Share

TDR-2

Mabilis akong napailing dahil sa iniisip.  

Impossible!  Ibinalik ko na lamang ulit ang tingin sa dalawa na masayang nakatingin sa isa't isa. 

"Haleee," masayang tugon nito saka lumuhod upang mayakap ang bata. 

"How are you, Hale?" tanong nito. 

"I'm good, Doctor..." sagot nito.

"Really? That's good! Keep it up, Hailey, para sa susunod ay hindi mo na kailangan magkaroon ng weekly check up," nakangiting sambit ni Doc Reagan sa kaniya saka tinusok ng bahagya ang tungki ng ilong ni Hale. 

Napanguso naman si Hale nang marinig ito habang si Doc Reagan naman ay napatingin sa akin nang tumayo na ito ng maayos. 

"Good afternoon, Ms. Aeris. I'm sorry, I'm late. Nag rush lunch lang ako, natagalan pa, sorry," paumanhin pa nito. 

Mabilis ko namang iwinagayway ang kamay sa ere dahil sa hiya.

"Ahh no... it's okay, kakarating lang din naman namin," sagot ko dito saka nag iwas ng tingin. 

Totoo naman kasi na kakarating lang din naman. At wala na rin naman akong gagawin ngayong araw to make me busy. Napangiti na lang din tuloy si Reagan sa akin that makes me blush a bit. 

Honestly, he's a fine man. That makes me think so highly of him. He's smart, kind, caring and handsome. I don't even know if he has a girlfriend or none but knowing how attractive he is, I bet he has. 

But I'm not curious about it. Besides, it's not my interest. As I say, I have no time for this. 

Why am I even talking about him anyway?

I shrugged my head to erased all of those things in my head. After a second ay nakapag suot na rin ito ng kaniyang gown na puti bago nagsuot ng kaniyang gloves. Oh well, that's for their protocol, I think. 

Hinawakan ko na rin si Hale para umupo sa tabi ko. 

"So how are you, Hale...are you feeling dizzy sometimes? Or nananakit ang dibdib mo? Anything?" he asked as he looked at Hale. 

Hale pouted. I know she's a bit spoiled, especially towards Reagan. I don't even know why she's acting like this in front of him. 

"I'm fine..." masungit na sagot naman nito sa doktor. 

"Oh...are you mad?" tanong pa nito sa maamong boses.  Sa totoo lang ay hindi ko maiwasang matawa sa loob ko. I know he's just doing his job. But seeing him act like that... it's just cute for a guy! 

"I'm not!" sagot naman nito sa kaniya. Saktong napatingin din ako kay Reagan nang lumingon ito sa akin. 

Hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging itsura ko nang makita itong sumenyas sa akin. Mabuti na lamang ay agad ko ring naintindihan ang ibig nitong sabihin at inalalayan na rin si Hale. 

Pinaupo ito sa isang silya habang nakaharap kay Reagan. Inilabas na rin ni Doc ang mga kakailanganin niya para sa check up. Syempre, hindi mawawala ang para sa pulso at heartbeat ni Hale.  Pilit pa ring kinakausap ni Reagan si Hale kahit na tipid lamang ang ibinibigay na sagot sa kaniya ng isa. 

Naglakad naman ako sa couch, may kalayuan sa kanila. Medyo sikip na rin kasi kung tatabi pa ako sa mga ito. Mula sa malayo ay napatingin ako sa dalawa. Hindi ko marinig ang pinag uusapan ng mga ito ngunit kitang kita ko ang pagsusungit ni Hale kay Reagan. Hayss, hindi naman siya ganyan kanina ah. 

Daig pa ni Hale ang isang girlfriend kung magtampo. Hanggang sa mapadako ang tingin ko kay Reagan. Makikita sa mukha nito ang tuwa lalo na sa paraan ng pagngiti nito sa anak ko. Hindi ko tuloy maiwasang ma imagine kung sakaling sila ang mag ama ko. 

Alam kong imposible, pero ano kaya ang pakiramdam na may kumpletong pamilya para sa anak? Alam kong kahit hindi sabihin ni Hale ay nais niya rin maramdaman ang kalinga ng isang ama. 

Ngunit sa ngayon, napaka imposible pa na makita niya ang totoo niyang ama. Simula noong mabuntis ako ni Zach hanggang sa maipanganak at magkaisip na ang anak namin ay hindi na ito muli pang nagpakita. Hindi ko nga alam kung natatandaan niya pang may anak siya sa akin. 

Ganun pa man ay wala na akong pakialam pa doon. Ang importante ay kasama ko ngayon si Hale. At kung dumating ang oras na hihilingin kong magkaroon ng bagong ama ang anak ko, mas nanaisin ko na maging katulad ito ni Doc Reagan. 

Wala sa sariling napangiti ito sa akin nang saktong tumingin din ito sa direksyon ko. Nakangiti rin ito sa akin habang patuloy ang buka ng bibig. Ganoon na lamang ang gulat ko nang tumingin sa akin si Hale habang masama ang tingin. 

"Ms. Aeris?" tawag ulit sa akin ni Reagan. Nahihiya akong napatingin dito. 

"Oh, I- I'm sorry...wh- what is it, I'm sorry," natataranta na tanong ko dito. Mukhang nagulat pa ang dalawa ngunit na pataas na lamang ang dulong bahagi ng labi ni Reagan habang nakatingin sa mga papel na hawak niya. 

Did he just smile?

Dahil sa hiya ay naglakad na ako palapit sa mga ito. Baka akala niya pa ay nagpapa cute ako sa kaniya. 

Paglapit ko sa mga ito ay inabot naman niya sa akin ang isang papel. Habang si Hale naman ay inalalayan ng isang nurse na magtungo sa banyo, marahil ay dahil kanina pa rin ito naiihi. 

Habang wala ang mga ito ay hindi ko maiwasang kabahan dahil tanging si Reagan na lamang ang kasama ko ngayon. 

"Ms. Aeris-"

"Just Aeris... it's too formal to hear you say Ms," nahihiyang sambit ko. 

Natawa ito sa reaksyon ko na siyang hindi ko inaasahan. Sa katunayan ay ito ang unang beses na makita itong nakangiti sa akin habang kaming dalawa lamang ang nandito sa kwarto. 

"Okay fine...Aeris. I think she's stable...for now. But I'm having a hard time to analyze her full situation right now. According to this analysis, mas humihina ang resistensya niya maybe because of fatigue? And since pumapasok siya sa school araw araw, I think that's what causes it," sambit nito habang nakatingin sa papel. 

Sa totoo lang ay napapansin ko rin ito dahil sa tuwing umuuwi kami ay palagi na lang itong wala sa mood at palaging nakakulong sa kwarto. She won't talk to me for a while until it's dinner. 

He gave me some meds for her maintenance but nothing would suffice and assure her safety. For now, all I have to do is to monitor. After the consultation ay bumalik na rin agad si Hale. And as usual para bang pagod na rin agad ito kaya naman wala na akong ibang choice kundi kargahin ito. At the age of six, I think it's a bit weird, but this is the only thing I could do for her. 

I was about carry her nang maunahan na ako ni Doc Reagan. 

"I'll carry her, let's go," sambit nito saka kinuha si Hale sa kamay ko. Hindi ko na nagawa pang makapag react nang mauna na itong maglakad palabas. I just look at them, walking while the other patients are looking at them. 

Hindi ko maiwasang marinig ang bulong ng isang babae sa kasama. 

"Wow, ang cute, may anak na pala si Doc," komento ng isa. 

"Oo nga, akala ko pa naman single yan. Tingnan mo oh, ang cute pa ng anak, kamukhang kamukha niya rin," dagdag pa ng isa. 

Hindi ko tuloy maiwasang mahiya sa sinasabi ng mga ito.  Hearing them say na magkamukha ang dalawa kahit na hindi naman magkadugo ang mga ito makes me blush for no reason. 

Shit, nababaliw na ata ako. 

Nagpatuloy na lang ulit kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa garahe. Agad ko silang pinagbuksan ng pinto habang maingat namang ipinasok ni Reagan si Hale sa loob. Inayos pa niya ang seatbelt nito at pagkakasandal sa upuan bago tuluyang lumabas. 

"Thank you, Doc..." I don't know what to say aside from thank you. He just smiled at me and looked at Hale again. 

"It's nothing. I just want her safe. She's an important patient for me," he said and smiled. 

After he closed my door, I immediately turn the engine on and drive. It only took me a minute before we reach home.  Maingat ko rin muling binuhat si Hale at dinala sa kwarto nito. Pagbukas ko ng kaniyang kwarto ay sinalubong agad kami ng kaniyang pet dog na si Shinji. I took a blanket and rolled it at the top of her before I kissed her forehead and walked away. 

Tumingin pa ulit ako dito at nakitang mahimbing pa rin ng tulog bago dahan dahang isinara ang pinto. Napabuntong hininga na lamang ako. 

Another successful day. Honestly, everyday is such a gamble for us. And every check up day is like being in court, having a trial that will change our life. 

Pakiramdam ko kasi na sa tuwing may check up kami ay may laging makikitang karamdaman para kay Hale. At sa kabutihang palad ay wala naman sa ngayon. 

Thank you Lord...napangiti na lamang ako saka muling bumaba sa ibaba upang magluto naman ng dinner namin.

****

Kinabukasan ay ganoon na lamang ang gulat ko nang marinig ang malakas na kalabog mula sa kwarto ni Hale. 

Unti unti akong napamulat ng mga mata. 

"Hale?"  tanong ko sa sarili habang nagpapa pungas pungas pa. 

"M- mommyy!" impit at tila ba'y hirap na hirap na sigaw nito dahilan upang magising ang diwa ko. 

Agad kong naialis ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Ni hindi ko na nagawa pang makapag tsinelas at napa takbo na agad sa kwarto ni Hale. 

"Halee!" malakas na sigaw ko at ganoon na lamang kalakas ang tibok ng dibdib ko nang makita itong nasa sahig at pilit na gumagapang. 

"Oh shit, Halee!! What happened?!"

Agad akong nataranta nang makita ang kaawa awa niyang sitwasyon ngunit bago pa man ang lahat ay mabilis na akong lumapit dito at itinayo. Maingat ko siyang kinarga kahit na halos maputol ang buto ko sa likuran. Ramdam ko ang pagkagulat ng katawan ko, lalo pa at kagagaling ko lang rin sa kama. 

Nang makuha ko ito sa sahig ay maingat ko siyang inilapag sa kaniyang kama at napaluhod ako sa sahig. 

"Hale...hale, look at me, what happened?" tanong ko dito habang nakahawak ang kamay sa magkabilang pisngi niya. 

"Mommy, it hurts," d***g niya habang nakahawak sa kaniyang dibdib kasabay ng muling pagkahiga niya sa kama. Hirap na hirap siya habang nakakuyom ang kamao sa dibdib.

Para akong maluluha na hindi ko alam at wala sa sariling napatakbo pabalik sa kama ko. Naibalibag ko ang mga unan na nakaharang sa akin dahil sa pagmamadaling mahanap ang telepono ko. 

Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nagtitipa dito hanggang sa mahanap ang numero ni Doc. Reagan. Hindi ko na hinintay pa na sumagot ito at mabilis at malakas akong napasalita dito. 

"Doc Reagan...help, something's wrong with Hale," sambit ko dito. 

"Huh? Okay, I'll be there in 10 minutes," sagot naman nito. 

In just a second, I closed the phone and put it in my pocket. What he meant is that he will be on his office kaya naman nagmadali na rin akong dalhin si Hale sa hospital. 

Wala nang palit palit ng damit ay pinatungan ko na lamang ang suot na white sando ng isang mahabang cardigan saka nagpatuloy na papasok sa opisina nito. 

Saktong pagdating namin ay mukhang kakarating pa lang rin ni Doc. Reagan kaya naman mabilis na rin nilang inasikaso si Hale. Walang sali salita ay kinuha na niya sa akin ang anak ko habang ako naman ay nakatingin lamang sa kanila at nakatayo sa gilid.

I put my hands over the other, feeling it's numbness and how shaky are they. Hindi rin ako mapakali sa kakalakad. It's been 6 years that I'm in this kind of situation na para bang sa tuwing nahihirapan sa paghinga si Hale dahil sa pagsikip sa kaniyang dibdib ay para bang sinesentensyahan rin ang buhay niya.  And I just can't help myself but look at them, trying to do their best for my daughter. 

After a second, Doctor Reagan came out from the room and walked towards me and just smiled. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status