Tempting Doctor Reagan

Tempting Doctor Reagan

에:  SAKATACHIBI  연재 중
언어: Filipino
goodnovel16goodnovel
평가가 충분하지 않습니다.
11챕터
955조회수
읽기
서재에 추가

공유:  

보고서
개요
목록
앱에 리뷰를 남겨주세요.

What would you do if your daughter’s last wish was for you to marry someone as her new dad? Will you do it? Or you won’t? Aeris Fabros has no one but only her daughter, Hale. But her daughter was always weak and ill, that's why she always took her to the doctor. Having no father on her side, Hale became close to her doctor, Doctor Reagan. The doctor is very caring and he is single, at least that’s how they see him. Hale wants him to be her new dad, that's why she wants her mom to marry him. Can Aeris make this request possible to tempt Doctor Reagan and make him fall in love with her? Or will it be the other way around? Read this to find out!

더 보기

최신 챕터

동시간 재미 밌는 책

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

댓글

댓글 없음
11 챕터

TDR-1

"Mary! Wait for me! I said I love you!!" malakas na sigaw ni Mark sa kaniyang nobya sa gitna ng ulan. Ang suot na damit ng binata ay halos mawalan na ng kulay sa sobrang lakas ng patak ng ulan isabay pa ang walang tigil na pagluha nito. Para namang walang narinig ang dalaga habang pinipigilan ang sarili na lumingon muli. Alam niyang sa oras na lumingon siya dito ay tuluyan na naman siyang magiging marupok at makikipagbalikan sa dating nobyo. Sa katunayan ay hindi ito ang unang beses na nag away silang dalawa. Hindi na rin mabilang sa kaniyang daliri ang beses na naghiwalay sila. Ngunit sadyang mahal niya si Mark. At handa siyang magpakatanga dito. Ngunit matapos niya itong makitang may kasamang babae habang masaya pa itong nakapatong sa kaniya, ay tuluyan nang naputol ang kaniyang pasensya. Para siyang nawalan ng buhay habang tinitingnan ang dalawa na tuwang tuwa sa ginagawa. Ang bawat pikit ni Mark habang nakikisabay sa bawat galaw ng babae sa kaniyang ibabaw ay may kapalit na s
더 보기

TDR-2

Mabilis akong napailing dahil sa iniisip. Impossible! Ibinalik ko na lamang ulit ang tingin sa dalawa na masayang nakatingin sa isa't isa. "Haleee," masayang tugon nito saka lumuhod upang mayakap ang bata. "How are you, Hale?" tanong nito. "I'm good, Doctor..." sagot nito. "Really? That's good! Keep it up, Hailey, para sa susunod ay hindi mo na kailangan magkaroon ng weekly check up," nakangiting sambit ni Doc Reagan sa kaniya saka tinusok ng bahagya ang tungki ng ilong ni Hale. Napanguso naman si Hale nang marinig ito habang si Doc Reagan naman ay napatingin sa akin nang tumayo na ito ng maayos. "Good afternoon, Ms. Aeris. I'm sorry, I'm late. Nag rush lunch lang ako, natagalan pa, sorry," paumanhin pa nito. Mabilis ko namang iwinagayway ang kamay sa ere dahil sa hiya. "Ahh no... it's okay, kakarating lang din naman namin," sagot ko dito saka nag iwas ng tingin. Totoo naman kasi na kakarating lang din naman. At wala na rin naman akong gagawin ngayong araw to make m
더 보기

TDR-3

Paikot ikot ako sa paglalakad habang hinihintay ang pagdating ng doctor. Ilang saglit lamang ay bumukas na rin ang pinto at ibinungad nito si Doc. Reagan habang nakangiti sa akin. Sa hindi malamang dahilan ay unti akong kumalma ngunit naroon pa rin sa akin ang pangamba. Agad akong lumapit dito ngunit nakangiti lamang nitong inilagay ang kamay sa ibabaw ng balikat ko. "How is she, Doc?" I asked while looking at him, worried. "I think she'll be fine, Aeris. For now, she needs time to rest," sagot naman nito saka ako inanyayahan sa loob ng kaniyang opisina. Napatingin pa ulit ako sa kwarto na kinaroroonan ni Hale bago sumunod kay Reagan. Pagdating namin sa kaniyang opisina ay nakayuko lamang ako habang hinahayaan na tanging ang kaluskos ng paggalaw ni Reagan ang marinig sa paligid. Mayamaya pa ay narinig ko na lamang ang mahinang buntong hininga nito saka naglakad papunta sa likuran ko. "Don't worry Aeris. When I said she'll be fine, she'll be fine. Trust me," sambit pa nito h
더 보기

TDS-4

Maagang nagising si Aeris kasabay ng pagkatok ng kung sino sa labas ng pinto. Napahikab muna siya saka pupungas pungas na naglakad papalapit sa pinto. Ngunit pababa pa lamang siya ng hagdan ay bigla na lamang siyang ginulat ng anak sa likuran. "Mommy!" malakas na sigaw ni Hale. "Ay susmaryosep!" gulat niyang tugon saka napamulat. Napatingin pa siya sa anak ngunit ganun na lamang ang gulat niya ng hindi siya nito pansinin at nagpatuloy lamang pababa ng hagdan. "Hale, be careful!" paalala niya dito nang tumakbo ang bata pababa. Ngunit hindi siya nito pinansin bagkus ay masayang nagpatuloy si Hale sa pagtakbo. Napangiti na lamang tuloy si Aeris sa anak. Ilang araw na ang nakalipas noong huling bisita nila kay Doc. Iyon ay noong inatake si Hale. At mukhang nitong mga nakaraang araw naman ay stable na muli ang kalagayan ng kanyang anak. Gayunpaman ay alam niyang nararapat pa rin ang pag iingat, dahil mahirap na kung magkasakit ulit ito. Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad hang
더 보기

TDS-5

Dahan dahang napatingin si Aeris sa kaniyang likuran kung nasaan si Reagan. Nakatingin lamang ito ng diretso sa kaniya. Para bang walang ibang maririnig ng mga oras na iyon maliban sa malakas na tibok ng dibdib ni Aeris. Agad na bumalik sa kanyang ala ala ang nakaraan. Gabi noon at kasalukuyang tumatakbo si Aeris palayo sa dating nobyo. "Babe, wait! What are you doing? Let's talk!" sinubukan pa siya nitong pigilan nang hawakan siya nito sa braso. Humarap siya agad sa nobyo at nakita sa likuran nito ang nakakainis na mukha ng pinsan nito na si Eida. Tinitingnan siya nito mula hanggang paa saKa ngingisi ng nakakaloko. Napa ngitngit ng ngipin si Aeris nang makita iyon kasabay ng paghigpit ng pagkakatiklop ng kaniyang kamao. Napayuko siya habang pinipilit na ikalma ang sarili. Naramdaman niya ang paglapit sa kaniya ng kaniyang nobyo habang mahinahong hinahaplos ang kaniyang balikat. "Babe, calm down. What is it? Okay naman tayo kanina, right? Why all of the sudden?" nag aalala
더 보기

TDR- 6

"Bye Mom," paalam sa kaniya ni Hale bago tuluyang pumasok sa loob ng gate. Napangiti naman si Aeris habang nakatanaw sa papalayong pigura ng anak. Sa katunayan ay nakangiti ito hindi dahil sa naihatid na niya ito kundi dahil muling bumalik ang sigla sa ngiti ng anak. Mayamaya lamang ay nawala na rin ang anak sa kanyang paningin kaya dahan dahan na niyang itinaas ang salamin ng kotse bago muling ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Ilang saglit lang naman ang kaniyang pagmamaneho at nakarating na rin agad sa kanilang building, kung saan siya nagtatrabaho. Habang pababa ng kotse ay hindi niya maiwasang kabahan. Simula nang malaman niya kanina sa boss ang mga ganap sa kumpanya ay hindi na siya mapakali. Kaya naman wala pang ilang minuto ay nakapaghanda na siya agad kasabay ng pag alis nilang mag ina. Sa kabutihang palad ay mukhang napaaga pa ang dating niya sa opisina. May oras pa siya upang makapag ayos kahit papaano. Pagpasok niya sa loob ng kanilang ground ay naabutan niya ang ilan sa mga
더 보기

TDR-7

Pupungas pungas na tumayo mula sa kama si Hale habang kuma kamot kamot pa sa kaniyang tiyan. Napahikab pa siya habang bumababa sa hagdan. "Umuwi kaya si Mommy kagabi?" she thought to herself. Wala na kasi siyang naabutan sa tabi niya at maski sa kwarto ng mommy ay wala rin siyang nakitang bakas nito. Ginabi na naman kasi ng uwi si Aeris kagabi kaya naman nakatulugan na ito ng bata. Papunta pa lamang sana siya sa kusina nang biglang bumungad sa kanya ang ina nakasuot ng apron. "Mommy?" tawag niya dito. Sakto namang humarap sa kanya ang ina saka napangiti. Nakasuot ng puting sando si Aeris na pinatungan ng itim na apron sa ibabaw. Nakasuot lang din siya ng shorts sa pang ibaba habang nakapuyod ang buhok. "Hale! Gising ka na pala, wait...are you hungry na ba?" tanong niya sa anak saka mabilis na lumapit sa anak. Inalalayan niya pa ito ngunit nang makita ni Hale ang mga nakahain sa mesa ay hindi na nito na iwasan na matakam saka mabilis na nagtungo palapit dito. "Hotdogs!!! Mommy, I
더 보기

TDR-8

"Doc Reagan?" gulat na bati ni Aeris sa lalaki. "I thought you're going out with Hale?" tanong nito sa kanya. Agad namang narinig ni Hale ang doktor at lumapit dito. "Doc Reagan!" masayang bati nito sa doktor saka lumapit sa kaniya. Dito pa lamang napansin ni Reagan ang bata kaya naman masaya niya rin itong sinalubong. "As you see, we got a little bit problem so I went back here," nahihiya namang sagot ni Aeris. Hindi niya inaasahan na dito pala pupunta ang doktor. Inaya pa naman niya ito kanina at napahiya ng kaunti. "Little bit? Just a little bit?" biglang singit naman ni Myrna na nasa tabi ni Reagan. Galit na tiniklop nito ang kanina pang galit na galit na ipinapaypay na pamaypay saka lumapit kay Aeris. Hawak nito ang pamaypay sa kanang kamay habang isang coffee naman sa kaliwa. Mukhang init na init na rin ito dahil sa tagal ng paghihintay sa kanila."Myrna," sambit niya habang nakatingin dito. "No Aeris...this is not a little problem. Didn't you notice that you made a mess?
더 보기

TDR-9

Ilang araw makalipas ang event ay muling pinatawag si Aeris sa opisina ni Sir Drei. Dahan dahan pa siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa harap ng pinto nito. Wala siyang ideya kung ano ang kailangan nito sa kanya at bakit siya nito ipinapatawag. Ngunit malakas ang kutob niya na tungkol ito sa aberyang nangyari sa event kamakailan. Lalo pa at wala pa silang matinong pag uusap after that day. Akma na sana niyang bubuksan ang pinto ng kusa na itong bumukas at iniluwa nito si Sir. Drei na mukhang inaasahan ang kanyang pagdating. "Why are you standing there? Come in," sambit nito saka naiwang bukas ang pinto. Bumalik agad ito sa sariling upuan habang si Aeris naman ay sandaling natigilan. Naglakad na rin siya palapit dito nang biglang iabot sa kanya ang isang folder. "That is the report from the last event last time. The directors and the organizers liked the idea of that mini health event that you proposed. Na-conclude na last time sa meeting namin ni Mr. Reyes ang plano to re
더 보기

TDR-10

Pagewang gewang na ang mga kasamahan ni Aeris sa bar dahil sa sobrang kalasingan. Napatingin tuloy si Reagan sa kaniya nang mapansin pumipikit pikit na rin ito. Ilang saglit lamang ay biglang tumayo si Aeris saka itinaas ang baso. Ganoon rin naman ang mga kasamahan nito na mukhang lutang na rin sa impluwensiya ng alak. "Cheers! Para sa mga sawi!" malakas na sigaw ni Emcel. "Para sa sawi!" second the motion naman ng isang kasamahan nito. "Para kay Hale!" biglang sambit naman ni Aeris bago tinungga ang hawak na baso. Napatingin pa sa kanya ang mga kasamahan bago sabay sabay na napatawa. Pagkatapos nito ay bumalik na ulit sa sa pagkakaupo ang babae. Inalalayan naman siya ni Reagan nang muntik na siyang matumba. "Careful," sambit ng lalaki nang mapahiga ito sa kanyang ibabaw. Agad namang napaayos ng upo si Aeris nang mapansin ang sobrang lapit na distansya nila ng doktor. "Hmp!" Nagulat naman si Reagan dito lalo na nang bigla itong tumalikod sa kaniya. "Is there something wr
더 보기
DMCA.com Protection Status