“Ni hindi niyo nga ako dinalaw sa kulungan sa loob man lang ng isang taon. Pinakiusapan ko kayo na sana alagaan niyo si Mamay habang wala ako. Ang iniwan kong pera tinakbo niyo. Ako pa ngayon ang bastos at makasarili?” hindi makapaniwala na usal niya. “Hoy, babae! Hindi namin kasalanan kung nakulong ka. Inalagaan naman si Mama kahit papaano, ah? Ang sabihin mo madamot ka at gahaman ka sa pera!” sigaw ng tiyahin niya.“Hindi ako gahamang kagaya niyo. Na walang ibang iniisip kundi pera lang!” sigaw niya pa, wala na siyang pakialam kung marinig pa ng mga kasambahay. Alam naman nila kung gaano ka gulo ang buhay na mayroon siya.“Madamot kang putang ina ka!” akmang sasapalin siya ng tiyuhin nang biglang humarang si Lance. Mapakurap siya sa gulat, hindi niya aakalain na ihaharang ni Lance ang sarili. Ito ang tinamaang ng sampal ng tiyuhin niya. Hindi niya alam at napansin ang presensya ni Lance, masyado siyang nadadala sa emosyon niya.“Mawalang galang na ‘ho. Pero hindi po kami mangingi
Hendrix Levian Leviste–her first love. Her ex-fiance. Simula pagkabata ay magkakilala na sila dahil malapit na magkaibigan ang mga ama nila. At nang mag doce anyos siya ay tinatak ng mga magulang niya na silang dalawa ni Hendrix ang nakatadhana. Mas lalo siyang nahulog sa binata dahil sa kabaitan nito–he treated her with kindness and affection. Kaya para sa kanya wala ng iba pang nababagay para kay Hendrix kundi siya lang. Ngunit dumating ang hindi inaasahang pangyayari. Bumangga ang sinasakyan nilang kotse, Hendrix got comatosed and she suffered paralyzation. At doon nagbago ang takbo ng lahat. Arabella came into the picture and married Hendrix. At doon nagsimula ang impyerno ng buhay ni Abegail. “Hi,” bati niya kay Hendrix. “Why are you here?” tanong nito sa kanya. Lumabi siya, “I missed you, Hendrix. I haven’t seen you for a while now. Wala naman sigurong masama kung dalawin kita dito ‘di ba? As far as I know, Tita Mommy and Tito Daddy isn’t here.”He sighed, “Hindi iyon ang
“Nanay Martha,” tawag ni Hendrix sa katiwala. “Bakit, ‘nak?” Anak ang turing nito sa kanya at matagal na rin itong naninilbihan sa pamilya nila. Kaya anak ang tawag nito sa kanya. Lumaki siya sa pangangalaga nito dahil ang mga magulang niya ay abala sa negosyo ng pamilya nila. “Nasaan ang asawa ko?” tanong niya rito. Ininat niya pa ang paa niya. He’s doing well, mukhang malapit ng gumaling ang mga binti niya dahil na i-aapak na niya at naigagalaw. Nabuburyo na siya sa bahay. Hindi siya sanay na walang trabaho at ginagawa. Madalas naman na dumalaw ang kababata niyang si Abegail kaya may pinagkakaabalahan siya. Nais niya sanang igugol ang oras niya sa asawa ngunit hindi niya matanggihan ang kaibigan niya. Abegail is a precious friend for him. Mahina rin ang puso nito kaya ayaw niyang nalulungkot ito. Nagkibit-balikat si Nanay Martha, “Aba malay ko. Asawa mo ‘yon. Hindi ba kayo tabing matulog?”Umiling siya, “Hindi kami tabi matulog. She insisted on sleeping in the guest room.”Wala
“Good Morning, baby!” malambing niyang bati sa alagang si Khalid. First day niya ngayon sa mga De Ayala. Ang numerong ibinigay sa kanya ay tinawagan niya. Mabilis siyang sinundo ng mga tauhan ni Mr. Yohan De Ayala. Hindi na niya naabutan si Mr. Yohan dahil maaga raw itong yumakag. Ngunit ipinaghabilin naman siya sa butler nito.Mainit ang pagtanggap ng mga tauhan sa kanya kaya wala siyang naramdaman na pagkailang. Iginiya siya sa silid ni Khalid. Nadatnan niya ang paslit na tulog na tulog pa. Medyo maayos na rin ang kulay nito, hindi na gaanong maputlan. Kinusot-kusot nito ang mata saka unti-unting dumilat. Tulala ito… saglit pa bago rumhestro sa utak nito. Namilog ang singkit nitong mga mata at mabilis siyang niyakap. “Mommy!” tuwang-tuwang anas nito at niyakap siya nang mahigpit. “I miss you!”“I miss you too, beh!” nakangiting wika niya pa. Humiwalay ang paslit sa pagkakayakap sa kanya. Hindi maalis sa labi nito ang ngiti, ang mga mata nito ay kumikislap sa tuwa. Sa mga nagdaan
“Good morning, Sir!” bati ni Mark sa among si Hendrix.Tinanguan niya ito, “Mark, I have a task for you.”Lumunok si Mark dahil sa kaba, “A-ano po ‘yon, Sir?”Kinakabahan siya sa ekspresyon na mayroon ang boss niya. Mas magulo pa sa babae ang utak na mayroon si Hendrix Levian Leviste. Mahirap intindihin at kahit papaano ay tumagal siya rito ng ilang taon. Kung hindi lang dahil sa laki ng pasahod nito ay walang magtatagal na sekretarya rito. Pabago-bago ang timpla nito at madalas galit sa mundo. “I want you to investigate my wife’s new employer,” mariin nitong utos. Napaawang ang labi ni Marks sa gulat, “May I know the name, Sir?”Pinatunog nito ang mga daliri at prenteng sumandal sa backrest ng swivel chair nito, “I don’t know. That’s why I am telling you to investigate. Now, leave. You have a day to find out or else I will fire you.”“Y-yes, Sir.”Ngumiti siya at mabilis na lumabas sa opisina nito. Nang maisara ang pinto ay napahilamos na lamang si Mark sa mukha dahil sa utos ng am
Hindi niya lubos maisip na pinasundan siya ni Hendrix. Hiyang-hiya siya sa among si Yohan, hindi niya rin kasi nasabi rito kung sino ang asawa niya. Wala rin siyang balak sanang sabihin pero wala siyang nagawa kundi umamin rito sa tunay niyang katauhan na hindi naman sana importante kung hindi lang tinutubuan ng kabaliwan ang asawa niya. “Pasensya ka na, Sir. Hiyang-hiya po ako sa ginawa ng sekretary nga asawa ko,” paliwanag niya pa.“I didn’t know you’re married,” wika nito na mas ikinatakot niya. She sighed, “I-I didn’t intend to deceive you or anything, Sir.” “Who’s your husband?” tanong nito. Wala siyang magawa kundi sagutin iyon. Kahit para sa kanya ay hindi importante iyon, ngunit dahil sa katarantaduhan ni Mark o mas tamang sabihin ni Hendrix ay nagalit ito. “My husband is Hendrix Leviste,” sagot niya pa animo’y nasa isa siyang oral recitation.“Oh,” gulat na wika nito tumukhim ito. “Hindi mo naman pala kailangan ang trabahong ‘to. Your husband is a billionaire. He comes f
“Mommy!” irit ni Khalid nang makababa sila sa sasakyan. Nasa hospital kasi sila ngayon para sa weekly check up ng bata. Ayaw magpa-check up ni Khalid–kahit sino naman yatang bata ayaw talaga sa doctor. Ngunit wala silang magagawa dahil kailangan imonitor ang kalagayan ni Khalid.“I don’t want to go!” palahaw nito. Inalo-alo niya ang paslit, “Kailangan bebe ko, e. Alam mo naman na hindi pa ikaw magaling and kailangan mo pa i-check ng doctor. Makinig ka mabuti, please? Gusto ko gumaling ka kaya need natin magpatingin sa doctor today.”“But they will hurt me again,” iyak nito. Napa awang ang labi niya sa narinig. Nakaramdam siya ng awa sa mumunting paslit. Sa pagkakaalam niya ay halos kada buwan na-hospital si Khalid. Sakitin raw kasi ito simula ng isilang. And to think the kid is afraid of being hurt, it broke her heart. “Bebe ko… the nurses and doctors aren’t hurting you but helping you to get better. Kasi if they will not help you. Your sickness might get worse,” katwiran niya. N
“Sorry po talaga, Sir. Nalingat lang po ako saglit,” hinging paumanhin ni Arabella kay Yohan De Ayala. Bumuntong hininga si Yohan, “No. Hindi mo kasalanan ‘yon. What happened today was that bitch faults.”“Kung hindi ho sana ako nalingat kanina. Hindi sana mangyayari iyon.”Umiling ito, “Stop blaming yourself. Khalid’s a bit different from others. Lalo na kung magtantrums ito. So it’s not your fault.”Nagpaalam si Yohan na may biglaang pupuntahan kaya siya ang naiwan sa bata. Hindi na siya nag-usisa pa, labas naman siya sa kung anuman ang gagawin ni Yohan. Nakatulog sa kaiiyak si Khalid. Hindi na sila tumuloy na lumabas dahil mukhang napagod ang bata sa pag-iyak. Sinundo rin sila ni Yohan at kinuwento niya ang nangyari. Ayaw niyang ilihim iyon. At ang pinaka mas ikinababahala niya ay tungkol kay Abegail. Alam niyang masama ang budhi nito lalo na sa kanya–given the fact the she married Hendrix instead of her. Pero pati bata sasaktan nito? Gaano ba ka itim ang budhi nito? “Mommy,” h
Napatingin si Arabella nang bumukas ang pinto. Nagbabakasakali na ang asawa niya ang dumating. And to her dismay, it wasn’t her husband. Kundi ang doktor, pilit siyang ngumiti nang magtama ang mata nila. “You’re disappointed when you saw me,” Komento ng doktor. Umiling si Arabella, nahihiyang umamin na dismayado talaga siya nang makita ang doktor.“H-Hindi naman, Dok.” Umiling lang ang doktor. Huminto ito sa harap niya at may hawak-hawak na chart. Kunot ang noo ng doktor habang may bunabasa sa charts nito. Napatitig naman si Arabella rito, it was Khalid’s doctor. “You’ll be discharged this afternoon. Reresitahan kita nga mga vitamins at appetite stimulant. Masyadong mababa ang timbang mo. At kulang na kulang sa bitamina, halatang hindi ka rin halos nasisikatan ng araw. At mataas ang stress level mo, and I suggest you to exercise, nakakatulong rin ‘yan kapag hindi ka makatulog.” Buong magdamag kasi ay gising si Arabella. Hindi siya makatulog kahit anong pilit niya. Hanggang nama
Tulala si Hendrix habang pinagmamasdan si Abegail, mahimbing ang tulog nito. Kasalukuyan silang nasa hospital. Dinala niya si Abegail matapos mahimatay ito sa kaiiyak. Kinailangan niyang siguruhin na ayos ito at walang nainom na gamot. At ayon naman sa mga doktor ay ayos naman si Abegail. Stress lang daw ito at dehydrated. Hendrix sighed. Ilang oras na siyang naroon at hindi niya maiwanan si Abegail dahil hindi pa dumadating ang ina nito. Sumulyap si Hendrix sa wallclock, alas siete na ng gabi. Kaya pala gutom na gutom na siya ngunit hindi niya magawang iwanan si Abegail dahil baka magising ito.Kinapa ni Hendrix sa bulsa niya ang cellphone niya, napatayo siya nang wala roon ang cellphone niya. Sa pagkakaalala niya ay nailagay niya iyon sa bulsa niya. Hindi niya pa natatawagan si Haniel ulit, naitext niya lang ito kanina na nagtangkang magpakamatay si Abegail at kailangan na muna niya itong samahan. Pati na rin ang asawa niya ay hindi niya alam kung nakauwi na ba ito sa mansyon at ku
“Wala ba kayong na-retrieve na ebidensya?” “Unfortunate, Sir. Nakatakas ang mga kriminal at wala kaming nahanap na ebidensya maliban sa kotseng inabandona na inarkila palal nila. But don’t worry, we are working hard to find the real mastermind of this case. At habang wala pang lead na nakukuha ay pinapangako ng organisasyon namin na poprotektahan namin ang buong pamilya niyo sa abot ng aming makakaya.” Naalimpungatan si Arabella nang marinig ang mga boses na ‘yon. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at kumunot ang noo niya nang makita ang puting kisame. Pupungas-pungas pa siya. Sinubukan niyang maupo ngunit nakaramdam siya ng hilo kaya muli siyang humiga.“H’wag ka munang gumalaw, Ate.” Napatingin siya sa gawi kung saan nagmula ang boses. She squinted her eyes, adjusting her eyes sight from the light. Napaawang ang labi niya nang makita si Haniel na nasa tabi niya. Katabi nito ang hindi pamilya nalalaki. “Nasaan ako?” She groggily asked. “Water please.” Anas niya nang maramdaman a
“Hendrix! Hendrix! Hendrix!” Usal ni Abegail habang nakatingin sa litrato ni Hendrix. Kanina pa siya nakaharap roon. Naghihintay siya ng magandang balita mula sa mga tauhan niya. Ngayong araw ang pinakahihintay niya. Nagbago ang takbo ng plano ni Abegail. What she wanted is to kill Arabella. Kailangan ng mawala ni Arabella. Dahil hangga’t naroon ito ay hinding-hindi mababawi ni Abegail ang puwesto niya bilang misis Leviste. Kakatapos lang niyang tawagan si Hendrix at alam niyang nagkukumahog na ito papunta sa kanya. Alam niyang natatakot si Hendrix na saktan niya ang sarili niya. At kinukonsensya rin ni Abegail si Hendrix upang magkukumahog ito na magpunta sa kanya. Nakahanda rin ang gamot na kunwaring iinumin niya pagdating ni Hendrix para mas maging makatotohanan ang pag-arte niya. At mas lalong matakot si Hendrix na iwanan siya.Tumunog ang cellphone ni Abegail sa drawer at agad niyang pinaandar ang wheelchair niya. At nagtungo roon at mabilis na kinuha iyon. Sumilay ang ngiti s
Panatag si Hendrix na walang mangyayaring masama kay Arabella. Lingid sa kaalaman ni Arabella ay may nakausap na niya ang isang pribadong organisasyon na bantayan si Arabella nang hindi nito nalalaman. Lahat ng pamilya nila ay may naka-assign na tauhan upang protektahan ang mga ito. Kahit si Hendrix ay mayroon rin. Hanggang ngayon ay wala pa ring lead sa kaso ng kanyang ama at sa kaso nila ni Arabella. Wala pa ring matukoy na suspect kung sino ang nais magpapatay sa kanila. Nang malaman iyon ni Hendrix ay hindi siya mapakali lalong-lalo na para sa asawa niya. Hindi niya kakayanin kung may mangyari pa kay Arabella. “A got inside the cab.” Iyong ang report ng tauhan ni Hendrix. Muling bumalik ang tingin ni Hendrix sa mga magulang na parehong nakahiga sa kama. Naiintindihan ni Hendrix kung gaano ka na missed ng Mommy ang Daddy niya. Matagal nang kasal ang mga magulang niya, halos mag tatatlumpung taon na kasal ang mga ito at kahit kailan ay hindi nawalay nang matagal sa isa’t-isa. “K
Lulan ng taxi si Arabella. Lumilipad ang isip niya kung saan-saan. She’s weighing things, whether she would stay or not. Bumuntong hininga siya at tumingin sa bintana. Wala siyang balak umuwi muna sa mansyon. Kailangan niyang mag-isip kaya pupunta muna siya sa puntod ng mga magulang. Matagal na rin kasi niyang hindi nadadalaw ang mga ito. Sa isang taon ay isang beses niya lamang na dadalaw ang mga ito at iyon ay tuwing undas pero ngayon pakiramdam niya ay don niya mahahanap ang kapayapaan na gusto niyang malasap. Hindi niya personal na kilala ang mga magulang niya dahil sanggol pa lang siya ng iwan ng mga ito. At naaksidente ang sinasakyang bus ng mga ito pabalik sa syudad. Tanging sa litrato niya lang nakita ang mga ito at sa mga kwento ng Lola Mamay niya. “Ma’am,” tawag ng driver kay Arabella. Napatingin si Arabella rito sa may rear view mirror. Pansin niyang pinagpapawisan ang driver kahit malakas naman ang buga ng aircon ng sasakyan. Kumunot ang ni Arabella. Napaupo siya ng tuw
Arabella pulled her hand away. Napatingin sa kanya sa si Hendrix.“Why? What’s wrong?” Sumulyap si Arabella sa pamilya ni Hendrix. Abala ang mga ito sa pakikipag-usap kay Gabriel Leviste. Sa awa ng Diyos ay walang naging komplikasyon ang padre de familia ng mga Leviste. Isang himala raw ang naging mabilis na recovery ng katawan nito. However, Gabriel needs to undergo various test to be sure. At kailangan muna nitong umiwas sa trabaho ng isa o dalawang buwan. “Naiihi ako,” Pabulong na wika ni Hendrix. “Sasama ako,” Mabilis na ani ni Hendrix.Pinanlakihan ni Arabella ng mata ang asawa, “Are you crazy? May banyo rito sa private room ng Daddy mo. Ano sasama ka sa ‘kin sa loob?” Nilibot ni Hendrix ang tingin sa buong silid at nang makita niya na may banyo nga ay nakahinga ito nang maluwag. Bumitaw si Hendrix sa pagkakahawak sa kamay ni Arabella. Nagmamadali na nagtungo si Arabella sa banyo at naiwan ang mag-anak na Leviste sa silid.“I am glad your relationship with your wife is great,
“Ano ba!” Sigaw ni Anna nang bungguin siya ng isa sa kasambahay nila. Mabilis na yumuko ang kasambahay, “S-Sorry, Ma’am. H-Hindi ko po sinasadya.” “Ang laki-laki ng bahay. Tatanga-tanga kung maglakad! Tumingin ka nga sa dinadaan mo! My God!” Iritadong wika ni Anna at agad na tinalikuran ang tangang kasambahay nila. Naglakad siya palabas sa bahay nila at suminyas sa isa sa tauhan nila na buksan ang pinto ng kotse. Umagang-umaga pa lang ay iritado na agad si Anna, bumungad sa kanya ang balitang gising na si Gabriel Leviste. Wala namang balak patayin ni Anna si Gabriel Leviste. Ang balak lang naman talaga niya ay takutin ito ngunit mas nadagdagan ang inis ni Anna sa pamilyang Leviste dahil umuwi ang anak niya na luhaan noong nakaraan. Telling her that Hendrix had a complete 360 attitude.Iyak nang iyak si Abegail nitong mga nagdaang araw at natatakot si Anna na mag-isip na naman na magpatiwakal si Abegail. It’s the lasting Anna wants her daughter to do. Mahal na mahal ni Abegail si He
Pangiti-ngiti si Lara habang nagluluto ng agahan. Siya na mismo ang nagluto dahil pakiramdam niya ay ito na ang magiging simula nang bagong buhay ng pamilya niya. She flipped the pancake she made. Iyon ang madalas kainin ng mga anak niya noong mga bata pa ito. Lalong lalo na si Haniel, gustong-gusto nito ang pancake sa hugis na puso.“Manang,” Tawag ni Lara kay Nanay Martha. “Pakitimplahan naman iyong sabaw. Alam niyo na Manang. Baka maghanap ng sabaw iyong magkapatid.”Si Lara rin mismo ang naghiwa ng mga prutas at gumawa rin siya ng juice. ITo ang unang beses na muli niyang inasikaso ng mga anak niya. Simula nang tumuntong ang mga ito sa diece ocho ay unti-unti nang bumukod sa kanilang mag-asawa ang mga bata. At nabubuo lang ang pamilya nila tuwing may okasyon.“Ayos na ito, Ma’am.” “Good,” Nakangiting sagot ni Lara at nagpatuloy sa pagluluto ng pancake. Sumulyap si Lara sa wallclock na nakasabit sa pader. “Manang paki gising na nga rin ang mga bata. Alas nueve na ng umaga hindi p