UNANG beses na nakaapak sa siyudad sa Maynila si Liza. Naninibago siya dahil sa modernong mga gusali, malalaki, maraming sasakyan sa kalsada na halos wala nang espasyo. Kamuntik pa siyang masagasaan sa pagtawid ng kalsada. Ang mas malala, naligaw siya sa napakalaking mall kung saan siya dinala ng kaniyang lolo.
Birthday kasi niya kaya siya ipinasayal ng kaniyang lolo. Nineteen years old na siya ngunit second year high school pa lamang ang kaniyang natapos. Namatay kasi sa engkuwentro kontra rebelde ang mga magulang niya. Kinupkop siya ng katutubong kaibigan ng kaniyang ina sa Digos City.
Lumaki siya sa kabundukan ng Digos, salat sa salapi. Tanging ikinabubuhay nila ay pagsasaka ng kamote at saging. Kaya nasasapat lamang pambili ng bigas ang kanilang kinikita. Laking pasasalamat niya at nahanap siya ng kaniyang lolo, ama ng yumao niyang ina.
“Ayos ka lang ba, apo?” tanong ng kaniyang lolo.
Lulan na sila ng kotseng inupahan ng lolo niya upang hindi sila mahirapang bumiyahe. Abala siya sa pagpapak ng napakasarap na pizza pie. First time niyang nakatikim nito. Noon kasi’y nakikita lamang niya ito sa picture ng isang restaurant sa siyudad ng Digos.
Tumango siya bilang tugon sa tanong ni Lolo Patricio. Kahit sa pagsasalita ng Tagalog ay hirap siya noong una. Nakaiintindi naman siya at kayang magsalita kaso ang tono ay Bisaya. Tatlong buwan pa lamang ang nakalipas magmula noong kunin siya ng kaniyang lolo mula sa Digos.
May malawak na lupain ang lolo niya sa Pagbilao Batangas. Mayroong manukan ang lolo niya, nagbebenta ng mga itlog, at meron ding ibang hayop na alaga katulad ng kambing at mga baka. Marami rin itong pananim na gulay at mga prutas na inaangkat sa merkado.
Napakalayo ng buhay sa Maynila o kahit sa ibang parte ng Luzon kumpara sa lugar na kinalakihan niya. Nasanay siya sa buhay sa bundok. Uhaw siya sa materyal na bagay, salapi, lalo na sa masasarap na pagkain.
Kahit halos hindi na makagalaw sa kabusugan ay ayaw tumigil ng bibig niya sa pagsubo ng pagkain. Pagdating nila sa bahay ay kaagad siya nagtungong kuwarto upang tingnan ang kanilang pinamiling gamit.
“Wow! Ang ganda nga mga ito!” manghang wika niya. Inilabas niya sa paper bag ang mga damit. Inilatag niya ang mga ito sa kama.
Napaluha siya sa saya. Kahit sapin sa mga paa kasi noo’y hindi mabili ng nanay-nanayan niya. Minsa’y naghihiraman lamang sila ng damit o sapin sa mga paa. May limang anak ang magulang na kinalakihan niya. Siya ang tumatayong panganay, kaya kumayod siya nang husto upang makatulong sa gastusin sa bahay. Ang nangyari ay hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral.
Salat siya sa kaalaman, pero kahit papano’y marunong siyang magbasa at magsulat. Mayroon lamang mga bagay na hindi niya natuunan ng pansin, katulad na lamang ng mga nauusong gawain ng kaedaran niya, ng mga dalaga. At sa buong buhay niya, hindi siya nagkaroon ng cellphone, ni hindi niya alam kung paano ito gamitin.
Binilhan siya ng kaniyang lolo ng cellphone. Regalo umano nito sa kaniya iyon. Walang pagsidlan ang kaniyang tuwa. Mababaw lamang ang kaniyang kaligayahan, ang maranasan ang mga bagay na ni minsan ay hindi niya nakamit.
Hindi na nakatulog si Liza dahil sa cellphone. Inabot siya ng madaling araw sa pagkalikot nito. Dahil bago ito sa kaniya, halos ayaw niya itong bitawan. Kahit sa pagbabanyo ay dala niya ito.
Buhat sa kaniyang silid ay naririnig niya ang nakataas na tinig ng kaniyang lolo. Napasilip siya sa bintana na nakatapat sa garahe. Namataan niya ang kaniyang lolo na may kausap na ginang. May suot na salamin sa mga mata ang ginang, makapal ang makeup, may ga-balikat ang aalon-alon na buhok na kinulayan ng brown. Puno ng alahas ang katawan nito, malalaki, maging ang bilog nitong hikaw.
“Ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na hindi ko ibebenta ang lupain ko, Lucy? Huwag kang makulit!” singhal ng kaniyang lolo sa ginang na tinawag nitong Lucy.
“Para ano pa’t maiiwan itong lupain mo, Patricio? Walang mamahala nito. Mas mainam na ibenta mo na lamang sa apo ko nang hindi pag-agawan ng mga ganid na tauhan mo!” palaban ding wika ng ginang.
Napailing ang kaniyang lolo. Napapansin ni Liza na tila matagal nang magkakilala ang mga ito.
“May apo ako, Lucy. Bago ako papanaw ay ililipat ko na sa kaniya ang titulo ng lupain ko,” mahinahon nang sabi ni Patricio.
“Aba! Nakuha mo na pala ang apo mo na itinago ng suwail mong anak? Malamang ay sa bundok din nanirahan ang apo mo. Ano’ng alam niya sa negosyo?”
“Kontrolin mo ang matabil mong dila, Lucy!” Dinuro ni Patricio ang ginang. “Salat man sa kaalaman ang apo ko, naniniwala ako na mamahalin niya ang negosyo ko. Makapag-aaral din siya.”
“Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, Patricio. May taning na ang buhay mo. Dapat ay magkasundo na tayo. Kalimutan na natin ang nakaraan.”
“Ikaw ang dapat lumimot, Lucy! At huwag mo na akong abalahin pa. Sabihin mo sa apo mo na hindi niya makukuha ang lupain ko,” nanindigang sabi ni Patricio.
“Fine! Alam ko magbabago rin ang isip mo, Patricio. Babalik ako kasama ang apo ko nang magkaintindihan tayo.” Tumalikod na ang ginang at rumampa papasok ng magara nitong sasakyan.
Napagtanto ni Liza na ilang sandali na lamang niya makakasama ng kaniyang lolo. Kamakailan ay nabanggit nito sa kaniya na may taning na ang buhay nito. Malala na umano ang kidney failure nito, at hirap na sa pag-ihi.
Gumagamit ng tungkod ang lolo niya sa tuwing gustong tumayo. Kadalasan ay nakaupo lang ito sa wheelchair. Mayroong caregiver na nag-aasikaso sa lolo niya, nagpapainom ng gamot. At sa tuwing iihi ito, mayroong ikinakabit sa ari nito.
Kinabukasan ay maagang nagising si Liza. Nagtungo siya sa manukan at nanguha ng itlog ng native na manok. Nagpakatay rin siya ng manok para sa tinola. Sa murang edad ay natuto siyang magluto, mga karaniwang putahe lamang.
Pagbalik ng bahay ay bitbit na niya ang bilao na merong dose pirasong itlog at nakatay na manok, wala nang bakalibo. Napahinto siya sa bukana ng pintuan nang maabutan ang mga bisita sa sala. Bumalik ang ginang na kausap ng lolo niya noong isang araw. May kasama itong lalaki.
Napako na ang mga paa niya sa sahig, malimit ang kurap ng mga mata dahil sa nakamamanghang nakikita. Ang lalaking katabi ng ginang sa sofa ay wari artista. Ang puti nito, makinis ang balat, nakahabi ang mga buhok palikod na tila bagong ligo. Katamtaman ang kapal ng mga kilay nito, bumagay sa almond shape nitong mga mata. Matangos din ang ilong nito na makitid, mga labing katamtaman ang nipis na sadyang mamula-mula.
Kumislot siya nang mahagip siya ng paningin ng lalaki. Ang titig nito ay tila isang gutom na lion na nakakita ng pagkain. Pakiramdam niya’y nagtataglay ng apoy ang titig nito na unti-unting tumutupok sa kaniyang katawan. Ramdam niya ang init, ngunit kaagad din siyang nahimasmasan. Bigla kasing tumalim ang titig sa kaniya ng lalaki.
Madilim ang aura nito dahil sa suot na itim na kamesita. Hapit sa katawan nito ang damit, bumakat ang maskulado nitong dibdib at mga balikat. Masasabi niya na halos perpekto ang pisikal na katangian ng lalaki. Ngunit pansin niya ang masungit nitong mukha, tila hindi nagustuhan ang kaniyang presensiya.
“Apo, halika!” mamaya ay tawag ng kaniyang lolo.
Napapiksi siya sa pagkagulat. Hindi pa kasi bumabalik ang kaniyang wisyo dahil sa presensiya ng lalaki. Awtomatikong naghuramentado ang kaniyang puso, lalo nang muli siyang tapunan ng tingin ng guwapong lalaki.
“Ah, sandali lang, Lo! Ipapasok ko lang sa kusina ang dala ko!” sabi niya. Tumakbo siya papasok ng kusina at inilapag sa lamesa ang bilao.
Inayos niya ang ga-baywang niyang buhok na aalon-alon, itim na itim. Amoy tanglad siya dahil nanguha siya ng dahon niyon para sa tinola. Wala siyang makuhang puwedeng pabango. Inayos na lamang niya ang kaniyang blusang dilaw at saya na hanggang binti ang laylayan.
“Liza!” tawag ng kaniyang lolo.
Napatakbo na siya palabas at lumapit sa kaniyang lolo. Umupo siya sa tabi nito. Kaharap naman nila ang mga bisita. Wala siyang ideya kung ano ang pag-uusapan nila kaya nakinig lamang siya.
Nakayuko siya dahil sa pagkailang. Ramdam din niya ang titig sa kaniya ng lalaki. Hindi siya mapakali sa kaniyang upuan.
“Talaga bang gusto mong bilhin ang lupain ko, Midnight?” tanong ni Patricio sa binata.
Nag-angat ng mukha si Liza at napatingin sa lalaki. Midnight pala ang pangalan nito. Kakaibang pangalan.
“Yes, sir,” magalang na tugon ng binata. “I like this place for my new business. It’s perfect. Kahit magkano, bibilhin ko.”
“Hindi ganoon kadali ‘yon, iho. Kung bibilhin mo ang lupain ko, paano na ang apo ko? Wala na siyang mga magulang. Ayaw kong bumalik siya sa bundok,” ani Patricio.
“She can use the money to buy new properties or start a new business,” anang lalaki.
Umapela naman ang ginang. “Kaso nga, apo, walang alam sa negosyo ang apo ni Patricio. Hindi siya nakapagtapos ng high school, at lumaki siya sa remote place where people are not civilized. She’s naive.”
Muling napatingin ang lalaki kay Liza. “So, what is your plan, sir?” pagkuwan ay tanong nito kay Patricio.
Kabado si Liza sa magiging pasya ng lolo niya. Natatakot din siyang maiwang mag-isa, baka abusuhin siya ng mga tauhan ng kaniyang lolo.
“Papayag lang akong ibenta ang lupain sa ‘yo kung pakakasalan mo ang apo ko. Iyon ang pasya ko, Midnight,” mamaya’y wika ni Patricio.
“What?” bulalas ni Lucy. Napatayo ito.
Nawindang si Liza sa sinabi ng kaniyang lolo. Napako ang tingin niya kay Midnight na kalmado lang, nakatuon din ang titig sa kaniya. Pakiramdam niya’y luluwa ang puso niya mula sa dibdib. Abot-abot ang kaniyang kaba.
SA halip na magprotesta, sumang-ayon si Liza sa desisyon ng kaniyang lolo. Rinig niya ang maayos na usapan sa pagitan ng kaniyang lolo at ni Midnight. Nangako ang binata na ibibigay nito ang kailangan niya, lalo na ang makapag-aral.Pagkatapos ng kasunduan, nilapitan siya ni Midnight nang nasa kusina siya. Silang dalawa lamang ang naroon.“How old are you?” seryosong tanong sa kaniya ni Midnight.Nagbabalat siya ng hilaw na papaya para sa tinola. “Ho?” untag niya. Nakatungo lamang siya sa binata na tumayo sa kaniyang harapan.“Ang sabi ko, ilang taon ka na?” muli’y tanong nito.“Uh…. n-nineteen po,” naiilang niyang tugon. Hindi niya makuhang makipagtitigan sa binata.“You’re so young to get married. Sigurado ka bang okay lang sa ‘yo na makasal sa akin? I’m twenty-five years old now.”Hindi siya makapag-focus sa sinasabi nito kaya hindi niya masyadong maintindihan.“Ano po?” tanong niya.Napailing ang binata, ngumisi. “Mahina ba ang pandinig mo? O talagang mahina lang ang pick-up ng ut
ILANG linggo pa ang lumipas. Upang hindi mainip, nagtanim ng iba’t ibang gulay sa bakuran si Liza. Binilhan siya ni Midnight ng laptop, mayroon ding internet connection kaya nagagamit niya sa online tutorial.Masuwerte nang makauwi isang beses sa isang linggo ang kaniyang asawa. Ganoon pa rin ang sitwasyon, mistulang caretaker lamang siya ni Midnight sa bahay nito. Pero minsan ay dumating sa isip niya na umalis na lamang doon. Hindi na siya umaasa na magugustuhan siya ni Midnight.Hindi niya maintindihan bakit ayaw ni Midnight mag-asawa. Naghihinayang siya sa katangian nito. Maaring may mas malalim itong dahilan bakit ayaw nitong magkapamilya.Ilang oras din ang iginugol niya sa paghahalaman sa likod ng bahay. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. Palubog na pala ang araw. Nagulat siya pagpasok ng bahay ay naroon si Midnight. Marami itong pinamiling stock na pagkain at ibang kailangan niya.Nag-iiwan naman ng allowance niya si Midnight pero naiipon dahil hindi naman siya gumagast
AKALA ni Liza ay titigil din si Midnight, ngunit itinuloy nito ang paghalik sa kaniyang mga labi. Pakiramdam niya’y may taglay na apoy ang halik nito na unti-unting tumutupok sa kaniyang wisyo.Ganoon pala ang pakiramdam na nahahalikan, nakaliliyo. Nanlulumo siya sa tindi ng sensasyong hatid ng halik ni Midnight sa kaniya. Nag-iinit ang buong sistema niya, at tila nagkaroon ng sariling buhay ang kaniyang katawan. Natagpuan na lamang niya ang sarili na tumutugon sa bawat galaw ng mga labi ng asawa.Ang kaniyang pagtugon ay naging mitsa upang lumalim pa ang halik ni Midnight. Nagsimula na ring kumilos ang mga kamay nito sa maseselang parte ng kaniyang katawan, wari may hinahagilap.Napasinghap siya nang itulak siya ng asawa sa likod ng pinto habang hinahapuhap ng halik ang kaniyang mga labi. Tanging banayad na daing lamang ang naitutugon niya, lalo nang dumapo ang mga kamay nito sa mayayaman niyang dibdib. Marahan na napipisil nito ang mga iyon.Mamaya ay apuradong hinubad ni Midnight a
PARANG walang nangyari at ganoon pa rin ang pakikitungo ni Midnight kay Liza. Ni minsan ay hindi nito nabanggit ang tungkol sa namagitang sekswal sa kanila. Hindi na iyon naulit pa. May pagkakataon na gusto na niyang sumuko at iwan si Midnight. Kaso natatakot siya baka babalik siya sa dating buhay.Paubos na ang pera niya sa pagtulong sa kinalakihang pamilya. Kung babalik siya roon, maaring siya ang papasan sa lahat ng responsibilidad dahil parehong may sakit ang mga magulang, at hindi rin siya makapag-aral nang maayos. Hindi na niya malaman ang gagawin. Ayaw niyang galawin ang natitirang dalawang milyon sa bangko. Ilalaan niya iyon sa kaniyang pag-aaral at negosyo balang araw.Ang halagang sampung milyon na bayad sa lupa at mga hayop, nabawasan din pambayad ng mga utang ng lolo niya at ibang gastusin sa ospital. Kaya ang natira sa kaniya ay limang milyon. Mahigit dalawang milyon na ang naibigay niya sa kinalakihang pamilya. Mahigit isang milyon kasi ang nagastos sa ospital at ilang b
LIMANG taon ang lumipas. Pagkatapos ng graduation ni Liza sa kolehiyo ay nagpasya siyang ibenta ang puwesto niya sa bayan ng Lucena. Wala na rin naman siyang budget para mabuksan ulit ang nalugi niyang food house at bakeshop. Idiniposito niya sa bangko ang pinagbentahan sa lupa para sa kinabukasan ng limang taon niyang anak na babae. “Sigurado ka na bang aalis ka rito, Liza?” tanong ni Aniza, ang pinsan niya sa father side. Pinapunta niya ito roon sa Batangas para samahan siya total ay ulila na rin ito at wala pang asawa. Kauuwi lang nila ng bahay mula bangko. Iyong dating bahay ng lolo niya sa Pagbilao ay naibenta niya bago siya umuwi ng Digos. Kaso nahirapan siyang magsimula ng negosyo roon kaya bumalik ng Batangas at doon nakabili ng maliit na property. “Oo. Gusto kong magtrabaho sa Maynila,” aniya. Naghahanda na siya para sa hapunan nila. “Eh, paano itong bahay mo rito? Ibebenta mo na naman?” Napabuga siya ng hangin. Simula noong tumira siya roon sa barangay nila ay palagi si
HINDI inaasahan ni Liza na susundan siya ni Midnight sa kusina. Nagulat ang staff sa biglang pagpasok ng boss.“Good morning, sir!” sabayang bati ng staff. Napahinto pa sa trabaho ang iba para lang batiin ang boss.Kumislot si Liza nang sikuhin siya ni Lara, isa sa line cook nila. “Bumati ka kay Sir. Siya ang big boss natin,” bulong nito sa kaniya.Humarap naman siya kay Midnight na noo’y nakatayo lang sa pintuan. “Good morning po!” bati niya.Napako sa kaniya ang tingin ni Midnight. Alam niya na hindi siya nito kakausapin sa harap ng maraming tao.“May napansin lang akong bagong mukha. Can I talk to her?” sabi ni Midnight.“Tatlo po silang bago, sir. Dalawang babae. Sino po sa kanila ang gusto n’yong makausap?” ani Lara.“Her.” Itinuro ni Midnight si Liza.Napalunok siya nang gupuin siya ng kaba. May impact pa rin sa kaniya ang baritonong boses ni Midnight, na madalas magpangatog sa mga tuhod niya noon.“Ikaw pala, Liza. Sumama ka kay Boss,” udyok sa kaniya ni Lara.Kumilos naman siy
NAKAILANG hakbang pa lamang si Liza mula sa opisina ni Richard ay narinig na niya ang boses ni Midnight. “Liza!” muli ay tawag nito na tuluyang nagpatigil sa kaniya. Nang pumihit siya paharap dito ay nagulat siya nang hawakan siya nito sa kanang braso. Napasunod siya rito nang isama siya nito sa CEO’s office. Hindi na siya nakapalag dahil ini-lock nito ang pinto. “Tell me that Richard was lying,” balisang sabi nito. Bumuntong-hininga siya. Nilakasan na niya ang loob at sinimulan ang plano, tutal ay nagkabistuhan na sila. “Nagsasabi siya ng totoo,” aniya. “Buntis ka noong umalis sa bahay ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Huh!” nanlilisik ang mga matang asik nito. “Para ano pa? Pinagtabuyan mo na ako. At saka wala ka rin namang pakialam,” matapang na buwelta niya. “Maybe you’re lying. Kailangan mo ba ng pera? Nasaan na ang sampung milyong binigay ko sa ‘yo?” Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito. Gusto niya itong sampalin ngunit nakapagpigil siya. Tumapang siya dahil sa inas
PAGDATING sa bahay ni Liza ay hindi na nila naabutang gising si Samara.“Katutulog lang niya, eh. Alam mo naman, sanay matulog nang maaga ang bata,” sabi ni Aniza. Sinalubong sila nito sa gate.Hinarap naman niya si Midnight na kabababa ng kotse nito. “Tulog na si Samara,” sabi niya.“Still, I want to see her,” anito.Nagtitigan pa sila ni Aniza. “Payagan mo na, insan. Basta huwag lang kayong maingay kasi mabilis magising si Samara. Nagwawala pa naman ‘yon kapag alanganin ang tulog,” ani Aniza.Pinayagan na niyang makapasok si Midnight. Dumiretso sila sa kaniyang kuwarto kung saan natutulog ang anak niya. Mabuti hindi magulo ang kuwarto. Pagpasok pa lamang nila ay kaagad nilapitan ni Midnight si Samara. Tuwid ang higa ng bata sa kama habang yakap ang malaking teddy bear nito.Pinagmamasdan lang ni Liza si Midnight na tila natatakot hawakan si Samara. Titig na titig ito sa mukha ng kaniyang anak. Maaring pinakikiramdaman nito ang sarili kung may pitik sa puso nito ang lukso ng dugo. Mam
HINDI inaasahan ni Liza ang ibinungad sa kaniya ni Lola Lucy. Nang malapitan siya ay bigla itong humagulgol at napayakap sa kaniya. Ang kaba niya’y nalusaw ng emosyong nagpaparaya.“Patawarin mo’ko, Liza,” humihikbing wika ng ginang.Nadala siya ng emosyon nito at uminit ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Mamaya’y tuluyan na rin siyang napaluha. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa ginang, sa halip ay pilit niya itong inuunawa.“Hindi po ako galit sa inyo, Lola. Naintindihan ko po kayo,” aniya.Inalalayan ni Midnight ang ginang paupo sa couch. Tinabihan naman ito ni Liza at ginagap ang mga kamay.“Tama ka, iha, walang maidudulot na maganda sa buhay ko ang pagkimkim ng poot sa puso. Hindi ko iyon naisip dahil nabulag ako ng galit at sakit. Noong nakausap kita, naisip ko na napakasama kong tao kaya nagawa kong galitin ang katulad mo na mapagkumbaba. Patawarin nawa ako ng Diyos sa mga kasalanan ko,” kumpisal nito. Humagulgol na naman ito.“Magdasal po kayo sa Kaniya, at ikumpis
NASORPRESA si Midnight nang madatnan sa ward ng lola niya ang hindi inaasahang tao. Kausap nito ang lola niya. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili kung may namamahay pa rin bang galit sa kaniyang puso para sa taong ito. But he could not find any signs of anger. Yet he can’t feel the excitement. Napatawad na niya ang kaniyang ama. Nang humarap sa kaniya ang ginoo ay sinuyod siya nito ng tingin. Mamaya’y mamasa-masa na ang mga mata nito. “Midnight, anak. Kilala mo pa ba ako?” tanong nito sa garalgal na tinig. “Yes. I saw your picture on your son’s social media account,” he said. “Inipon ko rin ang picture mo na nakuha ng anak ko sa social media ng lola mo,” gumaralgal nitong wika. Bigla siya nitong sinugod at mahigpit na niyakap. Mas matangkad na siya rito, mas malaki. At habang yakap siya nito, unti-unti’y nagre-react ang kaniyang puso. He has still longed for his father’s appearance. He ended up hugging his father back. “I-I’m sorry. Sorry, anak,” humihikbing wika nito. “I
PINAGHANDAAN ni Liza ang bithday ni Midnight. Nasabi na niya kay Aniza ang tungkol sa pagbubuntis niya, at inabisohan niya ito tungkol sa sorpresa niya kay Midnight. Mukhang hindi na maalala ni Midnight ang birthday nito o kaya wala itong pake. Pinapunta niya roon si Aniza at pinabili ng birthday cake. Habang abala si Midnight at Samara sa ilog, nagluto siya ng pancit at lumpia. Namimingwit sa ilog ang mag-ama niya kasama ang anak ng kapitbahay na lalaki. Alas nuwebe pa lang naman ng umaga. Nag-utos siya ng mga binatilyo na kuhaan siya ng buko sa mismong puno na naroon sa bakuran. Binayaran lang niya ang mga ito. At dahil wala siyang ref, bumili siya ng maraming yelo at inilagay sa timba na malaki. Saktong dumating na si Aniza dala ang cake at bumili rin ng isang malaking bilao ng spaghetti at puto. “Ang bongga naman ng preparation mo, Insan!” kumento ni Aniza. Inayusan niya ang mahabang lamesa at sinapinan ng bughaw na kumot na hindi pa nagagamit. Sa dingding ay pinuno niya ng sa
NAGLALABA si Liza sa poso nang biglang bumulahaw ng iyak si Samara. Iniwan niya itong tulog at marahil ay naalimpungatan nang magising na walang kasama. Kahit may bula pa ang mga kamay ay napatakbo siya papasok ng bahay.Sinalubong na siya ni Samara na umiiyak. Hawak nito ang kaniyang cellphone na basag ang screen. Naka-off na ito. Hindi niya inintindi ang cellphone at kaagad niyakap ang kaniyang anak.“Tahan na, narito si Mommy,” alo niya rito.“Akala ko iniwan mo ‘ko, Mommy,” humihikbing wika nito.“Hindi ka iniwan ni Mommy. Naglalaba lang ako sa labas,” aniya.“S-Si Daddy, narinig ko si Daddy,” sumbong nito.“Ha? Saan mo narinig ang daddy mo?”“Dito.” Itinuro nito ang kaniyang cellphone.Binuksan niya ang kaniyang cellphone bago maglaba para may music si Samara. Tumawag pala si Midnight. Nabubuksan pa rin naman ang cellphone niya at temper glass lang ang nabasag.“Bakit nabasag ito, anak?” tanong niya sa anak nang tahimik na ito.Pinagtimpa niya ito ng orange juice at binigyan ng c
NAKATULOG si Liza sa papag sa hardin. Nang magising siya’y saka lamang siya nahimasmasan at naalala ang mga nagawa. Nagulat na lang siya nang mamalayan na naroon sila ni Samara sa lupaing nabili niya sa Laguna. Nakatulog din ang anak niya sa papag. Saka lang nag-sink in sa utak niya ang mga nangyari at kung paano sila napunta roon.Mabuti hindi umulan dahil tiyak na mababasa silang mag-ina. May bubong naman sa cottage na yare sa kawayan pero may butas na. Malamok pa roon. Binuhat na niya si Samara pero nagising nang makapasok sila ng bahay.“Mommy, nagugutom ako,” angal nito.Mabuti may kuryente na roon dahil nakiusap siya sa kapitbahay na maki-connect muna ng kuryente. Tinulungan naman sila ng dating may-ari ng lupa na maayos ang bahay at mga gamit.Mamaya ay dumating si Dado, ang anak ng dating may-ari ng lupa. May dala itong bowl na may takip.“Ate Liza, pinadala po ni Nanay, tinolang manok,” sabi nito.“Salamat, ha,” aniya. Kinuha naman niya ang ulam at inilapag sa lamesa.Umalis
BUO na ang desisyon ni Liza na lalayo muna kay Midnight. Alam niyang magulo na ang isip nito at mapapabayaan nito ang lola dahil sa kaniya. Nag-impake siya ng gamit, pati mahahalagang gamit ni Samara.Nanginginig siya dahil sa emosyong hindi kontrolado. Magulo ang isip niya pero sa mga sandaling iyon ay wala siyang ibang gusto kundi ang makalayo. Kailangan niya ng katahimikan dahil nabuburyong na siya.“Mommy, saan po tayo pupunta?” tanong ni Samara.Lulan na sila ng taxi pauwi sa kaniyang bahay. Pero hindi sila roon mag-stay ni Samara. Naisip niya na doon muna sila sa bagong bili niyang lupa sa Laguna. Naabisohan na niya si Aniza at inutusang maghanap ng sasakyang marerentahan upang maghakot ng gamit nila.“Magbabakasyon tayo, anak,” sabi niya lang sa anak.“Po?”“Pupunta tayo sa magandang lugar.”“Sa dati po nating bahay, ‘yong marami akong kalaro?”“Ah, hindi, pero magkakaroon ka ng bagong kalaro.”“Yehey! Kasama po si Daddy?”Hindi na siya sumagot.Pagdating sa kaniyang bahay ay n
“I told you to stop entertaining Richard!” gigil na asik ni Midnight. Lulan na sila ng kotse pauwi. Panay ang pahid ni Liza ng panyo sa mamasa-masa niyang pisngi dahil sa luha. “Kailangan ni Richard ng kausap. Nadi-depress siya,” aniya. “He was just making an excuse para maawa ka sa kaniya, Liza! Bakit ba napakarupok mo, ha?” “Hindi mo kasi naintindihan, Midnight! Wala kang pakialam sa taong nakaranas ng mental damage, kasi hindi sila kasing tapang mo!” Tumalim ang titig sa kaniya ni Midnight. “Iniisip mo ang feelings ng ibang tao, why not asking yourself if you’re okay? Wala kang ideya kung paano sinira ni Richard ang relasyon namin ni Lola, Liza. Sinira niya tayo kay Lola, and now, you still care for that bastard?” May gusto siyang ipaintindi kay Midnight na malamang ay ayaw nitong tanggapin. Alam niya kung bakit nagkakaganoon si Richard, kaya ayaw niyang isipin na wala itong ibang dahilan bakit sila ginugulo. “Mentally unstable si Richard, katulad mo, lumaki siyang wasak ang
KUMALMA naman si Midnight nang magsalita si Mica. “Don’t worry, I’m fine now,” ani Mica. Tumayo na ito. Pinaupo ni Liza si Midnight sa swivel chair. “Nag-usap lang kami ni Mica,” sabi niya sa asawa. Umupo namang muli si Mica. “I’m here to talk about my investment. I decided to move to the US and start a new business and stay there for life,” anito. “Pina-process ko na ang reimbursement mo. I’ll send you the details and the money straight to your account,” sabi naman ni Midnight. Habang nag-uusap ang dalawa ay nagpaalam si Liza at pumasok sa banyo. Nakaramdam kasi siya ng panaka-nakang pagkahilo. Tumambay siya sa banyo habang ka-chat si Aleng Patty. Kinumusta niya si Samara. Paglabas niya ay wala na si Mica. May kausap na sa cellphone si Midnight, secretary ata nito. “I need the update today. And kindly contact my lawyer and ask for an appointment. I need to talk to him tomorrow if he’s available,” sabi nito sa kausap. Umupo siya sa couch at hinintay matapos sa kausap nito si M
NANG sabihin ni Liza kay Midnight ang tungkol sa lola nito ay biglang umalis. Bumiyahe ito pabalik ng Maynila pagkatapos nilang naghapunan. Inatake na naman ng nerbisyos si Liza. Hindi na siya nakatulog kakaisip sa sitwasyon nila. Natitiyak niya na nahihirapan na rin si Midnight. Kinabukasan na bumalik si Midnight at nagpasya si Liza na uuwi na sila ng Maynila. Wala rin namang nagbago sa nararamdaman niya. Lalo lang siyang na-stress. “Babalik na lang ako sa trabaho,” sabi niya nang lulan na sila ng kotse pabalik ng Maynila. “You need more rest, Liza,” ani Midnight; nagmamaneho ito. “Mas lalo akong stress na walang ginaggawa. At saka sabi mo maraming trabaho sa hotel.” “Are you sure? Kaya mo nang magtrabaho?” “Oo naman.” Malapad siyang ngumiti upang maitago ang pagkabalisa. “Okay, but you will stay in my office and don’t work much.” Tumango lang siya. Pagdating sa condo ay umalis din kaagad si Midnight. May meeting pa umano ito at gabi na makauuwi. Ang sabi nito, okay naman da