Share

The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)
The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)
Author: AraBella

Chapter 1: Ako Ang Boss

“Sige! Tanggalin nyo na po ako! Hindi po ako natatakot!" sinabi ni Evina sabay lakad palabas ng Sapphire Co. Building papunta sa parking lot.

Sa sandaling iyon, mas nanaig sa kanya ang galit sa masasamang ginawa ng Chief nila kaysa sa kanyang pagnanais na manatili sa kumpanya.

Sa sobrang init ng araw ng oras na iyon, pwedeng magprito ng itlog ang kahit sino sa pamamagitan lamang ng paglalagay nito sa lupa. 

Pero walang pakialam si Evina at padabog na nilakaran ito habang nagbubuhat ng isang mabigat na kahon. 

Ang kahon ay naglalaman ng kanyang mga gamit, na kanyang isinilid pagkalabas na pagkalabas niya sa kwarto ni Chief. 

Nagkaroon sila ng mainit na talakayan na nagresulta sa kanyang maagang termination.

Nanginginig ang mga kamay niya sa galit na sinadya niyang ihagis pabagsak ang karton sa sahig na malakas na kumalabog. 

"Sana mabangkarote kayong lahat na mga sakim na boss. O kaya mabulok sa kulungan habang buhay!" sigaw niya sa galit bago binuksan ang pinto ng kotse niya ng buong lakas.

Screech!

Namutla ang namumulang mukha ni Evina nang napagtanto niya ang nangyari. Na-scratch ng gilid ng pinto niya ang sasakyan na nakaparada sa tabi niya! 

Higit pa rito, ito ay hindi lamang isang ordinaryong sasakyan. Isa itong luxury car!

"Ano ang ginagawa ng kotse na ito sa side na ito ng parking lot? Andun yung mga pang mga boss ha," sinabi niya sa habang nagkakamot ng ulo. "Naging Incredible Hulk ba ako? Wait lang. Baka nanaginip lang ako." 

Lumapit siya sa sasakyan hanggang sa ilang pulgada na lang ang mukha niya malapit dito. Pagkatapos ay hinawakan niya ang gasgas. 

Iniisip pa rin niyang ilusyon lang ito kaya kinutkot pa niya ang kotse at biglang napunit ang kanyang mga kuko. 

“Aray!” Napangiwi siya sa sakit.

Mabilis na napalitan ang sakit na kaniyang naramdaman ng pagkatakot nang napagtanto niya na totoo ang magarang sasakyan. Nanlamig ang kanyang mga paa habang tinititigan ito.

Tumingin siya sa paligid iniisip kung siya ay pumarada sa maling bahagi ng lugar. Pero sigurado siya, ang pavement dito ay sira-sira. Ang puting pintura na nagmamarka ng mga parking space ay kupas na.

Ang lugar para sa mga boss ay naroon pa rin sa hilagang bahagi ng lote, malapit sa kanilang gusali.

"Ang galing, Evina. Kaka-terminate lang sa’yo kanina at ngayon ganito pa." isang mahabang buntong-hininga  ang lumabas sa kanya. Pagkatapos ay nag-isip siya kung ano ang gagawin. 

“Sigurado ako na pagmamay-ari ito ng isa sa mga power-tripping na boss na yun!” bulong niya, ang kanyang mukha ay nakalamukos na nagpapakita ng kanyang pagkamuhi sa mga nasa awtoridad. 

“Hindi nga sapat tong scratch na to para sa lahat ng idinulot nila sa buhay ng mga kawawang empleyado kagaya namin. Oh well, deserve niya siguro ito. This is my last day anyway, kaya hahayaan ko na lang." Pinagpag niya ang mga kamay niya at ngumiti  sa naging desisyon.

Hinawakan niya ang door handle ng kotse niya at aalis na sana nang may nakita siyang flash na nanggagaling sa loob ng magarang sasakyan. 

Pinikit ni Evina ang mata niya at idinilat itong muli. Ang mga bintana ay tinted na itim, at imposibleng makita kung ano ang nasa loob ng interior. 

“Guni-guni ko lang ba yun?”

Dahil sa kuryosidad niya, nagpasya siyang silipin ang loob ng sasakyan. Nakatakip ang kanyang mga palad sa gilid ng kanyang mga mata, para mas makita niya ang loob.

Sa gulat niya, nakita niya ang isang lalaki na may hawak na phone sa harap niya. Para siyang kinukunan ng video gamit ang camera ng kanyang cellphone!

Nanginig ang mga tuhod ni Evina at halos malaglag siya sa lupa sa pagkataranta.  

"K-kanina pa ba niya ko vini-video?" nauutal siya at hindi makapaniwala habang sinusubukang i-compose ang sarili. 

Palihim na tumingin siya muli. Ngayon naman, winawagayway pa ng may hawak ng cell phone ang kamay niya!

Pagkatapos noon, huminto ito sa pagre-record at inilagay ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Naging seryoso siya. Ngunit hindi siya iniwan ng mga mata nito. 

Malamlam ang mga ito at kulay emerald, na tumatagos sa bintana hanggang sa kanyang kaluluwa. 

Lumakas ang tibok ng puso ni Evina kaysa sa karaniwan habang nakatitig sa mga mata niya. Ang pagkakatingin sa kanya ng lalaki ay parehong malamig at mainit na parang may mga nagyeyelong sinag na pumapaso sa kanya. 

Hindi niya alam na umaatras na pala ang paa niya. “Anong gagawin ko?” Kinagat ni Evina ang kaniyang labi habang iniisip ang susunod niyang gagawin. 

Hindi man siya sanay na minamaliit, maliwanag na pagkakamali niya iyon. Gusto niyang tumakbo palayo, ngunit ang kanyang mga paa ay tila nakadikit sa lupa. 

Parang narinig ng lalaki ang tahimik niyang tanong, binuksan niya ang pinto sa gilid niya at lumabas. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ni Evina.

Si Evina naman ay nahilo na parang isang salarin na nahuli ng pulis sa akto.

Upang mailigtas ang sarili, nagpasya siyang maging mabait nalang.

"Humihingi ako ng paumanhin para sa pinsala, sir. Ito po ang aking card. Mangyaring ipaalam niyo lamang sa akin kung magkano ang halaga nito, para mabayaran ko po kayo." 

Namumuo ang mga butil ng pawis sa noo ni Evina, ngunit itinaas niya ang kanyang balikat at humingi ng tawad at ipinapakita na confident pa din siya sa kaniyang sarili. 

Gayunpaman, ang kanyang mga paa ay unti-unting umaatras hanggang sa siya ay nasa open space.

Kung magiging bayolente to, tatakbo nalang ako.

Matapos ang tila walang hanggan, sa wakas ay huminto ang lalaki sa kanyang harapan. 

“Akala ko gusto mong ma-bankrupt ang mga boss. But it looks like you're the one who will experience it,” tinuran ng lalaki na may malaking tinig. 

Tumingala si Evina, para matingnan niyang mabuti ang nagsalita. 

Maganda ang height niya dahil mas matangkad siya kaysa sa karaniwang mga lalaki sa kanilang lugar. Nakasuot din siya ng midnight black coat na may striped blue tie. Ang mga ito ay tila ginawa mula sa mamahaling materyal.

Ang kanyang buhok na kulay alkitran ay naka brush up mula sa kanyang gwapong square-shaped na mukha. Ngunit hindi ang kanyang mga pisikal na katangian ang nagpapamukha sa kanya na parang siya ang pinaka nasa taas na predator ng food chain. Ito ay kung paano niya dinadala ang kanyang sarili.

Hindi niya kailangang ipakilala ang sarili niya. Yung confidence at aura niya ay isinisigaw, ‘Hindi ako mukhang boss. AKO ANG BOSS.’ Ang mga mata nito ay kumikislap habang nakatingin sa kanya na parang natagpuan ang bago niyang biktima. 

AraBella

Hello po sa inyong lahat! Salamat po sa pagbasa ng unang chapter ng novel na ito. Pls add it to your library po and send gems po kung meron. Promise po, maganda ang kwento na ito. hihi Maraming salamat po!!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status