Vote, comment, and rate guys. P.S. iyak ako nang iyak habang sinusulat 'to. Naawa na ko kay Arabella pero kay Tati hindi pa HAHAAH
“Daddy, I want Mommy!” palahaw ni Khalid at halos maglupasay na sa sahig. Bumuntong hininga si Yohan, “Baby. You know that I can’t easily bring your Mom here. That’s not how the world works, Khalid. Even if you wanted, Mommy has her own life. She can’t always be with you. At hindi pa siya magaling that’s why she fainted the last time you saw her.”Kahit gaano ka gusto ni Yohan na ibigay lahat sa nag-iisang anak niya. Hindi niya iyon pwedeng gawin palagi. Natatakot siya na baka hindi nito maintindihan ang halaga ng mga bagay-bagay. Na baka dahil may kaya sila ay maaari niyang ibigay rito lahat. Hindi ganun umiikot ang mundo.“No! I want Mommy!” “Khalid De Ayala! You know that she isn’t your real mother and Arabella has her own life. Hindi natin hawak ang oras niya kaya hindi pwede na nandito siya palagi!” hindi na napigilan ni Yohan na magtaas ng boses, kahit kailan ay hindi niya iyon ginawa. Ngayon lang… dala na rin ng pagod sa dami ng papeles na Malaki rin ang naging pagkakamali ni
Hindi iyaking tao si Arabella kaya kapag umiyak na siya, hindi na niya talaga kaya. And to think na sa isang estranghero ang magpapaiyak sa kanya at magpapakalma. Ilang minuto matapos na magbitiw ng salita ni Yohan ay kumalma si Arabella. Doon lang siya nakaramdam ng hiya. Unti-unti siyang bumitaw sa pagkakayakap kay Yohan at mabilis na pinunsan ang mukha niya.“S-sorry,” halos pabulong na wika ni Arabella. Yohan smiled, “You don’t need to say sorry. Ayos ka na ba?” “W-wala akong choice, eh. Kailangan kung maging maayos dahil wala naman tutulong sa ‘kin para makaahon,” kumpisal niya pa. “You don’t need to push yourself to be okay, Arabella. It’s okay not to be okay.” How she wish she could think like that. Kaso hindi, eh. Kung hindi niya pipilitin ang sariling maging maayos ano na lang ang mangyayari sa kanya? Wala namang sasalo sa kanya. Siguro kung buhay pa ang Mamay niya may masasandalan siya. Pero masyadong madaya ang mundo, kung sino ang pinaka importanteng tao sa kaniya ay
Karga-karga ni Yohan si Khalid habang nasa gilid naman si Arabella. Parang pelikula ang buhay ni Arabella, kung kanina ay nagda-drama siya. Ngayon naman ay haharap siya sa mga magulang ni Yohan dahil sinama siya nito. Kapag magulang ang usapan, kabadong-kabado si Arabella. Siguro ay isa doon ang mga magulang ni Hendrix na hindi siya gusto at galit na galit sa kanya. At pangalawa, ay hindi niya naranasan na magkaroon ng mga magulang. Wala siyang masyadong alam sa mga magulang niya, tanging alam niya lang ay namatay ang mga ito sa isang aksidente. At ang tiyo at tiya naman niya na minsan niyang nakasama na tumira sa iisang bubong, inaakala niya na ito ang tatayong mga magulang sa kanya. Aalagaan siya at mamahalin pero bugbog at pasakit ang abot niya sa mga ito lalo na kapag walang pera ang mga ito o ‘di kaya natalo sa sugal. Napilitan sila ng Lola Mamay niya na bumukod at paminsan-minsan na lamang niya nakikita ang mga ito, sa tuwing humihingi ang mga ito ng pera sa Lola Mamay niya.
Hindi na meet ni Arabella ang mga magulang ni Yohan dahil tulog na raw ang mga ito. Parang nabunutan ng tinik si Arabella sa puso dahil doon. At kung siya lang ay ayaw niyang ma-meet ang mga ito. Dahil baka magkaroon pa ng hindi pagkakaunawan. Kahit pa hindi maayos ang pagsasama nila ni Hendrix ay ayaw niyang mahila si Yohan sa gulo ng buhay niya. Na kahit siya ay sukong-suko na.Nagtatalo kanina si Yohan at Khalid dahil nais ni Khalid na katabi siya ni Arabella. Habang si Yohan naman ay ayaw pumayag dahil para makapagpahinga raw si Arabella. Sa huli ay walang nagawa si Yohan kundi ang pumayag. Sumulyap si Arabella kay Khalid na tulog na tulog na. Habang siya naman ay hindi makatulog. Marahil ay nakatulog siya sa sasakyan kanina kaya hindi siya dinadalaw ng antok ngayon. Dahan dahan na tinanggal ni Arabella ang pagkakayakap ni Khalid sa kanya. Nang masigurong himbing pa rin ang tulog ni Khalid ay nakahinga ng maluwag si Arabella at dahan dahan na umalis sa kama.At lumabas sa silid a
“H-hindi naman ‘ho tamang saktan niyo ako!” Reklamo ni Arabella habang hawak-hawak niya ang pisngi niyang tinamaan ng sampal ni Lara. Kahit kailan ay hindi nakaranas si Arabella ng pananakit mula sa Lola Mamay niya. Ni kurot ay hindi nga nito ginagawa sa kanya ng Mamay niya. Kaya bakit ganun na lamang kadali kay Lara Leviste na saktan siya? Nanginginig ang mga binti ni Arabella. Hindi sa takot kundi sa galit. Mukhang hindi rin ito ang unang beses na sinaktan siya ng babaeng biyenan. Napaisip tuloy si Arabella… Matagal na ba niyang hinahayaan na saktan siya nito? Kaya ba ganun na lang kadali para sa biyenan niya na pagbuhatan siya ng kamay? “Aba’t!” gigil na wika ni Lara. “Wala kang pakialam kung sasaktan kita, naiintindihan mo? Dahil nakikitira ka lang sa pamamahay ko! Sa pera ko! Kaya manahimik ka. Ang kapal ng mukha mong umalis kahapon. Ni isa sa ‘min ay walang nakakaalam kung saang impyerno ka na padpad? Eh, dapat binabantayan mo ang anak ko. Hendrix woke up and you weren’t even
Hindi maalis ni Lara ang tingin niya sa anak na si Hendrix. Kasalukuyang nakasandal si Hendrix sa unan habang nagbabasa ng mga balita sa Ipad nito. Napangiti si Lara, ganoon ang pag-uugali ng anak niya. Masyadong seryoso sa buhay, nais na ngang magtrabaho ni Hendrix at hindi siya pumayag. Naibsan kahit papaano ang lungkot na nararamdaman ni Lara nang malamang gising na ang anak niya. Habang ang asawa naman niyang si Gabriel ay na-coma matapos sumalampok ang sasakyan nito sa gilid ng tulay. At sana ay magising na rin ang asawa niyang si Gabriel, kahit pa may hindi sila napagkaunawaan mag-asawa ay hindi gusto ni Lara ang nangyari rito. “Hi, Mom!” bati naman ng bunso niyang anak na si Haniel, humalik ito sa pisngi niya. Matapos noon ay lumapit siya sa kapatid nito at humalik rin sa pisngi ni Hendrix, “Looking good, Kuya.” “I am all right now, Haniel.” Tumango-tango pa si Hendrix habang ang mga mata ay nakatingin pa rin sa Ipad nito. All Hendirx results came back today at maayos naman
Nakaupo si Arabella sa kama. Bihis na bihis na siya at handa na ito na umalis. Simula kahapon ay nakakulong lang siya sa silid. Hinahatiran ng pagkain at maiinom. Hindi na rin siya nagpumilit pa na lumabas dahil alam naman niyang wala siyang kawala.Bandang alas seis y media nang umaga ay ginising si Arabella para maligo at makapagbihis. Bandalas siete naman ay hinatiran siya ng agahan ni Nanay Martha. Kahit ito ay naaawa sa kanya wala naman itong kapangyarihan para sumuway kay Lara Leviste. At baka matanggalan pa ito ng trabaho.Hinihintay ni Arabella ang hudyat mula sa mga guards upang ihatid siya sa hospital. Dala-dala niya lahat ng cards niya itinago niya iyon sa loob ng bra niya. Nagbabalak siyang lumayas at magpakalayp-layo na. Sa isip ni Arabella ay panahon na upang kumawala sa hawla ng mga Leviste.Bumukas ang pinto at pumasok si Lara Leviste. Kalmado na ang ekspresyon nito, hindi kagaya kahapon na parang bibitayin na siya nito sa galit.Naglakad ito papalapit sa kanya at hum
“De Jesus, Arabella Fae. Ito ang araw na pinakahihintay mo. Laya ka na!” anunsyo ng BJMP officer.“Congrats Fae!” bati sa kanya ng mga kasamahan niya sa selda.“Salamat,” sensirong wika niya.Ang masikip at maruming seldang ito ay ang naging tahanan niya sa loob ng halos isang taon. At ang mga narito ay itinuturing na niyang kaibigan. Sa mata ng ibang tao ay marumi at nakakatakot sila dahil suot nila ang kulay kahel na kamiseta.“Baka makalimutan mo na kami, ah!” pagbibiro ni Leila sa kanya at niyakap siya.“Paano kita makakalimutan kung sa bawat pikit ko mukha mo ang nakikita ko?” biro niya pabalik.“Fae, ha! H’wag mo rin kaming kalimutan!” sigaw ni Anna na nakaupo sa ibabaw ng kamang gawa sa kahoy.Ngumiti siya at tinignan isa-isa, “Hindi ko kayo makakalimutan, pangako ‘yan.”Paano niya makakalimutan ang mga taong mas naging pamilya niya pa kaysa sa sarili niyang pamilya. Bago pa tumulo ang luha niya ay tumingala siya. Ayaw niyang makita siya ng mga ito na umiiyak. Sino ba naman ang