KANINA pa nasa harap ng desk top computer niya si Andrea. Sa wakas, nakumbinsi na rin siya ni Meldy na gumawa ng account niya sa face&book.
Noong una, ayaw niya sana na magkaroon ng anomang access sa kahit na anong social media app. Alam niya kasi kung gaano ka-epektibo ang internet sa buhay ng isang tao. Isang pindot o browse lang sa computer bubulaga na sa ‘yo ang maraming bagay na gusto mong malaman. At mayroon siyang gustong iwasan. Ang kan’yang nakaraan.
Mahigit isang dekada na rin buhat nang makabalita siya ng tungkol kay Carlos. Huling impormasyon na narinig niya tungkol dito ay may asawa na raw ito. Kapwa OFW daw nito sa abroad ang napangasawa at may dalawa ng anak. May kirot pa rin siyang nadama nang malaman iyon dahil minsan nga sa buhay niya, pinangarap niya na si Carlos ang lalaking makakasama niya habangbuhay.
Minsan ay inilarawan niya rin sa kan'yang imahinasyon na nakasuot siya ng trahe de boda. Naglalakad siya patungong altar habang ito ay buong kaligayahan na naghihintay sa kan'ya roon. At pagkatapos noon, bubuo na sila ng pamilya. Ng masayang pamilya. Magiging maligaya sila habangbuhay.
Ganoon pa man, masaya siya na nakatagpo na ito ng babaeng karapat-dapat sa kan’ya. Dahil siya, hindi naging karapat-dapat dito. Dahil kinaruwagan niyang ipaglaban ang pagmamahalan nilang dalawa.
“Ano ba ang kinakatakot mo kung magkaroon ka man ng face&book? Natatakot ka sa nakaraan mo? Na baka masumpungan mo na naman sa kasalukuyan?”
Naalala niya ang minsan ay usapan nilang iyon ni Meldy.
Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nakaka-move on kay Carlos? May pamilya na ‘yong tao, Andeng. May kasalukuyan na ‘yon. ‘Yong sa ‘yo, nakaraan niya na. Nag-move on na siya. Kaya sana, ikaw rin.”
Ibig niyang maluha. Masakit talaga ang katotohanan. At natumbok iyon ni Meldy.
“Andeng?” pukaw sa kan’ya ng kaibigan. “Sorry kung nasaktan kita. Kasi naman, hanggang ngayon apektado ka pa rin. Alam ko, iniisip mo, na baka kung may f&b ka, baka magkita uli kayo ni Carlos. Na baka ma-fall ka uli sa kan’ya. O kaya, siguro iniisip mo, lalo kang ‘di maka-move on sa kan’ya pag nagkita uli kayo sa social media, pero paano kung magkita nga uli kayo? Na sa kan’ya naman ay okay lang pala ‘yon? Na hindi naman siya magiging apektado at ikaw lang pala ang nag-iisip ng ganoon? Andeng, move on na, sis. Tutal, ikaw din naman talaga ang gumusto kung bakit kayo nagkasira, ‘di ba?”
Tumango siya. Sunod-sunod. Mahaba ang litanya na iyon ni Meldy pero totoo ‘yon. Pinahid niya na ang nabasang mga mata sa luha. At umiwas na sa tila panenermon ng kaibigan.
Lumipas pa ang maraming araw, hindi pa rin niya ginusto na gumawa ng account sa face&book. Para sa kan’ya kasi, isang nakakatakot na multo ang nakaraan na ayaw niya munang makita sa kasalukuyan. Pero ngayon, ngayong may hinagangad siyang maganap na iba sa buhay niya, hindi na siya natatakot. Parang pinatapang na yata siya ng desisyon na sa wakas ay makaranas na ng kaligayahan sa pamamagitan ng kahit isang anak lang na hinahangad niya. At ngayong wala na ang nanay niya, matutupad iyon. Positibo ang pananaw niya.
Kahapon, nagpakabit na siya ng internet. At bukas, plano naman niyang bumili ng laptop. Unti-unti, ibabagay niya na ang sarili sa kalakaran ng panahon ngayon. Sabi nga ni Meldy, hindi pa huli ang lahat. Saka, edad lang ang nadadagdag sa kan’ya. Pero ang kaisipan at sistema niya, p’wede pang maka-adopt sa kung anomang sitwasyon meron ang mundo ngayon. P’wede pa siguro siyang makisabay sa mga millenial. Ika nga ni Meldy, hindi naman halata na magku-k’warenta na siya. At oo naman. Naniniwala siya roon. Patunay ang repleksyon niya sa salamin.
“Wow! At last, Andrea! May f&b ka na!” sabi ng isang co-teacher niya nang mag-hello siya rito through chat sa message box ng face&book.
Tumawa siya. “Makikiuso na, Mam Cel!” sagot niya.
“Loka, matagal ng uso ‘to. Nagpahuli ka lang!” balik na sagot naman nito.
Laughing emoticon ang sagot niya. At iyon na ang naging simula.
Hindi na ang tungkol kay Carlos ang dahilan kung bakit ginusto niya nang magkaroon ng access sa iba-ibang social media app. At hindi na siya natatakot sakaling magkita sila nito rito. Kasi, tama naman talaga si Meldy, dapat niya nang tapusin ang pagmamarakulyo. Panahon na upang mag-move on. At wala na siyang pakialam kay Carlos. Lalong, hindi na niya makapa sa kan'yang puso ang dating pagmamahal dito.
Natigilan siyang bigla sa naisip na iyon. Totoo ba talaga iyon? Kinapa niyang mabuti ang laman ng puso niya. Oo. Totoo ‘yon! Parang hindi na niya mahal si Carlos. Naka-move on na ba siyang tulad nito?
Kinapa niya uli ang damdamin. Positibo ang nadama niya. At hindi na 'parang.' Talagang, hindi na niya mahal ang dating nobyo.
Totoo nga pala. Sadya nga palang lumilipas talaga ang dating damdamin. Nawala na ang init dati. Nawala na ang pag-asam. At bukas na siya sa panibagong darating. Iyon ay, kung may darating talaga. Sana nga...
***
Sa internet, research dito research doon ang ginagawa niya sa mga bakanteng oras niya. Baka sakali, makatagpo siya doon ng swak talaga sa panlasa niya. At hindi siya titigil hangga’t hindi siya nakakatagpo ng hinahanap niya.
“Hoy, bistahan mong mabuti ‘yan, Andeng! O, ‘di ba? Papalicious?! Parang ang yummy niya, mare!” message iyon ni Meldy nang mag-send ito sa kan’ya isang araw ng picture ng isang lalaki. Foreigner.
“Ano ka ba, mare? Ayaw ko ng foreigner. Maski papalicious at yummy pa ‘yan! Saka ano, pupunta pa ako sa abroad o papupuntahin ko pa ‘yan dito para buntisin lang ako? Saka paano kung ‘scam’ lang pala ‘yan? Na hindi naman pala gan’yan ang itsura n’yan? Eh ‘di, na-scam pa ako?”
“Uy! Ang haba ng litanya! Infairness, marunong na ang sissy ko sa mga scam-scam sa social media! Very good naman! At may tama ka d’yan, mare. ‘Wag basta-basta bibilib sa picture ng mga kolokoy na ‘yan kasi karamihan sa mga ‘yan, isang malaking kasinungalingan!”
“I know right, mare. ‘Di naman ako gano’n ka-ignorante, ‘no? Saka marami na akong nababalitaang gan’yan.”
“Teka, teka…may isa pa akong nakita, eh. Hanapin ko lang. Foreigner din, mare. Pero half-half! Half Bristish and half Pinoy! Pero nasa Hongkong. Parang may business yata doon. Wait, isi-send ko sa ‘yo.”
“Anong business? Monkey business?” ani Andrea. “Sobra na ba talaga akong desperada, mare? At maging ikaw, sobrang seryoso sa paghahanap ng hinahanap ko?”
“Na susundot sa ‘yo?”
Nagtawanan sila through chat.
“Basta, Andeng. Hangad ko ang kaligayahan mo. Maski mali. Sige na. Basta sumaya ka lang at hindi manatiling nag-iisa. Kaya palakpakan mo ang kunsintidor mong kaibigan at kumare!"
“Paiiyakin mo na naman ako, mare…”
“Sige lang, umiyak ka lang. Naniniwala ako na sa susunod na mga araw ng buhay mo, hindi ka na iiyak sa lungkot. Kun’di dahil na sa kaligayahan.”
“Maraming salamat sa suporta, marekoy.”
“Wala pa nga, marekoy…!”
Nagtawanan uli sila.
***
SA paglipas ng mga araw, kung sino-sino ang inirereto ni Meldy kay Andrea. Pero pawang tinatanggihan naman iyon ng dalaga.
“Andeng, baka naman sa sobra mong pagiging mapili eh mas lalong hindi ka makakita ng hinahanap mo? At ang masaklap, kamukat-mukat mo, sa kapipili mo, babagsak ka pala, sa bungi!”
“Huwag naman, Meldy. Sobra ka naman. Baka mamaya magdilang-dyablo ka pa d’yan!”
“Aba eh, ‘tamo, lahat ng ireto ko sa ‘yo, ayaw mo! ‘To ngang huli, ‘yong apo ni Ka Sela, si Abner, o ‘di ba, g’wapo naman ‘yong tao? May maganda ring trabaho pero inayawan mo rin.”
“Mare naman, eh parang mas mahinhin pa ‘yon sa akin, ‘di ba? Guwapo nga kung pumipilantik naman ang daliri. Baka mamaya, hindi ako ang gusto niyang makaano…!”
“Makaano? Maka-sex? Ba’t ba ‘di mo madiretso?”
“N-naiilang akong bigkasin…” nahihiyang tugon ni Andrea.
Umirap si Meldy. “Hay! Ngayon lang ako naka-encounter ng tulad mo na gustong magpasiping sa kahit ‘di niya kaano-ano, pero ‘yong word na ‘sex’ at ‘sundot’ nahihiyang bigkasin!”
Bahagyang kinurot ni Andrea ang kaibigan. “Ikaw talaga, ang tabil-tabil ng bibig mo --- !”
Humagalpak ng tawa si Meldy.
HINDI alam ni Vincent kung ano ang kahulugan ng nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Mula pa kanina, speechless na siya at walang malaman na sabihin.Si Trina…ang ex-girlfriend niya, kung bakit sa tinagal-tagal ng panahon na hindi niya na ito nakikita, kanina, nag-krus muli ang landas nilang dalawa. Ang masaklap, kasama pa nito ang taong pinaglalaanan na nito ng puso niya ngayon, o siguro, pinaglalaanan na ng buong buhay niya ngayon.Napahugot ng malalim na buntong-hininga ang binata. Ito ang hirap na binigyan niya pa ng day-off ang sarili sa araw na ito. Sana, isinubsob niya na lang uli ang ulo kanina sa trabaho. Sa pagbusisi ng mga transaks’yon nila na ibibiyahe patungong probinsiya sa isang linggo. Pero sa kakukulit ng assistant niyang si Joe, napahinuhod siya nito na magpahinga. At ayon nga, naisipan niyang pumunta ng mall para personal na mag-grocery.Inadya ba talaga ng pagkakataon na muli niyang makita ang dating nobya? Kasi, bakit ba dati-rati nama’y ipinakikisuyo niya n
ABALA si Vincent sa pagki-create ng bagong designs sa maliit niyang private office nang kumatok doon ang sekretarya niyang si Edna. “Pasok.” aniya. “Yes, Edna?” hindi tumitingin na tanong niya. “Ire-remind ko lang boss, mamaya ang dating ni Atty. Lorenzo. Siya ang personal na pipili ng designs ng mga furnitures para sa soon to open niyang law firm.” Imporma ng mahigit treinta anyos na babae. “Ah, okay. Nag-usap na kami ni Joe tungkol diyan. Ipa-ready n’yo na rin ang showroom dahil ang alam ko, kasama niya rin ang kaibigan niyang abogado na interesado rin sa mga produkto natin.” “Yes, boss.” “At Edna,” tawag niya sa papalabas ng sekretarya. “Please update me sa mga bagong kliyente na nadagdag. Pag-aaralan ko kung kaya nating magbigay ng maganda-gandang discount para umulit sila sa atin.” “Speaking boss, may bago nga tayong kliyente from Sta.Rosa. Nagkainteres no’ng makita niya ‘yong ipi-nost ko last week. ‘Yong bed frame nating made in abaca. At ‘yong bamboo dresser natin. Asking
LUMAPIT si Vincent kina Andrea at Meldy. “Miss D-domingo --- ?” inilahad pa nito ang kanang palad.“Ah, siya po iyon.” Mabilis na agap ni Meldy. Miss pa nga po siya. Ako nama’y misis na…!”Natawa ang binata. “Hindi halata.” Sagot nito kay Meldy.“Ay, sir! Kilig much here!” humagikgik pa si Meldy.Siniko uli ni Andrea ang kaibigan. Saglit itong pinandilatan ng mata.“Pasensiya na po uli kayo at ginabi na kami sa paghahatid nitong in-order ninyo. Bukod sa na-traffic kami kanina sa Manila, inuna kasi muna namin ang Canlubang sa urgent issue doon.”“O-okay lang. Bukas ko pa nga inaasahan ‘yan.”May inabot si Vincent kay Andrea upang papirmahan nang tumunog ang cellphone nito.“Ah, excuse me…!” paghingi ng paumanhin ng binata bago lumayo ng kaunti upang kausapin ang tumawag.Sinundan ito ng tanaw ni Andrea. Si Meldy naman at si Aling Adel ang nag-assist sa dalawang trabahador na ipinanhik na sa bahay ni Andrea ang mga gamit.“Sa ayaw at sa gusto n’yo kukunin ko ang bata, tapos ang usapan!”
NAUWI sa malalim na pag-iisip si Andrea matapos na may mabasa na isang komento sa post ng isang kaibigan ni Vincent sa f&b. Oo. Hindi talaga siya tumigil ng pag-diskubre sa halos lahat ng bagay tungkol sa binata. Maging ang mga kaibigan nito sa face&book ay ini-stalk niya upang magkaroon pa siya ng kahit kaunting impormasyon tungkol sa pagkatao nito, pero madalang ang mga bagay na iyon dahil hindi nga mahilig mag-face&book ang lalaki. Hanggang heto nga, sa araw na ito, may nabasa siyang isang komento mula sa post ng isang kaibigan nito. Birthday greetings para sa nagnga-ngalang ‘Fael’ ang nakita ni Andrea sa news feed ni Edna. Ang sekretarya ni Vincent na in-add friend niya sa f&b na nag-confirm naman agad sa friend request niya. Umaasa kasi siya na makakalap pa ng ilang mga bagay tungkol kay Vincent kaya siya nag-friend request dito. Masipag si Edna na mag-post ng mga produkto ng Team Vincent Furnitures sa iba-ibang social media sites partikular sa face&book. At hindi naman siya n
MULA MANILA ay nagpas’ya uling magb’yahe pabalik ng Sta.Rosa si Andrea matapos ang pinal na negosasyon ng bagong in-order niya sa Team Vincent Furnitures. At matapos na makakuha rin ng impormasyon na siya niya naman talagang sadya kung bakit siya naroroon.Maaga pa. Kung walang traffic, mahigit isang oras lang ay nasa bahay na uli siya, pero bago siya umuwi, dadaan muna siya ng mall para bumili ng isusuot niya mamayang gabi. Kailangang maging magandang-maganda siya mamaya. Na maging kaakit-akit siya sa paningin ni Vincent Valderama.Oo. Babalik uli siya sa lugar na ito mamaya. Kung saan, pipilitin niyang matupad ang plano niya. Wala na itong atrasan. Ngayon pa ba? Na may ideya na siya kung paano niya makakatagpong muli ang lalaking sadyang dineklara niya na, na magiging ama ng dadalhin niya sa kan’yang sinapupunan?Sakay ng taxi patungo sa mall, sari-sari ang naglalaro sa imahinasyon ng dalaga. Kung paano ang strategy na gagawin niya mamaya. Kung paano niya ‘ihahain’ ang sarili kay Vi
MAHIGIT KALAHATING ORAS yatang naghintay si Andrea nang maya-maya’y nakita niya ang pagpasok ng isang grupo sa main entrance ng resto bar. Tatlong pareha ng lalaki at babae at isang binata na tantiya niya’y nasa pagitan ng disiotso hanggang beinte anyos ang sabay-sabay na pumasok habang nagkakatuwaan.Sinalubong ang mga ito ng masayang pag-awit ng birthday song ng banda sa stage. At natiyak ng dalaga, naroon na ang birthday celebrant lalo na nang tawagin ito ng lead singer matapos itong kantahan para umakyat sa stage at magbigay ng mensahe.All eyes si Andrea sa kasalukuyang nagaganap. Malikot din ang kan’yang mga mata sa paghahanap at paghihintay sa hindi pa sumusulpot na si Vincent.Dama niya ang kasiyahan sa buong paligid. Lalo na nang nagsasalita na si Fael sa harap ng mikropono.“Thank you everyone for your warm greetings. But you know me. Hindi ako nasisiyahan sa puro bati lang. Hindi ako yayaman kung puro greetings lang. How about a treat kahit sa Hongkong lang?” tumawa ito. Ga
HINDI siya sanay humalik. Isang beses lang siyang nahalikan noon ni Carlos. Smack lang. Nakaw pa. At hindi na naulit dahil nakatikim ito ng sampal sa kan’ya. Pero bakit ngayon, nagawa niyang humalik kay Vincent ng ganito? Torrid! Parang ang sagwa!Dahil ba mas guwapo si Vincent kaysa kay Carlos? Mas kaibig-ibig? Mas nakakaakit? At higit sa lahat, gusto niyang maging ama ng anak na pangarap niya…?Pero bakit ba hindi pa niya aminin? Na kasi’y, nanonood siya ng mga romance movies. Iyong may mga bedscenes! Para matuto siya at bilang paghahanda na nga rin sa pagkakataong ito. At oo, totoo. Mas nakakaakit si Vincent kumpara sa dati niyang boyfriend.At heto nga, dahil mas nakalalamang ito sa maraming katangian kaysa kay Carlos, nagawa niyang ‘i-apply’ sa labi nito ang halik na kagaya ng ‘halikang’ napapanood niya sa mga pelikulang maraming romansa.Nabigla si Vincent sa naging aks’yon na iyon ni Andrea. Inakala niya na lasing nga talaga ang babae at hindi alam ang ginagawa nito. Gusto niya
PASADO alas otso na ng umaga matapos siyang makauwi sa bahay niya buhat sa Maynila, pero hindi pa rin magawang dalawin ng antok si Andrea. Hindi mawala sa isip niya ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Kasi sa wakas, natupad na ang inaasam niya. Ang masipingan ng isang lalaki na posibleng magbigay sa kan’ya ng anak. At napaka-suwerte niya…! Dahil si Vincent lang naman ang lalaking iyon. Si Vincent na physically, pinagnasaan niya agad buhat nang makita niya ito noong una pa man.Pilya siyang napangiti sa sarili. Napakalinaw pa sa gunita niya kung paano niya ibinigay ang katawan niya rito. Kung paanong ilang ulit siya nitong inangkin nang buong pananabik. Na para bang hindi sila estranghero nito sa isa't-isa.Tila ba hanggang sa mga oras na iyon, ramdam pa rin niya ang pagsayad ng labi nito sa buong katawan niya. Pinaliguan siya nito ng halik. Ng maiinit na halik na halos nagpawala ng kan'yang wisyo. At tinugon niya rin ng kapwa init ang maalab nitong pag-angkin sa kan'ya.‘Vincent…’ bu
ANG WAKAS… SIKAT na ang araw nang magmulat ng mga mata niya si Andrea nang umagang iyon. Wala si Vincent sa tabi niya. Maging si Vince ay wala na rin sa kama nito. Naisip niya, marahil ay isinama ni Vincent na maglakad-lakad ang anak para bumili rin ng pandesal sa ‘di kalayuang bakery doon. Alam kasi nito na hindi kumpleto ang almusal niya pag walang pandesal na isinasawsaw niya lang sa mainit na kape. Pasado alas sais na ng umaga. Tinanghali siya ng gising kasi’y late na ring nakauwi si Vincent kagabi dahil pinagkatuwaan aniya ito ng mga kaibigan na bigyan ng bachelor’s party. Medyo napuyat siya sa paghihintay dito. Ngayong araw na ang kasal nila sa huwes na kasabay ng birthday niya. ‘Birthday niya…’ Ngayon. Napangiti si Andrea. This day is her 41st birthday. Akalain niya ba? Na sa edad niyang ito, makapag-aasawa pa pala siya? Na may lalaki pang magpapakasal sa kan’ya? At ang lalaking iyon ay pinakamamahal niya? Ito na ang pinakamasayang kaarawang dumating sa buong buhay niya.
PAGKATAPOS ng senaryo na iyon sa memorial park, tahimik na umalis at umuwi na sina Vincent. Tila ba talo pa nila ang kasalukuyang sitwasyon ni Liz na sobrang nagluluksa sa pagkamatay ng asawa nito dahil ganoon na lamang ang palahaw nito kanina habang unti-unting ibinabaon ang kabiyak nito sa ilalim ng lupa.Sa kotse, habang nagmamaneho si Vincent, walang nagsasalita ni sinuman. Maging si Meldy na mahilig magbiro at magpatawa, tila ba hanggang sa mga sandaling iyon ay bigat na bigat pa rin ang kalooban sa nasaksihang tagpo kanina.Idinaan na muna ni Vincent ang mag-asawang Meldy at Toto sa hotel na tinutuluyan ng mga ito bago nila binagtas na muli ang direksyon pauwi.Hanggang sa makarating sila ng bahay, sobrang katahimikan pa rin ang namamayani kina Vincent at Andrea. Kaya lang nagkaroon uli ng conversation, nang sumalubong sa kanila si Edna habang karga ang tuwang-tuwa na si Vince pagkakita sa mga magulang nito.“Naku boss, Ma’m Andeng, kanina pa ‘to nangungulit sa katatanong sa in
NAGISING kinabukasan si Andrea na magaan ang pakiramdam kahit may tensyon na nagpabigat ng dibdib niya nang nagdaang gabi.Bigla niya lang naisip, bakit nga pala hindi niya naitanong kay Vincent kagabi kung bakit hindi siya nito pormal na ipinakilala kay Trina? Sabagay, importante pa ba ‘yon? Kay Yuri man, sa naging girlfriend nitong Haponesa, kahit alam nito ang tungkol sa kan’ya, hindi rin naman siya ipinakilala ni Vincent sa ex nito na ‘yon. Pero hindi niya itatanggi, kahit paano, kwestyonable iyon sa kan’ya.Napabuntong-hininga ang dalagang ina. Hayaan niya na nga lang. Hindi na mahalaga ang bagay na iyon.Pinagmasdan niya ang lalaking pakakasalan. Himbing pa ito. Naghihilik pa nang mahina. Napangiti si Andrea. Ang sarap-sarap pagmasdan ng guwapong lalaking ito na tatay ng anak niya.Akalain niya ba? Na ang binatang ito na hinanap niya mahigit dalawang taon na ang nakalipas ay kapiling niya na ngayon? At pakakasalan siya?Higit sa lahat, minahal din siya…!Namasa sa luha ang mga m
BAGAMA’T pumayag siya na makipag-usap si Vincent kay Trina, hindi itatanggi ni Andrea sa sarili, nagseselos siya. Pero kailangan niyang pigilan ang damdaming iyon dahil naniniwala siya na tapos na talaga ang kabanata ni Trina sa buhay ni Vincent. May isa lang na ipinagkukukot na mabuti ng kalooban niya. Kung bakit hindi man lang siya nagawang ipakilala ni Vincent kanina sa dati nitong kasintahan. Na-excite ba ito nang muling makita si Trina? Nataranta, kaya nakalimutan nito na ‘ibida’ siya nito sa dating nobya na siya na ang babaeng pumalit sa kan’ya sa puso ni Vincent at siya nitong pakakasalan? Ibig mag-init ng mga mata ni Andrea sa pagdaramdam sa tatay ng anak niya. Sumulyap siya sa relo niya sa bisig. Mahigit kalahating oras nang wala si Vincent. Ang tagal naman yata nang pag-uusap ng dalawang iyon? Malinaw na sabi ni Vincent kanina, wala na silang dapat pag-usapan ni Trina. Pero bakit ang tagal na ay hindi pa ito bumabalik? Ibig sabihin, hindi totoo na wala na silang dapat pan
SA BUROL ng asawa ni Liz na si Mario, pormal na ipinakilala ni Vincent si Andrea sa mga kamag-anakan nilang naroroon. At katulad nang dapat asahan, nagulat at nagtaka ang lahat kung paanong nangyari na may anak na si Vincent bagay na hindi naman pinag-aksayahan ng panahon ng binata na ipaliwanag sa mga ito ang dahilan. Hindi niya ilalagay sa kahihiyan at lalong hindi niya hahayaang husgahan ng mga ito ang nanay ng kan’yang anak.Kaswal lang si Liz nang ipakilala ni Vincent si Andrea rito. Napansin ni Andrea na may pang-uuyam ang tingin nito sa kan’ya. Winalang bahala na lamang niya ang napansin na iyon sa tiyahin ng mapapangasawa, at sa halip, nag-abot pa rin siya rito ng pera bilang abuloy sa namayapa nitong asawa.“Salamat.” ani Liz kay Andrea nang abutin nito ang sobreng ibinigay ng dalaga. Matabang ang pagtanggap niya sa presensiya nito.Medyo malayo noon si Vincent at kausap ang isa nitong pinsan kaya nagkaroon ng pagkakataon si Liz na usisain ang dalagang ina, habang magkalapit
LAKING pasasalamat ni Toto dahil isang linggo bago dumating ang bagyo ay nakaangkat na uli ng abaka ang Team Vincent kaya kaunti lamang ang mga tanim niyang nasira nang nagdaang bagyo. Nakaka-panghinayang din kahit paano pero ganoon talaga ang hanapbuhay. Minsan ay inaabot din ng pagsubok, ika niya. Ang mahalaga'y ligtas silang mag-anak.Masayang-masaya ang mag-asawa na dumating si Vincent, hindi lamang sa buhay ni Andrea kun’di maging sa buhay din nila. Isang biyayang maituturing ang isang katulad ni Vincent na kasalukuyan ding nagbibigay ng magandang kita sa kanilang hanapbuhay. At wala rin silang masasabi sa ipinakikita nitong kabutihan sa kanila.Napag-usapan na rin nila na tutulungan sila ni Vincent na magkaroon ng kotse. Si Vincent mismo ang nagpursige na makapundar si Toto ng magandang sasakyan na para rin sa pamilya niya. At cash iyon na babayaran ng binata na huhulugan na lamang ni Toto ayon sa kakayanan nito na wala ni bahagya mang tubo, kaya ganoon na lamang ang katuwaan n
TUMAWAG si Meldy bago pa sila gumayak patungo sa plantasyon ng abaka ni Toto. Sarado aniya ang munisipyo nang araw na iyon, hindi lamang dahil Sabado kun’di busy din ang LGU sa pagresponde sa mga binagyo partikular sa ibang baryo o barangay na hindi nakapaghanda o nakalikas nang kasagsagan ng unos. At ang Mayor ng bayan, kasalukuyan pala itong may trangkaso bago pa man bumagyo kahapon. Out of town naman ang isang kilalang Judge na malapit lamang sana ang tirahan sa lugar na iyon, kaya hindi uubra na magpakasal sina Vincent at Andrea sa araw na iyon. “S-seryoso ka talaga na pakasalan ako ngayong araw? Kung posible na may magkakasal sa atin?” paniniyak pa ni Andrea kay Vincent. “Gusto ko nang magtampo, sweetheart. Bakit ba duda ka pa rin?” “K-kasi, pabigla-bigla ka naman diyan. Baka, binobola mo lang ako...” Niyakap ni Vincent si Andrea. “Ano pa bang patunay ang kailangan kong gawin o sabihin sa ‘yo para maniwala ka na mahal kita? Gusto mo bang ulitin natin ang senaryo natin kagabi
“HALA, tanghali na talaga! Nakapagbukas kaya ng tindahan ang mga tao ko?” parang nataranta at biglang napaisip si Andrea. Dali-dali nitong binuksan ang pinto upang alamin kung bukas na ang grocery niya, nang bigla siyang magulat sa tumambad sa kan’ya. “M-meldy? Toto? Kanina pa kayo diyan?” “Mismo!” Nakairap na sagot ni Meldy. “Mabuti naman at sa wakas, gumising at bumangon na kayo at nagbukas na kayo ng bahay! Aba’y tirik na ang araw, a?” Nagpalinga-linga pa si Meldy sa loob ng bahay. “Mu’kang sumabay din kayo ni Vincent sa lakas ng bagyo kagabi, ah? Lovers in typhoon Urduja ang peg, huh? May panunuksong tinitigan pa nito ang kaibigan. “Nag-enjoy ka ba sa kandungan ni Papa Vincent, my friend?” Napahagikgik si Toto na nasa likuran lang ni Meldy. “Imelda, naman! Ang bunganga talaga nito kahit kelan…!” inis na sabi ni Andrea. Napalabas na si Vincent na karga-karga si Vince. “Pareng Toto, good morning! ‘Andiyan pala kayong mag-asawa. Kanina pa kayo?” “Tanghali na, Mr. Valderama.” Si
NANATILI sa kan’yang lakas ang unos na dinaranas ng probinsiya ng Catanduanes sa mga sandaling iyon. At ayon sa huling update ng PAG-ASA, namataan ang mata ng bagyo sa Sibuyan Island na nagsisilbing boundary ng Visayas at Bicol region.Patuloy pa rin sa pangangalit ang hangin at ulan sa labas. Marami na itong itinumbang mga puno at ilang poste ng kuryenteng halos bumagsak na rin sa pagkakatindig.Malalakas din at malalaki ang mga alon na humahampas sa dalampasigan. Good thing, umaga pa lang naman nang araw na iyon, kahit wala pang signal warning mula sa ahensyang responsable sa weather forecast, pinalikas na ng LGU ang mga residente roon partikular nga ang mga nakatira malapit sa baybayin.Sa barangay naman nina Andrea, nasanay nang laging handa ang mga residente roon sa ganitong sitwasyon, dahil normal na nga sa kanila ang dalawin lagi ng masamang panahon.Napaghandaan na nila ang kalamidad na tulad noon na paulit-ulit na humahagupit sa kanilang probinsiya.Matitibay ang pagkakagawa