Share

Chapter 6

Author: Rhod Selda
last update Last Updated: 2023-03-30 14:05:44

LIMANG taon ang lumipas. Pagkatapos ng graduation ni Liza sa kolehiyo ay nagpasya siyang ibenta ang puwesto niya sa bayan ng Lucena. Wala na rin naman siyang budget para mabuksan ulit ang nalugi niyang food house at bakeshop. Idiniposito niya sa bangko ang pinagbentahan sa lupa para sa kinabukasan ng limang taon niyang anak na babae.

“Sigurado ka na bang aalis ka rito, Liza?” tanong ni Aniza, ang pinsan niya sa father side. Pinapunta niya ito roon sa Batangas para samahan siya total ay ulila na rin ito at wala pang asawa.

Kauuwi lang nila ng bahay mula bangko. Iyong dating bahay ng lolo niya sa Pagbilao ay naibenta niya bago siya umuwi ng Digos. Kaso nahirapan siyang magsimula ng negosyo roon kaya bumalik ng Batangas at doon nakabili ng maliit na property.

“Oo. Gusto kong magtrabaho sa Maynila,” aniya. Naghahanda na siya para sa hapunan nila.

“Eh, paano itong bahay mo rito? Ibebenta mo na naman?”

Napabuga siya ng hangin. Simula noong tumira siya roon sa barangay nila ay palagi siyang laman ng tsismis. Napupuno na rin siya sa mga pakialamera nilang kapitbahay. Gusto niyang malibang at mabago naman ang atmostphere niya. May buyer na rin siya ng house and lot.

“Ayaw ko na rito, Aniza. Stress na ako sa mga kapitbahay,” aniya.

“Sabi ko naman na huwag mong pansinin ang mga tsismosa. Sayang naman itong bahay mo,” dismayadong wika ni Aniza.

Ang gusto talaga niyang mangyari ay mas mapalapit siya kay Midnight at ituloy ang kaniyang plano. Gusto niya itong gantian sa mga ginawa nito noon sa kaniya.

“Aalis ako rito at kailangan kong magtrabaho sa mas magandang kumpanya,” sabi niya.

Saktong dumating ang anak niya mula sa laro. “Mommy! Bakit tayo aalis? Pupunta na ba tayo kay Daddy?” excited na tanong ng kaniyang anak.

Natigilan siya at napalingon sa anak. Madungis na naman ang mukha nito kakalaro sa buhangin.

“Ayan na naman ang anak mo sa kakahanap ng daddy. Hay!” maktol ni Aniza. Nagprito na ito ng isda.

Nilapitan niya ang kaniyang anak at pinahid ng panyo ang dungis sa kaliwang pisngi nito. Madaldal ang anak niya, parang matanda magsalita. Katatapos lang din nito ng kinder one at sabi ng guro ay kaya nang tumuntong ni Samara sa grade one. Marunong na kasi itong magbasa at magsulat.

“Anak, hindi pa tayo pupunta kay Daddy. Lilipat lang tayo ng bahay dahil magtatrabaho si Mommy,” wika niya.

Humaba ang nguso ng kaniyang anak. “Eh, kelan ba tayo pupunta kay Daddy? Gusto ko na siyang makita, eh,” may hinampong sabi nito.

Lahit papano’y hindi niya itinatak sa isip ng kaniyang anak na wala itong tatay. Sinabi lang niya na nasa malayong lugar ang ama nito. Isa rin iyon sa iniintriga sa kaniya ng mga kapitbahay nila. Kasehudang naanakan umano siya, baka raw dati siyang prostitute.

Umuklo siya sa harapan ng kaniyang anak at hinubad ang marumi nitong damit. Paliliguan na rin niya ito. “Makikita mo rin ang daddy mo. Huwag kang mainip, ha?” nakangiting sabi niya.

“Okay,” nakangiti na ring tugon ni Samara.

Iniwan niya kay Aniza ang ginagawa at pinaliguan muna ang kaniyang anak. Naging morena na ang balat nito kakalaro sa labas. Kinuskos niya ng sabon ang katawan nito. Naglalaro ito ng bula at bukam-bibig ang daddy.

“Hey, Daddy! Where are you? Samara wants to see you!” kausap nito sa bula na nasa palad.

Natawa siya ngunit nasa puso niya ang lungkot. Sa tuwing nakatitig siya sa mukha ni Samara, naaalala niya si Midnight. Para kasing pinagbiyak na bunga ang mag-ama.

Natutong magsalita ng English si Samara dahil sa mga napapanood nitong kiddie shows. Mas mainam na rin iyon nang hindi ito mahirapan once nakausap ang daddy nito na englisero. Hindi siya kasing husay ni Samara sa banyagang salita. Namana ni Samara ang talino ng tatay nito.

“Mommy, saan na po tayo titira kung aalis tayo rito?” tanong ni Samara nang binibihisan na niya ito sa ibabaw ng kama.

“Sa Maynila,” aniya.

“Ando’n ba si Daddy?” Namilog ang mga mata nito.

“Uh, hindi ko alam. Basta, malalaman natin ‘yan.”

Ngumuso na naman ito at kinuha ang barbie. Sinuklay nito ang buhok ng manika.

Mabilis silang nakahanap ng buyer ng bahay. Pero bago nila iwan ang lugar ay may nabili na siyang house and lot sa Makati. Doon din kasi niya balak magtrabaho, sa mismong hotel na pag-aari ni Midnight. Nakapagpasa na siya ng requirements niya sa mismong website ng hotel.

Hiring ang hotel ni Midnight ng kitchen staff at food attendant. Linggo sila lumipat saktong nakuha niya ang bayad sa lupa at naayos ang titulo. Mas malaki ang bahay na nabili niya at may second floor. 200 square metters lang naman ang lupa pero puwede na rin.

Tabing kalsada ang bahay kaya nagpagawa siya ng tindahan para kay Aniza. Graduate na rin ito ng college pero hirap pang makahanap ng trabaho kaya gusto munang bantayan si Samara.

Excited si Liza nang matanggap ang application niya sa Saavedra Hotel And Restaurant. Isa ito sa pinakamalaki at sikat na hotel sa Makati. Nag-research siya tungkol dito. Katabi ng hotel ay ang condominium na pag-aari rin ni Midnight. Marami itong business.

Bago naging businessman si Midnight ay naging chief engineer ito sa barko. Meron din itong yatch club at resort sa Olongapo, sa Tagaytay, maging sa Batanggas. Sumikat na rin ang farm resort nito sa Batanggas na binili nito sa kaniyang lolo at lumago pa ang poutry business nito, nagkaroon ng sariling brand ang mga karne at ibang farm product.

Isang beses silang nakapasyal sa farm resort upang maligo sa swimming pool. Mas marami nang pasilidad, mga libangan. Wala na rin ang mga dating tauhan ng lolo niya kaya walang nakakilala sa kaniya.

Martes ng umaga ay nagtungo siya sa Saavedra hotel pasa sa interview. At nagulat siya nang pinadiretso na siya sa manager’s office. Saka lang niya naalala na si Richard na pinsan ni Midnight ang manager ng hotel. Nagulat siya nang makilala pa rin siya nito.

“Hello, Liza!” kaagad ay bati nito sa kaniya.

“Uh…. g-good morning, sir!” nailang niyang bati.

“Maupo ka.”

Hinila naman niya ang silyang katapat ng mesa nito at doon lumuklok. Ibinigay niya rito ang resume niya.

“Hm, single ka pa rin?” amuse nitong untag.

“Uh, yes, pero may anak ako.”

Awtomatikong napako ang manghang titig sa kaniya ni Richard. “Oh, so you’re a single parent. Ilang taon na ang anak mo?” Umusisa na ito.

“Five years old,” mabilis niyang sagot.

Sandaling natahimik si Richard. “You never get married again or having a boyfriend?” tanong nito pagkuwan.

Umiling siya. “Nag-focus kasi ako sa pag-aaral.”

Umalon ang dibdib ni Richard. “I want you to be honest with me, Liza. Si Midnight ba ang tatay ng anak mo?”

Kumabog ang dibdib niya. Ayaw niyang magsinungaling dahil malalaman din naman ni Richard ang totoo. “Y-Yes,” tugon niya.

Napasintido si Richard, nakangising iiling-iling. “Wow! Akalain mong magkakaanak pala ang manhid na katulad ni Midnight? But anyway, you’re hired.”

Nawindang siya. “Ho?” Nanlaki pa ang mga mata niya.

“Yes. Puwede ka nang magsimula bukas kung kaya mo. We need your position urgently,” sabi nito.

Napatayo siya at tuwang-tuwa nang kamayan siya ni Richard. “Thank you, sir! Kailangan ko talaga ng trabaho!”

“So, start ka na bukas?”

“Opo! Ready na ako!”

Tumayo si Richard. “Come with me. Sasamahan kita sa kitchen department for orientation nang hindi ka mahirapan bukas.”

Hindi siya makapaniwala na ganoon kabilis siyang natanggap ni Richard. Pakiramdam niya’y may special treatment ito sa kaniya. Ipinasyal pa siya nito sa ibang pasilidad ng hotel.

DAHIL sa excitement ay gabi pa lang naihanda na ni Liza ang damit na isusuot niya. Binigyan siya ng staff ng hotel ng uniform. Nilabhan kaagad niya iyon pagdating. At nang matuyo, pinasadahan niya ng plantsa.

Unang araw sa trabaho ni Liza ay busy ang kitchen department dahil merong catering sa isang kasal na doon ginanap sa hotel. Marami pala talagang guest ang hotel at halos hindi nababakante ang lamesa. Kulang sila sa kitchen staff at iilan pa lamang ang bagong hire.

Nasanay na siya sa trabaho sa hospitality industry at inaral niya ito. Nagtapos siya sa kursong Hotel and Restaurant Services. Nag-aral din siya ng six months culinary arts. Dahil kulang sa staff, palipat-lipat siya sa dining at kitchen. Nagsi-serve din siya ng orders at nag-a-assist sa mga parating na costumer.

“Liza, baka puwedeng ihatid mo muna ito sa table nine. Baka mainip ang special guest natin. Sikat ‘yong model,” sabi ng chef na lalaki.

“Ah, sige. Akin na.” Kinuha niya ang tray ng pagkain na order ng special guest kuno.

Pagdating sa table nine ay namangha siya sa nakita. Si Mica Salazar pala ang special guest na sikat na model at beauty queen! May kasama itong lalaki, nakatalikod sa kaniya. Malayo pa lang ay nakangiti na siya. Nang makalapit ay kaagad niyang inilapag ang pagkain sa lamesa.

“Enjoy your meal, ma’am, sir!” nakangiting sabi niya.

“Thank you, dear!” kaswal namang tugon ni Mica.

Gustong-gusto na niyang magpa-picture rito pero bawal. Itinago na lamang niya ang kilig. Ngunit nang mabaling ang tingin niya sa lalaking kasama ni Mica, wari gustong lumuwa ng puso niya mula sa dibdib. Si Midnight pala ito!

Nang mag-angat ng mukha ang binata ay napadoble ang tingin nito sa kaniya. Abala ito sa cellphone pero natigilan nang makita siya. Titig na titig ito sa kaniyang mukha, tila kinikilala muna siya.

Natulos din siya sa kaniyang kinatatayuan at hindi maalis ang titig sa guwapong mukha ng dating asawa. Sinuyod pa siya ng tingin ni Midnight, ngunit wala itong kibo.

“Ah, excuse me! Have a nice day!” sabi niya nang mahimasmasan. Tumalikod siya at humakbang palayo.

Hindi siya nakatiis, muli niyang nilingon si Midnight, saktong hinawakan ni Mica ang kamay nito at kinausap. Nabaling ang atensiyon nito sa babae. May kung anong pumipiga sa puso ni Liza nang maisip na maaring si Mica ang girlfriend ni Midnight. Wala naman sanang kaso iyon pero bakit mabigat ang kaniyang pakiramdam sa dibdib? Wari may nakadagang mabigat na bagay rito.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
thanks author
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
paanu na pla kung malaman ni midnight na may anak sila
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
ay,bka nga girlfriend ni midnight c mica,kya sguro nakipaghiwalay sa knya c midnight
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 7

    HINDI inaasahan ni Liza na susundan siya ni Midnight sa kusina. Nagulat ang staff sa biglang pagpasok ng boss.“Good morning, sir!” sabayang bati ng staff. Napahinto pa sa trabaho ang iba para lang batiin ang boss.Kumislot si Liza nang sikuhin siya ni Lara, isa sa line cook nila. “Bumati ka kay Sir. Siya ang big boss natin,” bulong nito sa kaniya.Humarap naman siya kay Midnight na noo’y nakatayo lang sa pintuan. “Good morning po!” bati niya.Napako sa kaniya ang tingin ni Midnight. Alam niya na hindi siya nito kakausapin sa harap ng maraming tao.“May napansin lang akong bagong mukha. Can I talk to her?” sabi ni Midnight.“Tatlo po silang bago, sir. Dalawang babae. Sino po sa kanila ang gusto n’yong makausap?” ani Lara.“Her.” Itinuro ni Midnight si Liza.Napalunok siya nang gupuin siya ng kaba. May impact pa rin sa kaniya ang baritonong boses ni Midnight, na madalas magpangatog sa mga tuhod niya noon.“Ikaw pala, Liza. Sumama ka kay Boss,” udyok sa kaniya ni Lara.Kumilos naman siy

    Last Updated : 2023-03-31
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 8

    NAKAILANG hakbang pa lamang si Liza mula sa opisina ni Richard ay narinig na niya ang boses ni Midnight. “Liza!” muli ay tawag nito na tuluyang nagpatigil sa kaniya. Nang pumihit siya paharap dito ay nagulat siya nang hawakan siya nito sa kanang braso. Napasunod siya rito nang isama siya nito sa CEO’s office. Hindi na siya nakapalag dahil ini-lock nito ang pinto. “Tell me that Richard was lying,” balisang sabi nito. Bumuntong-hininga siya. Nilakasan na niya ang loob at sinimulan ang plano, tutal ay nagkabistuhan na sila. “Nagsasabi siya ng totoo,” aniya. “Buntis ka noong umalis sa bahay ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Huh!” nanlilisik ang mga matang asik nito. “Para ano pa? Pinagtabuyan mo na ako. At saka wala ka rin namang pakialam,” matapang na buwelta niya. “Maybe you’re lying. Kailangan mo ba ng pera? Nasaan na ang sampung milyong binigay ko sa ‘yo?” Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito. Gusto niya itong sampalin ngunit nakapagpigil siya. Tumapang siya dahil sa inas

    Last Updated : 2023-03-31
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 9

    PAGDATING sa bahay ni Liza ay hindi na nila naabutang gising si Samara.“Katutulog lang niya, eh. Alam mo naman, sanay matulog nang maaga ang bata,” sabi ni Aniza. Sinalubong sila nito sa gate.Hinarap naman niya si Midnight na kabababa ng kotse nito. “Tulog na si Samara,” sabi niya.“Still, I want to see her,” anito.Nagtitigan pa sila ni Aniza. “Payagan mo na, insan. Basta huwag lang kayong maingay kasi mabilis magising si Samara. Nagwawala pa naman ‘yon kapag alanganin ang tulog,” ani Aniza.Pinayagan na niyang makapasok si Midnight. Dumiretso sila sa kaniyang kuwarto kung saan natutulog ang anak niya. Mabuti hindi magulo ang kuwarto. Pagpasok pa lamang nila ay kaagad nilapitan ni Midnight si Samara. Tuwid ang higa ng bata sa kama habang yakap ang malaking teddy bear nito.Pinagmamasdan lang ni Liza si Midnight na tila natatakot hawakan si Samara. Titig na titig ito sa mukha ng kaniyang anak. Maaring pinakikiramdaman nito ang sarili kung may pitik sa puso nito ang lukso ng dugo. Mam

    Last Updated : 2023-04-01
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 10

    “SAMARA!” tawag ni Liza sa anak. Inatake na siya ng kaba nang hindi ito makita sa loob ng bahay.Lumabas na siya. Napako ang mga paa niya sa sahig nang mamataan ang kaniyang anak na naroon sa gate, kaharap si Midnight! Wari may naghahabulan sa loob ng kaniyang dibdib nang mapansing hawak ni Midnight ang kamay ni Samara. Naaantig ang kaniyang puso, naghuhumiyaw sa tuwa nang masilayan sa wakas na nagkita ang kaniyang mag-ama.Nilapitan niya ang mga ito. Awtomatikong nabaling sa kaniya ang tingin ni Midnight.“Can you please open the gate?” samo nito sa kaniya.Binuksan naman niya ang maliit na gate. Kaagad na pumasok si Midnight at walang abog na niyakap nang mahigpit si Samara.“Ouch! Naiipit ako!” angal ng bata.“Oh, sorry.” Kaagad itong pinakawalan ni Midnight pero ayaw nang bitawan ang mga kamay. Lumuhod ito sa sahig. “Baby, you’re right. I’m your daddy,” kausap nito sa bata.“Daddy? Totoo?” Tiningala ni Samara si Liza upang kunin ang kaniyang komento.Napangiti siya sa kabila ng pa

    Last Updated : 2023-04-02
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 11

    PAGKATAPOS maligo ni Midnight ay sumunod naman si Liza. Nanglalagkit na siya at gusto nang makuskos ng sabon ang katawan. Pagkatapos ay dinala niya sa luandry area ang mga hinubad nilang damit, kasama na ang kay Midnight. Pinaikot niya sa washing machine ang mga damit nito.Kaagad niya itong inanlawan, isinalang sa spinner nang mabilis matuyo. Kailangan iyong isuot ni Midnight kinabukasan. Inabot siya ng isang oras sa laundry. Sinadya pa siya roon ni Aniza.“Gabi na, naglalaba ka pa,” anito.“Uniform ko ito at damit ni Midnight,” aniya.Napasugod sa kaniya si Aniza at tinapik siya sa pang-upo. “Seryoso ka? Dito ba matutulog si Midnight?” manghang untag nito.“Oo. Mapilit si Samara, eh.”“OMG! As in, sa kuwarto n’yo siya matutulog?” Ang lakas pa ng boses nito.“Hoy! Hinaan mo nga ang boses mo,” saway niya sa pinsan.“Eh, kasi naman, insan. Ang hot ni Midnight. Patawarin mo na lang siya at huwag nang pahirapan.”Napabuga siya ng hangin. Kahit naman ipilit niya ang galit kay Midnight, sa

    Last Updated : 2023-04-03
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 12

    HINDI nakatiis si Liza. Bago pa siya makita ni Lola Lucy at makilala ay nakaisip na siya ng paraan. Nakiusap siya sa waiter na ito muna ang mag-assist sa matatandang costumer. Idinahilan niya na masakit ang kaniyang tiyan. Pumayag naman ito.Tumakbo siya sa banyo at doon muna tumambay. Hindi niya alam kung hanggang anong oras ang matatanda sa restaurant. Ang babagal pa namang kumain ng mga ito. Hinahanap na siya ni Rita, at talagang pinuntahan siya roon sa banyo at kinatok ang pinto.“Liza! Ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Ang daming costumer!”“Masakit po ang tiyan ko!” drama niya. Kunwari siyang dumaing.“Hay! Nag-almusal ka ba?” mamaya ay tanong nito.“Nagkape lang po ako.”“Anak ka talaga ng pating oo. Lumabas ka na riyan at pumuntang clinic. Humingi ka ng gamot doon.”“Sige po.”Nang makaalis si Rita ay saka lamang siya lumabas. Kailangan na talaga niyang makakain nang maayos. Nagtungo naman siya sa clinic at humingi ng gamot para sa sakit ng tiyan. Pero hindi niya ito iinumin. Pagk

    Last Updated : 2023-04-03
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 13

    PINUNTAHAN ni Liza sa kuwarto ang kaniyang mag-ama. Tahimik na si Samara at nagpapasuklay ng buhok sa daddy nito. Nakaupo ang mga ito sa kama. Nagtatawag na si Aniza upang kumain. “Anak, baba ka na roon at kakain na. Maghugas ka ng mga kamay,” sabi niya sa bata. “Opo, Mommy,” paos nitong sabi. Bumaba na ito ng kama at lumabas. Tumayo na rin si Midnight. Inaasahan ni Liza na magso-sorry ito pero nilagpasan lang siya. Hindi niya ito hinayaang balewalain siya. “Sandali,” pigil niya rito. Huminto naman ito ngunit hindi siya hinarap. “What?” untag nito sa matigas na tinig. Pumihit naman siya paharap dito. Talagang matigas ang pride nito. “Kapag kaharap mo si Samara, huwag kang bayolente. Hindi siya sanay na nasisigawan o may naririnig na nag-aaway. Madali siyang ma-offend,” aniya. “I had lost control.” Pumihit din ito paharap sa kaniya. “I hate how Richard ruining Samara’s mind.” “Alam ko, pero alam naman ni Richard ang limitasyon niya.” “No, he doesn’t. Ipinipilit niya kay Samara

    Last Updated : 2023-04-04
  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 14

    LALONG pinag-initan ni Rita si Liza dahil sa sermong inabot nito kay Midnight. Naaawa rin naman dito si Liza pero sadyang may ugaling hindi kanais-nais ang babae. Pagkatapos ng lunch break ay pinatawag siya ni Midnight sa opisina nito. Dinala na rin niya ang order nitong orange juice. Wala siyang ideya kung ano ang pakay nito sa kaniya pero kabado siya. Nakaupo sa harap ng lamesa nito si Midnight nang datnan niya. May binabasa itong papeles. Maingat naman niyang inilapag sa lamesa ang tray kung saan nakapatong ang juice nito. Tumayo lang siya sa harapan nito at hinintay itong magsalita. “Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong nito pero sa papeles pa rin ang tingin. “A-Anong desisyon?” maang niya. Nag-angat ng mukha ang binata at diretso ang tingin sa kaniyang mga mata. “About marriage.” Natigagal siya, ilang sandaling umiikot lamang ang kaniyang diwa sa sinabi ni Midnight. Bumuntong-hininga siya upang maituon ang focus sa kausap. “Uh…. oo. Para kay Samara,” tugon niya. Tipid

    Last Updated : 2023-04-05

Latest chapter

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 68

    HINDI inaasahan ni Liza ang ibinungad sa kaniya ni Lola Lucy. Nang malapitan siya ay bigla itong humagulgol at napayakap sa kaniya. Ang kaba niya’y nalusaw ng emosyong nagpaparaya.“Patawarin mo’ko, Liza,” humihikbing wika ng ginang.Nadala siya ng emosyon nito at uminit ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Mamaya’y tuluyan na rin siyang napaluha. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa ginang, sa halip ay pilit niya itong inuunawa.“Hindi po ako galit sa inyo, Lola. Naintindihan ko po kayo,” aniya.Inalalayan ni Midnight ang ginang paupo sa couch. Tinabihan naman ito ni Liza at ginagap ang mga kamay.“Tama ka, iha, walang maidudulot na maganda sa buhay ko ang pagkimkim ng poot sa puso. Hindi ko iyon naisip dahil nabulag ako ng galit at sakit. Noong nakausap kita, naisip ko na napakasama kong tao kaya nagawa kong galitin ang katulad mo na mapagkumbaba. Patawarin nawa ako ng Diyos sa mga kasalanan ko,” kumpisal nito. Humagulgol na naman ito.“Magdasal po kayo sa Kaniya, at ikumpis

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 67

    NASORPRESA si Midnight nang madatnan sa ward ng lola niya ang hindi inaasahang tao. Kausap nito ang lola niya. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili kung may namamahay pa rin bang galit sa kaniyang puso para sa taong ito. But he could not find any signs of anger. Yet he can’t feel the excitement. Napatawad na niya ang kaniyang ama. Nang humarap sa kaniya ang ginoo ay sinuyod siya nito ng tingin. Mamaya’y mamasa-masa na ang mga mata nito. “Midnight, anak. Kilala mo pa ba ako?” tanong nito sa garalgal na tinig. “Yes. I saw your picture on your son’s social media account,” he said. “Inipon ko rin ang picture mo na nakuha ng anak ko sa social media ng lola mo,” gumaralgal nitong wika. Bigla siya nitong sinugod at mahigpit na niyakap. Mas matangkad na siya rito, mas malaki. At habang yakap siya nito, unti-unti’y nagre-react ang kaniyang puso. He has still longed for his father’s appearance. He ended up hugging his father back. “I-I’m sorry. Sorry, anak,” humihikbing wika nito. “I

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 66

    PINAGHANDAAN ni Liza ang bithday ni Midnight. Nasabi na niya kay Aniza ang tungkol sa pagbubuntis niya, at inabisohan niya ito tungkol sa sorpresa niya kay Midnight. Mukhang hindi na maalala ni Midnight ang birthday nito o kaya wala itong pake. Pinapunta niya roon si Aniza at pinabili ng birthday cake. Habang abala si Midnight at Samara sa ilog, nagluto siya ng pancit at lumpia. Namimingwit sa ilog ang mag-ama niya kasama ang anak ng kapitbahay na lalaki. Alas nuwebe pa lang naman ng umaga. Nag-utos siya ng mga binatilyo na kuhaan siya ng buko sa mismong puno na naroon sa bakuran. Binayaran lang niya ang mga ito. At dahil wala siyang ref, bumili siya ng maraming yelo at inilagay sa timba na malaki. Saktong dumating na si Aniza dala ang cake at bumili rin ng isang malaking bilao ng spaghetti at puto. “Ang bongga naman ng preparation mo, Insan!” kumento ni Aniza. Inayusan niya ang mahabang lamesa at sinapinan ng bughaw na kumot na hindi pa nagagamit. Sa dingding ay pinuno niya ng sa

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 65

    NAGLALABA si Liza sa poso nang biglang bumulahaw ng iyak si Samara. Iniwan niya itong tulog at marahil ay naalimpungatan nang magising na walang kasama. Kahit may bula pa ang mga kamay ay napatakbo siya papasok ng bahay.Sinalubong na siya ni Samara na umiiyak. Hawak nito ang kaniyang cellphone na basag ang screen. Naka-off na ito. Hindi niya inintindi ang cellphone at kaagad niyakap ang kaniyang anak.“Tahan na, narito si Mommy,” alo niya rito.“Akala ko iniwan mo ‘ko, Mommy,” humihikbing wika nito.“Hindi ka iniwan ni Mommy. Naglalaba lang ako sa labas,” aniya.“S-Si Daddy, narinig ko si Daddy,” sumbong nito.“Ha? Saan mo narinig ang daddy mo?”“Dito.” Itinuro nito ang kaniyang cellphone.Binuksan niya ang kaniyang cellphone bago maglaba para may music si Samara. Tumawag pala si Midnight. Nabubuksan pa rin naman ang cellphone niya at temper glass lang ang nabasag.“Bakit nabasag ito, anak?” tanong niya sa anak nang tahimik na ito.Pinagtimpa niya ito ng orange juice at binigyan ng c

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 64

    NAKATULOG si Liza sa papag sa hardin. Nang magising siya’y saka lamang siya nahimasmasan at naalala ang mga nagawa. Nagulat na lang siya nang mamalayan na naroon sila ni Samara sa lupaing nabili niya sa Laguna. Nakatulog din ang anak niya sa papag. Saka lang nag-sink in sa utak niya ang mga nangyari at kung paano sila napunta roon.Mabuti hindi umulan dahil tiyak na mababasa silang mag-ina. May bubong naman sa cottage na yare sa kawayan pero may butas na. Malamok pa roon. Binuhat na niya si Samara pero nagising nang makapasok sila ng bahay.“Mommy, nagugutom ako,” angal nito.Mabuti may kuryente na roon dahil nakiusap siya sa kapitbahay na maki-connect muna ng kuryente. Tinulungan naman sila ng dating may-ari ng lupa na maayos ang bahay at mga gamit.Mamaya ay dumating si Dado, ang anak ng dating may-ari ng lupa. May dala itong bowl na may takip.“Ate Liza, pinadala po ni Nanay, tinolang manok,” sabi nito.“Salamat, ha,” aniya. Kinuha naman niya ang ulam at inilapag sa lamesa.Umalis

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 63

    BUO na ang desisyon ni Liza na lalayo muna kay Midnight. Alam niyang magulo na ang isip nito at mapapabayaan nito ang lola dahil sa kaniya. Nag-impake siya ng gamit, pati mahahalagang gamit ni Samara.Nanginginig siya dahil sa emosyong hindi kontrolado. Magulo ang isip niya pero sa mga sandaling iyon ay wala siyang ibang gusto kundi ang makalayo. Kailangan niya ng katahimikan dahil nabuburyong na siya.“Mommy, saan po tayo pupunta?” tanong ni Samara.Lulan na sila ng taxi pauwi sa kaniyang bahay. Pero hindi sila roon mag-stay ni Samara. Naisip niya na doon muna sila sa bagong bili niyang lupa sa Laguna. Naabisohan na niya si Aniza at inutusang maghanap ng sasakyang marerentahan upang maghakot ng gamit nila.“Magbabakasyon tayo, anak,” sabi niya lang sa anak.“Po?”“Pupunta tayo sa magandang lugar.”“Sa dati po nating bahay, ‘yong marami akong kalaro?”“Ah, hindi, pero magkakaroon ka ng bagong kalaro.”“Yehey! Kasama po si Daddy?”Hindi na siya sumagot.Pagdating sa kaniyang bahay ay n

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 62

    “I told you to stop entertaining Richard!” gigil na asik ni Midnight. Lulan na sila ng kotse pauwi. Panay ang pahid ni Liza ng panyo sa mamasa-masa niyang pisngi dahil sa luha. “Kailangan ni Richard ng kausap. Nadi-depress siya,” aniya. “He was just making an excuse para maawa ka sa kaniya, Liza! Bakit ba napakarupok mo, ha?” “Hindi mo kasi naintindihan, Midnight! Wala kang pakialam sa taong nakaranas ng mental damage, kasi hindi sila kasing tapang mo!” Tumalim ang titig sa kaniya ni Midnight. “Iniisip mo ang feelings ng ibang tao, why not asking yourself if you’re okay? Wala kang ideya kung paano sinira ni Richard ang relasyon namin ni Lola, Liza. Sinira niya tayo kay Lola, and now, you still care for that bastard?” May gusto siyang ipaintindi kay Midnight na malamang ay ayaw nitong tanggapin. Alam niya kung bakit nagkakaganoon si Richard, kaya ayaw niyang isipin na wala itong ibang dahilan bakit sila ginugulo. “Mentally unstable si Richard, katulad mo, lumaki siyang wasak ang

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 61

    KUMALMA naman si Midnight nang magsalita si Mica. “Don’t worry, I’m fine now,” ani Mica. Tumayo na ito. Pinaupo ni Liza si Midnight sa swivel chair. “Nag-usap lang kami ni Mica,” sabi niya sa asawa. Umupo namang muli si Mica. “I’m here to talk about my investment. I decided to move to the US and start a new business and stay there for life,” anito. “Pina-process ko na ang reimbursement mo. I’ll send you the details and the money straight to your account,” sabi naman ni Midnight. Habang nag-uusap ang dalawa ay nagpaalam si Liza at pumasok sa banyo. Nakaramdam kasi siya ng panaka-nakang pagkahilo. Tumambay siya sa banyo habang ka-chat si Aleng Patty. Kinumusta niya si Samara. Paglabas niya ay wala na si Mica. May kausap na sa cellphone si Midnight, secretary ata nito. “I need the update today. And kindly contact my lawyer and ask for an appointment. I need to talk to him tomorrow if he’s available,” sabi nito sa kausap. Umupo siya sa couch at hinintay matapos sa kausap nito si M

  • The Cold Billionaire's Secret Wife   Chapter 60

    NANG sabihin ni Liza kay Midnight ang tungkol sa lola nito ay biglang umalis. Bumiyahe ito pabalik ng Maynila pagkatapos nilang naghapunan. Inatake na naman ng nerbisyos si Liza. Hindi na siya nakatulog kakaisip sa sitwasyon nila. Natitiyak niya na nahihirapan na rin si Midnight. Kinabukasan na bumalik si Midnight at nagpasya si Liza na uuwi na sila ng Maynila. Wala rin namang nagbago sa nararamdaman niya. Lalo lang siyang na-stress. “Babalik na lang ako sa trabaho,” sabi niya nang lulan na sila ng kotse pabalik ng Maynila. “You need more rest, Liza,” ani Midnight; nagmamaneho ito. “Mas lalo akong stress na walang ginaggawa. At saka sabi mo maraming trabaho sa hotel.” “Are you sure? Kaya mo nang magtrabaho?” “Oo naman.” Malapad siyang ngumiti upang maitago ang pagkabalisa. “Okay, but you will stay in my office and don’t work much.” Tumango lang siya. Pagdating sa condo ay umalis din kaagad si Midnight. May meeting pa umano ito at gabi na makauuwi. Ang sabi nito, okay naman da

DMCA.com Protection Status