Happy reading! 2/3 please vote rate and comment. Support my other story too.
Nagising si Arabella dahil sa uhaw. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya katabi ang asawa niya. Himbing na himbing pa rin si Hendrix–napangiwi siya. Naisahan na naman siya ng asawa niya. Natulala siya at napatitig sa kisame. Hindi niya alam kung paano lulusutan ang pamilyang Leviste. Hanggat dala-dala niya ang apelyido ng mga ito ay hindi siya tatantanan ng mga ito. Dahan-dahan siyang umalis sa kama. Ang balak niya ngayon ay lumipat ng silid. Kapag nakahanap na siya ng paraan ay tatakas siya mula sa mga Leviste. Masyadong malaki ang kailangan para makapag-file siya ng annulment. Ang perang mayroon siya ay hindi umaabot sa tatlong daang libong piso. The estimated amount for annulment is around seven hundred thousand pesos. Aabutin pa siya ng ilang taon para malikom ang gano’n kalaking halaga. Sumulyap siya kay Hendrix—napaka amo ng mukha. Hindi aakalaing may lahing satanas ito. Tumunog ang cellphone ng asawa niya. She knows it’s Abegail again. Lumabas na siya sa silid nilang ma
“Ayos ka lang, Hija?” tanong ni Nanay Martha sa kanya. Ngitian niya lang ang ito. “Ayos lang naman, Nanay. Chill-chill lang muna ako.”“Chill-chill? ‘Di ka ba lalamigin niyan?” biro pa ng matanda.Napaghagikgik pa siya. “Nanay naman.”“Biro lang. Akala ko hindi ka na babalik pa dito,” malungkot nitong aniya.Iyon naman talaga ang plano. Kaso hawak siya sa leeg ng mga Leviste. No matter where she goes as long as she is still a Leviste–wala siyang matatakbuhan. Kayang-kaya siyang ibagsak ng mga ito. Wala kasing nakasaad sa kasunduan nila kung kailan matatapos. Ang tanging naksaad lamang doon ay gampanan niya ang pagiging Mrs. Leviste niya.“Wala akong choice Nanay. Alam mo naman,” wika niya pa.Malungkot na ngumiti ang matanda sa kanya at hinawakan ang kamay niya, “Darating ang panahon na magiging masaya ka rin anak. Magiging malaya ka at malayo sa lungkot dahil nararapat lang sa ‘yo ang maging masaya.”“‘Di ‘ho yata ako trip ng kasiyahan, Nay. Kahit anong pilit kong abutin iyon, lumala
“Ni hindi niyo nga ako dinalaw sa kulungan sa loob man lang ng isang taon. Pinakiusapan ko kayo na sana alagaan niyo si Mamay habang wala ako. Ang iniwan kong pera tinakbo niyo. Ako pa ngayon ang bastos at makasarili?” hindi makapaniwala na usal niya. “Hoy, babae! Hindi namin kasalanan kung nakulong ka. Inalagaan naman si Mama kahit papaano, ah? Ang sabihin mo madamot ka at gahaman ka sa pera!” sigaw ng tiyahin niya.“Hindi ako gahamang kagaya niyo. Na walang ibang iniisip kundi pera lang!” sigaw niya pa, wala na siyang pakialam kung marinig pa ng mga kasambahay. Alam naman nila kung gaano ka gulo ang buhay na mayroon siya.“Madamot kang putang ina ka!” akmang sasapalin siya ng tiyuhin nang biglang humarang si Lance. Mapakurap siya sa gulat, hindi niya aakalain na ihaharang ni Lance ang sarili. Ito ang tinamaang ng sampal ng tiyuhin niya. Hindi niya alam at napansin ang presensya ni Lance, masyado siyang nadadala sa emosyon niya.“Mawalang galang na ‘ho. Pero hindi po kami mangingi
Hendrix Levian Leviste–her first love. Her ex-fiance. Simula pagkabata ay magkakilala na sila dahil malapit na magkaibigan ang mga ama nila. At nang mag doce anyos siya ay tinatak ng mga magulang niya na silang dalawa ni Hendrix ang nakatadhana. Mas lalo siyang nahulog sa binata dahil sa kabaitan nito–he treated her with kindness and affection. Kaya para sa kanya wala ng iba pang nababagay para kay Hendrix kundi siya lang. Ngunit dumating ang hindi inaasahang pangyayari. Bumangga ang sinasakyan nilang kotse, Hendrix got comatosed and she suffered paralyzation. At doon nagbago ang takbo ng lahat. Arabella came into the picture and married Hendrix. At doon nagsimula ang impyerno ng buhay ni Abegail. “Hi,” bati niya kay Hendrix. “Why are you here?” tanong nito sa kanya. Lumabi siya, “I missed you, Hendrix. I haven’t seen you for a while now. Wala naman sigurong masama kung dalawin kita dito ‘di ba? As far as I know, Tita Mommy and Tito Daddy isn’t here.”He sighed, “Hindi iyon ang
“Nanay Martha,” tawag ni Hendrix sa katiwala. “Bakit, ‘nak?” Anak ang turing nito sa kanya at matagal na rin itong naninilbihan sa pamilya nila. Kaya anak ang tawag nito sa kanya. Lumaki siya sa pangangalaga nito dahil ang mga magulang niya ay abala sa negosyo ng pamilya nila. “Nasaan ang asawa ko?” tanong niya rito. Ininat niya pa ang paa niya. He’s doing well, mukhang malapit ng gumaling ang mga binti niya dahil na i-aapak na niya at naigagalaw. Nabuburyo na siya sa bahay. Hindi siya sanay na walang trabaho at ginagawa. Madalas naman na dumalaw ang kababata niyang si Abegail kaya may pinagkakaabalahan siya. Nais niya sanang igugol ang oras niya sa asawa ngunit hindi niya matanggihan ang kaibigan niya. Abegail is a precious friend for him. Mahina rin ang puso nito kaya ayaw niyang nalulungkot ito. Nagkibit-balikat si Nanay Martha, “Aba malay ko. Asawa mo ‘yon. Hindi ba kayo tabing matulog?”Umiling siya, “Hindi kami tabi matulog. She insisted on sleeping in the guest room.”Wala
“Good Morning, baby!” malambing niyang bati sa alagang si Khalid. First day niya ngayon sa mga De Ayala. Ang numerong ibinigay sa kanya ay tinawagan niya. Mabilis siyang sinundo ng mga tauhan ni Mr. Yohan De Ayala. Hindi na niya naabutan si Mr. Yohan dahil maaga raw itong yumakag. Ngunit ipinaghabilin naman siya sa butler nito.Mainit ang pagtanggap ng mga tauhan sa kanya kaya wala siyang naramdaman na pagkailang. Iginiya siya sa silid ni Khalid. Nadatnan niya ang paslit na tulog na tulog pa. Medyo maayos na rin ang kulay nito, hindi na gaanong maputlan. Kinusot-kusot nito ang mata saka unti-unting dumilat. Tulala ito… saglit pa bago rumhestro sa utak nito. Namilog ang singkit nitong mga mata at mabilis siyang niyakap. “Mommy!” tuwang-tuwang anas nito at niyakap siya nang mahigpit. “I miss you!”“I miss you too, beh!” nakangiting wika niya pa. Humiwalay ang paslit sa pagkakayakap sa kanya. Hindi maalis sa labi nito ang ngiti, ang mga mata nito ay kumikislap sa tuwa. Sa mga nagdaan
“Good morning, Sir!” bati ni Mark sa among si Hendrix.Tinanguan niya ito, “Mark, I have a task for you.”Lumunok si Mark dahil sa kaba, “A-ano po ‘yon, Sir?”Kinakabahan siya sa ekspresyon na mayroon ang boss niya. Mas magulo pa sa babae ang utak na mayroon si Hendrix Levian Leviste. Mahirap intindihin at kahit papaano ay tumagal siya rito ng ilang taon. Kung hindi lang dahil sa laki ng pasahod nito ay walang magtatagal na sekretarya rito. Pabago-bago ang timpla nito at madalas galit sa mundo. “I want you to investigate my wife’s new employer,” mariin nitong utos. Napaawang ang labi ni Marks sa gulat, “May I know the name, Sir?”Pinatunog nito ang mga daliri at prenteng sumandal sa backrest ng swivel chair nito, “I don’t know. That’s why I am telling you to investigate. Now, leave. You have a day to find out or else I will fire you.”“Y-yes, Sir.”Ngumiti siya at mabilis na lumabas sa opisina nito. Nang maisara ang pinto ay napahilamos na lamang si Mark sa mukha dahil sa utos ng am
Hindi niya lubos maisip na pinasundan siya ni Hendrix. Hiyang-hiya siya sa among si Yohan, hindi niya rin kasi nasabi rito kung sino ang asawa niya. Wala rin siyang balak sanang sabihin pero wala siyang nagawa kundi umamin rito sa tunay niyang katauhan na hindi naman sana importante kung hindi lang tinutubuan ng kabaliwan ang asawa niya. “Pasensya ka na, Sir. Hiyang-hiya po ako sa ginawa ng sekretary nga asawa ko,” paliwanag niya pa.“I didn’t know you’re married,” wika nito na mas ikinatakot niya. She sighed, “I-I didn’t intend to deceive you or anything, Sir.” “Who’s your husband?” tanong nito. Wala siyang magawa kundi sagutin iyon. Kahit para sa kanya ay hindi importante iyon, ngunit dahil sa katarantaduhan ni Mark o mas tamang sabihin ni Hendrix ay nagalit ito. “My husband is Hendrix Leviste,” sagot niya pa animo’y nasa isa siyang oral recitation.“Oh,” gulat na wika nito tumukhim ito. “Hindi mo naman pala kailangan ang trabahong ‘to. Your husband is a billionaire. He comes f
Nagtungo si Arabella at Khalid sa front desk. Karga-karga niya si Khalid dahil biglang itong nagreklamo na napagod daw ito sa kakatakbo para hanapin siya kanina. Wala namang problema kay Arabella kaya kinarga niya agad si Khalid.“Miss,” tawag ni Arabella sa babaeng naka-assign sa front desk.Ngumiti ang babae kay Arabella, “Yes, Ma’am. How may I help you?”“Itong bata kasi Miss, nawawala. Tinakbuhan niya raw iyong kasama niya na nagpunta dito sa mall. Baka pwede namang pa-page—”“Mommy!” Wika ni Khalid at nagsusumiksik sa leeg ni Arabella. “Shh,” Saway ni Arabella at muling tumingin sa babae. Kunot ang noo ng babae at nagdududa ang mga tingin kay Arabella, “Ma’am, kung anak niyo po ‘yan h’wag niyo naman pong ikahiya. Hindi iyong magpupunta pa kayo rito. Kung may balak kayong iwanan ang bata dito, paalala ko lang po may CCTV camer’as po sa bawat sulok ng mall. Kaya matutukoy at matutukoy pa rin kayi kapag iniwanan niyo iyang bata.”“What?” Litong-litong wika ni Arabella. “What are y
Bukas makakalabas na sa hospital si Hendrix at imbes na magbantay si Arabella sa hospital ay nilayasan niya ito matapos siyang ihatid ng family driver ng mga Leviste. Hindi maatim ni Arabella na pumirmi sa isang silid kasama si Hendrix. Naaalala niya ang mga sinabi sa kanya ni Sisi tungkol sa kagaguhan nito. Sa tuwing tumitingin siya rito ay naninikip ang dibdib niya sa galit. Hindi na naman binubulabog ni Lara Leviste si Arabella. Kaya medyo tahimik ang buhay niya. Wala ring Abegail na nambwibwisit sa kanya. Tahimik ito at hindi na muling dumalaw pa kay Hendrix. Hinihintay na muna ni Arabella na makauwi si Hendirx sa bahay nila saka niya isasagawa ang plano niya. Sa ngayon ay mananahimik rin siya oara hindi magduda ang mag-ina. “Uy, Fae!” Bati sa kanya ni Sisi, kasalukuyan itong naglilinis sa foodcourt. Natanggap na kasi ito sa inaaplyan nitong trabaho bilang janitress. Kinawayan ni Arabella si Sisi, may hilahila itong mop. Magaan pakiramdam ni Arabella kay Sisi, mukhang maganda a
“Abegail…” May banta sa tono ng pananalita ni Hendrix na pinagtataka ni Abegail. “Drix…” Malungkot na sambit Abegail. Sila na lang dalawa ang naiwan sa silid ni Hendrix nang mag-walk out si Arabella. Ito ang unang beses na nakita ni Abegail si Hendrix makalipas ang halos isang buwan na pagkakahospital nito. Madalas kasing si Mrs. Leviste ang nagbabantay kay Hendrix kaya hindi niya ito madalaw. May binayaran pang janitres si Abegail para lang magmanman kung sino ang madalas na nagbabantay kay Hendrix. Dumalang ang pagbabantay ni Lara Leviste kay Hendrix nang maaksidente ang asawa nito. Nang malaman nga iyon ni Abegail ay natuwa siya dahil mabilis ang ganti ng karma kay Gabriel Leviste matapos siya nitong sampalin at ipahiya. Sa tingin ni Abegail ay kumakampi sa kanya ang tadhana. “I didn’t like the way you disrespected my wife,” dismayadong sambit ni Hendrix.Umawang ang labi ni Abegail sa gulat, “I-I didn’t mean it that way, Drix. Alam mong hindi ko kayang mamahiya o mang-insulto
“Bakit ngayon ka lang?” Mahinahon na bungad ni Hendrix kay Arabella nang makapasok siya sa silid. “D’yan lang sa tabi-tabi,” Walang kabuhya-buhay na sagot ni Arabella. Matapos makausap ni Arabella si Sisi ay nagpaalam ito dahil may iba pa itong interview sa pinag-applyan nito. Dahil nga naaawa rin si Arabella rito ay binigyan niya ito ng tatlong libo. Maliit mang halaga iyon pero makakatulog rin sa gastusin nito habang wala pang trabaho. Umupo si Arabella sa mahabang sofa at kinuha ang mumurahing smart phone niya. Pansin niya ang titig ni Hendrix ngunit hindi niya binigyang pansin iyon. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa naging buhay niya. At namumula pa rin ang mga mata at ilong niya dahil sa kaiiyak kanina. Siguro nga minahal niya si Hendrix kaya siya nanatili sa tabi nito kahit pa sukdulan na ang sakit na pinaparanas sa kanya nito. At siguro rin ay kailangan na kailangan niya ng pera para sa Lola Mamay niya, iyon ang pinaka tugmang rason na naisip niya. Kasi kung hin
Pinagmasdan ni Arabella na papakin ng babae ang order niyang fries at spaghetti. Maingay ang bawat pagnguya nito at sa ilang subo lang ay ubos na agad ang pagkain. Pinunasan nito ang labi nito gamit ang table napkin matapos ubusin rin ang pineapple juice na in-order ni Arabella. “Yun lang ba, order mo?” “Oo,” sagot ni Arabella. “Akala ko may iba pa,” Hilaw na ngumisi ito. “Gutom ka pa ba?” Arabella asked politely. “Medyo, pero ayos na ‘no ka ba. Nakakahiya na sa ‘yo,” Humagikgik pa ito. “Pasensya ka na, ha? Gutom talaga ako kasi naglakad lang papunta dito sa mall. Mamaya pa iyong interview ko bilang janitress.”Doon lang napansin ni Arabella ang brown envelop na nasa mesa. Nakaramdam agad ng awa si Arabella para rito. Alam niya kasi ang pakiramdam ng walang-wala. At lalong lalo na ang walang mapaghihiraman ng pera. “Dami kasing requirements, eh. Medyo malaki-laki na iyong utang ko sa requirements pa lamang. Ubos agad iyong tatlong libong hiniram ko. Kaya ayun, naglakad na lang
Umalis si Arabella sa hospital at naglakad-lakad lamang siya hanggang sa makarating siya sa pinaka malapit na mall. Wala siyang balak harapin si Hendrix lalo pa’t pinal na ang desisyon niyang hiwalayan ito. Sapat na siguro ang ilang taon na pagiging mag-asawa nilang dalawa. At panahon na upang unahin ni Arabella ang kaniyang sarili. Nagtungo siya sa ATM machine upang subukan tignan kung may laman ba ang ATM cards niya. Iyong kaniya mismo, hindi iyong binigay sa kanya ng biyenan niya.Susubukan niya ring alamin kung anong pin nito. Nang isa lang niya ang ATM card niya ay sinubukan niya agad ang birthday ng Lola Mamay niya. At tugma nga iyon!She immediately checked the balance and to her surprise may laman naman ang account niya kahit papaano. It was around Two hundreds fifty thousand pesos, kung siguro para sa mayayaman ay maliit na halaga na iyon pero para kay Arabella ay sapat na iyon para magbagong buhay.Nag-withdraw siya ng maliit na halaga upang makabili lang ng mumurahing sma
Hindi mawala-wala sa isipan ni Arabella ang huling sinabi ni Abegail sa kanya. Paulit-ulit na tumatatak sa isipan ni Arabella ang salitang kriminal. Mukha ba siyang kriminal? Oo, pumatol siya sa mga panunuya ni Abegail ngunit kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan ni Arabella ang manakit ng tao lalong lalo na ang pumatay. Masyadong makasalanan iyon.Naglakad-lakad muna siya sa garden area ng hospital kung saan may mga pasyente rin doon na tumatambay. Ito ang lugar kung saan siya nakita ni Khalid. ‘Kumusta na kaya ang batang ‘yun? Namimiss ko bigla si Khalid.’ Namiss ni Arabella ang kakulitan ni Khalid at ang pagiging malambing nito sa kanya. Umupo si Maya doon sa sulok at tumunganga lang. Mas gugustuhin niya pang tumunganga sa labas kaysa tumunganga sa silid ni Hendrix at nandun ang inaanak ni Satanas na si Abegail. Humingang malalim si Arabella. Iniisip niyang mabuti kung paano siya makakapag-umpisa. Hindi naman pwedeng habang-buhay siyang umasa sa mga ito. Isa pa, nakapagpasya na
“Drix!” Awtomatikong napalingon ang mag-asawa sa pintuan. Tulak-tulak ng guard ang wheelchair ni Abegail. Napaupo agad si Arabella. Dumapo ang mata ni Arabella kay Hendrix na walang ka emo-emosyon. Habang si Abegail naman ay maluha-luha. Nilingon ni Abegail ang tauhan niya, “Bilisan mo ang pagtulak please.” Nakangiti ito pero ramdam ni Arabella ang gigil sa mga salitang binibitawan nito. Tumayo si Arabella upang bigan ng privacy ang dalawa. Baka magmukha lang siyang thirdwheel kapag nanatili pa doon. At wala siyang balak makinig sa mga palitan nila ng mga salita. At ang panghuling rason ay ayaw niyang makasama si Abegail sa iisang lugar. “Where do you think you’re going?” Dahan-dahan na napatingin si Arabella kay Hendrix. Matalim ang titig sa kanya ni Hendrix. Tinuro ni Arabella ang sarili niya, “Ako ba ang kinakausap mo?” Hendrix glared at him, “Sitdown, Wife. I can’t talk with Abegail if you’re leaving.” “Huh?” Gustong mairap ni Arabella. Mukha ba siyang nakikipagbiruan kay
Kung paguluhan lang ng buhay ang usapan. Wala na yatang mas gugulo pa sa buhay ni Arabella. Naaksidente siya tapos magigising siyang walang maalala. Tapos ang asawa rin niya ay may amnesia rin. Ano pa ang gagawin nilang mag-asawa? Kung pareho naman silang walang maalala? “Come sit beside me, Wife.” Pag-uulit pa ni Hendrix. Luming-linga si Arabella nang makitang wala na roon ang biyenan niyang babae ay mas kinabahan si Arabella. Tinuro niya ang sarili niya. “A-Ako?” Nabubulol na aniya. Hendrix forehead creased, “May iba pa ba akong asawa?”Napalunok si Arabella sa narinig. She’s thinking whether to take a step or not. Nangangapa siya kung paano ba dapat siya kumilos sa harapan ni Hendrix. Pero paano nga ba siya kumilos noon sa harapan nito? Mahinhin ba siya? Magaslaw? Maldita o ano? “Ayaw mo bang lumapit?” “Ah…” Humugot ng hininga si Arabella. “P-pwede? I mean… Kailangan ba?” Napapikit si Arabella hindi na malaman kung ano ang sasabihin. Hindi na nga niya maintindihan ang mga sa