"Oh, Karina, iha! and'yan ka na pala!" wika ng kanyang ina. "Nais mo na bang maghapunan?" dagdag na tanong ng kanyang ina."Busog pa ho ako, Ma!" sagot naman ng dalagang si Karina."Nagpunta dito si Noah, dinalhan ka ng hilaw na mangga at alamang." Sambit ng kanyang ina. "Hindi ba paborito mo ang mga iyon?" tanong pa nito."Oho, ngunit paano ho nalaman ni Noah na dito ako nakatira? Hindi ko pa ho siya naimmbitahan dito o hindi ko nasabi man lang kung saan ako nakatira!" nagtatakang tanong niya sa kanyang ina.Nagkibit balikat lamang ang kanyang ina at binalatan ang hilaw na mangga upang makain ng kanyang anak."Heto! alam ko na paborito mo ito kaya dinamihan ko na ang pagbabalat." wika ng kanyang ina habang inaabot sa kanya ang limang piraso ng hilaw na mangga.Malugod namang tinanggap niya iyon at sinimulang kainin ang hilaw na mangga ngunit matamis at masarap naman ang mga ito. Kaya hindi niya napansin na sunod-sunod ang kan'yang pagsubo habang nagbabasa ng isang libro.Busog na bus
Karina's POV:Habang naglalakad ako papasok ng tarangkahan ng aming University. Ay may humawak na malambot na kamay sa aking kaliwang kamay.Nagulat pa ako nang mapagsino ang humawak sa aking kamay."I miss you!" sambit ng nakangiting si Harvey. "Patawad sapagkat ako'y maraming inasikaso sa aming negosyo." paumanhin ng aking kasintahan habang hinahalikan ang aking kamay."Ayos lang" sagot ko sa kanya. Naiintindihan ko naman na may ibang kailangan pa siyang asikasuhin bukod sa akin. "Ang mahalaga nandito ka at sinasabayan ako." dagdag ko pa habang nakangiti at masuyong hinahaplos ang kanyang pisngi. Sa tingin ko ay kailangan talaga ng pagpapasensya pagdating sa ganitong relasyon.Magkahawak kaming naglakad papasok sa aming silid aralan."Kow! kaya pala madaming langgam dito! kaaga-aga, magkahawak kamay agad ang bungad sa akin!" pang-aasar ni Remualdo sa aming magkasintahan habang kunwaring nagpapagpag at inaapakan ang mga langgam sa sahig.Natawa na lamang kami sa tinuran ng aming kaib
Karina's Pov:"At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahonna ako ay mahalin mo rin.Asahan mong 'di ako magdaramdam kahit ako ay nasasaktan. Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin."Narinig kong tinutugtog sa aming radyo kaya naman ako ay napababa ng hagdanan. Mukhang maganda ang gising ng aking ina at nakuha pang magpatugtog sa radyo ng kay aga at pakanta-kanta pa.Balak ko sanang magtungo sa aking ina sa kusina ngunit napansin ko ang napakaraming bulaklak na nakalagay sa aming sala."Saan po galing ang mga bulaklak, Ma?" tanong ko sa aking ina. Namamangha ko'ng inamoy isa-isa ang mga iba't-ibang klase ng bulaklak na aking nakikita sa aming sala."hulaan mo!" wika ng aking ina na nakangiti sa akin"Talaga naman kayo! lagi ninyo na lang ako niloloko!" Tawang-tawa ko'ng sagot sa aking ina.Aking binasa ang nakasulat sa isang maliit na tarheta..."Mananatiling ako'y sa iyo, umabot man ang ilang taon na hindi kita makita! Ikaw at ikaw lamang ang aking pipiliin hanggang sa hu
Noah's Pov:Agad akong nagtungo sa ospital kung saan dinala si Karina. Alalang-ala ako na baka may nangyaring masama sa kanya."Hello, Magandang gabi, Binibini! tatanong ko lamang kung saan ang silid ni Binibining Karina Villafuerte?" tanong ko sa nars na nasa front desk na tila ba kinikilig habang nakatingin sa akin.Madali nitong hinanap ang pangalan sa kanyang talaan, "Akyat ka lang sa ikatlong palapag tapos kanan, bumilang ka lang ng panlima na silid, doon siya nananatili." nakangiting sagot ng nars na aking kausap.Iyon lamang at tumalikod na ako ngunit bago pa man ako nakahakbang paalis ay narinig ko na ang usapan ng dalawang nars na aking napagtanungan."Ang pogi naman nun! kinikilig ako sa ngiti niya! Sayang !Kasintahan niya ata yung pupuntahan niya, may dalang bulaklak at pagkain ata yun!" Narinig kong sabi ng kausap kong nars sa kasama niya."Sayang nga! ang pula ng labi, beb! Parang kay sarap halikan!" sang-ayon ng isang kasama. "Bagay sila nung babaeng pupuntahan niya!" da
Maddy's Pov:Kasalukuyan akong umiindayog sa ibabaw ni Harvey dito sa gilid ng aming swimning pool. Kitang-kita ko na sarap na sarap siya sa aking ginagawa. Kaya naman lalo ko pang binilisan, lalo naman itong nasarapan at tumitirik na ang mata.Sumimsim ako ng alak at ito'y isinalin ko sa kanyang bibig galing sa aking bibig. Dahil hindi niya nasalo ay nagsituluan ito sa kanyang baba pababa sa kanyang leeg at dibdib. Tuwang-tuwa ako na kaagad ko naman itong dinilaan paakyat ng kanyang leeg at baba.Sa gitna ng aming masarap na pagsasalo ay tumunog ang kanyang telepono. Walang gana niya itong tiningnan at binasa."Uuwi na daw si Karina!" sambit ni Harvey tila naiinis pa siya na uuwi na ang kan'yang nobya na medyo ikinangiti ko kahit sa papaano.Ngunit napawi din kaagad ang aking ngiti nang sinabi niyang susunduin niya ito.Tumigil ako sa pagpapaligaya sa kanya at sumimangot. "Letseng babae yan! Bakit 'di na lang siya umuwi mag-isa?!" Tatayo na sana ako ngunit hinila niya ako pabalik sa
Dahil sa madami ang aking tinatapos ngayon ay huli na akong makakapananghalian. Pinauna ko na ang aking mga kaibigan dahil madami akong importanteng gagawin at alam ko na hindi ako agad matatapos ang mga ito kung hindi ko uunahin. Pagod at gutom ang aking inabot, nang matapos ay kaagad akong tumayo at nag-inat.Nakaramdam ako na parang naiihi ako. Kaya naman bago ako nagtungo sa aming kantina ay dumeretso muna ako sa banyo ng mga babae.Nang pumasok ako sa banyo ay kaagad kong narinig ang boses ng babaeng waring nasasaktan o nasasarapan. Sa una ay kinabahan ako, akala ko ay multo na pero sa kalaunan ay para ako ang nahihiya sa aking naririnig.Ang dami namang lugar, bakit dito pa nila napili gumawa ng milagro! Reklamo ko sa aking isip.Nagmamadali na lamang akong pumasok ng dahan-dahan sa isa sa mga bakanteng kyubikel. Nakakahiya naman baka marinig na may tao, sabihin pa na naninilip ako sa kanila. "Ipuputok ko na, Maddy!" rinig kong napapaos na boses ng isang lalake."Oo, kanina pa
Karina's Pov:Tahimik akong umuwi ng aming bahay, dumeretso ako agad sa aking silid. Ayokong mapansin ng aking ina ang pamumugto ng aking mata. Pakiramdam ko ay naubos lahat ng aking lakas ngayong araw. Kaya naman ng makita ko ang aking kama ay agad akong humilata.Maaga pa naman, itutulog ko na lang ang nararamdaman kong sakit. Baka sakaling sa panaginip ko ay makalimutan ko siya ng pansamantala.Niyakap ko ang aking paboritong unan at pumikit. At sa aking pagpikit ay tuluyan na akong nahimbing na nakatulog."Ano ba akin na yan!""Mommy oh! ayaw ibigay sa'kin!"Mga salitang nagpagising sa'kin. Pupungas-pungas ako na umayos ng upo. Kasalukuyan kaming nakasakay sa isang sasakyan. Mukhang patungo kami sa isang resort base sa ayos ng aking mga pinsan. Ang iba ay may hawak na salbabida. At sa ayos ko na rin, na suot ang itim na maikling salawal at isang maluwang na puting blusa."Ate Rina, what's your secret?" tanong sa akin ng pinsan kong englisera na galing ibang bansa para magbakasyon
Nang sumapit ang alas siyete ng gabi ay nagsimula na akong maligo at magbihis. Pinili kong isuot ang aking itim na pares na bikini at pinatungan ito ng itim na mini dress.Nang sumilip ako sa salamin ay nakita ko ang aking pisngi na namumula sanhi ng pagbibilad ko kanina sa init. Kaya hindi na lang ako nagpolbo. Naglagay na lang ako ng liptint upang magkaroon ng kulay ang aking labi.Nang makitang ayos na ang aking mukha at ang aking suot ay bumaba na ako patungo sa taberna na sinasabi ni Noah. Sinadya ko talaga na hindi kumain ng hapunan kahit marami naman dala ang aking pamilya at kamag-anak. Lulubusin ko muna ang libre ni Noah.Nakita ko ang mga pinsan ko na nagiinuman sa dalampasigan. Kumaway ako at tinuro ang taberna upang malaman nila na doon ako papunta.Tuwang-tuwa akong naglalakad habang iniisip kung ano ang aking kakainin. Nagugutom na talaga ako, panay ang langoy namin kanina sa dagat ng mga pinsan ko, ni hindi man lang ako kumain. Ito talaga ang ganti ko kay Noah. Ang paga
Ala-una na nang madaling araw ng isugod ni Remualdo si Abby sa hospital nang makaramdam ang asawa ng pagsakit ng tyan, senyales na ito'y manganganak na."Aaahhh... REMUALDO IVAN KAZLAUSKAS!!!" sigaw ni Abby habang karga siya ng asawa na palabas ng sasakyan.Panay ang sapak ni Abby kay Remualdo habang impit itong humihiyaw sa sakit."Konting tiis na lang, babe!" alalang sambit ni Rem sa asawa na tarantang itinakbo na ang asawa sa loob ng hospital. Nang makapasok ng hospital ay kaagad inasikaso si Abby ng mga nurse at ipinasok agad sa loob ng delivery room.Saktong pag-upo niya sa upuan nang dumating sila Rina at Noah upang samahan ang mag-asawa sa panganganak ni Abby."Okay lang kaya ang mag-iina ko?" papunta't pabalik na wika ni Remualdo sa labas ng delivery room."Oo, ayos lang sila. Maupo ka muna ako ang nahihilo sa'yo!" sita ni Rina kay Remualdo habang tahimik silang nag-aantay sa upuan ni Noah. Pero imbes na maupo ay nagpatuloy lang ito sa pagparito't paroon. Iling-iling na laman
Noah's Pov:"Ready ka na, iho?" tanong sa'kin ni mama nang makababa ako sa hagdanan ng bahay namin. "Uh..huh!" sagot ko agad.Isasama niya daw ako sa party ng kaibigan niya at ipapakilala ako sa mga kaibigan nito na matagal niya nang gustong gawin. Bihira lang kasi ako dito sa Pilipinas. Madalas ay pinagbabakasyon lang ako ni papa kaya ako narito sa Pilipinas.Kadarating pa lang namin sa party when i saw this girl, she had a very adorable and innocent look. I was only ten pero pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko pa lamang sa kan'ya."Karina Villafuerte," tawag ng isang batang babaeng nagbeso sa kan'ya.She had a distinctive and unique appearance even at a young age with her genuine smile and a playfull expression, which i found endearing.She's wearing a white long gown with a big ribbon on the back of her gown. She's like a princess with that flower crown on her hair. Nagpatiim-bagang ako nang makitang ngumiti siya sa batang lalakeng lumapit sa kan'ya.Tss! mas
Last chapterNoah's Pov:Huwag kang mainip! Dahil sa tamang panahon ay ibibigay ni God ang nararapat sa'yo. Kahit na minsan ay down na down ka na, ayos lang 'yon! Ang mahalaga lumalaban ka sa bawat pagsubok na dumarating sa'yo. Mahalin mo ang sarili mo, ganoon din ang taong nasa paligid mo, lalong-lalo na ang mga taong nariyan sa paligid mo. Maniwala ka, sila ang unang tutulong sa'yo kapag nangailan ka ng tulong. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko na ilang bisita namin. Lahat sila ay binabati ako. Napili namin ni Rina makasal dito sa St. John the Baptist Parish Church sa liliw.The church is known for its red bricked facade and baroque style architecture. Sobrang napakaganda, tila bumabalik kami sa sinaunang panahon dahil sa lumang istraktura nito. Saktong-sakto sa panlasa ng aking asawa. Siguro dahil narin sa pagbalik niya sa nakaraan kaya nakahiligan niya narin ang mga lumang lugar katulad nitong simbahan na ito.Katulad noong una naming kasal ay naglipana na naman ang mga ribbon
Karina's Pov:Nagising ako nang lumuluha at patuloy parin ang pagtulo ng aking luha. Nang mapadako ang aking mata sa aking kamay ay may swero na nakakabit doon. Nasilip ko rin ang suot ko na pajama kaya alam ko na nakabalik na ako sa kasalukuyan. Ang hitsura ng silid naman ay ang silid na inukupahan naming dalawa ni Noah noong kasagsagan ng bagyo. Bumalik sa luma ang lahat kaya naman isang tingin ko lang ay alam ko na nakabalik na ako. Tinanggal ko ang swerong nakakabit sa akin at agad akong bumaba ng kama at hinanap si Noah. Kahit na pakiramdam ko ay medyo nahihilo ako at kahit walang sapin ang aking paa ay nagtuloy lang ako sa paglalakad pababa ng hagdanan. Nang makita ko ang likod ng asawa ko ay lalo akong naluha. Halos manghina ang tuhod ko habang papalapit sa kan'ya.Nakita ko roon ang mga kaibigan, ang buong pamilya ko, ang mgaulang niya at ang mga anak ko. Ngunit tanging kay Noah lamang ako nakatingin.Kailangan ko ng balikat na maiiyakan dahil ang pinagdaanan ko sa nakaraan
Noah's Pov: Present time"Huwag kang mag-alala, malapit na siyang bumalik saiyo," sambit ni Nena sa akin. "Tapos na ang kan'yang misyon kaya makakabalik na siya ulit sa'yo," may ngiti niyang saad.Makailang ulit niyang dinasalan si Rina. At nang matapos ay tila pagod na pagod itong naupo sa gilid ng kama ni Rina."Ang inyong anak na nawala noon ay muling ibinalik sainyo ng may kapal," matalinhaga niyang wika sabay tingin niya sa aking anak na si Gadriel na karga ng aking ina na animoy nakikita niya iyon."Grabe! bulag ba siya talaga?" mahinang sambit ni Remualdo sa akin. "Hindi ko din alam!" sabay kibit ko ng balikat.Halos puti na ang buo niyang mata kaya malamang ay wala na siyang nakikita ngunit talaga namang nakakapagtaka na sa tuwing may ituturo siyang bagay ay tila nakikita niya iyon."Baka naman mamaya, e may bumubulong pala diyan na kaluluwa at 'di lang natin nakikita," mahinang sambit ni Remualdo.Mamaya lang ay nakita namin na nagblink ng dalawang beses ang flashlight na na
Noah's Pov:Present time:Pagkatapos ko palitan si Rina ng damit ay inayos ko pa ang kan'yang higa. Para lang siyang si sleeping beauty, gumagalaw sa tuwing nangangalay. Minsan pa ay naririnig kong sinasambit niya ang aking pangalan. Tulad ng sabi ng may-ari ng bahay ay hindi ko siya inalis sa silid na aming tinuluyan. Hindi niya na kami pinagbayad sapagkat nakita niya na kamukha daw si Karina ng kan'yang pamangkin. Naaalala niya ito dito kaya naman labis ang kan'yang katuwaan ng makita si Karina.Inaasahan ko na ang pagdating ngayon ng sinasabing esperetista ng mayari ng bahay. Gusto kong malaman kung ano talagang nangyari sa aking wifey at kung bakit ayaw niya pang gumising.Sakto din ang dating ni Abby at Remualdo. Gusto nilang masaksihan kung anong mangyayari sa panggagamot kay Rina. At kan'yang mga magulang at aking magulang ay narito na rin kasama ang aming mga anak."Ano ba daw oras dadating?" tanong ni Abby."Mga 11 daw," sambit ko naman."Bakit naman maghahating-gabi? nakaka
Ipinagkakasundo din naman ako sa iba. Kaya bakit hindi na lang si Noah ang piliin ko. Iyan ang iniisip ko simula ng sumama ako kay Noah. Kesa pakinabangan ng iba katawan ko, kay Noah na lang. Isang bagay na hinding-hindi ko pagsisisihan.Bumangon ako nang may maamoy na masarap na pagkain na nagmumula sa kitchen. Hmm... mukhang nagluluto na naman para sa akin si Noah. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa kitchen kung saan naroon siya at busy sa pagluluto.I snaked my arms around him nang makita kong siyang nakatalikod at nagluluto. "Anong niluluto mo?" lambing ko sa kan'ya."Yung paborito mo," ngumiti siya at agad umikot siya paharap sa akin at agad akong kinarga sabay halik sa aking labi."Mahal na mahal kita," bulong niya sa akin na nagdulot ng kiliti sa akin."Mahal na mahal din kita," tugon ko sa kan'ya.Ibinaba niya ako at muling nagpatuloy sa pagluluto.Halos mag-iisang buwan na rin kaming nagsasama kaya halos alam niya na rin lahat ng gusto ko at hindi. Nasa gitna ng kagubatan ang
Karina's pov: Curiosity killed the cat, totoo nga ang sinasabi nilang ito. Sinubukan ko lang naman halikan siya, kahit na mali. Pero hindi ko alam na mapapaso ako sa ginawa kong iyon. Hindi ko alam na katulad din "Akin ka na lang, p'wede ba?"Napapikit ako sa sinabi niyang iyon. God, it is tempting to believe so. Pero wala naman mawawala kung papayag ako, 'di ba?Natagpuan ko na lamang ang sariling nakasakay sa kan'yang kabayo habang nasa likod ko siya habang nakasiksik ang kan'yang baba sa aking leeg na wala man lang saplot na pang-itaas."Hinding-hindi mo pagsisisihan ang pagsama mo sa akin ngayon," nang-aakit niyang bulong sa tenga ko.The thought of what might have happened to us sent shivers down my spine.Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa kan'yang cabin. Halos manuyo ang aking lalamunan ng higitin niya ang aking kamay at dinala sa loob ng kan'yang cabin.Pinaupo niya ako sa kan'yang sofa na gawa sa maitim na kahoy at may malambot na pang-upuan na kutson. Maliit la
Airen Pov:Dinala ako ni Don Mariano sa hacienda nila upang ako ay pag-aralin. Ayaw nila akong pakilusin sa bahay. Ni minsan ay hindi nila ako tinuring na iba. Ngunit nahihiya naman ako na huwag kumilos kaya kung may maitutulong ako ay ginagawa ko. Ilang beses na din akong sinabihan na 'wag silang tawaging senyora at senyor. Ngunit hindi ko parin maiwasan. Sobrang nahihiya ako. Paaral at pakain na ako, hindi pa ba ako magbibigay galang? Kaya kung may nagtatanong kung ano ang papel ko sa bahay nito ay kaagad kong sinasabi na taga paglingkod ako kahit hindi naman. Ayoko masabihan ng kahit ano. Takot akong sabihan na ginagamit ko lamang sila sa pansarili kong kapakanan."Hindi pa ba tayo uuwi, senyorita? tanong ko kay Rina habang nakatayo sa kan'yang likod."Hindi pa! tsaka 'di ba sinabe ko na sa'yong 'wag mo akong tawaging senyorita dahil hindi ka naman namin taga paglingkod," nakairap niyang wika."E, senyorita...""Isa! malalagot ko na sa akin!" hamba niya pa.Hinawakan niya ang akin