Share

Capitulo Seis

Nagising si Arabella sa malakas na tunog ng cellphone. Kinapa niya ang cellphone sa tabi niya. Dali-dali niya iyong sinagot dahil nahihiya siya na maistorbo ang mga kasamahan niya sa silid. Pikit ang mga mata niya, inaantok pa siya dahil sa pagod sa trabaho ngayong araw.

“Hello,” humikab pa siya matapos sagutin ang tawag. “Sino ‘to?”

“Hello, si Mrs. Leviste po ba ‘to? Asawa ni Mr. Leviste?” isang hindi pamilyar na boses ang nagsalita sa kabilang linya. 

Napamulat siya ng mata at tinignan kung sino ang caller ID, hindi naman nakarehistro ang numerong iyon. Nagising ang diwa niya, napaupo siya, sa pagkakaalam niya ay bago ang numero niya paano nalaman iyon ni Hendrix?

Ibinalik niya sa tenga ang mumurahing cellphone niya, “Hello. Sino nga ulit ito?”

“Hello Mrs. Leviste, si Aaron po ‘to. Trabahante sa Ledge Restaubar, tinawagan ko po kayo para ipaalam na lasing na lasing po ang asawa niya. At nagwawala po siya kanina sa VIP room. Pakikuha po sana ng asawa niyo rito, Ma’am. Kanina pa po sinisigaw ang pangalan niyo.”

Mas lalong kumunot ang noo niya sa narinig. “Kuya kung nantitrip kayp pwede ba tigilan niyo ako? Pagod na pagod ho ako–”

“Ma’am, hindi ho ako nantitrip. Pakikuha po sana ang asawa niyo rito at pakibayaran ang mga sinira niya. Parang awa niyo na Ma’am, ako po kasi ang papagalitan ng amo ko. Inutusan niya akong tawagan ang sino mang contacts na nasa cellphone ni Mr. Leviste.”

“Wrong number kayo, Kuya. Single pa ‘ho ako. Bye!” saka niya binabaan ng tawag ang lalaki. 

Humiga siya ulit at pumikit. Baka mas dapat tawagan nito ay si Abegail, tutal mas nagpapaka Misis Leviste naman iyon kaysa sa kanya. Mas mukha pa siyang katulong kaysa ang mapagkamalang asawa ng isang Hendrix Leviste. Sa ilang taon nilang pagsasama para lang siyang saling pusa na pinagsisiksikan ang sarili niya. Lalo na nang makulong siya, walang kumilala sa kanya bilang parte ng pamilyang Leviste. Sinusuka na siya ng pamilya ni Hendrix. Wala ngang dumalaw sa kanya sa buong durasyon ng pagkakakulong niya maliban na lamang sa mga attorney na ibinigay ni Hendrix sa kanya. Bukod doon ay wala nang nakaalala sa kanya, kahit pa mismo ang tiyahin at tiyuhin niya ay isinuka siya nang makulong. 

Walang nakaalala sa kanya sa panahong iyon. 

“Ano ba! Magpatulog ka naman!” 

Tumunog ulit ang cellphone niya. Dali-dali niyang sinago iyon, pungas-pungas pa siya. Inirapan siya ng katabi niya ng kama. 

“Sorry,” hinging paumanhin niya. Inilapit niya agad ang cellphone sa tenga niya at bumulong. “Hello sino na naman ‘to?”

“Hello, si Mrs. Leviste ho ba ito?”

Kumunot na naman ang noo niya sa inis. “Hindi. Bakit ba?!”

“Ano ba!” sigaw ng katabi niya ng kama. 

Napangiwi siya at agad na tumayo at lumabas ng silid. Muling inilapit ang cellphone sa tenga niya. Kamalasan lang talaga ang hatid ni Hendrix sa buhay niya! Gusto niyang magdabog sa inis pero paulit-ulit niyang inaalala na hindi lang siya ang nakatira roon. 

“Hello? Sino nga ulit ‘to?” bulong niya.

“Ah. staff ho ito ng Apostle Hospital. Naaksidente ho kasi si Mr. Leviste, sumalpok ang pinagmamaneho niyang kotse dahil sa kalasingan. Kung asawaniya ho kayo, pakiusap puntahan niyo po siya rito. Kasalukuyan po itong nasa operating room, medyo malakas po kasi ang tama niya.”

“Sige, pupunta ako.” 

Nanginginig siyang pumasok sa kwarto niya at nagbihis. Dala-dala ang wallet niya, hindi na siya nagbihis pa. Nagsuot lang siya ng nipple pads at nagpatong ng jacket. Mabilis siyang kumilos at umalis sa boarding house niya. 

Kahit pa bwisit siya kay Hendrix ay ayaw naman niyang maaksidente ito.  She’s not that bad, kahit pa sobrang sama ng pakikitungo ni Hendrix sa kanya. Pinalaki siyang maayos ng Mamay niya. 

Maswerte siya at may dumaang taxi ngunit malaki rin ang kaltas noon sa ipon niya. Mukhang ilang araw na naman siyang mag-uulam ng itlog. 

Nakarating siya sa hospital. Dali-dali siyang nagtungo sa information desk. Nasa operating room daw ang asawa niya. Nagmamadali siyang maglakad patungo roon. On-going pa rin ang operasyon kaya naghintay siya sa upuan.

Hindi niya alam kung alam na ba ng mga magulang ni Hendrix ang nangyari rito. At natatakot siyang ipaalam ito baka sa kanya na naman ibaling ang sisi. Isa rin sa rason kung bakit ayaw na niyang maging parte ng mga Leviste at dahil sa magulang ni Hendrix, matapos mangyari ang insidente  kay Abegail ay nagbago ang tungo ng mga ito sa kanya. Itinuring siya kriminal ng mga ito at isang malas sa buhay ng anak nito.

Ilang oras ang lumipas ay lumabas na ang doctor. Sinalubong niya agad ito.

“Kumusta ‘ho siya?” tinignan siya nito ng maigi. “Asawa niya ‘ho ako.”

Tumango ang doctor, “Successful ang operasyon ngunit under observation pa rin ang asawa mo Misis. Malakas ang impact na natamo ng asawa mo, humampas ang ulo siya sa hood ng sasakyan niya. Ang kailangan na lang natin ay ipagdasal na magising ang asawa mo.”

“S-salamat ‘ho,” umalis ang doktor at naiwan siyang tulala.

Hindi niya alam ang gagawin. Natatakot siyang masisi na naman sa aksidente ni Hendrix. 

Nasa isang pribadong silid si Hendrix, maraming nakakabit na aparato rito. At namamaga ang mukha nito, may pasa rin ito sa ilang bahagi ng katawan. Bali ang binti nito at kinailangan i-cast.

Tulala lang siya sa gilid. Nagdarasal na magising si Hendrix. Kahit pa sa dami ng iniluha niya dahil sa asawa ay hindi niya ninais na maaksidente ito.

Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya…

Naalimpungatan siya nang makaramdam ng pagkauhaw. Kaya agad siyang umalis sa silid ng asawa niya at nagtungo sa cafeteria para bulili ng maiinom.

Bumalik agad siya sa silid ni Hendrix. Ngunit hindi pa nag-iinit ang puwet niya sa silya ay biglang bumukas ang pinto at inuluwa ang ina ni Hendrix na nagpupuyos sa galit.

Nagtama ang mata nila. Napatayo siya ng tuwid, huminto ito sa harap niya at malakas siyang sinampal. Nagtaas-baba ang dibdib nito sa galit

Hawak niya ang pisnging namamanhid. Hindi siya makakilos, natulos siya sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung aaray ba siya o iiyak o magtatanong. Natulala na lamang siya.

“Bakit mo pinabayaan ang anak ko?!” galit na sigaw nito sa kanya. Hinila ni Gabriel Leviste ang asawang si Lara Leviste.

“Hon, kumalma ka. Arabella isn’t at fault here. Ang anak mong kaskaasero,” malumanay na paliwanag nito sa asawa.

Umiling si Lara Leviste, “She knew that she should stay with our son! Especially that she is back now! Kita mo na? At minalas na naman ang anak mo kasi umalis pala ang babaeng ‘to sa bahay?! Nalaman ko na lang sa mga kasambahay na nakalabas na sa kulungan ang babaeng ‘to at lumayas naman sa puder ng anak natin?”

“Lara!” saway ni Gabriel Leviste. “Kailangan unahin natin ang anak natin. Hindi iyang galit mo. Our son needs us.”

Lara grunted, “Anong kamalasan ba ang nangyayari sa anak natin? Ang akala nating magliligtas sa kanya sa kapahamakan ay siyang maglalagay rin pala sa anak natin? Mali yata ang desisyon nating ipakasal ang anak natin sa iba!”

Sa paningin ng mga Leviste, isa lang siyang pangontra sa sumpa at malas. Hindi isang tao na dapat irespeto. Hindi rin kapamilya ang turing ng mga ito sa kanya. Isa lang siyang sampid.

“Bantayan mo ang asawa mo!” mariing utos ng biyenan niya, umalis rin agad ang mga ito at naiwan siyang nakatulala at hawak ang pisnging namamanhid.

Bakit lahat na lamang ay sinisisi sa kanya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status