Pupungas pungas na tumayo mula sa kama si Hale habang kuma kamot kamot pa sa kaniyang tiyan. Napahikab pa siya habang bumababa sa hagdan. "Umuwi kaya si Mommy kagabi?" she thought to herself. Wala na kasi siyang naabutan sa tabi niya at maski sa kwarto ng mommy ay wala rin siyang nakitang bakas nito. Ginabi na naman kasi ng uwi si Aeris kagabi kaya naman nakatulugan na ito ng bata. Papunta pa lamang sana siya sa kusina nang biglang bumungad sa kanya ang ina nakasuot ng apron. "Mommy?" tawag niya dito. Sakto namang humarap sa kanya ang ina saka napangiti. Nakasuot ng puting sando si Aeris na pinatungan ng itim na apron sa ibabaw. Nakasuot lang din siya ng shorts sa pang ibaba habang nakapuyod ang buhok. "Hale! Gising ka na pala, wait...are you hungry na ba?" tanong niya sa anak saka mabilis na lumapit sa anak. Inalalayan niya pa ito ngunit nang makita ni Hale ang mga nakahain sa mesa ay hindi na nito na iwasan na matakam saka mabilis na nagtungo palapit dito. "Hotdogs!!! Mommy, I
"Doc Reagan?" gulat na bati ni Aeris sa lalaki. "I thought you're going out with Hale?" tanong nito sa kanya. Agad namang narinig ni Hale ang doktor at lumapit dito. "Doc Reagan!" masayang bati nito sa doktor saka lumapit sa kaniya. Dito pa lamang napansin ni Reagan ang bata kaya naman masaya niya rin itong sinalubong. "As you see, we got a little bit problem so I went back here," nahihiya namang sagot ni Aeris. Hindi niya inaasahan na dito pala pupunta ang doktor. Inaya pa naman niya ito kanina at napahiya ng kaunti. "Little bit? Just a little bit?" biglang singit naman ni Myrna na nasa tabi ni Reagan. Galit na tiniklop nito ang kanina pang galit na galit na ipinapaypay na pamaypay saka lumapit kay Aeris. Hawak nito ang pamaypay sa kanang kamay habang isang coffee naman sa kaliwa. Mukhang init na init na rin ito dahil sa tagal ng paghihintay sa kanila."Myrna," sambit niya habang nakatingin dito. "No Aeris...this is not a little problem. Didn't you notice that you made a mess?
Ilang araw makalipas ang event ay muling pinatawag si Aeris sa opisina ni Sir Drei. Dahan dahan pa siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa harap ng pinto nito. Wala siyang ideya kung ano ang kailangan nito sa kanya at bakit siya nito ipinapatawag. Ngunit malakas ang kutob niya na tungkol ito sa aberyang nangyari sa event kamakailan. Lalo pa at wala pa silang matinong pag uusap after that day. Akma na sana niyang bubuksan ang pinto ng kusa na itong bumukas at iniluwa nito si Sir. Drei na mukhang inaasahan ang kanyang pagdating. "Why are you standing there? Come in," sambit nito saka naiwang bukas ang pinto. Bumalik agad ito sa sariling upuan habang si Aeris naman ay sandaling natigilan. Naglakad na rin siya palapit dito nang biglang iabot sa kanya ang isang folder. "That is the report from the last event last time. The directors and the organizers liked the idea of that mini health event that you proposed. Na-conclude na last time sa meeting namin ni Mr. Reyes ang plano to re
Pagewang gewang na ang mga kasamahan ni Aeris sa bar dahil sa sobrang kalasingan. Napatingin tuloy si Reagan sa kaniya nang mapansin pumipikit pikit na rin ito. Ilang saglit lamang ay biglang tumayo si Aeris saka itinaas ang baso. Ganoon rin naman ang mga kasamahan nito na mukhang lutang na rin sa impluwensiya ng alak. "Cheers! Para sa mga sawi!" malakas na sigaw ni Emcel. "Para sa sawi!" second the motion naman ng isang kasamahan nito. "Para kay Hale!" biglang sambit naman ni Aeris bago tinungga ang hawak na baso. Napatingin pa sa kanya ang mga kasamahan bago sabay sabay na napatawa. Pagkatapos nito ay bumalik na ulit sa sa pagkakaupo ang babae. Inalalayan naman siya ni Reagan nang muntik na siyang matumba. "Careful," sambit ng lalaki nang mapahiga ito sa kanyang ibabaw. Agad namang napaayos ng upo si Aeris nang mapansin ang sobrang lapit na distansya nila ng doktor. "Hmp!" Nagulat naman si Reagan dito lalo na nang bigla itong tumalikod sa kaniya. "Is there something wr
Tahimik na nakaupo sa kanya kanyang upuan ang tatlo. Walang nagsasalita sa pagitan nila habang si Hale naman ay palipat lipat ang tingin kina Aeris at Doc. Reagan. "Mom, what is he doing here?" takang tanong nito. Kitang kita sa mata nito ang inosenteng puso ng bata. Nagkatinginan naman sina Aeris at Reagan kaya mabilis na nag iwas ng tingin ang babae. Paano ba naman kasi niya masasabi sa anak na lasing siyang umuwi kagabi at ang doktor ang nag uwi sa kaniya dito. Napakamot siya sa ulo bago napatingin sa anak. Akma na sana siyang magsasalita nang maunahan siya ng doktor. "Hale, I know you're confused but I just took care of your Mom last night. She's not feeling well so I let her take some meds, just like what I did for you, right?" sambit nito saka ngumiti kay Hale. Sandali namang na tigilan ang bata bago tumingin sa kanyang ina. Ilang saglit lamang ay saka lamang nito napagtanto ang narinig. "Mommy...is sick?" tanong nito. Napangiti na lang tuloy si Aeris upang sakyan a
"Mary! Wait for me! I said I love you!!" malakas na sigaw ni Mark sa kaniyang nobya sa gitna ng ulan. Ang suot na damit ng binata ay halos mawalan na ng kulay sa sobrang lakas ng patak ng ulan isabay pa ang walang tigil na pagluha nito. Para namang walang narinig ang dalaga habang pinipigilan ang sarili na lumingon muli. Alam niyang sa oras na lumingon siya dito ay tuluyan na naman siyang magiging marupok at makikipagbalikan sa dating nobyo. Sa katunayan ay hindi ito ang unang beses na nag away silang dalawa. Hindi na rin mabilang sa kaniyang daliri ang beses na naghiwalay sila. Ngunit sadyang mahal niya si Mark. At handa siyang magpakatanga dito. Ngunit matapos niya itong makitang may kasamang babae habang masaya pa itong nakapatong sa kaniya, ay tuluyan nang naputol ang kaniyang pasensya. Para siyang nawalan ng buhay habang tinitingnan ang dalawa na tuwang tuwa sa ginagawa. Ang bawat pikit ni Mark habang nakikisabay sa bawat galaw ng babae sa kaniyang ibabaw ay may kapalit na s
Mabilis akong napailing dahil sa iniisip. Impossible! Ibinalik ko na lamang ulit ang tingin sa dalawa na masayang nakatingin sa isa't isa. "Haleee," masayang tugon nito saka lumuhod upang mayakap ang bata. "How are you, Hale?" tanong nito. "I'm good, Doctor..." sagot nito. "Really? That's good! Keep it up, Hailey, para sa susunod ay hindi mo na kailangan magkaroon ng weekly check up," nakangiting sambit ni Doc Reagan sa kaniya saka tinusok ng bahagya ang tungki ng ilong ni Hale. Napanguso naman si Hale nang marinig ito habang si Doc Reagan naman ay napatingin sa akin nang tumayo na ito ng maayos. "Good afternoon, Ms. Aeris. I'm sorry, I'm late. Nag rush lunch lang ako, natagalan pa, sorry," paumanhin pa nito. Mabilis ko namang iwinagayway ang kamay sa ere dahil sa hiya. "Ahh no... it's okay, kakarating lang din naman namin," sagot ko dito saka nag iwas ng tingin. Totoo naman kasi na kakarating lang din naman. At wala na rin naman akong gagawin ngayong araw to make m
Paikot ikot ako sa paglalakad habang hinihintay ang pagdating ng doctor. Ilang saglit lamang ay bumukas na rin ang pinto at ibinungad nito si Doc. Reagan habang nakangiti sa akin. Sa hindi malamang dahilan ay unti akong kumalma ngunit naroon pa rin sa akin ang pangamba. Agad akong lumapit dito ngunit nakangiti lamang nitong inilagay ang kamay sa ibabaw ng balikat ko. "How is she, Doc?" I asked while looking at him, worried. "I think she'll be fine, Aeris. For now, she needs time to rest," sagot naman nito saka ako inanyayahan sa loob ng kaniyang opisina. Napatingin pa ulit ako sa kwarto na kinaroroonan ni Hale bago sumunod kay Reagan. Pagdating namin sa kaniyang opisina ay nakayuko lamang ako habang hinahayaan na tanging ang kaluskos ng paggalaw ni Reagan ang marinig sa paligid. Mayamaya pa ay narinig ko na lamang ang mahinang buntong hininga nito saka naglakad papunta sa likuran ko. "Don't worry Aeris. When I said she'll be fine, she'll be fine. Trust me," sambit pa nito h