Share

CHAPTER THREE

last update Terakhir Diperbarui: 2023-05-03 16:41:15

CHAPTER THREE

NAATRASO ang uwi ni Andrea ng araw na iyon. Malapit ng dumilim nang makarating siya sa kanila. Nagtataka man, pinigilan ni Aling Selya ang mag-usisa. 

Nagpalit muna ng damit pambahay ang dalaga matapos magmano sa ina. Naghahapunan na sila kasalo si Aling Adel nang banggitin niya kung bakit naatraso ang uwi niya. Alam niya kasing naghihintay ang nanay niya ng dahilan kung bakit siya ginabi. Kilalang-kilala na niya ang ina. Lahat ng tungkol sa mga gagawin at desisyon niya, dapat alam nito.

“Nagkatuwaan ho kanina sa school. Birthday nga kasi ni Sir Roldan kaya pagkatapos ng school hours, nagkaroon ng kaunti pang kasiyahan. Isinabay na din ang pa-despidida sa co-teacher namin na si Ma’m Irene na susunod na sa mister niya sa Japan sa isang linggo.” mahabang paliwanag ni Andrea. 

Nakikinig lang si Aling Selya. Parang hindi interesado sa sinasabi ng anak. Tahimik lang ito at hindi nagsasalita.

“Kaya pala ‘di ka masyado makakain, galing ka sa kainan. Teka, magta-trabaho rin ba iyon doon bilang teacher, Andeng?” si Aling Adel ang nagsalita. ‘Andeng’ ang tawag nito kay Andrea.

“Kung matatanggap daw ho siya, maaari. Kaya lang kailangan bihasa rin siya sa pagsasalita ng Nihongo.” Sinulyapan ni Andrea ang ina. Naninibago siya rito ngayon. Bakit ang tahimik yata nito? Galit na naman ba ito sa kan’ya?

Nahalata siya ni Aling Adel. Sumenyas ito sa kan'ya. Na hayaan lang muna ang ina.

“Hindi ako uuwi ngayon, Andeng. Dito ako matutulog. Bukas ng gabi na lamang ako uuwi dahil Sabado naman sa susunod na araw. Nandirito ka naman pag Sabado.” ani Aling Adel pagkuwan. 

“Aba’y mabuti ho kung ganoon. Kung maaari nga lamang ho eh dito na lamang kayo. Kaso nga lang nakakahiya rin sa mister n’yo kung ‘di n’yo naman siya maaasikaso dahil abala kayo kay nanay.”

“Naku, iyon naman eh uubra na wala ako sa amin. Minsan nga lang, umaarte na kesyo masakit ang ganito, o makirot ang ganoon. Tapos magpapahilot. Nagpapasilbi, ba?” umirap pa ito.

Natawa si Andrea. Sinulyapang muli nito ang ina. Tahimik pa rin talaga ito.

“’Nay? May problema ho ba kayo? Masama na naman ba ang pakiramdam ninyo?” Sinalat pa niya ang leeg at noo nito. Hindi na siya nakatiis na hindi magtanong.

Umiling ang matanda. “Huwag mo akong pansinin. Inaantok na kasi ako.” Matamlay na sagot ni Aling Selya.

“Ay siya, matulog na kayo kung gano’n pero ‘yong mga gamot ninyo ‘wag kalimutang inumin.”

Tumango lang si Aling Selya. Maya-maya ay tumayo na ito. Patungo na sa silid niya. “Maiwan ko na kayo, ha? Magpapahinga na ako.” anito.

Sinundan ng tingin ni Andrea ang ina. Hindi niya alam kung bakit bigla, nakaramdam siya ng lungkot ng mga sandaling iyon.

Pinisil ni Aling Adel ang palad ng dalaga. “May pag-uusapan tayo mamaya.” 

Nagtatanong ang mga mata ni Andrea. 

“Ililigpit ko lang ‘tong mga pinagkainan natin, ha? Doon tayo sa terasa mamaya para hindi marinig ng nanay mo ang pag-uusapan natin.”

Napatango ang dalaga.

Pagkaraan ng medya ora, magkaharap na sina Andrea at Aling Adel sa terasa. Nagtimpla pa muna ng dalawang puswelong kape ang matanda. “Pampawala ng antok.” ika nito. “Baka mapatagal ang ating huntahan, maige ‘yong may panlaban tayo sa antok.”

Tumango-tango si Andrea. “A-anong pag-uusapan natin, Aling Adel?” ani Andrea. Puno ng kuryosidad.

Humigop pa muna ng kape si Aling Adel bago sumagot. “Umiiyak ang nanay mo kanina. Ako’y biglang nahabag.”

Napakunot-noo ang dalaga.

“Dahil sa’yo.” Pinisil na muli ng matanda ang palad ni Andrea. “Alam niya daw at inaamin niya na napakalaki ng kasalanan niya sa iyo. Kaya lamang, kung bakit nakakahiyaan niya na'ng humingi ng pasens’ya sa lahat ng nagawa niya sa’yo. Parang napakahirap daw na hingi’n ang pagpapatawad mo. Baka raw hindi mo iyon maibigay sa kan'ya.”

Mataman na nakikinig lang si Andrea. Tila nag-umpisang bumilis ang pintig ng kan'yang puso.

“Saka sabi pa, maski raw siguro humingi pa siya ng tawad, wala na ring saysay. Kasi, umabot ka na sa ganyang edad. Na malamang, hindi na makapag-asawa. Kung baga, napaglipasan ka na ng panahon. At baka hindi na makatagpo ng lalaking makakasama mo habangbuhay.”

Napabuntong hininga ang dalaga. Parang biglang nagsikip ang kanyang dibdib. Pagkuwa’y humigop muna ito ng kape. Wala pa siyang makapa na gustong sabihin.

Nagpatuloy si Aling Adel. “Gustong-gusto niya raw sabihin sa’yo kung gaano niya pinagsisisihan na diniktahan ka niya noon. Sana raw, may pamilya ka na ngayon. At masaya. Mawala man daw siya, may makakasama ka pa rin. Hindi gaya ngayon na sakaling mawala siyang bigla, magiging kawawa ka kasi nga mag-isa ka na lang.”

Pinipigil ni Andrea na mapaluha. 'Huli na nga.' sabi niya sa sarili. Kung bakit ngayon na lang naisip ng nanay niya ang mga bagay na iyon. Kung kailan totoong napaglipasan na nga siya ng panahon. Na baka wala na nga’ng dumating pa na muling magmamahal sa kan’ya.

Oo, kapag nawala na ito, lalong magiging miserable ang buhay niya. Kasi mag-isa na nga lang talaga siya.

“Sabi pa ni Ka Selya, sakali raw na bigla siyang mawala, ako na raw ang bahalang humingi ng tawad sa’yo para sa kan’ya. Ipaabot ko raw sa’yo ang taos puso niyang pagsisisi. At sana raw mapatawad din siya ng Diyos sa ipinagkait niyang kaligayahan mo.”

Tuluyan nang hindi napigil ni Andrea ang pagtulo ng luha. Marami siyang gustong sabihin. Gusto niyang ayunan ang mga narinig niya na ipinararating sa kan’ya ng nanay niya. Gusto niyang sabihin na – oo nga! Bakit nga ba ipinagkait niya sa akin ang kaligayahan ko? Maramot kasi siya! Makasarili! Ano pa ang silbi ng pagsisisi niya ngayon? Ano pa ang saysay ng paghingi niya ng tawad at pag-amin sa pagkakamali niya?

Humagulgol na lamang siya sa sariling mga palad. Hinagod-hagod ni Aling Adel ang likod niya.

“Alam ko Andeng, masamang-masama ang loob mo sa iyong ina. Kaso nangyari na, eh. ‘Di na maibabalik kung anuman ‘yong nagawa niya na hindi tama para sa iyo. Siguro lang, natakot siya na matulad ka sa kan'ya. Na iniwan ng lalaking minahal niya. Ang iyong ama. O siguro rin, natakot siya na kapag nagasawa ka, iwanan mo rin siya. At maramdaman niya uli ang pagiging miserable.”

Wala pa ring maapuhap na sabihin si Andrea. Patuloy lang ito sa pagluha.

“Mapapatawad mo ba ang iyong ina, Andeng?” ani Aling Adel.

Lumakas lalo ang iyak ng dalaga. Sumubsob ito sa balikat ng matanda.

“Tama na. Baka magising ang nanay mo. Baka makasama pa sa kan’ya pag nakita ka sa gan’yang sitwasyon mo. Lalo niyang sisisihin ang kan’yang sarili.” Iniharap ni Aling Adel ang dalaga sa kan'ya. Pinahid ang mga luha nito. “Tama na, ha? Minsan, mag-usap kayong mag-ina. Kapag maganda ang pakiramdam niya. Kapag masigla siya. Para magkapatawaran na kayo, ha?”

Sunod-sunod ang tango ni Andrea. Kahit alam niya na parang hindi naman ganoon kadaling gawin iyon.

Maibabalik ba ng salitang ‘patawad’ ang maraming taon ng buhay niya na nasayang lang?

Pero hindi niya maitatanggi, mahal niya ang kan'yang ina. Mahalaga ito sa kan'ya. At totoo ang pagmamalasakit na ipinadarama niya dito. Kaya nga alaga niya ang kalusugan nito. Regular niya itong ipinapa-check up sa doktor nito. Kaya rin siguro nagpasakop din siya dito. Kaya siguro ganoon lang din siya kadali na nagpa-domina sa mga kagustuhan at pagdidikta nito sa buhay niya.

Iniwan na siya ni Aling Adel sa terasa. Malalim na ang gabi pero nanatili siyang naroroon kahit waring naguguluhan siya ng mga sandaling iyon.

Totoo nga ba talaga ang mga narinig niya kay Aling Adel? Na umamin ng mga kasalanan sa kan'ya ang nanay niya? At nagsisisi ito? Na ibig humingi ng tawad sa kanya? Anong gagawin niya? Igagawad niya ba ang patawad dito? Tatanggapin niya ba ang pagsisisi nito? Ang dami niyang tanong. Na hindi niya alam kung paano sasagutin.

Parang kayhirap igawad ang kapatawaran. At mas mahirap kalimutan ang lahat ng ginawa nitong mali sa kanya. Mahal niya ang kan'yang ina, ngunit ang ginawa nito sa buhay niya – hindi katanggap-tanggap. Masisisi ba siya kung bakit ganoon ang nararamdaman niya?

Paano na nga siya kung mawala na ito? At paano rin siya sa kan'yang pagtanda? Sino ang makakasama niya? Sino ang mag-aalaga sa kanya?

“’Nay, bakit? Bakit, ‘Nay?” muli siyang napahagulgol.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
bakit parang mawawala na ung nanay ni Andrea..kawawa nman kapag mag-isa nlng sya
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER FOUR

    CHAPTER FOUR NAGPAS’YA nang pumasok si Andrea. Hatinggabi na. May klase pa siya bukas. Mabuti na lang, nakapag-advance siyang gumawa ng lesson plan niya para sa susunod na ilang araw.Sinilip niya pa muna ang ina sa k’warto nito. Himbing na himbing na ito. Parang gusto niya itong lapitan. Yakapin. Tabihan sa pagtulog ngunit pinigil niya ang sarili. Saka na siguro. Kapag handang-handa na siyang sabihin dito na pinatatawad niya na ito. Nagtungo na siya sa sariling silid. Umusal siya ng dasal bago nahiga. Isang panalangin na sana, baguhin ng Diyos ang puso niya na waring pinatigas na ng maraming hinanakit sa buhay.Ipikit-idilat niya ang mga mata pero madamot sa kan’ya ang antok. Hindi mawala sa isip niya ang mga ipinarating sa kan'ya ng ina sa pamamagitan ni Aling Adel. At bigla, kung bakit rumehistro uli sa utak niya ang imahe ng lalaking una at huli niyang minahal. Si Carlos.Dahil ba hanggang sa mga sandaling ito, naroroon pa rin ang panghihinayang sa kan'ya? Na hindi sila nito na

    Terakhir Diperbarui : 2023-05-03
  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER FIVE

    HINDI alam ni Andrea kung anong oras na siya nakatulog ng gabing iyon. Madaling araw nang maalimpungatan siya. Sinulyapan niya ang wall clock. Pasado alas tres pa lang. At ewan niya kung bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay tumatahip ang kan'yang dibdib. Pinakiramdaman niya ang paligid. Tila nakabibingi ang katahimikan.Bumangon siya. Nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Nasulyapan niya si Aling Adel sa karatig k’warto. Mahimbing pang natutulog ang matanda.Tinungo niya ang silid ng ina. Tila may nag-udyok sa kan’ya na lapitan ito. Pinagmasdan niya ito sa pagkakapikit nito. Naupo siya sa kama. Hinaplos niya ang braso nito. Kinuha niya ang dalawang kamay at ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. “’Nay,” bulong niya dito. “Mahal ko kayo.” aniya habang umiiyak na naman.Parang bata, tumabi siya sa ina at hinaplos pa ang pisngi nito. Naramdaman pa ng palad niya ang basang pisngi nito. Umiyak din ba ang nanay niya? Naantig ang kan’yang damdamin. Niyakap niya ito. Hinalikan sa

    Terakhir Diperbarui : 2023-05-06
  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SIX

    NANG gabing iyon, nauwi sa mas malalim na pag-iisip ang utak ni Andrea, ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na ang tungkol kay Aling Selya ang umo-okopa rito kun’di ang kagustuhan niyang magkaroon maski ng isang anak lamang. Mula sa lalaking nagtataglay ng magagandang katangian.Alam niyang mali ang pina-plano niyang iyon. Labag iyon sa kalooban ng Diyos, pero maiaalis ba sa kan’ya ang maghangad ng ikaliligaya niya ngayon? Ilang taon na rin siyang nagdurusa. Ilang taon na rin siyang nagtitiis sa kalungkutan mula nang pahinlutan niyang manipulahin ng nanay niya ang kan’yang buhay. At ngayong wala na ito, pagkakataon na'ng ang isipin niya naman ay ang tungkol sa sarili niyang kaligayahan. Kasalanan man iyon at kung parusahan man siya ng Diyos, bahala na. Basta, anoman ang mangyari, tutuparin niya ang pinaplano niya.Bago niya tuluyang ipinikit ang mga mata, buo na ang desisyon niya. At positibo ang magiging pananaw niya. Magkakaroon siya ng anak. At gagawin niya ang lahat upang matupad

    Terakhir Diperbarui : 2023-05-06
  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVEN

    KANINA pa nasa harap ng desk top computer niya si Andrea. Sa wakas, nakumbinsi na rin siya ni Meldy na gumawa ng account niya sa face&book.Noong una, ayaw niya sana na magkaroon ng anomang access sa kahit na anong social media app. Alam niya kasi kung gaano ka-epektibo ang internet sa buhay ng isang tao. Isang pindot o browse lang sa computer bubulaga na sa ‘yo ang maraming bagay na gusto mong malaman. At mayroon siyang gustong iwasan. Ang kan’yang nakaraan.Mahigit isang dekada na rin buhat nang makabalita siya ng tungkol kay Carlos. Huling impormasyon na narinig niya tungkol dito ay may asawa na raw ito. Kapwa OFW daw nito sa abroad ang napangasawa at may dalawa ng anak. May kirot pa rin siyang nadama nang malaman iyon dahil minsan nga sa buhay niya, pinangarap niya na si Carlos ang lalaking makakasama niya habangbuhay.Minsan ay inilarawan niya rin sa kan'yang imahinasyon na nakasuot siya ng trahe de boda. Naglalakad siya patungong altar habang ito ay buong kaligayahan na naghihin

    Terakhir Diperbarui : 2023-05-06
  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER EIGHT

    HINDI alam ni Vincent kung ano ang kahulugan ng nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Mula pa kanina, speechless na siya at walang malaman na sabihin.Si Trina…ang ex-girlfriend niya, kung bakit sa tinagal-tagal ng panahon na hindi niya na ito nakikita, kanina, nag-krus muli ang landas nilang dalawa. Ang masaklap, kasama pa nito ang taong pinaglalaanan na nito ng puso niya ngayon, o siguro, pinaglalaanan na ng buong buhay niya ngayon.Napahugot ng malalim na buntong-hininga ang binata. Ito ang hirap na binigyan niya pa ng day-off ang sarili sa araw na ito. Sana, isinubsob niya na lang uli ang ulo kanina sa trabaho. Sa pagbusisi ng mga transaks’yon nila na ibibiyahe patungong probinsiya sa isang linggo. Pero sa kakukulit ng assistant niyang si Joe, napahinuhod siya nito na magpahinga. At ayon nga, naisipan niyang pumunta ng mall para personal na mag-grocery.Inadya ba talaga ng pagkakataon na muli niyang makita ang dating nobya? Kasi, bakit ba dati-rati nama’y ipinakikisuyo niya n

    Terakhir Diperbarui : 2023-05-06
  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER NINE

    ABALA si Vincent sa pagki-create ng bagong designs sa maliit niyang private office nang kumatok doon ang sekretarya niyang si Edna. “Pasok.” aniya. “Yes, Edna?” hindi tumitingin na tanong niya. “Ire-remind ko lang boss, mamaya ang dating ni Atty. Lorenzo. Siya ang personal na pipili ng designs ng mga furnitures para sa soon to open niyang law firm.” Imporma ng mahigit treinta anyos na babae. “Ah, okay. Nag-usap na kami ni Joe tungkol diyan. Ipa-ready n’yo na rin ang showroom dahil ang alam ko, kasama niya rin ang kaibigan niyang abogado na interesado rin sa mga produkto natin.” “Yes, boss.” “At Edna,” tawag niya sa papalabas ng sekretarya. “Please update me sa mga bagong kliyente na nadagdag. Pag-aaralan ko kung kaya nating magbigay ng maganda-gandang discount para umulit sila sa atin.” “Speaking boss, may bago nga tayong kliyente from Sta.Rosa. Nagkainteres no’ng makita niya ‘yong ipi-nost ko last week. ‘Yong bed frame nating made in abaca. At ‘yong bamboo dresser natin. Asking

    Terakhir Diperbarui : 2023-05-07
  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER TEN

    LUMAPIT si Vincent kina Andrea at Meldy. “Miss D-domingo --- ?” inilahad pa nito ang kanang palad.“Ah, siya po iyon.” Mabilis na agap ni Meldy. Miss pa nga po siya. Ako nama’y misis na…!”Natawa ang binata. “Hindi halata.” Sagot nito kay Meldy.“Ay, sir! Kilig much here!” humagikgik pa si Meldy.Siniko uli ni Andrea ang kaibigan. Saglit itong pinandilatan ng mata.“Pasensiya na po uli kayo at ginabi na kami sa paghahatid nitong in-order ninyo. Bukod sa na-traffic kami kanina sa Manila, inuna kasi muna namin ang Canlubang sa urgent issue doon.”“O-okay lang. Bukas ko pa nga inaasahan ‘yan.”May inabot si Vincent kay Andrea upang papirmahan nang tumunog ang cellphone nito.“Ah, excuse me…!” paghingi ng paumanhin ng binata bago lumayo ng kaunti upang kausapin ang tumawag.Sinundan ito ng tanaw ni Andrea. Si Meldy naman at si Aling Adel ang nag-assist sa dalawang trabahador na ipinanhik na sa bahay ni Andrea ang mga gamit.“Sa ayaw at sa gusto n’yo kukunin ko ang bata, tapos ang usapan!”

    Terakhir Diperbarui : 2023-05-07
  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER ELEVEN

    NAUWI sa malalim na pag-iisip si Andrea matapos na may mabasa na isang komento sa post ng isang kaibigan ni Vincent sa f&b. Oo. Hindi talaga siya tumigil ng pag-diskubre sa halos lahat ng bagay tungkol sa binata. Maging ang mga kaibigan nito sa face&book ay ini-stalk niya upang magkaroon pa siya ng kahit kaunting impormasyon tungkol sa pagkatao nito, pero madalang ang mga bagay na iyon dahil hindi nga mahilig mag-face&book ang lalaki. Hanggang heto nga, sa araw na ito, may nabasa siyang isang komento mula sa post ng isang kaibigan nito. Birthday greetings para sa nagnga-ngalang ‘Fael’ ang nakita ni Andrea sa news feed ni Edna. Ang sekretarya ni Vincent na in-add friend niya sa f&b na nag-confirm naman agad sa friend request niya. Umaasa kasi siya na makakalap pa ng ilang mga bagay tungkol kay Vincent kaya siya nag-friend request dito. Masipag si Edna na mag-post ng mga produkto ng Team Vincent Furnitures sa iba-ibang social media sites partikular sa face&book. At hindi naman siya n

    Terakhir Diperbarui : 2023-05-08

Bab terbaru

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY EIGHT

    ANG WAKAS… SIKAT na ang araw nang magmulat ng mga mata niya si Andrea nang umagang iyon. Wala si Vincent sa tabi niya. Maging si Vince ay wala na rin sa kama nito. Naisip niya, marahil ay isinama ni Vincent na maglakad-lakad ang anak para bumili rin ng pandesal sa ‘di kalayuang bakery doon. Alam kasi nito na hindi kumpleto ang almusal niya pag walang pandesal na isinasawsaw niya lang sa mainit na kape. Pasado alas sais na ng umaga. Tinanghali siya ng gising kasi’y late na ring nakauwi si Vincent kagabi dahil pinagkatuwaan aniya ito ng mga kaibigan na bigyan ng bachelor’s party. Medyo napuyat siya sa paghihintay dito. Ngayong araw na ang kasal nila sa huwes na kasabay ng birthday niya. ‘Birthday niya…’ Ngayon. Napangiti si Andrea. This day is her 41st birthday. Akalain niya ba? Na sa edad niyang ito, makapag-aasawa pa pala siya? Na may lalaki pang magpapakasal sa kan’ya? At ang lalaking iyon ay pinakamamahal niya? Ito na ang pinakamasayang kaarawang dumating sa buong buhay niya.

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY SEVEN

    PAGKATAPOS ng senaryo na iyon sa memorial park, tahimik na umalis at umuwi na sina Vincent. Tila ba talo pa nila ang kasalukuyang sitwasyon ni Liz na sobrang nagluluksa sa pagkamatay ng asawa nito dahil ganoon na lamang ang palahaw nito kanina habang unti-unting ibinabaon ang kabiyak nito sa ilalim ng lupa.Sa kotse, habang nagmamaneho si Vincent, walang nagsasalita ni sinuman. Maging si Meldy na mahilig magbiro at magpatawa, tila ba hanggang sa mga sandaling iyon ay bigat na bigat pa rin ang kalooban sa nasaksihang tagpo kanina.Idinaan na muna ni Vincent ang mag-asawang Meldy at Toto sa hotel na tinutuluyan ng mga ito bago nila binagtas na muli ang direksyon pauwi.Hanggang sa makarating sila ng bahay, sobrang katahimikan pa rin ang namamayani kina Vincent at Andrea. Kaya lang nagkaroon uli ng conversation, nang sumalubong sa kanila si Edna habang karga ang tuwang-tuwa na si Vince pagkakita sa mga magulang nito.“Naku boss, Ma’m Andeng, kanina pa ‘to nangungulit sa katatanong sa in

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY SIX

    NAGISING kinabukasan si Andrea na magaan ang pakiramdam kahit may tensyon na nagpabigat ng dibdib niya nang nagdaang gabi.Bigla niya lang naisip, bakit nga pala hindi niya naitanong kay Vincent kagabi kung bakit hindi siya nito pormal na ipinakilala kay Trina? Sabagay, importante pa ba ‘yon? Kay Yuri man, sa naging girlfriend nitong Haponesa, kahit alam nito ang tungkol sa kan’ya, hindi rin naman siya ipinakilala ni Vincent sa ex nito na ‘yon. Pero hindi niya itatanggi, kahit paano, kwestyonable iyon sa kan’ya.Napabuntong-hininga ang dalagang ina. Hayaan niya na nga lang. Hindi na mahalaga ang bagay na iyon.Pinagmasdan niya ang lalaking pakakasalan. Himbing pa ito. Naghihilik pa nang mahina. Napangiti si Andrea. Ang sarap-sarap pagmasdan ng guwapong lalaking ito na tatay ng anak niya.Akalain niya ba? Na ang binatang ito na hinanap niya mahigit dalawang taon na ang nakalipas ay kapiling niya na ngayon? At pakakasalan siya?Higit sa lahat, minahal din siya…!Namasa sa luha ang mga m

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY FIVE

    BAGAMA’T pumayag siya na makipag-usap si Vincent kay Trina, hindi itatanggi ni Andrea sa sarili, nagseselos siya. Pero kailangan niyang pigilan ang damdaming iyon dahil naniniwala siya na tapos na talaga ang kabanata ni Trina sa buhay ni Vincent. May isa lang na ipinagkukukot na mabuti ng kalooban niya. Kung bakit hindi man lang siya nagawang ipakilala ni Vincent kanina sa dati nitong kasintahan. Na-excite ba ito nang muling makita si Trina? Nataranta, kaya nakalimutan nito na ‘ibida’ siya nito sa dating nobya na siya na ang babaeng pumalit sa kan’ya sa puso ni Vincent at siya nitong pakakasalan? Ibig mag-init ng mga mata ni Andrea sa pagdaramdam sa tatay ng anak niya. Sumulyap siya sa relo niya sa bisig. Mahigit kalahating oras nang wala si Vincent. Ang tagal naman yata nang pag-uusap ng dalawang iyon? Malinaw na sabi ni Vincent kanina, wala na silang dapat pag-usapan ni Trina. Pero bakit ang tagal na ay hindi pa ito bumabalik? Ibig sabihin, hindi totoo na wala na silang dapat pan

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY FOUR

    SA BUROL ng asawa ni Liz na si Mario, pormal na ipinakilala ni Vincent si Andrea sa mga kamag-anakan nilang naroroon. At katulad nang dapat asahan, nagulat at nagtaka ang lahat kung paanong nangyari na may anak na si Vincent bagay na hindi naman pinag-aksayahan ng panahon ng binata na ipaliwanag sa mga ito ang dahilan. Hindi niya ilalagay sa kahihiyan at lalong hindi niya hahayaang husgahan ng mga ito ang nanay ng kan’yang anak.Kaswal lang si Liz nang ipakilala ni Vincent si Andrea rito. Napansin ni Andrea na may pang-uuyam ang tingin nito sa kan’ya. Winalang bahala na lamang niya ang napansin na iyon sa tiyahin ng mapapangasawa, at sa halip, nag-abot pa rin siya rito ng pera bilang abuloy sa namayapa nitong asawa.“Salamat.” ani Liz kay Andrea nang abutin nito ang sobreng ibinigay ng dalaga. Matabang ang pagtanggap niya sa presensiya nito.Medyo malayo noon si Vincent at kausap ang isa nitong pinsan kaya nagkaroon ng pagkakataon si Liz na usisain ang dalagang ina, habang magkalapit

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY THREE

    LAKING pasasalamat ni Toto dahil isang linggo bago dumating ang bagyo ay nakaangkat na uli ng abaka ang Team Vincent kaya kaunti lamang ang mga tanim niyang nasira nang nagdaang bagyo. Nakaka-panghinayang din kahit paano pero ganoon talaga ang hanapbuhay. Minsan ay inaabot din ng pagsubok, ika niya. Ang mahalaga'y ligtas silang mag-anak.Masayang-masaya ang mag-asawa na dumating si Vincent, hindi lamang sa buhay ni Andrea kun’di maging sa buhay din nila. Isang biyayang maituturing ang isang katulad ni Vincent na kasalukuyan ding nagbibigay ng magandang kita sa kanilang hanapbuhay. At wala rin silang masasabi sa ipinakikita nitong kabutihan sa kanila.Napag-usapan na rin nila na tutulungan sila ni Vincent na magkaroon ng kotse. Si Vincent mismo ang nagpursige na makapundar si Toto ng magandang sasakyan na para rin sa pamilya niya. At cash iyon na babayaran ng binata na huhulugan na lamang ni Toto ayon sa kakayanan nito na wala ni bahagya mang tubo, kaya ganoon na lamang ang katuwaan n

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY TWO

    TUMAWAG si Meldy bago pa sila gumayak patungo sa plantasyon ng abaka ni Toto. Sarado aniya ang munisipyo nang araw na iyon, hindi lamang dahil Sabado kun’di busy din ang LGU sa pagresponde sa mga binagyo partikular sa ibang baryo o barangay na hindi nakapaghanda o nakalikas nang kasagsagan ng unos. At ang Mayor ng bayan, kasalukuyan pala itong may trangkaso bago pa man bumagyo kahapon. Out of town naman ang isang kilalang Judge na malapit lamang sana ang tirahan sa lugar na iyon, kaya hindi uubra na magpakasal sina Vincent at Andrea sa araw na iyon. “S-seryoso ka talaga na pakasalan ako ngayong araw? Kung posible na may magkakasal sa atin?” paniniyak pa ni Andrea kay Vincent. “Gusto ko nang magtampo, sweetheart. Bakit ba duda ka pa rin?” “K-kasi, pabigla-bigla ka naman diyan. Baka, binobola mo lang ako...” Niyakap ni Vincent si Andrea. “Ano pa bang patunay ang kailangan kong gawin o sabihin sa ‘yo para maniwala ka na mahal kita? Gusto mo bang ulitin natin ang senaryo natin kagabi

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY ONE

    “HALA, tanghali na talaga! Nakapagbukas kaya ng tindahan ang mga tao ko?” parang nataranta at biglang napaisip si Andrea. Dali-dali nitong binuksan ang pinto upang alamin kung bukas na ang grocery niya, nang bigla siyang magulat sa tumambad sa kan’ya. “M-meldy? Toto? Kanina pa kayo diyan?” “Mismo!” Nakairap na sagot ni Meldy. “Mabuti naman at sa wakas, gumising at bumangon na kayo at nagbukas na kayo ng bahay! Aba’y tirik na ang araw, a?” Nagpalinga-linga pa si Meldy sa loob ng bahay. “Mu’kang sumabay din kayo ni Vincent sa lakas ng bagyo kagabi, ah? Lovers in typhoon Urduja ang peg, huh? May panunuksong tinitigan pa nito ang kaibigan. “Nag-enjoy ka ba sa kandungan ni Papa Vincent, my friend?” Napahagikgik si Toto na nasa likuran lang ni Meldy. “Imelda, naman! Ang bunganga talaga nito kahit kelan…!” inis na sabi ni Andrea. Napalabas na si Vincent na karga-karga si Vince. “Pareng Toto, good morning! ‘Andiyan pala kayong mag-asawa. Kanina pa kayo?” “Tanghali na, Mr. Valderama.” Si

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY

    NANATILI sa kan’yang lakas ang unos na dinaranas ng probinsiya ng Catanduanes sa mga sandaling iyon. At ayon sa huling update ng PAG-ASA, namataan ang mata ng bagyo sa Sibuyan Island na nagsisilbing boundary ng Visayas at Bicol region.Patuloy pa rin sa pangangalit ang hangin at ulan sa labas. Marami na itong itinumbang mga puno at ilang poste ng kuryenteng halos bumagsak na rin sa pagkakatindig.Malalakas din at malalaki ang mga alon na humahampas sa dalampasigan. Good thing, umaga pa lang naman nang araw na iyon, kahit wala pang signal warning mula sa ahensyang responsable sa weather forecast, pinalikas na ng LGU ang mga residente roon partikular nga ang mga nakatira malapit sa baybayin.Sa barangay naman nina Andrea, nasanay nang laging handa ang mga residente roon sa ganitong sitwasyon, dahil normal na nga sa kanila ang dalawin lagi ng masamang panahon.Napaghandaan na nila ang kalamidad na tulad noon na paulit-ulit na humahagupit sa kanilang probinsiya.Matitibay ang pagkakagawa

DMCA.com Protection Status