Share

Tempting Doctor Reagan
Tempting Doctor Reagan
Author: SAKATACHIBI

TDR-1

"Mary! Wait for me! I said I love you!!" malakas na sigaw ni Mark sa kaniyang nobya sa gitna ng ulan. Ang suot na damit ng binata ay halos mawalan na ng kulay sa sobrang lakas ng patak ng ulan isabay pa ang walang tigil na pagluha nito. 

Para namang walang narinig ang dalaga habang pinipigilan ang sarili na lumingon muli. Alam niyang sa oras na lumingon siya dito ay tuluyan na naman siyang magiging marupok at makikipagbalikan sa dating nobyo. 

Sa katunayan ay hindi ito ang unang beses na nag away silang dalawa. Hindi na rin mabilang sa kaniyang daliri ang beses na naghiwalay sila. Ngunit sadyang mahal niya si Mark. At handa siyang magpakatanga dito. 

Ngunit matapos niya itong makitang may kasamang babae habang masaya pa itong nakapatong sa kaniya, ay tuluyan nang naputol ang kaniyang pasensya. Para siyang nawalan ng buhay habang tinitingnan ang dalawa na tuwang tuwa sa ginagawa. Ang bawat pikit ni Mark habang nakikisabay sa bawat galaw ng babae sa kaniyang ibabaw ay may kapalit na saksak sa dibdib para kay Mary. 

Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng pakiusap at pagluha sa kaniya ni Mark kamakailan lamang ay ito ang magiging kapalit. Nais niyang isumbat sa binata ang lahat. Ang lahat ng pagmamakaawa nito na magbalikan sila. Ngunit hindi na niya kakayanin pa. 

At hindi na rin kakayanin pa ng bata sa kaniyang sinapupunan na magtiis na makita ang ama sa ganitong sitwasyon. Kaya naman kahit masakit ay pinilit ni Mary na maglakad na palayo. Nilagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib, pinapakiramdaman ang malakas na tibok nito habang patuloy na umaagos ang luha sa kaniyang mga mata. 

Naiwan namang nakatingin ang binata sa likuran ng babae. Alam niyang mali ang kaniyang ginawa.

Ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya? Natukso siya ng dating nobya at kasalukuyang lasing ng mga oras na iyon. Kaya alam niya sa sarili na siya ang may mali. Wala na siyang ibang magawa pa kundi ang magmakaawa, lumuha at lumuhod sa harapan ng babae. Ngunit ano pa man ang gawin niya ay hindi na siya pinapakinggan ng dalaga. 

"Kung...kung kailan ko pa nalaman na magiging ama na ako... saka pa nangyari ang lahat ng ito...please Mary... don't do this to me," maluha luha na iyak nito kasabay ng pagbagsak niya sa lupa. 

Napaluhod na lamang siya habang umiiyak ng malakas. Ngunit dahil sa lakas ng ulan ay hindi na rin niya marinig ang sariling boses.

Ganoon na lamang ang pagtulo ng luha ko habang nanonood sa telebisyon. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman matapos makita kung paano umiyak si Mark. Gusto ko siya murahin! Maging ang direktor ng palabas na ito! Hindi ko alam kung sadyang tanga ba sila o ano...pero bakit parang si Mary pa ang mali?!

Si Mark naman ang nagtaksil ah? Kung hindi siya makati at nakuntento na kay Mary noong una pa lamang ay hindi sana siya matutukso ng kaniyang ex girlfriend! Pshh! Kunsabagay ay pare-pareho lang naman ang mga lalaki. Kung saan sila nasasarapan ay doon sila! Tsk! 

Mas malala pa ay takot rin sila sa responsibilidad. Napairap at naibato ko tuloy ng hindi sinasadya ang remote sa tv na agad ring gumawa ng ingay. 

"Mom??" rinig kong tawag sa akin ni Hale sa itaas. Mabilis akong napatalikod sa tv at napatingin sa hagdan. Wala naman siya roon ngunit sigurado akong nasa itaas ito. 

"Yes baby? I'm coming!" malakas na sigaw ko na lamang dito. 

Mukhang maagang nagising ang aking baby Hale. Hayss...mas mabuti pang mag asikaso na rin ako. Tumayo na rin ako sa upuan ko at pinatay na ang telebisyon. Nang maayos ko na ang sala ay napatingin ako sa bintana at ganun na lamang ang gulat ko na inabot na ako ng umaga sa kakapanood. 

Paano ba naman kasi ay napakaganda na ng palabas, at satisfying rin ang ending dahil hindi marupok si Mary. Napangiti na lamang ako saka nagtungo na sa kusina para magluto na ng baon ng anak ko. 

Oh sorry, I forgot. Ako nga pala si Aeris Fabros. And as you see, isa akong single mom sa isang napaka-cute at napakabait na bata na si Hale. Despite me, being a mom... I'm still on my mid 20's. Yes, I got pregnant in a very young age. Thanks to that shit. 

But let's not talk about that shit of my ex boyfriend, it's all in the past. Kung hindi ba naman kasi ako marupok noon ay hindi naman ako mabubuntis ng maaga. And worst thing is that, Zachery, my worst shit ex boyfriend, is  a coward. He can't even looked at me when I told him that I'm pregnant!

And to make it even worse...he disappeared. Like shit, I know it will happen, but I didn't listen to my parents. And now, here I am. But don't get me wrong. Hale is a smart kid, and I didn't regret having a kid like her. 

What I regret the most is that my child will have a father like him.

Pagkatapos ko mag ayos ng kaniyang baon ay nagtungo na rin ako sa kaniyang kwarto sa second floor. Naabutan ko siya agad doon na nag aayos na rin ng gamit. 

What do you expect, it's already 6 in the morning anyway. 

Nakangiti itong tumingin sa akin kaya naman automatiko ring kumurba ng ngiti sa mga labi ko saka nakangusong lumapit dito.

"Oh come on, babyy..." 

She grew up so fast! I didn't even notice that she's already in her 6th year on Earth! It's just...amazing!

After that cheesy morning kiss for her, we both went down throughout the kitchen to take her lunch. And since it's Monday, I also need to go to my office. 

I drove her to school and wait for her to arrive to her building. Hindi naman ganoon kalakihan ang school na pinapasukan niya but it's still a good school. Well let's say, medyo may kamahalan rin ang tuition niya since it's a private school. 

Pagkatapos kong ihatid si Hale sa school ay nagtungo na rin ako agad sa office ko. Agad na bumungad sa akin ang mga baklush na kasamahan ko sa trabaho. 

"O my Gosh!! Shontis na raw ang asawa ni ser!" malakas na tili ng isa sa mga ito. 

"Wehh? Eh diba kirara ang krung krung na yun?!" maarteng sambit naman ng isa. 

"Ayun nga! Eh ano ba pang aasahan eh hammer yun?" gatong pa nito sabay irap sa ere. 

Ito ang gusto ko kapag may mga baklush na kasama sa opisina eh. Umagang umaga ay napakagandang balita agad ang bungad nila. To the point na pati ba naman ang buhay ng amo namin ay alam na rin nila. 

Hayss. Agad akong umupo sa upuan ko at inilatag ang likuran sa sandalan. Kasabay naman nito ay ang paglapit sa akin ni Ate Matet, isa rin siyang bakla. Ayun lang ang ipinangalan sa kaniya ng kapwa bakla dahil sa lapad ng noo niya. 

"Uy teh!" tawag nito sa akin dahilan para tingnan ko ito.

"Hm?"

"Papacheck up ka mamaya teh para kay Hale?" tanong nito sa akin. 

Agad naman akong napaayos ng upo. 

"Hmm...schedule niya ngayon eh," sagot ko naman dito. 

"Pasama naman ako teh, want ko makita si Fafa Reagan," sambit pa nito sa akin dahilan para tumaas ang kilay ko. Ano na naman kaya ang kinain ng isang ito at nakaramdam na naman ng kati. 

"Magtigil ka nga riyan, Matet! Kati mo, di ako pupunta dun para makipaglandian ah, magpapacheck up ako ng anak ko," sagot ko dito with matching panlalaki ng mga mata. 

Ngunit mukhang hindi pa ito sapat upang masindak siya. 

"Sus, kalurkey ka teh! Almost perfect na kaya si Fafa Reagan, don't tell me di ka man lang dumidiskarte para sa kaniya," sambit pa nito. 

"Ay tumigil ka Matet, wala akong panahon para dyan, kaya layas, layas!" sagot ko dito habang iwinawagwag pa ang kamay sa kaniya. 

Napilitan na tuloy itong umalis sa harapan ko. Kunsabagay ay wala na rin naman siyang magagawa para pilitin ako. Psh! I already learned my lesson. 

Maybe love exist. But it's not for me. After what happened years ago, I won't try it again. Marupok pa naman ako. Mabilis akong magpatawad kaya naman kung hindi ako magiingat ay baka ilang Hale ang magagawa ko. 

Kidding aside, wala na rin naman akong dahilan pa para humanap ng sariling Fafa. I'm doing my best to be Hale's Mom and Dad. At kung pang sarili naman, there's so many ways to satisfy myself, if that's what you mean. 

My own world revolves only for my baby Hale. Isa pa ay kailangan ko itong alagaan ng husto. Despite her beautiful smile and cute face, she has a heart failure when she was born. And up until now, mahina pa rin ang puso niya. Maraming bawal at marami ring gamot na kailangan. Mahina rin kasi ang resistensya niya kaya naman kailangan talaga na palagi akong nasa tabi niya. 

Many doctors told me that she can't live much longer like a normal person can do, but I will do it. I won't believe what they said. What can you expect from a mother?

I can't just sit there and watch my kid dying! For goodness sake! If only I could take my daughter's illness, I would gladly take it. Besides, she deserves it. She has a bright future ahead. While me, the only thing I had was her. And if I lose her, I'm nothing. 

After a while, finishing and proofreading those documents that were sent to my office, I took a short break. I went to the cafeteria near our building to buy some coffee. 

Hilig ko rin kasi magkape kahit na tirik na tirik ang araw. Sabayan pa ng pagsawsaw ko ng matigas na tinapay sa baso. Habang abala sa pagkakape ay narinig ko ang pagtunog ng telepono ko. 

Malapit na pala ang uwian nina Hale. Muntik ko nang makalimutan sa sobrang sarap ng kain ko. Ilang oras lang kasi ang pasok niya dahil nasa unang baitang pa lang naman ito. Nang matapos na akong makakain ay nagtungo na ako pabalik sa opisina para tapusin ang mga natirang gawain ko. 

Sa kabutihang palad ay kaunti na lang rin naman iyon kaya wala pang kalahating oras ay natapos ko na rin agad. Nagpaalam na rin ako sa mga kasamahan ko at ganoon na lamang kalakas ang kantyaw nila sa akin dahil alam nilang pupunta ako ngayon sa doktor ni Hale. 

And guess who starts the teasing? Oh well, obviously...it’s Aling Matet. 

It only takes me half an hour to reach Hale's school. Nakangiti agad itong lumapit sa akin habang naka spread ang dalawang kamay sa ere. She's still wearing the pony tails I bought for her yesterday. 

Awww... she's just so cute! 

I kissed her as I reached her cheeks and gave her a head pat that she really hated. I saw how annoyed she was as I did it. 

I laugh a bit. 

Today is her check up day again. I looked at her schedule at 3 pm pa naman ang sched niya kaya naman naisipan ko munang huminto kami sa isang kainan. Besides, wala pa rin kaming tanghalian. 

Ipinarada ko na lamang ang kotse sa tabi at sabay na kaming naglakad palapit sa kainan. At dahil maselan ang anak ko sa mga pagkain ay gulay na lang din ang inorder ko. 

Well, thankfully, she likes vegetables especially leafy veggies which are very good for her. Binigyan ko na lang din siya ng oranges para panghimagas namin bago tuluyang nagpunta kay Dok. 

Pagdating naman sa opisina ay mapapansin agad ang kalinisan ng opisina nito. I think he's still at lunch kaya wala pa rin ito ngayon. Ilang saglit lang din naman ang hinintay ko at tuluyan na ring bumukas ang pinto. 

"Doctorrr!!" malakas na sigaw ni Hale at mabilis na lumapit dito. Hindi maipagkakaila na malapit si Hale dito dahil sa ilang buwan na rin naman itong nagchecheck up sa kaniya. 

Napangiti na lang ako nang makita ang dalawa na magkayakap. 

"For some reason, I felt like a Mom, looking for my husband and daughter, bonding together,"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status