Isang linggo na sa hospital si Arabella simula nang magising siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang asawa niya kuno. Araw-araw siyang tumatambay sa silid nito at umaalis lang siya sa tuwing dumadating ang biyenan niyang babae. Gusto nang umuwi ni Arabella ngunit hindi niya alam kung saan siya kukuha ng ibabayad sa mga bills at kung saan siya uuwi. Ang sabi ng doctor ang memoryang mayroon siya ay nasa quince anyos pa lamang siya. Kaya ang posibleng tinitirhan niya noon ay wala na ngayon at ang pinakamasakit sa lahat ay wala na ang Lola Mamay niya. Hindi niya pa nadadalaw ang puntod nito dahil hindi pa siya makaalis sa hospital. Napatayo nang tuwid si Arabella nang makarinig ng katok mula sa pinto. “Pasok,” wika pa ni Arabella. Bumukas ang pinto napalunok siya nang makitang pumasok ang biyenan niyang lalaki. “Hija,” wika nito nang maisara ang pinto. Napatayo si Arabella, “M-magandang umaga po, Sir.”Tumango ito, naglakad ito papalapit kay Arabella at huminto sa har
“Ellen!” saway ni Arabella rito, luminga linga si Arabella baka muling tumingin kay Ellen. “Baka may makarinig sa ‘yo.”“Hindi naman siguro pupunta rito Madame Lara,” kabado ring wika ni Ellen kaya natawa si Arabella. “Pero kung darating siya, iba talaga ang powers niya kung ganun man!” “Hindi naman siguro pupunta iyon dito. Ang akin lang, baka may makarinig na iba at magsumbong sa kanya. Mahirap na,” wika ni Arabella. “Ay wala namang magsusumbong dito siguro, Arabella. Alam naman ng lahat kung gaano ka…” hininaan ni Ellen ang boses nito. “Sama ang budhi ng pamilyang ‘to. Kaya nga bilib ako sa ‘yo at hindi ka nahawaan, eh! Mabait ka pa rin kahit ang daming umaapi sa ‘yo dito. Minsan ang sarap mong gawan ng rebulto, Teh! Sa sobrang bait mo inaabuso ka na,” umirap pa si Ellen.Wala sa bokabularyo no Arabella ang makipag-away, kung maaari ay umiiwas siya sa gulo. Ayaw niyang madawit sa kung anong away na wala namang katuturan. Pero ang marinig naa hinahayaan niya ang sariling apihin ng
“Asa’n ba ang babaeng ‘yon?” inis na wika ni Lara Leviste. Pabalik-balik siya na naglalakad, hindi mapakali. “Hindi man lang ba magkukusa ang babaeng iyon? Walang utang na loob! Paano niya nagagawang humilata sa kama habang asawa niya na anak natin ay nakaratay at walang malay–”“Lara,” saway ni Gabriel Leviste sa asawa nito.“What? Kinakampihan mo ba ang babaeng ‘yon?” naningkit ang mga mata ni Lara Leviste sa inis, hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang tono ng asawa niyang si Gabriel. “I am a mother Gabriel! Sinong magulang ang matutuwang makita ang anak na nakaratay sa kama at hanggang ngayon wala pang malay? Habang ang asawa niya ay buhay na buhay at walang pakialam sa kanya?” “Lara!” dumagundong ang boses ni Gabriel sa buong silid. Kumunot ang noo ni Lara Leviste at inirapan ang asawa niya, “Bakit ka nagagalit? Hindi ka ba naiinis kay Arabella? Gising siya at ang asawa niya–anak natin! Ay hindi pa rin minumulat ang kanyang mata!” Napahilamos sa mukha sa inis si Gabriel,
“Mommy!” atungal ni Abegail nang makarating sa mansyon.Humahangos naman si Anna nang marinig ang boses ng anak. Nang makarating siya sa salas ay tulak-tulak ng bodyguard nito ang wheelchair ng anak niya. Mabilis na dinaluhan ni Anna ang anak, napaluhod siya sa harapan nito at marahang hinawakan ang mukha nito.“What’s wrong, Baby? Why are you crying?” “Mommy!” atungal muli ni Abegail.Sumenyas si Anna upang paalisin ang guard ni Abegail, sila na lang mag-ina ang naiwan sa salas. Nang sila na lang ang natira roon ay pinisil ni Anna ang kamay ng anak niya upang kalmahin ito. Si Anna na lang ang natatanging mayroon si Abegail kaya lahat ng kapritso ng anak niya ay gagawin niya. Kahit pa masunog ang kaluluwa ni Anna sa impyerno. “Anong nangyari anak? Bakit ka umiiyak?” pinalambing pa ni Anna ang boses niya. “Mommy, sinampal ako ni Tito Gab–”“What?” Hindi makapaniwala na bulaslas ni Anna, dahil alam ni Anna na mabait si Gabriel pagdating kay Abegail. “Why would he do that? Don’t worry
Tulala si Arabella nang hilahin paalis si Abegail ng guard nito. Hindi niya lubos aakalain na ipagtatanggol siya ng lalaking biyenan dahil basi sa sinasabi ng biyenan niyang babae ay kasalanan niya ang lahat kaya nagkanda-leche-leche ang pamumuhay ng mga Leviste. Humingang malalim si Gabriel Leviste, “Hija… can you please watch over, Hendrix?”Lumunok si Arabella at nanginginig na tumango, “Opo, Sir. A-ayos lang po sa ‘kin. Magpapahatid nga po sana ako do’n, eh. Kasi hindi ko ‘ho tanda iyong hospital at w-wala po akong pera.” “Don’t worry about the money, Hija. Na sa ‘kin ang cards at ID’s mo,” may dinukot si Gabriel sa bulsa nito at inabot kay Arabella ang isang a black card. “Use this too and about your cards, ipapahatid ko kay Manong Ben bukas.”Kabadong tinanggap ni Arabella ang black card,”T-thank you, Sir.” “Call me Dad, Hija. You’re my son’s wife, and people might think I don’t like you.”Ngumiti na lamang si Arabella bilang sagot, alam naman niyang ayaw sa kanya ng biyenan
Bumungad kay Arabella ang puting kisame. Napahawak siya sa ulo niya nang makaramdam ng kirot. Dahan dan siyang umupo, napatingin siya sa tabi niya nang maramdamang may maliit na kamay na nakapulupot sa kanya. It was the same kid who insisted on calling her “Mom.” “You’re awake,” napaigtad sa gulat si Arabella nang may magsalita sa gilid at nakita niya ang isang lalaking nakaupo sa silya at nakatingin ito sa kanya at kunot ang noo nito. Hindi magkakamali si Arabella, ito ang ama ng bata, ultimo pag-arko ng kilay ay namana ng paslit rito. Napalunok si Arabella dahil kinakabahan siya. “S-Sino ‘ho sila?” Mas lalong kumunot ang noo ng lalaki, “Are you playing games with me, Arabella?” Nanuyo ang lalamunan ni Arabella sa narinig, “H-hindi ho ako nakikipagbiruan, Sir. Hindi ko talaga kayo kilala.”“You’re gone for almost a month. Alam mo bang hinahanap ka ng bata? Khalid had been crying asking where did you go? Hindi ko masagot kasi hindi kita ma-contact. I know you had issues with you
Umawang ang labi ni Arabella sa gulat. Hindi niya alam kung anong gagawin kung aatras ba at aalis o papasok sa loob. Natulos siya sa kinatatayuan niya. “Hi, Arabella! Long time no see,” the man who greeted her first added. Naglakad ito papalapit kay Arabella, nahihilo siya at nasusuka sa kaba. Hinawakan siya ng lalaki sa braso at hinila papasok ng silid. Tumingala si Arabella dahil matangkad ito at dinaig pa ang poste dahil sa tangkad nito. Para itong siga sa kanto dahil sa mga hikaw na nasa tenga nito at nasa gilid ng labi nito. “You’re scaring her, Dude!” sabat naman ng isa pang lalaki, matangkad rin ito ngunit kayumanggi ang balat nito at nakatali ang may kahabaan nitong buhok. Bumitaw ang namanang lalaki sa pagkakahawak kay Arabella. Hindi pa rin umimik si Arabella. Nanatili ang mga mata niya sa kalalakihan na nasa silid. Apat ang naroon, ang unang nagsalita at lumapit sa kanya ay may hikaw sa tenga at labi. Ang sumunod naman na nagsalita ay nakatali ang may kahabaang buhok nit
Nang sumunod na araw ay bumalik muli si Arabella sa hospital. Laking pasasalamat niya at wala siyang ibang nadatnan, hindi yata dumalaw ang biyenan niyang babae. At wala ring mga kaibigan na dumalaw muli kay Hendrix. At lalong-lalo na walang Abegail. Hindi niya kakayaning muli na makasalamuha ito. Sa mga kwento na naririnig ni Arabella mula sa mga kaibigan ni Hendrix. Hindi lang ito dating kasintahan ni Hendrix. Technically, hindi ito kasintahan ni Hendrix–ito ang babaeng napili ng biyenan ni Arabella noon. At biglang inayawan ito at siya ang sumunod na naging babae ni Hendrix, yun lang walang matandaan si Arabella sa mga bagay-bagay unless magising si Hendrix. Pinunasan ni Arabella ang braso ni Hendrix ng wet wipes sabay tingin sa mukha nito, “Hindi ka pa ba magiging? Kung nasaan man ang kaluluwa mo ‘wag na ‘wag ka munang tumawid sa kabilang buhay.” Humagikgik si Arabella nang may maalala. “Pero imposible ka naman yatang makatawid, Hendrix. May sa demonyo lahi mo, eh.”Namilog ang
Inaalalayan ni Arabella na bumaba sa kotse si Hendrix. Kakadating lang nila sa bahay nila. Nasa kabilang sasakyan nakasakay ang biyenan niya kaya tahimik ang biyahe ni Arabella. “Thank you,” Hendrix muttered.Tumango lang si Arabella bilang tugod. Ingat na ingat siya kilos niya dahil maraming nakabantay. Halos lahat sa paligid niya ay alagad ni Lara Leviste.Lumayo ng kaunti si Arabella kay Hendrix at hinayaan na niya itong kumilos ng mag isa. Nakakalakad na naman ito nang maayos. Sumasabay na lang si Arabella sa bawat hakbang ni Hendrix.Nang makapasok sila sa bahay ay naroon ang mga kasambahay nila. Naghihintay sa pagdating ni Hendrix. May kaunti ring salo-salo na hinanda ang mga ito.Hindi na sumabay pa si Arabella. Nauna na siyang umakyat. Kung mag-aalburuto si Lara mamaya ay hindi naman siya nito basta-basta na masasaktan lalo pa’t kasama niya si Hendrix.Naligo muna si Arabella bago humilata sa kama niya. Set na ang date kung kailan siya tatakas. At sa susunod na linggo iyon. W
Nagtungo si Arabella at Khalid sa front desk. Karga-karga niya si Khalid dahil biglang itong nagreklamo na napagod daw ito sa kakatakbo para hanapin siya kanina. Wala namang problema kay Arabella kaya kinarga niya agad si Khalid.“Miss,” tawag ni Arabella sa babaeng naka-assign sa front desk.Ngumiti ang babae kay Arabella, “Yes, Ma’am. How may I help you?”“Itong bata kasi Miss, nawawala. Tinakbuhan niya raw iyong kasama niya na nagpunta dito sa mall. Baka pwede namang pa-page—”“Mommy!” Wika ni Khalid at nagsusumiksik sa leeg ni Arabella. “Shh,” Saway ni Arabella at muling tumingin sa babae. Kunot ang noo ng babae at nagdududa ang mga tingin kay Arabella, “Ma’am, kung anak niyo po ‘yan h’wag niyo naman pong ikahiya. Hindi iyong magpupunta pa kayo rito. Kung may balak kayong iwanan ang bata dito, paalala ko lang po may CCTV camer’as po sa bawat sulok ng mall. Kaya matutukoy at matutukoy pa rin kayi kapag iniwanan niyo iyang bata.”“What?” Litong-litong wika ni Arabella. “What are y
Bukas makakalabas na sa hospital si Hendrix at imbes na magbantay si Arabella sa hospital ay nilayasan niya ito matapos siyang ihatid ng family driver ng mga Leviste. Hindi maatim ni Arabella na pumirmi sa isang silid kasama si Hendrix. Naaalala niya ang mga sinabi sa kanya ni Sisi tungkol sa kagaguhan nito. Sa tuwing tumitingin siya rito ay naninikip ang dibdib niya sa galit. Hindi na naman binubulabog ni Lara Leviste si Arabella. Kaya medyo tahimik ang buhay niya. Wala ring Abegail na nambwibwisit sa kanya. Tahimik ito at hindi na muling dumalaw pa kay Hendrix. Hinihintay na muna ni Arabella na makauwi si Hendirx sa bahay nila saka niya isasagawa ang plano niya. Sa ngayon ay mananahimik rin siya oara hindi magduda ang mag-ina. “Uy, Fae!” Bati sa kanya ni Sisi, kasalukuyan itong naglilinis sa foodcourt. Natanggap na kasi ito sa inaaplyan nitong trabaho bilang janitress. Kinawayan ni Arabella si Sisi, may hilahila itong mop. Magaan pakiramdam ni Arabella kay Sisi, mukhang maganda a
“Abegail…” May banta sa tono ng pananalita ni Hendrix na pinagtataka ni Abegail. “Drix…” Malungkot na sambit Abegail. Sila na lang dalawa ang naiwan sa silid ni Hendrix nang mag-walk out si Arabella. Ito ang unang beses na nakita ni Abegail si Hendrix makalipas ang halos isang buwan na pagkakahospital nito. Madalas kasing si Mrs. Leviste ang nagbabantay kay Hendrix kaya hindi niya ito madalaw. May binayaran pang janitres si Abegail para lang magmanman kung sino ang madalas na nagbabantay kay Hendrix. Dumalang ang pagbabantay ni Lara Leviste kay Hendrix nang maaksidente ang asawa nito. Nang malaman nga iyon ni Abegail ay natuwa siya dahil mabilis ang ganti ng karma kay Gabriel Leviste matapos siya nitong sampalin at ipahiya. Sa tingin ni Abegail ay kumakampi sa kanya ang tadhana. “I didn’t like the way you disrespected my wife,” dismayadong sambit ni Hendrix.Umawang ang labi ni Abegail sa gulat, “I-I didn’t mean it that way, Drix. Alam mong hindi ko kayang mamahiya o mang-insulto
“Bakit ngayon ka lang?” Mahinahon na bungad ni Hendrix kay Arabella nang makapasok siya sa silid. “D’yan lang sa tabi-tabi,” Walang kabuhya-buhay na sagot ni Arabella. Matapos makausap ni Arabella si Sisi ay nagpaalam ito dahil may iba pa itong interview sa pinag-applyan nito. Dahil nga naaawa rin si Arabella rito ay binigyan niya ito ng tatlong libo. Maliit mang halaga iyon pero makakatulog rin sa gastusin nito habang wala pang trabaho. Umupo si Arabella sa mahabang sofa at kinuha ang mumurahing smart phone niya. Pansin niya ang titig ni Hendrix ngunit hindi niya binigyang pansin iyon. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa naging buhay niya. At namumula pa rin ang mga mata at ilong niya dahil sa kaiiyak kanina. Siguro nga minahal niya si Hendrix kaya siya nanatili sa tabi nito kahit pa sukdulan na ang sakit na pinaparanas sa kanya nito. At siguro rin ay kailangan na kailangan niya ng pera para sa Lola Mamay niya, iyon ang pinaka tugmang rason na naisip niya. Kasi kung hin
Pinagmasdan ni Arabella na papakin ng babae ang order niyang fries at spaghetti. Maingay ang bawat pagnguya nito at sa ilang subo lang ay ubos na agad ang pagkain. Pinunasan nito ang labi nito gamit ang table napkin matapos ubusin rin ang pineapple juice na in-order ni Arabella. “Yun lang ba, order mo?” “Oo,” sagot ni Arabella. “Akala ko may iba pa,” Hilaw na ngumisi ito. “Gutom ka pa ba?” Arabella asked politely. “Medyo, pero ayos na ‘no ka ba. Nakakahiya na sa ‘yo,” Humagikgik pa ito. “Pasensya ka na, ha? Gutom talaga ako kasi naglakad lang papunta dito sa mall. Mamaya pa iyong interview ko bilang janitress.”Doon lang napansin ni Arabella ang brown envelop na nasa mesa. Nakaramdam agad ng awa si Arabella para rito. Alam niya kasi ang pakiramdam ng walang-wala. At lalong lalo na ang walang mapaghihiraman ng pera. “Dami kasing requirements, eh. Medyo malaki-laki na iyong utang ko sa requirements pa lamang. Ubos agad iyong tatlong libong hiniram ko. Kaya ayun, naglakad na lang
Umalis si Arabella sa hospital at naglakad-lakad lamang siya hanggang sa makarating siya sa pinaka malapit na mall. Wala siyang balak harapin si Hendrix lalo pa’t pinal na ang desisyon niyang hiwalayan ito. Sapat na siguro ang ilang taon na pagiging mag-asawa nilang dalawa. At panahon na upang unahin ni Arabella ang kaniyang sarili. Nagtungo siya sa ATM machine upang subukan tignan kung may laman ba ang ATM cards niya. Iyong kaniya mismo, hindi iyong binigay sa kanya ng biyenan niya.Susubukan niya ring alamin kung anong pin nito. Nang isa lang niya ang ATM card niya ay sinubukan niya agad ang birthday ng Lola Mamay niya. At tugma nga iyon!She immediately checked the balance and to her surprise may laman naman ang account niya kahit papaano. It was around Two hundreds fifty thousand pesos, kung siguro para sa mayayaman ay maliit na halaga na iyon pero para kay Arabella ay sapat na iyon para magbagong buhay.Nag-withdraw siya ng maliit na halaga upang makabili lang ng mumurahing sma
Hindi mawala-wala sa isipan ni Arabella ang huling sinabi ni Abegail sa kanya. Paulit-ulit na tumatatak sa isipan ni Arabella ang salitang kriminal. Mukha ba siyang kriminal? Oo, pumatol siya sa mga panunuya ni Abegail ngunit kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan ni Arabella ang manakit ng tao lalong lalo na ang pumatay. Masyadong makasalanan iyon.Naglakad-lakad muna siya sa garden area ng hospital kung saan may mga pasyente rin doon na tumatambay. Ito ang lugar kung saan siya nakita ni Khalid. ‘Kumusta na kaya ang batang ‘yun? Namimiss ko bigla si Khalid.’ Namiss ni Arabella ang kakulitan ni Khalid at ang pagiging malambing nito sa kanya. Umupo si Maya doon sa sulok at tumunganga lang. Mas gugustuhin niya pang tumunganga sa labas kaysa tumunganga sa silid ni Hendrix at nandun ang inaanak ni Satanas na si Abegail. Humingang malalim si Arabella. Iniisip niyang mabuti kung paano siya makakapag-umpisa. Hindi naman pwedeng habang-buhay siyang umasa sa mga ito. Isa pa, nakapagpasya na
“Drix!” Awtomatikong napalingon ang mag-asawa sa pintuan. Tulak-tulak ng guard ang wheelchair ni Abegail. Napaupo agad si Arabella. Dumapo ang mata ni Arabella kay Hendrix na walang ka emo-emosyon. Habang si Abegail naman ay maluha-luha. Nilingon ni Abegail ang tauhan niya, “Bilisan mo ang pagtulak please.” Nakangiti ito pero ramdam ni Arabella ang gigil sa mga salitang binibitawan nito. Tumayo si Arabella upang bigan ng privacy ang dalawa. Baka magmukha lang siyang thirdwheel kapag nanatili pa doon. At wala siyang balak makinig sa mga palitan nila ng mga salita. At ang panghuling rason ay ayaw niyang makasama si Abegail sa iisang lugar. “Where do you think you’re going?” Dahan-dahan na napatingin si Arabella kay Hendrix. Matalim ang titig sa kanya ni Hendrix. Tinuro ni Arabella ang sarili niya, “Ako ba ang kinakausap mo?” Hendrix glared at him, “Sitdown, Wife. I can’t talk with Abegail if you’re leaving.” “Huh?” Gustong mairap ni Arabella. Mukha ba siyang nakikipagbiruan kay