“Sorry po talaga, Sir. Nalingat lang po ako saglit,” hinging paumanhin ni Arabella kay Yohan De Ayala. Bumuntong hininga si Yohan, “No. Hindi mo kasalanan ‘yon. What happened today was that bitch faults.”“Kung hindi ho sana ako nalingat kanina. Hindi sana mangyayari iyon.”Umiling ito, “Stop blaming yourself. Khalid’s a bit different from others. Lalo na kung magtantrums ito. So it’s not your fault.”Nagpaalam si Yohan na may biglaang pupuntahan kaya siya ang naiwan sa bata. Hindi na siya nag-usisa pa, labas naman siya sa kung anuman ang gagawin ni Yohan. Nakatulog sa kaiiyak si Khalid. Hindi na sila tumuloy na lumabas dahil mukhang napagod ang bata sa pag-iyak. Sinundo rin sila ni Yohan at kinuwento niya ang nangyari. Ayaw niyang ilihim iyon. At ang pinaka mas ikinababahala niya ay tungkol kay Abegail. Alam niyang masama ang budhi nito lalo na sa kanya–given the fact the she married Hendrix instead of her. Pero pati bata sasaktan nito? Gaano ba ka itim ang budhi nito? “Mommy,” h
Buong magdamag hindi umuwi ang asawa ni Hendrix. Hindi siya mapakali, lalo pa’t nagtatrabaho si Arabella kay Yohan. Walang tiwala si Hendrix sa lalaki, lalo pa’t sa hilatsa nito ay hindi mapapagkatiwalan. At ang asawa niya ay madaling mamanipula kaya nag-aalala si Hendrix. Kagagaling lang ni Arabella sa kulungan at kamamatay lang ng Lola Mamay nito.“What?” iritadong asik ng kaibigan ni Hendrix na si Eos. “Do you know what time it is, Hendrix? What the fuck is wrong with you!”“Shut up, Dude. I need you to help me,” iritadong wika nito.“What the fuck! Are you high?”Kumunot ang noo ni Hendrix sa narinig, “Of course not! I told you I am asking for your help.”“Hmm. Nothing is free in the world anymore, Hendrix.”“I know. I will pay, mukha ka talagang pera!” Malakas na tawa ang narinig ni Hendrix mula sa kabilang linya. Matagal-tagal na rin silang magkaibigan ni Eos at alam niyang maaasahan niya ang kaibigan. Kababalik rin lang ni Eos mula misyon kaya ngayon niya lang ito nahagilap ma
Napatakip ng bibig si Arabella, hindi niya sinasadyang masukahan si Hendrix. Mabilis siyang ibinaba ni Hendrix. Hindi maipinta ang mukha ng lalaki habang nakatingin kay Arabella. Mabilis na kumapit si Khalid kay Arabella.“What the hell, Arabella!” nagngingitngit na reklamo ni Hendrix.Napangiwi si Arabella, ramdam niya pa ang pait na gumuguhit sa lalamunan niya. Saglit pa nang makabawi si Arabella, sinalubong niya ang masamang tingin ng asawang si Hendrix. “I told you ibaba mo ako but you didn’t listen. Pinairal mo ang—” tinakpan niya ang tenga ni Khalid na nakakapit sa kanya. “Ang pagiging gago mo!”Hiyang-hiya siya dahil nasukahan niya ang asawa ngunit hindi naman niya kasalanan iyon dahil matigas pa sa semento ang ulo ni Hendrix. Kung sana nakinig ito sa kanya hindi sana niya ito masusukahan.“Khalid!” Napalingon silang mag-asawa nang marinig ang boses ni Yohan, kunot ang noo nito. Huminto ito sa harap nila. Yohan De Ayala sighed as he saw his son clinging to Arabella. “Khalid,
Kunot ang noo ni Abegail nang hindi niya ma-contact si Hendrix. Madalas ay isang tawag niya lang ay nagkukumahog ito na puntahan siya. Ngayong araw ay nakailang tawag na siya ay hindi pa rin sinasagot nito ang tawag niya. Sa inis ay ibinato ni Abegail ang hawak na cellphone niya. Hindi siya mapakali! Iba ang pakiramdam niya ngayong araw! Mabilis siyang tumawag sa opisina ni Hendrix, ngunit wala ring sumasagot roon. Mas lalong nagngingitngit sa galit si Abegail. Napasigaw siya sa inis. Marahas na bumukas ang pinto at iniluwa ang ina niyang puno ng pag-alala. “What happened, Baby?” nagkukumahog na nagtungo kay Abegail ang inang si Anna. Hindi mapigilang mapa luha ni Abegail, “Mom! I can’t contact ni Hendrix. He might be with his criminal wife! Sana pala, pinapatay na lamang natin siya sa loob, Mommy!”“Baby! You can’t say that recklessly, baka may makarinig,” saway ng ina niya. Humingang malalim si Anna saka niyakap ang anak na umiiyak. “I told you right? You shouldn’t talk about wha
Napaungol si Arabella nang makaramdam ng uhaw. Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya. Puting kisame ang bumungad sa kanya. Sinubukan niyang ibuka ang kanyang bibig ngunit walang lumalabas na boses mula sa kanya. Sinubukan niyang igalaw ang buong katawan niya ngunit hindi niya maigalaw. May nakita siyang babaeng dumungaw sa kanya ngunit hindi niya kilala. May dumating ring ibang tao at chi-neck si Arabella. Hindi pa rin siya makapagsalita at makagalaw kaya kurap lang ang tanging nagagawa niya. Walang maintindihan si Arabella sa mga nangyayari. Bumukas ang pinto, iniluwa ang isang may edad na babae, kasunod nito ang asawa nito. Nagpupuyos sa galit ang mga mata nito at huminto sa harapan niya at malakas na sinampal si Arabella. Napatulala si Arabella at hindi maalala kung sino ang babaeng nasa harapan niya. “You put my son in danger! Alam mo bang hanggang ngayon hindi pa rin gumigising si Hendrix?! Samantalang ikaw ay buhay na buhay na! I let you marry my son to save him from the
Isang linggo na sa hospital si Arabella simula nang magising siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang asawa niya kuno. Araw-araw siyang tumatambay sa silid nito at umaalis lang siya sa tuwing dumadating ang biyenan niyang babae. Gusto nang umuwi ni Arabella ngunit hindi niya alam kung saan siya kukuha ng ibabayad sa mga bills at kung saan siya uuwi. Ang sabi ng doctor ang memoryang mayroon siya ay nasa quince anyos pa lamang siya. Kaya ang posibleng tinitirhan niya noon ay wala na ngayon at ang pinakamasakit sa lahat ay wala na ang Lola Mamay niya. Hindi niya pa nadadalaw ang puntod nito dahil hindi pa siya makaalis sa hospital. Napatayo nang tuwid si Arabella nang makarinig ng katok mula sa pinto. “Pasok,” wika pa ni Arabella. Bumukas ang pinto napalunok siya nang makitang pumasok ang biyenan niyang lalaki. “Hija,” wika nito nang maisara ang pinto. Napatayo si Arabella, “M-magandang umaga po, Sir.”Tumango ito, naglakad ito papalapit kay Arabella at huminto sa har
“Ellen!” saway ni Arabella rito, luminga linga si Arabella baka muling tumingin kay Ellen. “Baka may makarinig sa ‘yo.”“Hindi naman siguro pupunta rito Madame Lara,” kabado ring wika ni Ellen kaya natawa si Arabella. “Pero kung darating siya, iba talaga ang powers niya kung ganun man!” “Hindi naman siguro pupunta iyon dito. Ang akin lang, baka may makarinig na iba at magsumbong sa kanya. Mahirap na,” wika ni Arabella. “Ay wala namang magsusumbong dito siguro, Arabella. Alam naman ng lahat kung gaano ka…” hininaan ni Ellen ang boses nito. “Sama ang budhi ng pamilyang ‘to. Kaya nga bilib ako sa ‘yo at hindi ka nahawaan, eh! Mabait ka pa rin kahit ang daming umaapi sa ‘yo dito. Minsan ang sarap mong gawan ng rebulto, Teh! Sa sobrang bait mo inaabuso ka na,” umirap pa si Ellen.Wala sa bokabularyo no Arabella ang makipag-away, kung maaari ay umiiwas siya sa gulo. Ayaw niyang madawit sa kung anong away na wala namang katuturan. Pero ang marinig naa hinahayaan niya ang sariling apihin ng
“Asa’n ba ang babaeng ‘yon?” inis na wika ni Lara Leviste. Pabalik-balik siya na naglalakad, hindi mapakali. “Hindi man lang ba magkukusa ang babaeng iyon? Walang utang na loob! Paano niya nagagawang humilata sa kama habang asawa niya na anak natin ay nakaratay at walang malay–”“Lara,” saway ni Gabriel Leviste sa asawa nito.“What? Kinakampihan mo ba ang babaeng ‘yon?” naningkit ang mga mata ni Lara Leviste sa inis, hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang tono ng asawa niyang si Gabriel. “I am a mother Gabriel! Sinong magulang ang matutuwang makita ang anak na nakaratay sa kama at hanggang ngayon wala pang malay? Habang ang asawa niya ay buhay na buhay at walang pakialam sa kanya?” “Lara!” dumagundong ang boses ni Gabriel sa buong silid. Kumunot ang noo ni Lara Leviste at inirapan ang asawa niya, “Bakit ka nagagalit? Hindi ka ba naiinis kay Arabella? Gising siya at ang asawa niya–anak natin! Ay hindi pa rin minumulat ang kanyang mata!” Napahilamos sa mukha sa inis si Gabriel,
Nagising si Arabella na wala sa tabi niya si Hendrix. Matapos kasi nilang mag-dinner kagabi ay plakda siya. Hindi niya rin kaya ang trip ng pamilya ng asawa niya. Nagbihis muna siya bago bumaba at naabutan niya sa salas si Hendrix na masinsinang kausap ang kapatid niya. Napatingin kay Arabella ang magkapatid. Tinaasan niya lang ng kilay ang mga ito. Pansin niya na wala roon ang biyenan niya kaya laking ginhawa ang nararamdaman niya. Tumayo si Hendrix at agad siyang dinaluhan. Inalalayan siyang makababa sa huling baitang ng hagdan.“You should eat. Hindi kita ginising dahil mukhang pagod ka and you needed rest,” Hendrix said. “Ah. Okay,” Arabella answered. Naglakad papunta sa kusina si Arabella. Nasa gilid niya pa rin si Hendrix kaya napalingon siya rito, “We will be leaving today.”Doon lang nakuha ni Hendrix ang atensyon ni Arabella. Dahan-dahan siyang bumaling sa gawi nito, “Anong ibig mong sabihin?”“Like I said last night. We will visit, Dad.” Kumunot ang noo ni Arabella, “
Unang gabi palang ni Lara Leviste sa mansyon pero nangungunsimi ni si Arabella. Hindi siya makakilos dahil panay ito bantay sa kanya. Kakauwi lang nito galing sa hospital at eksaktong hapunan ito dumating kaya kasabay ito nila Hendrix na kumain. Masakit pa ang leeg at balakang niya nanunuot pa ang mga irap ni Lara sa kanya. Ano na naman kayang kinainis nito sa kanya at bakit panay irap na naman ito sa kanya. Wala naman siyang ginawa rito.“Stop glaring at Arabella, Mom.” Saway ni Hendrix, napansin pala nito ang matalim na titig ni Lara kay Arabella. Tahimik lang na ngumuya-nguya si Arabella, pinaghihimay rin siya ni Hendrix ng karne. Hinayaan naniya at hindi na siya nagreklamo. Kulang pang kabayaran ang paghimay nito ng karne para sa kanya. Baka nga habang-buhay na pang-aalipin ay kulang pa rin. “I am not doing anything, Hendrix.” Katwiran ni Lara. “Tayo ang may problema, Mom. Hindi kayo ng asawa ko. Arabella never did anything,” Giit ni Hendrix. “Ikaw ang nagsinungaling sa ‘kin a
Araw-araw sinusubok ang pasensya ni Arabella. Hindi niya aakalain na mas magiging mahirap ang lahat dahil sa paglipat ni Lara ay mas lalo pang gumulo ang lahat. At nalaman na rin ni Hendrix ang buong katotohanan. Idagdag pa ang pagkakabangga ni Arabella sa pinto nang makita niyang nasa silid pala ni si Hendrix. Hilong-hilo si Arabella habang nakabulagta sa sahig. Gusto niyang maiyak sa sakit ng ulo niya. Hindi niya aakalain na mamapupunta siya sa nakakahiyang tagpo. “Arabella!” Dali-daling dinaluhan ni Hendrix ang nakahigang si Arabella. Sapu-sapo ni Arabella ang noo niya, pakiramdam niya ay nagkabukol siya dahil sa pagkakabangga. Mabilis siyang nagmulat ng mata nang maalala na nakahubo’t hubad pala siya. “Umalis ka nga!” Sigaw ni Arabella. “Shit! H’wag na h’wag mong titignan ang katawan kong hayop ka!” “I am not!” Giit ni Hendrix, ngunit ang totoo ay titig na titig ito sa kahubaran ng asawa niya.It’s been a while since the last time they slept together. Kahit anong pigil ni Hen
Sa isang coffee shop ay prenteng nakaupo si Abegail sa sulok. Solong-solo niya ang buong coffee shop sa isang araw. Binayaran niya ang may-ari upang arkilahin ito, isa itong coffee shop tatlong oras mula sa bahay nila. At sinigurado rin ni abegail na tago ang shop na iyon at wala halos dumadaan na tao. Prenteng sumimsim ito sa iced coffee na in-order nito. Nasa labas ng shop naghihintay ang dalawang guards niya. Suot-suot niya rin ang mahahalang sunglasses at cap upang itago ang katauhan niya. Hindi lang sa lugar kundi pati mismo sa ayos ay siniguro ni Abegail na walang makakakilala sa kanya.Ilang araw na ang lumipas simula nang makita niya Hendrix at makausap. Ay halos mabaliw na si Abegail. Hindi niya kayang mawalay nang matagal rito. Hindi niya rin alam kung kailan niya pa muling masisilayan si Hendrix lalo pa’t hindi pa ito bumabalik sa pagtatrabaho.Masyadong maraming humahadlang kay Abegail uoang makita ang kaisa-isang lalaking minahal niya. Hindi lang si Gabriel, kundi pati
“Tanghali na’t ngayon pa lamang kayo bumaba,” komento ni Lara nang makitang bumaba na sina Arabella at Hendrix.“Napasarap lang ang tulog namin, Mommy.” Katwiran pa ni Hendrix. “Pinakatok ko kayo kay Ellen. Nakaistorbo ba kami sa inyo?” Lara asked. Hindi sumagot si Arabella, nanatili siyang tahimik sa tabi ni Hendrix. Habang si Hendrix naman ay nakabusangot. Nang halikan kasi ni Hendrix si Arabella ay siyang pagkatok naman ni Hellen. Lumapat lang ang labi ni Hendrix sa labi ni Arabella. Narinig yata ng Diyos ang dasal ni Arabella.Mabilis niya agad naitulak si Hendrix at sumigaw siyang palabas na kaya wala nang nagawa si Hendrix kundi ang umalis sa ibabaw niya. Lalo pa’t hinahanap na raw sila ni Lara. Bumaba tuloy silang mag-asawa na parehong naka roba dahil hindi pa sila nakakapag-ayos. Sumilay ang malapad na ngisi ni Lara, “May hihintayin na ba akong dumating?”Sabay na kumunot ang noo ng mag-asawa. Hindi maintindihan ang sinasabi ni Lara, lumingon si Arabella kay Hendrix. Pinapan
Pupungas-pungas pa si Arabella. Nakangiti siyang umupo sa kama. Dahil alam niyang hindi niya katabi ang demonyo niyang asawa. Tumayo siya at nagtungo sa banyo upang maghilamos.Nag matapos siya sa paghilamos ay nagsuot siya roba bago lumabas sa silid niya.Matapos ang komprontasyon nilang mag-asawa ay medyo gumaan na ang pakiramdam ni Arabella. Kahit papaano ay nalabas niya ang dinadamdam niya sa asawa. Although, alam niyang iinvalidate lang ni Hendrix ang nararamdaman niya. At least ay nabawasan ang tinik sa dibdib niya.Habang naglalakad papunta sa hagdan ay nakadinig ng ingay mula sa salas si Arabella kaya dumungaw siya sa railings. Kung saan nakiya niya si Lara Leviste na kakapasok lang sa pintuan ng bahay nila.At mas lalong namilog ang mga mata ni Arabella nang pumasok ang mga tauhan ni Lara na may hila-hilang mga maleta.“Shit!” Mahinang mura ni Arabella at agad na ay umatras at lumayo sa railings.Saan nga ba natulog si Hendrix? Nanlamig ang buong katawan ni Arabella, iisipin
“Arabella,” Seryosong sambit ni Hendrix. Hindi alam ni Hendrix kung paano ito pakakalmahin. Sa nakikita niya ay galit na galit sa kanya ang asawa niya. Ni hindi nga siya nito halos matignan sa mata. Natatakot si Hendrix na humakbang baka hindi lang spatula ang maibato ni Arabella. Napahilamos sa mukha si Arabella, “Hendrix… Ayoko na.” “W-What do you mean?” Mahinang usal ni Hendrix, halos wala ng boses na lumalabas sa bibig niya. “Please… Just let me go,” Pagmamakaawa ni Arabella sa asawa. “Are we talking about this again? You know I can’t let you go. Hindi pwedeng maghiwalay tayo, Arabella. Hindi naniniwala ang pamilya namin sa hiwalayan–”“Bullshit!” She spat angrily. “Lahat na lang ba ay ibabasi niyo sa malas at suwerte? Sana inisip mo rin na para sa ‘kin ang malas ko dahil naikasal ako sa ‘yo. Our marriage isn’t ideal Hendrix. Alam kong ramdam mo na hindi pagmamahal ang dahilan kung bakit tayo ikinasal. Hindi ko maalala ang lahat but everyone is telling me I married you becaus
Inaalalayan ni Arabella na bumaba sa kotse si Hendrix. Kakadating lang nila sa bahay nila. Nasa kabilang sasakyan nakasakay ang biyenan niya kaya tahimik ang biyahe ni Arabella. “Thank you,” Hendrix muttered.Tumango lang si Arabella bilang tugod. Ingat na ingat siya kilos niya dahil maraming nakabantay. Halos lahat sa paligid niya ay alagad ni Lara Leviste.Lumayo ng kaunti si Arabella kay Hendrix at hinayaan na niya itong kumilos ng mag isa. Nakakalakad na naman ito nang maayos. Sumasabay na lang si Arabella sa bawat hakbang ni Hendrix.Nang makapasok sila sa bahay ay naroon ang mga kasambahay nila. Naghihintay sa pagdating ni Hendrix. May kaunti ring salo-salo na hinanda ang mga ito.Hindi na sumabay pa si Arabella. Nauna na siyang umakyat. Kung mag-aalburuto si Lara mamaya ay hindi naman siya nito basta-basta na masasaktan lalo pa’t kasama niya si Hendrix.Naligo muna si Arabella bago humilata sa kama niya. Set na ang date kung kailan siya tatakas. At sa susunod na linggo iyon. W
Nagtungo si Arabella at Khalid sa front desk. Karga-karga niya si Khalid dahil biglang itong nagreklamo na napagod daw ito sa kakatakbo para hanapin siya kanina. Wala namang problema kay Arabella kaya kinarga niya agad si Khalid.“Miss,” tawag ni Arabella sa babaeng naka-assign sa front desk.Ngumiti ang babae kay Arabella, “Yes, Ma’am. How may I help you?”“Itong bata kasi Miss, nawawala. Tinakbuhan niya raw iyong kasama niya na nagpunta dito sa mall. Baka pwede namang pa-page—”“Mommy!” Wika ni Khalid at nagsusumiksik sa leeg ni Arabella. “Shh,” Saway ni Arabella at muling tumingin sa babae. Kunot ang noo ng babae at nagdududa ang mga tingin kay Arabella, “Ma’am, kung anak niyo po ‘yan h’wag niyo naman pong ikahiya. Hindi iyong magpupunta pa kayo rito. Kung may balak kayong iwanan ang bata dito, paalala ko lang po may CCTV camer’as po sa bawat sulok ng mall. Kaya matutukoy at matutukoy pa rin kayi kapag iniwanan niyo iyang bata.”“What?” Litong-litong wika ni Arabella. “What are y