Share

Capitulo Dos

 

Napaungol siya nang maramdaman ang mainit na palad ang dumampi sa kanyang balat. Pababa nang pababa ang haplos nito at huminto sa hita niya. He skillfully slid his hand inside the small fabric that’s covering her femininity. Nagmulat siya ng mata nang maramdamang hinahaplos nito ang kaselanan niya. 

 

“Hendrix no,” pakiusap niya, wala siyang sapat na lakas para pagbigyan ito sa makamundong pagnanasa na mayroon ito. 

 

His face darkened, “What do you mean no?”

 

Napalunok siya, “Pagod ako. At kakalabas ko lang mula sa kulungan.”

 

“I don’t care, it’s been a year Arabella. I fucking want you,” mariin nitong sambit at mas diniinan ang daliri nito sa kaselanan niya. 

 

“Hendrix please,” namamaos niyang sambit. 

 

He smirked at her. Alam na alam nito kung paano siya kunin, na isang salita lang nito ay tunaw na naman siya. He have the power to control her. 

 

Siniil siya nito ng halik. Napapikit na lamang siya at ninamnam ang bawat halik nito sa kanya. Sa pagkakataong ‘to lang niya nararamdaman na gusto siya ni Hendrix. Na siya lang at wala siyang kahating iba sa atensyon nito. 

 

Palalim nang palalim ang halik nito sa kanya. Huminto ito sa paghalik sa kanya at bahagyang inilayo ang mukha nito sa kanya.

 

“I fucking want you,” he muttered breathlessly.

 

“Hendrix,” iyon lang ang tanging naiusal niya nang makita kung gaano siya ka gustong angkinin ng asawa niya.

 

At nang gabing iyon ay paulit-ulit siya nitong dinala sa r***k ng langit.

 

Nagising siya dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya mula sa bintana. Napaupo siya at natanaw niya ang asawang abala sa pagsusuot ng damit nito. Basa pa ang buhok nito, halatang kagagaling lang nito sa banyo.

 

Lumingon ito sa gawi niya, “You’re awake.”

 

“Sa’n ka papunta?”

 

“I’m heading to work. Hindi kita nasundo kahapon, Abegail needed me. I forgot to tell Manong Arturo to pick you up in jail. Anyway, don’t wait for me tonight. I will be having dinner at the Ongpauco’s. It’s Abegail’s birthday today, I can’t miss it.”

 

Si Abegail na naman. Gusto niyang magalit at sabihin rito na naglakad siya  ng ilang oras para makauwi lang sa bahay na ‘to. Ngunit alam naman niyang isasagot nito, na kailangan siya ni Abegail. That Abegail is his priority.

 

Kasal sila apat na taon na ang nakararaan pero sa apat na taong ‘yun ay para lang siyang bagahe. Nakukunin at iiwan ulit at wala siyang karapatan na humingi ng atensyon dahil kinasal lang naman sila dahil sa paniniwalang mayroon ang pamilyang Leviste.

 

She needed money for her grandmother’s chemotherapy. Hindi sapat ang kinikita niya para sa pag-aaral at pambayad sa mga bayarin sa hospital. Lara Leviste offered her a huge some of money to marry his son who was suffering from an accident. At dahil roon ay naging imbalido si Abegail, inayawan ni Lara Leviste ang isang Abegail Ongpauco dahil kamalasan ang dala nito kay Hendrix. Pumasok siya sa litrato, kinasal silang dalawa ni Hendrix ngunit mas asawa pang ituring ng lalaki si Abegail kaysa sa kanya.

 

She’s Mrs. Arabella Fae Leviste but that surname brought hell to her life.

 

“Nandyan sa ibabaw ng drawer ang card mo. Suppose you want to buy something for yourself, bumili ka. Buy new clothes, hindi iyong mga nasa closet mo. Eat a lot, you look like a walking stick.”

 

Bumaba ang timbang niya simula nang makulong siya. Dahil sa stress at patuloy na pagtulong niya kay Abegail may mga pagkakataong kailangan niyang mag-abuno ng dugo sa babae. Kabayaran raw niya iyon dahil sa nagawa niya sa dating fiance ng asawa niya. Kahit ang totoo naman ay wala siyang ginawa sa babae. Nakulong siya dahil nahulog ito sa hagdan at lahat ng ebidensya ay tinuturo siyang salarin. Walang naniwala sa kanya, kahit mismo ang asawa niya ay hindi siya kinampihan at pinagtanggol sa mata ni Hendrix ay siya ang masama at ang dating katipan nito ang nakakaawa.

 

Kahit kailan ay hindi siya nananakit ng tao. Hindi sumagi sa isip niyang itulak ito, tinabig niya lang ang kamay nito matapos siya nitong hawakan nang mahigpit sa kamay. Nahulog ito sa hagdan at mas lalo itong naging imbalido dahil sa pangyayaring iyon.

 

Lahat ng tao ay itinuring siya kriminal at walang naniwala sa kanya. At ang magaling niyang asawa ay mas piniling paniwalaan si Abegail. Kahit ganoon ang nangyari ay wala siyang magawa, kailangan niyang magtiis para sa Lola niyang may sakit at lalo na’t si Hendrix ang nagbabayad ng mga gastusin ng Lola niya sa hospital.

 

Nang makaalis ang asawa niya ay umalis rin siya para dalawin ang Lola niya. Nagluto siya ng mga pagkain paborito nito, lalo na ang pancit na madalas nitong request sa kanya. Halos magkanda-subsob na siya sa pagmamadali. Nadatnan niyang bukas ang kwarto ng Lola niya kaya nagmamadali siyang magtungo roon.

 

Nabitawan niya ang paper bag na hawak niya. Nakapalibot sa Lola niya ang mga doktor at nurse, nakapikit ang Lola niya. Bumaling sa kanya lahat, napatuptop siya sa labi niya at pinipigilan ang sarili sumigaw.

 

“We’re sorry, we tried our best to revive her, and yet we failed to bring her back to life. And the time of her death was 12:06 pm,” malumanay na wika ng doktor sa kanya.

 

“H-hindi,” lumunok siya at humakbang sa bawat hakbang niya ay tila palayo nang palayo ang Lola niya. “Dok, please.”

 

“I am sorry, Hija. Ginawa na namin lahat ng makakaya namin,” sensirong wika nito.

 

Nang makarating sa tapat ng kama ay hinawakan niya ang kamay ng Lola niya.

 

“Lola Mamay…” wika niya at pinisil ang kamay nito. “May, nandito na ‘ko. Gumising ka please? May dala akong pancity, Mamay. Mamay naman, oh! H’wag mo akong biruin nang gan’to. Kakabalik ko pa lang, e! Sabi ko sa ‘yo babawi pa ‘ko. Aalagaan pakita, May! Mamay ko!” nag-uunahang tumulo ang mga luha niya. Parang pinipiga ang puso niya. “Mamay ko! Please! Gumising ka Mamay. Sino na lang ang kakain sa pancit kung dala? Mamay ko!”

 

Ang kaisa-isang tao na nagbibigay sa kanya ng lakas at saya ay binawi na ng Diyos. Wala ba siyang karapatang sumaya? Ano bang nagawang kasalanan niya noon at bakit siya pinaparusahan nang gan’to? Ilang pasakit pa ba ang kailangan niyang harapin? Ubos na ubos na siya, sa pagdaan ng mga araw ay para siyang kandilang nauupos.

 

“Ang daya-daya mo naman Lola Mamay! Ang daya mo! Kung kailan andito na ‘ko. Andito na ang paborito mong apo saka mo pa naisipang umalis. Paano na ‘ko, May? Sana sinama mo na lang ako, Mamay! Paano na ako ngayon? Ang daya mo!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status