Share

Chapter 2: Isang Magandang Bubuwit

Isang beep na nagmumula sa isang carlock mula sa isang malayong kotse ang maririnig mula sa kinaroroonan nila. May iba ding tao sa parking lot.

Ngunit walang plano ang may-ari ng luxury car na palayain siya ng ganun ganun lang.

Nakatayo siya na para siyang isang napakalaking pusa na naka-corner sa isang maliit na bubwit. Naningkit ang kanyang luntiang mga mata habang sinusuri ang kanyang biktima. 

Ang babaeng nasa harap niya ay may ordinaryong tangkad na may ordinaryong pigura na nakasuot ng ordinaryong office uniform. 

Gayunpaman, ang kanyang maapoy na pulang buhok at mapanghamon na tingin ay iba ang ipinararating.

Hindi siya isang tipikal na uri ng babae. At hindi maalis ni Gabriel ang tingin sa kanya.

"Ito ay isang Lamborghini Sian na nagkakahalaga ng 3,000 beses sa average na buwanang sahod ng isang ordinayong empleyado," sabi niya habang patuloy niyang pinagmamasdan kung ano ang magiging reaksyon ng babae sa harapan niya. "So that would be - Teka, paano mo ako pinaplanong bayaran kung wala kang trabaho?

Mabilis na kumurap ang mahahabang pilik-mata ng babae habang nanlalaki ang mga mata. Nagulat siguro siya na malamang alam niya ang kwento niya.

Gayunpaman, mabilis bumalik ang kanyang mata sa pagtingin sa kanya ng masama habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso. 

“Kahit natanggal ako sa trabaho, may ipon pa rin ako.. po,” ang kanyang matamis na ngiti ay taliwas sa mapang-uyam niyang pahayag, “At kahit hindi pa sapat, sisiguraduhin kong babayaran ko nang buo ang damages… sir.” 

Hinipan ng hangin ang coat ni Gabriel. Nagawa ng lamig nitong pakalmahin kahit papano ang inis na nararamdaman ni Gabriel. 

"Mabuti naman! Akala ko - Teka, tama ba talaga ang narinig ko?" Kinuha ni Gabriel ang kanyang phone at pinlay ang kanyang recorded video. 

Umangat ang isang sulok ng kanyang mga labi nang marinig niya ang bahagi kung saan sinabi ng babae na, 'Ang gasgas na ito ay hindi pa sapat para sa lahat ng damages idinulot nila sa buhay ng kanilang mga empleyado. Oh well, deserve niya siguro ito. This is my last day anyway, kaya hahayaan ko na lang.’

Dahil doon, nasaksihan niya ang maliit na mukha ng babae na nagbago mula sa pagiging matigas at masungit tungo sa pagiging nahihiya at nababalisa. 

Inaasahan niyang luluhod ito sa harapan niya at hihingi ng awa, lalo na sa sitwasyon nito. Ngunit hindi niya ito ginawa.

"Well, totoo naman ang sinabi ko," sagot ng babae sa kanya sa mahinang boses habang itinaas niya ang kanyang mga kamay na parang siya’y nananalangin at yumuko.

"Naaawa lang po ako sa inyo kaya nagbago ang isip ko, at ngayon ay pinaplano kong bayaran kayo…  hanggang sa huling sentimo.” 

Naramdaman ng mga paa ni Gabriel ang init na tumataas mula sa aspalto at tumatagos sa  talampakan ng kanyang sapatos. Pero wala siyang pakialam. Ang init na nagmumula sa kanyang sariling katawan ay mas mainit kaysa doon. 

"Kulang pa ang damage na to sa damages na ginagawa ko sa empleyado ko?" Namula si Gabriel habang nakakuyom ang kanyang panga, "Ano bang alam mo?" 

Humugot siya ng malalim na hininga habang pinagmamasdan ang pulang kulot na buhok ng babae na dumadaloy hanggang sa kanyang balikat. 

‘Babae siya.’ paninita ni Gabriel sa sarili nang pakawalan niya ang nakakuyom niyang kamao. ‘Isang nakakaakit at kabigha-bighaning babae.’ Idinagdag pa niya nang makita niyang maganda ang pigura nito sa ilalim ng masikip nitong damit pang-opisina. 

Nagkaroon siya ng isang ideya at ang kanyang mga labi ay kumurba sa isang masamang ngiti. Inilagay niya ang magkabilang braso niya sa hood ng kotse niya, at na-trap ang babae sa mga braso niya. 

‘She even smells nice,’ naisip niya sa kanyang sarili habang ang buhok nito ay dumausdos sa kanyang likuran dahil sa biglaang kilos nito, na nagpakita ng kanyang porselanang leeg.

"At paano mo ako babayaran," tanong ni Gabriel sa kanya habang lumalapit ang mukha nito sa mukha niya, “my pretty little mouse? Mayroon akong alam na ibang paraan para mabayaran mo ako ng walang nilalabas na pera. And I’m sure you’re going to like it, too." 

Itinaas niya ang baba ng babae gamit ang kanyang daliri, para masilayan niyang mabuti ang kanyang magagandang katangian. 

Tama siya. Siya yung babae na hindi agad makikita ang kagandahan sa unang tingin. Pero habang tumatagal ay lalo siyang gumaganda sa paningin. 

Masaya siguro siyang malaman that I find her attractive. Naisip niya.

Sinong hindi?  Maraming babae ang gagawin lahat maging malapit lang sa kanya kagaya nito. Sila ang laging gumagawa ng first move. 

Gayunpaman, tulad ng una niyang impresyon sa kanya, hindi siya isang ordinaryong babae. Sa katunayan, siya ay yung klase ng babae na palaban. 

Siya ay tila hindi na-excite sa kanyang physical advance, ni natuwa sa kanyang offer. Sa halip, inilagay niya ang kanyang slim na braso sa malapad nitong balikat. 

“Huwag kang mag-alala, sir. Tiyak na babayaran kita," sabi niya nang may ngiti sa kanyang mukha, "sa pamamagitan nito!

Tutuhurin na sana nito ang kinabukasan niya. Sa kabutihang palad, mayroon siyang mahusay na mga reflexes at mabilis na naharangan ito gamit ang kanyang kabilang binti.

What are you doing?” Sa isang iglap, lumayo si Gabriel sa kanya. 

Nagpatuloy siya sa paghakbang paatras, gulat pa rin na halos mabaog siya sa isang segundo dahil sa babaeng ito. 

"Kilala mo ba kung sino ako?" angil niya.

 Habang ginagawa niya iyon ay may bumusina na sasakyan sa likuran niya. Mabilis itong humarurot at muntik nang mabangga si Gabriel.

Buti na lang at inabot siya ng babae. "Sir!

Sa isang kidlat, hinila niya ang kamay nito patungo sa direksyon niya, kaya halos madapa siya sa ibabaw niya sa ibabaw ng kotse niya.

Oh!” umawang ang labi ng babae nang malapit na siyang mahulog. Ngunit lumipad ang kamay ni Gabriel sa kanyang likuran upang saluhin siya bago siya bumagsak 

Ang kotseng tila nagmamadali ay gabuhok lamang ang layo sa kanya. Buti nalang ay sapat ang lakas ng babae upang maialis siya sa isang aksidente. 

Gayunpaman, sapat din ang lakas nito para ibalik siya sa posisyon nila kanina.

Sa pagkakataong ito, mas lalo silang naging malapit nang maramdaman niya ang mabilis na tibok ng puso nito sa kanyang dibdib. Ang kanyang mga braso ay nakapalupot din sa kanya. At ang kanya namang braso ay nakapalupot sa kanya. 

Kahit papaano, masarap sa pakiramdam na may kayakap matapos siyang muntik nang mawalan ng buhay. Gayunpaman, naalala niya kung ano ang naglagay sa kanya sa posisyon na iyon.

At hindi niya ito mapapatawad.

Na-realize siguro nila ang awkwardness ng sitwasyon nila na pareho silang umalis sa pagkakayakap sa isa't isa.  

"Kakasuhan ko ang lalaking iyon," sabi ni Gabriel habang sinusubukang aninagin ang plate number ng sasakyan na muntik nang makabangga sa kanya. 

Pero deep inside, iniisip niya talaga kung magpapasalamat ba siya sa babae sa pagligtas nito sa buhay niya.

O siya ay mananatili sa pagiging galit dahil sa lakas ng loob nito na saktan siya.

Tinignan niya ang babae habang inaayos nito ang kanyang uniform at bumubulong sa sarili. 

Biglang tumunog ang kanyang alarm, hudyat na huli na siya sa kanyang appointment. 

‘We could settle this next time,’ naisip niya habang nakatingin sa relo niya.

Nagpasya siyang kumilos tulad ng dati. Matapos ayusin ang buhok at coat niya ay humarap siya sa babaeng pula ang buhok na nasa harapan niya. 

Malamig niyang inilahad ang kanyang palad na para bang hinihingi niya ang business card niya. Buti na lang at binigay nito iyon agad.

"At idedemanda rin kita, kung hindi ka magbabayad," angil niya, "Hintayin mo ang tawag ko, Miss Evina Chen." 

Pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad patungo sa gusali ng Sapphire Co. at iniwan ang babaeng  nakatulala sa kanya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status