Share

Capitulo Quatro

“Good morning!” bati niya sa mga kasamahan sa station na iyon. 

“Good morning, ako nga pala si Sheena!” pakilala ng babaeng may katangkaran , inilahad nito ang palad niya.

Tinanggap naman niya, “Fae.”

Ngumiti si Sheena, “Ito naman si Naz,” turo niya sa lalaking kumaway sa kanya. “Ito naman si Iya,” sabay turo sa babaeng may hawak na chart. “Welcome sa station natin!”

Mababait naman ang mga kasamahan niya sa trabaho. Hati-hati sila sa lahat ng gawain. Dahil siya ay bago ni-review niya muna lahat ng charts at profiles. 

Tumunog ang buzzer, kung saan may pasyenteng tumatawag sa kanila.

 Nagkatinginan silang apat.

 “Ako na,” anas niya.

“Sure ka? May sa demonya pa naman ang pasyenteng ‘yun,” nakangiwing sambit ni Iya.

“Bonus na lang talaga na gwapo ang boyfriend nito!” sabat naman ni Sheena.

Kinawayan niya na lamang ang dalawa at mabilis na nagtungo kung saan private room iyon. Mabilis niyang pinihit ang sedura at bumungad sa kanya ang mukha ni Abegail.

Pareho silang gulat na gulat nang makita ang isa't-isa. Ngunit mabilis na ngumisi si Abegail sa kanya. Tinagnan siya nito mula ulo hanggang paa, binalewala niya ang mapang-insulto nitong tingin.

“Wow, you’re back from prison! How was your life there? You should’ve stayed there. Wala ma rin namang babalikan pa!”

Hindi na siya sumagot pa sa patutsada nito. Ayaw niyang ilagay sa alanganin ang trabaho niya. She want to stay professional kahit pa naiinis siya sa mga binibitawang salita nito.

Ngumiti siya, “May problema ba tayo, Ma’am? Nurse niyo po ako today.”

“Wala sa mukha mo ang pagiging nurse. Bakit ba tinanggap nila ang kriminal na katulad mo? They should’ve looked for someone who has a clean record unlike you.”

“Kung wala kang problema, Ma’am. Aalis na ‘ko,” aniya saka tumalikod.

“Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi ka pa hinihiwalayan ni Hendrix. You’re nothing but a replacement. Ang posisyon kinakatayuan mo nga ngayon ay dapat sa ‘kin. I am the real Mrs. Leviste! Hendrix doesn’t even love you. He’s just being nice because you’re poor and pathetic kagaya ng Lola mo! Pareho kayong dukha at manggagamit!”

Napantig ang tenga niya sa narinig. Humarap siya ulit rito, “Kung gaano ka kaganda. Gano’n karumi ang budhi mo. H’wag na g’wag mong isasama ang Mamay ko sa usapan na ‘to. Masyadong marumi ang bibig mo para banggitin siya. Kaya ka siguro na lumpo dahil sa may sa demonya ka!” she spat.

Nagtaas-baba ang dibdib niya sa galit. Hindi siya pala-patol pero hindi niga kaya na marinig na instuhin ni Abegail ang Lola Mamay niya. Wala siyang pakialam kung insultuhin siya nito. Pero ibang usapan na ang patungkol sa Lola Mamay niya.

“I*****k mo sa baga mo si Hendrix. Iyong-iyo na siya, tapos ko nang nalawayan si Hendrix. You can have him all you want!”

“Ahh! I fucking hate you!” sigaw ni Abegail.

Kung matatanggap siya ngayo  araw ayos lang maghahanap ulit siya ng bagong trabaho. Hindi niya kayang hayaan si Abegail na siraan ang kaisa-isang tao naniwala sa kanya at nagmamahal sa kanya.

Akmang bubuksan na niya ang sedura nang bumukas ang pinto. Sumalubong sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Hendrix. Ngunit na palitan iyon ng pagkagulat nang makita siya nito. 

“What are you doing here?” nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanya at kay Abegail.

And just like what Abegail would always do, “Nakikipag-usap lang ako sa kanya, Hendrix. Nagalit agad siya, kinukumusta ko lang naman siya and she insulted me. She called me imbalido!”

Umiiyak pa ito. Napangisi na lamang siya, dinaig pa ni Abegail ang mga artista. Mabilis agad na nag-iiba ang ugali sa harap ni Hendrix. Animo’y hindi makabasag ng pinggan. Umaarteng hindi makahinga si Abegail, tinulak siya ni Hendrix at agad dinaluhan si Abegail.

“Breathe, Abegail. Breathe,” wika ni Hendrix na kinakalma si Abegail. 

Naiiling na lang siya at tinalikuran  ang dalawa. Kapag nagtagal pa siya sisisihin lang si ni Hendrix, ganoon naman lagi. Kahit pa wala siyang kasalanan ay sinisisi siya ng sarili niyang asawa. Hindi siya pinapaniwalaan kahit anong paliwanag niya. Hanggang sa napagod na siya at hinahayaan na lamang na sisihin siya ni Hendrix sa lahat ng nangyayari kay Abegail. 

Bumalik siya sa nurse station, nadatnan niya ang mga katrabaho na nag-aayos ng mga gamot. Nang mapansin siya ng mga ito ay agad siyang dinaluhan, halos magkapalit na sila ng mga mukha. 

“Ano?” natatawang ani niya. 

Iya pulled her closer, “Spill. Anong ginawa sa ‘yo ng demonyitang pasyente natin?”

“H’wag kang mag-aalala lahat kami suko sa kanya kaya walang judgement rito,” singit ni Sheena. 

“Wala naman,” nagkibit-balikat siya. 

Lumaylay ang magkabilang balikat nang dalawa. Habang si Naz naman ay natatawang pinagmasdan sila. Inilingan niya lang ang dalawa, ayaw niyang malaman ng mga ito ang kaugnayan niya sa dalawang ‘yun. Wala siyang balak ipamalita kung gaao ka demonyo at demonya ang dalawang ‘yun sa buhay niya. 

“Wala talaga. Dumating kasi iyong boyfriend niya kaya kinalma iyong masamang elemento,” biro niya pa.

“Ay! I like this girl, magkakasundo tayo niyan!” natatawang ani ni Sheena. 

Bumalik sila sa pagtatrabaho, buong araw niyang inabala ang sarili sa pagtatrabaho. Pati ang paglilinis sa station ay ginawa na niya. Bandang alas singko ay tapos na ang shift niya. Niyaya pa nga siya na magkape ng dalawa kaso tumanggi siya dahil sa nagtitipid siya.

“Sure ka ba te? Libre ka na namin, promise!” panghihikayat pa sa kanya ni Sheena. 

Umiling siya, “Hindi na talaga. Promise ayos lang ako. Next time sa sama ako, dami ko pa kasi aayusin sa mga gamit ko dahil kalilipat ko pa lang.”

“Promise, yan!” pinaningkitan pa siya ng mga mata ni Sheena. 

Kinawayan niya lang ang tatlo at umalis na. Napatingin siya sa relo niya, bibili na lang muna siya ng pagkain sa convenience store malapit sa inuupahan niya. Sana ay makahabol pa siya sa busog meals, mas mura kasi iyon at pangtawid gutom na rin. 

“Ano ba!” sigaw niya nang may humablot sa kamay niya. Nang lingunin niya ay nakita niya si Hendrix na galit na galit, halos umusok na naman ang mukha sa galit. “Ano bang problema mo?”

“What did you do to Abegail this time?!” he spat.

Huminga siya ng malalim bago sumagot, “Wala akong ginawa kaya pwede ba tigil-tigilan niyo ako. Pagod ako Hendrix!”

“Uuwi na tayo!” mariing wika nito habang kinakaladkad siya. 

“Bitiwan mo nga ako! Hindi ako sasama sa ‘yo!” nagpupumiglas siya sa hawak ni Hendrix ngunit wala siyang magawa dahil mas malakas sa kanya ang asawa niya. 

Ano naman ang laban niyang nasa five flat lang habang ang asawa naman niya ay six footer? At hindi pa rin nakakabawi ang katawan niya, payat pa rin siya hanggang ngayon kaya malabong manalo siya sa asawa kung pisikalan lang ang pag-uusapan.

“You are going home with me, Woman! Asawa kita at uuwi ka sa ‘kin!” 

“Hindi ako sasama sa ‘yong gago ka! I am no longer staying in that damn house of yours!”

Huminto si Hendrix sa paglalakad at hinarap siya. Kunot ang noo nito at salubong na naman ang kilay. Nagtiim bagang ito. 

“What did you just say?”

Napaigik siya nang mas diinan nito ang pagkakahawak sa braso niya. Pilit niyang tinatanggal ang kamay nito sa braso niya. 

“Umalis na ako sa bahay mo matagal na kaya tigil-tigilan mo na ako, Hendrix. Maghiwalay na tayo, pagod na pagod na ‘kong maging asawa mo. Pagod na pagod na akong maging parte ng buhay mo kaya palayain muna ako! May Abegail ka naman, tutal mas asawa mo pa siya kaysa sa ‘kin. Hiwalayan mo ako, file an annulment. Para naman maging legal na Mrs. Leviste na ang babaeng ‘yan!” 

“Tungkol ba ‘to sa hindi ko pagsundo sa ‘yo? I clearly told you, Abegail needed me that day–”

“May araw bang hindi ka niya kailangan?” sarkastikong sambit niya. “H’wag na tayong maggaguhan, Hendrix. I can’t file an annulment dahil wala akong pera pero ikaw kaya mo. So do me a favor, file an annulment!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status