro, Inc." Yumuko rin si Gabriel sa kanya.Kakakuha lang ni Gabriel sa deal. Ilang buwan ng namumuhunan ang The Elysian, Inc para makuha ito. Nasa good mood siya at sumisipol habang papunta sa parking lot sa basement ng Astro Inc. Building."The Chairman would be so proud of me," nakangiting sabi niya sa sarili habang papalapit sa kanyang sasakyan. Tila naramdaman ni Paul ang positibong resulta ng transaksyon. Ngumiti siya habang, pinagbubuksan niya siya ng pinto ng kotse. Habang ginagawa niya iyon, nahagip ng mga mata ni Gabriel ang gilid nito. Napalitan ng pagsimangot ang mukha niya nang maalala ang salarin sa likod nito."Ev
Natigilan si Paul ng ilang segundo bago niya iniabot ang kanyang baril kay Gabriel. Nagulat siguro siya sa biglang reaksyon ni Gabriel. Nagulat din si Gabriel sa kanyang sarili. Hindi karaniwan para sa kanya na magdirekta ng sandata sa iba.‘Pero hindi rin naman ordinaryo ang sitwasyong ‘to,’ bulong ni Gabriel sa sarili habang lalabas na sana at ipagtatanggol ang babae.Sa sandaling nasa kamay ni Gabriel ang baril ni Paul, agad siyang umikot para lumabas ng sasakyan. Gayunpaman, nang siya ay lumingon, nakita niya ang isang payat na braso na umaabot sa nakabukas na pinto."Papasukin mo ako!" sigaw ng babaeng kanina pa hysterical na humihingi ng tulong sa kanila.Hindi man lang siya humingi ng permiso kay Gabriel. Agad siyang gumapang sa loob at tinulak si Gabriel sa kabilang side ng sasakyan.Agad niyang isinara ang pinto at mabilis na iwinasiwas ang kamay kay Paul habang hinihiling niya, “Go, go, go! Bilisan mo!” Tumango si Paul na para bang naramdaman niya ang kaapurahan ng sitwasy
Tahimik na naghihintay si Evina sa kotse habang nasa labas ang CEO. Ang driver nito o bodyguard ay kasama niya. Pakiramdam ni Evina ay kahit papano ay ligtas siya Nasa parking lot sila ng isang department store kung saan hiniling ng may-ari ng sasakyan na dumaan muna dito.Gusto niyang kalimutan ang nangyari. Pero aaminin niya, sobrang naapektuhan siya nito. Ang alaala ng kamuntik ng panggagahasa ni Julian sa kanya sa isang abandonadong gusali ay di maalis sa kanyang isipan at hindi siya makahinga. Napahawak ang kanyang kamay sa pinakamalapit na suporta na kanyang matatagpuan habang siya ay humihingang malalim. "Ayos ka lang ba, Miss Chen?" lumingon si Paul sa kanya at inalok siya ng isang bote ng tubig. Ngumiti si Evina sa kanya at tinanggap ang bote. Pagkatapos ay uminom siya mula dito, umaasa na maibsan nito ang kanyang pakiramdam. Habang tumatagos ang inuming tubig sa kanyang mga cells, nagsimulang huminga nang normal si Evina. "Salamat. Baka mawala naman ito bukas makala
Gabi na sa labas ng department store. Paalis na sa establisyimento ang mga mamimili. Ang ilan ay nag enjoy sa kanilang pamimili at tumatawa habang lumalabas. Ang iba naman ay mabilis na naglalakad at nagmamadaling makahabol sa tren.Sa parking lot, may tatlong tao na nasa iisang sasakyan. Iba't iba ang gusto nilang gawin pagkatapos bisitahin ang store. Gusto ng isa na iwan ang dalawa at umuwi sa sarili niyang paraan. Ang isa ay gusto siyang manatili.At ang huli ay nahahati sa pagitan ng dalawa.Kadalasan, hindi iniisip ni Gabriel ang mga plano ng ibang tao. Bakit pa siya mag-aalala kung marami na siyang iniintindi? Gayunpaman, ito ay kakaibang sitwasyon para sa kanya.Kahit na hindi isiwalat ni Evina ang anumang impormasyon tungkol sa nangyari, alam niyang may di magandang insidente ang nangyari sa gitna ng Jeyong Town."Pumasok ka. Huwag mo na ako hintaying sabihin pa yun ng tatlong beses," utos ni Gabriel.Natigilan si Evina sa kanyang kinatatayuan. Binuksan na niya ang pin
Hindi agad dinala ni Gabriel si Evina sa kanyang suite. Nag-dinner muna sila sa malapit na restaurant dahil gabi na rin noon. Pagkatapos nilang kumain, inalok siya nito ng kontrata para magtrabaho sa kanya bilang executive assistant niya sa loob ng isang taon.Sinabi niya na nasuri na niya ang kanyang mga kredensyal, at siya ay angkop para sa trabaho. Dahil sa kanyang desperadong sitwason, tinanggap agad nito ni Evina. Gayunpaman, hiniling niya na ibawas ang bayad sa pag-aayos ng sasakyan at sapatos mula sa kanyang allowance. Mabilis naman pumayag si Gabriel.Hindi sila nagtagal. Pagkatapos nilang pirmahan ang kontrata, umalis agad sila at pumunta sa isang luxury hotel na nasa gitna ng metropolis."A-Akala ko ba pinapatira mo ako sa bahay nyo, sir," bulong ni Evina sa kaswal na tono, na may bakas ng pagkabalisa sa boses.Kung sa isang mansyon siya nakatira, siguradong may mga katulong siya doon. Hindi lang silang dalawa. Unlike kung nakatira siya sa isang unit sa isang hotel. Nag
Nakangiti si Julio mula tenga hanggang tenga habang hinihintay nila ang tugon ni Mr. Zheng. Nasa boardroom na siya at ang iba pang executives, kasama sina Gabriel at Evina. Lahat sila ay nasasabik na malaman kung sino ang nanalo ng hinahangad na proyekto.Sa kanyang ginawa, kumbinsido si Julio na ang Ming’s Group ang mananalo sa bid. Medyo nagulat siya na makitang nagtatrabaho pa rin si Evina kay Gabriel. Alam niyang matalino si Gabriel para malaman ang ginawa niya. Napahawak si Julio sa baba habang nakatitig sa dalawa. Nakikipagkwentuhan lang si Gabriel sa ibang executives. Si Evina naman ay nakatitig sa kanya. “Magandang araw sa inyo! I’m now ready to announce the company that we would work with,” bati ni Mr. Zheng sa kanila, na ikinagagambala ni Julio sa kanyang obserbasyon. "Kung hindi tayo, I'm sure it's either the Ming's or The Elysian's," narinig niyang nag-uusap ang mga ito. Ang iba ay nagsasaad din ng kanilang sariling taya para sa nanalo. Inamoy ni Julio ang matami
"Gabriel," Isang halinghing ang kumawala sa mga labi ni Evina habang binibigkas ang pangalan ng kanyang boss. Namumuo ang butil ng pawis sa kanyang noo habang nasasarapan sa ginagawa niya sa kanya.Pabalik-balik ang ulo niya sa pagkahibang. Hinawakan ng kanyang mga daliri ang kanyang puting kumot hanggang sa maabot niya ang kaniyang sukdulan.Makalipas ang ilang minuto, huminahon ang kanyang katawan at bumalik sa dati nitong kalagayan. Habang nangyayari iyon, bigla siyang bumalikwas mula sa kanyang kama. Lumibot ang mga mata niya sa paligid niya. Nakahiga pa rin siya, at 5am pa lang ng umaga. At walang Mr. Yang."Panaginip lang," sabi ni Evina at nayuko ang kanyang mga balikat. Hindi niya alam kung dahil ba sa natutuwa siya o dahil disappointed siya.Alam niyang kailangan niyang layuan ito, gaya ng ipinangako niya sa kapatid na si Maria. Ang orihinal niyang plano sa pagiging executive assistant ay para lang kumita ng pera para sa kanyang pamilya. Ayaw niyang mainvolve sa kahi
Sa loob ng isang linggo, nagtrabaho sina Gabriel at Evina sa paggawa ng panukala na mas mura at mas siguradong lalago kumpara sa Ming’s Group. Si Evina ay nagmungkahi ng mga paraan upang gawin ito ayon sa kanyang nakitang karakter at motibasyon ni Mr. Zheng, ang may-ari ng Gentech Project. Sa kabilang banda, tinarabaho ni Gabriel ang pagputol ng mga gastos at pag-improve ng iba pang mga mapagkukunan upang gawing mas cost-friendly ang plano kaysa dati. Sa kanilang pagtutulungan, nagpuyat sila sa opisina. Ginamit din nila ang sabado at linggo. Habang ginagawa nila ito, nagsimula silang makilala ang isa't isa, ang kanilang mga gusto at hindi gusto, kung ano ang nagpapasaya o nakakalungkot sa kanila. Naging masiyahin si Gabriel at naging mas malaya na magpakita ng kanyang tunay na emosyon. Kasabay nito, si Evina ay nagsimulang makinig at magpasakop sa isang may awtoridad sa kanya."Tama ka. Ire-revise ko po ulit sir. Just give me a few minutes,” tumango si Evina pagkatapos niyang p
"Ginamit ako ni Julio?" hindi makapaniwalang sambit ni Evina. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga sandaling iyon. Ramdam niya ang bawat himaymay sa kanyang kalamnan na nag-aapoy sa galit kay Julio. At gayundin sa kanyang sarili dahil sa pagiging mapaniwalain sa kanyang mapanlinlang na mga pakana.Gayunpaman, naawa din siya kay Gabriel. Dugo at pawis ang ibinuhos niya para sa proyektong ito. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili. Pero alam niyang ang katigasan ng ulo niya ang dahilan ng kaguluhang ito. At gusto niyang aminin iyon."Humihingi ako ng paumanhin, sir. Dapat nakinig ako sa'yo noong sinabi mong layuan ko siya," yuko niya. Hindi nag-react si Gabriel.Naramdaman naman ni Mr. Gu na parang kailangan nila ng privacy. Yumuko siya sa kanilang dalawa at sinabing, “Titingnan ko lang kung ano ang magagawa ko. Excuse me, ma'am at sir." Silang dalawa na lang ngayon ang nasa opisina. Pero hindi pa rin nagsasalita si Gabriel. Para siyang na-freeze sa kinatat
Kinabukasan, excited si Gabriel na pumasok sa trabaho. Sanay siyang mag-isang makipaglabanan ng utak sa iba pang mga executives na namumuno sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Pero ibang kaso kahapon.Si Gabriel ay sumipol habang inaalala kung paano humakbang si Evina para iangat ang The Elysian Inc sa pedestal habang ang mga executives ay umaawit ng papuri sa kanilang pangunahing kaaway. Dahil sa mahusay na kasanayan ni Evina sa pakikipagrelasyon, tila binago niya ang kanilang direksiyon mula sa Ming's Group tungo sa The Elysian. Ito ay kapaki-pakinabang dahil ito ay dumaloy sa aktwal na pagpupulong, kung saan ang tenga ng Direktor na namumuno sa Gentech ay pumalakpak sa pagkakarinig kung gaano kaungos sa iba ang The Elysian Inc. Mayroon na silang pahiwatig na gagawa sila ng isang matalinong pamumuhunan kung pipiliin nila ang kanilang kumpanya.Naalala rin niya kung paano sinabi ni Evina na siya ang kanyang “gem”, at hindi siya ang nakahanap siya, pero baliktad.Parang ang corny ng
Humugot ng malalim na hininga si Evina pagkatapos niyang humigop ng milk tea niya. Dumadagsa ang mga manggagawa mula sa opisina patungo kung nasaan siya ngayon. Tila kagagaling lang nila sa nakakapagod na bahagi ng araw at kakain na ng kanilang meryenda sa hapon. Malapit lang ang tea shop sa building kung saan sila nagkaroon ng meeting para sa Gentech. Nanatili siya habang hinihintay si Julio, nang hindi nalalaman ng kanyang boss. Ilang oras ang nakalipas, pumunta si Evina sa banyo habang nagpapatuloy ang meeting. Sa panahong iyon, nilapitan siya ni Julio at hiniling na makipagkita sa kanya. May ipapakonsulta daw siya sa kanya patungkol sa kapatid niya.“I would hit two birds in one stone,” tiniyak ni Evina sa sarili kung bakit siya nanatili. Magagawa niyang maghiganti. Kasabay nito, matutulungan niya ang kanyang boss na magkaroon ng dagdag na kalamangan laban sa kanyang karibal. Hindi binanggit ni Mr. Yang na si Julio pala ay si Julio Ming, ang nakatatandang kapatid ni Julia
Naweirduhan si Gabriel sa sariling reaksyon kay Evina. Paano niya naiisip ang isang malaswang eksena habang nagtatrabaho? Maiintindihan niya kung nasa labas sila ng opisina. Ngunit ito ang unang pagkakataon na na distract siya sa ganun habang nagtatrabaho. Sa epekto ni Evina sa kanya, nagpasya siyang makipagkita nalang sa kanilang kliyente sa ibang distrito nang wala siya. Gayunpaman, pakiramdam niya ay nagkamali siya dahil gusto niya itong makasama sa sandaling iyon. Tumingin siya sa likod at tinignan kung malayo na ba sila sa The Elysian Inc. "May naiwan ka ba, boss?" tanong ni Paul sa kanya nang makita ang kanyang pagkabalisa sa rearview mirror. "Uh yeah, I think dapat kasama natin si Miss Chen, para maging pamilyar siya sa industriya," paliwanag ni Gabriel. Tinikom ni Paul ang kaniyang mga labi upang pigilan ang mga ito mangiti. First time niyang makitang nag-aalala ang amo niya sa isang babae. Hindi pa siya nag-aalok ng tulong sa sinumang babae noon. Hindi rin siya nag
Alas otso na ng umaga. Pero parang madaling araw pa lang. Ang araw at ang madilim na ulap ay tila nagtatalo kung sino ang maghahari sa buong araw. "Lalayuan ko siya hangga't kaya ko," determinadong wika ni Evina habang nakapikit. Nakaupo na siya sa kanyang upuan sa opisina, at handa nang harapin ang bigat ng trabaho para sa araw na iyon."Ano ang kinakatakutan mo, little mouse?" Isang malalim at banayad na boses ang bumalabag kay Evina mula sa kanyang pagmumuni-muni. Si Mr. Yang iyon, ang kanyang multi-billionaire boss. At isang dipa lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Nagulat si Evina sa pagkakaupo. Pero pinagkrus niya ang kanyang braso at pinandilatan siya.“Wala akong kinakatakutan. And I’m not a little mouse.” Napataas ang isang sulok ng labi ni Mr. Yang. Umayos siya ng pagkakatayo at inayos niya ang kanyang kurbata at itinaas ang kanyang baba. Para bang sinasabi niyang boss siya, at empleyado lang niya. “S-sir,” agad na dagdag ni Evina sabay yuko. ‘Luka-luka ka, Ev
“Oo. Anak siya ni Chairman Yang, ang founder ng The Elysian Inc,” pagmamalaki ni Evina pero may bahid ng pag-aalala sa tono nito.Matapos ang sunod-sunod na hindi magandang pangyayari na kanyang naranasan, pakiramdam niya ay nakahanap na siya ng kapayapaan. Sa wakas ay maaari na siyang kumita ng totoong pera at magsimula ng sarili niyang negosyo habang tinutulungan ang pamilya ng kanyang kapatid na mamuhay nang kumportable.Ang pagtatrabaho bilang isang executive assistant ng CEO ay totoong nagpasaya sa kanya, kahit papaano. Ngunit tila hindi ito ang kaso sa kanyang nakatatandang kapatid na babae.Namumutla ang mga labi niya habang binabanggit ang pangalan ng kumpanya na para bang isinumpa ito at hindi dapat banggitin. Pero si Evina lang ang nakapuna nito. Mabilis na kinagat ni Maria ang maputla niyang mga labi, na nagpabalik ng dugo dito."Ikinagagalak kong makilala ka, Sir. Siguro kailangan na naming umalis ngayon. Ang haba ng traffic papunta ko dito. Hinihintay na din ako ng an