Share

Chapter 3: Rebelde

Tatlong oras ang nakalipas...

"Malamang na may ideya sila na yung existence mo palang sa company ay isa ng rebellion," pang-uuyam ni Maria sa kanyang nakababatang kapatid na babae, si Evina, sa telepono.

Oras ng trabaho ito para sa kanilang dalawa. Si Maria ay nasa field, na nagtatrabaho bilang isang landscape designer habang si Evina ay isang bagong empleyado sa Sapphire Co. 

Kausap ni Maria ang kanyang kliyente nang makatanggap siya ng text message mula kay Evina. Isang mensahe na maaaring makasira muli sa kanyang career.

Humingi ng tulong sa kanyang nakababatang kapatid na babae ang mga ka trabaho nito na magsumite ng reklamo laban sa Chief para matanggal ito sa pwesto.

"Nagsisimula ka pa lang na muling buuin ang buhay mo pagkatapos matanggal sa iyong dating trabaho, Evie." pinagpatuloy niya ang pagbulyaw kay Evina, tulad ng nakasanayan niya noong mga bata pa sila. 

Si Evina ay palaging matigas ang ulo kahit noong mga bata pa sila. Mahilig siyang lumabag sa rules, maging ito ay ang mga utos sa bahay o ang mga regulasyon sa school. 

Palagi siyang pinagsasabihan ni Maria, ngunit ang katigasan ng ulo ni Evina ay laging nagdudulot sa kanya ng problema. 

Parang ngayon lang. 

"Hindi ba pwedeng hayaan mo na lang sila? O hilingin na lang nila sa ibang tao na gawin ang trabahong iyon?" dagdag pa ni Maria. Bakas sa boses niya ang pagkabalisa.

"Siguro naisip nila na hindi E-v-i-n-a ang pangalan ko kundi R-e-b-e-l-d-e," napangiti si Evina sa naisip, na lalong ikinainis ni Maria.

“Hindi nakakatuwa, Evina Chen. Nakikinig ka ba?" tumaas na ngayon ang boses ni ate. Sumilip siya sa kanyang pinagtatrabahuan, umaasang hindi siya makaistorbo sa sinuman. 

Tumikhim si Evina, na nagpapakitang magiging seryoso siya ngayon. “Look, alam kong concern ka sa akin, ate. Pero ang tagal na nilang nagtitiis. Wala silang magawa.” 

Patuloy na ipinagtanggol ni Evina ang kanyang mga bagong kasamahan sa kanyang nakatatandang kapatid na babae. “Pinagsasamantalahan niya ang kabaitan nila at walang makapaglakas-loob na tumayo laban sa kanya. Do you expect me to just sit back and do nothing?”

Ang sinasabi niya ay ang Chief ng kanilang departamento. Tatlong buwan pa lang mula nang matanggap siya, at nakita na niya kung paano niya binabastos ang ilang empleyado. Minsan, ito ay pisikal pa.

Dahil sa kanyang likas na katapangan, may mga pagkakataon na  tatayo si Evina at makikipagtalo sa kanya. 

Ito ang dahilan kung bakit ibinigay sa kanya ng kanyang mga kasama sa opisina ang folder na naglalaman ng kanilang mga reklamo.

Kinokolekta nila ang mga ito ngunit walang makapagpapasa sa mga ito sa mga nakatataas, sa takot na siya ay gumanti. Nang makita ang kawalang-takot ni Evina, gumawa sila ng desisyon na ibigay sa kanya ang mga files.

Isang mahabang buntong-hininga ang ibinigay ni Maria tanda ng kanyang pagsuko. Alam niyang hindi siya mananalo laban sa kapatid kapag nakapagdesisyon na siya. 

“Malaki ka na, Evina. Umaasa ako na isinasaalang-alang mo rin ang iyong career sa paggawa mo ng desisyon. Anyway, kailangan ko nang umalis. Magkita tayo mamaya." 

Matapos i-end ni Maria ang tawag, huminga rin ng malalim si Evina bago umikot sa kanyang upuan, para mas makita niya ang office. 

Napakaliit ng space nito para sa isang grupo ng anim na naririnig niya ang tunog ng pag-click ng mga stapler, nilulukot ang mga papel at itinatapon sa basurahan,  mula sa kanyang lugar. 

Ang amoy ng papel at tinta na nagmumula sa mga lumang files ay palaging nalalanghap ng mga dumadaan.

Gaano na ba katagal mula nang magtrabaho ako sa maliit na kumpanyang ito bilang isang software engineer?

Hindi ito maganda, ngunit ito ay disente at pwede naman na.  

Sa pag-iisip na kapag mas maliit na opisina ay mas kaunti ang marumi nitong labada, si Evina ay nag-apply doon. Gayunpaman, pinapatunayan ng sitwasyong ito na wala sa laki o liit ng kumpanya ang pag-iral ng kasamaan.

“Heto na naman ako,” napabuntong-hininga si Evina habang pinag-aaralan ng mga mata ang files na binigay sa kanya. 

Kumulo ang dugo niya habang nagbabasa pa lang siya.

“Patuloy na paninirang puri ng projects, paggamit ng mapang-abusong pananalita, pananakot at harassment!” napangiwi siya habang nakakunot ang noo, "Mga seryosong isyu ito ah!"

"Si Chief ba ang tinutukoy mo?" Narinig siguro siya ng isa sa mga staff habang papalapit sa cubicle niya.

Sinilip niya kung sino ang kausap niya, at nagulat siya nang makita kung sino iyon. Si Cynthia. 

Siya ang pinakamahiyain sa kanilang departamento. At mukhang may gumugulo sa kaniya.

Itinagilid ni Evina ang kanyang ulo at mahinang sumagot sa kanya, “Oo, Cynthia. May iniisip akong gawin tungkol dito."

Sa kanyang sinabi, lumiwanag ang mukha ni Cynthia. “Thank you, Evina,” itinaas niya ang kanyang eyeglasses na nahuhulog na sa kanyang ilong, “Magandang ideya yan, kung anuman yan. Buti nalang sa iyo naman yan binigay. Walang sinuman sa amin ang may tapang na tumayo.”

Tumingin si Evina sa buong office ng mahigit ilang segundo. Totoo iyon. Siya lang ang may kumpiyansa na magsalita para sa pinaniniwalaan niya. Kahit pa ang mga nasa mas mataas na posisyon kaysa sa kanya.

“Parang may masamang karanasan din siya kay Chief," napaisip si Evina nang mapansin ang ekspresyon sa mukha ni Cynthia.

“May gusto ka ba sabihin sa akin?” nginitian niya siya.

Luminga-linga si Cynthia sa office kung may mga tao sa paligid na maaaring nakikinig sa kanila. Nang makitang may ilang katrabaho na isang metro lang ang layo sa kanila, muli niyang iniyuko ang kanyang ulo.

Nang maisip niya na may bumabagabag nga sa kanya, tumayo si Evina at tinapik si Cynthia sa kanyang mga balikat. Pagkatapos ay ginabayan siya nito sa isang lugar na pribado. 

Sa kanyang pagtataka, hindi tumutol si Cynthia, ngunit hinayaan lamang niya si Evina na pangunahan siya.

Umakyat sila sa itaas at pumunta sa isang bakanteng kwarto. Matapos masiguro ni Cynthia na walang tao, sa wakas ay ibinuka niya ang kanyang bibig.

"Minomolestiya ako ni Chief," bulalas ni Cynthia. Nanginginig ang mga kamay niya habang nagsasalita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status