Hindi na meet ni Arabella ang mga magulang ni Yohan dahil tulog na raw ang mga ito. Parang nabunutan ng tinik si Arabella sa puso dahil doon. At kung siya lang ay ayaw niyang ma-meet ang mga ito. Dahil baka magkaroon pa ng hindi pagkakaunawan. Kahit pa hindi maayos ang pagsasama nila ni Hendrix ay ayaw niyang mahila si Yohan sa gulo ng buhay niya. Na kahit siya ay sukong-suko na.Nagtatalo kanina si Yohan at Khalid dahil nais ni Khalid na katabi siya ni Arabella. Habang si Yohan naman ay ayaw pumayag dahil para makapagpahinga raw si Arabella. Sa huli ay walang nagawa si Yohan kundi ang pumayag. Sumulyap si Arabella kay Khalid na tulog na tulog na. Habang siya naman ay hindi makatulog. Marahil ay nakatulog siya sa sasakyan kanina kaya hindi siya dinadalaw ng antok ngayon. Dahan dahan na tinanggal ni Arabella ang pagkakayakap ni Khalid sa kanya. Nang masigurong himbing pa rin ang tulog ni Khalid ay nakahinga ng maluwag si Arabella at dahan dahan na umalis sa kama.At lumabas sa silid a
“H-hindi naman ‘ho tamang saktan niyo ako!” Reklamo ni Arabella habang hawak-hawak niya ang pisngi niyang tinamaan ng sampal ni Lara. Kahit kailan ay hindi nakaranas si Arabella ng pananakit mula sa Lola Mamay niya. Ni kurot ay hindi nga nito ginagawa sa kanya ng Mamay niya. Kaya bakit ganun na lamang kadali kay Lara Leviste na saktan siya? Nanginginig ang mga binti ni Arabella. Hindi sa takot kundi sa galit. Mukhang hindi rin ito ang unang beses na sinaktan siya ng babaeng biyenan. Napaisip tuloy si Arabella… Matagal na ba niyang hinahayaan na saktan siya nito? Kaya ba ganun na lang kadali para sa biyenan niya na pagbuhatan siya ng kamay? “Aba’t!” gigil na wika ni Lara. “Wala kang pakialam kung sasaktan kita, naiintindihan mo? Dahil nakikitira ka lang sa pamamahay ko! Sa pera ko! Kaya manahimik ka. Ang kapal ng mukha mong umalis kahapon. Ni isa sa ‘min ay walang nakakaalam kung saang impyerno ka na padpad? Eh, dapat binabantayan mo ang anak ko. Hendrix woke up and you weren’t even
Hindi maalis ni Lara ang tingin niya sa anak na si Hendrix. Kasalukuyang nakasandal si Hendrix sa unan habang nagbabasa ng mga balita sa Ipad nito. Napangiti si Lara, ganoon ang pag-uugali ng anak niya. Masyadong seryoso sa buhay, nais na ngang magtrabaho ni Hendrix at hindi siya pumayag. Naibsan kahit papaano ang lungkot na nararamdaman ni Lara nang malamang gising na ang anak niya. Habang ang asawa naman niyang si Gabriel ay na-coma matapos sumalampok ang sasakyan nito sa gilid ng tulay. At sana ay magising na rin ang asawa niyang si Gabriel, kahit pa may hindi sila napagkaunawaan mag-asawa ay hindi gusto ni Lara ang nangyari rito. “Hi, Mom!” bati naman ng bunso niyang anak na si Haniel, humalik ito sa pisngi niya. Matapos noon ay lumapit siya sa kapatid nito at humalik rin sa pisngi ni Hendrix, “Looking good, Kuya.” “I am all right now, Haniel.” Tumango-tango pa si Hendrix habang ang mga mata ay nakatingin pa rin sa Ipad nito. All Hendirx results came back today at maayos naman
Nakaupo si Arabella sa kama. Bihis na bihis na siya at handa na ito na umalis. Simula kahapon ay nakakulong lang siya sa silid. Hinahatiran ng pagkain at maiinom. Hindi na rin siya nagpumilit pa na lumabas dahil alam naman niyang wala siyang kawala.Bandang alas seis y media nang umaga ay ginising si Arabella para maligo at makapagbihis. Bandalas siete naman ay hinatiran siya ng agahan ni Nanay Martha. Kahit ito ay naaawa sa kanya wala naman itong kapangyarihan para sumuway kay Lara Leviste. At baka matanggalan pa ito ng trabaho.Hinihintay ni Arabella ang hudyat mula sa mga guards upang ihatid siya sa hospital. Dala-dala niya lahat ng cards niya itinago niya iyon sa loob ng bra niya. Nagbabalak siyang lumayas at magpakalayp-layo na. Sa isip ni Arabella ay panahon na upang kumawala sa hawla ng mga Leviste.Bumukas ang pinto at pumasok si Lara Leviste. Kalmado na ang ekspresyon nito, hindi kagaya kahapon na parang bibitayin na siya nito sa galit.Naglakad ito papalapit sa kanya at hum
“De Jesus, Arabella Fae. Ito ang araw na pinakahihintay mo. Laya ka na!” anunsyo ng BJMP officer.“Congrats Fae!” bati sa kanya ng mga kasamahan niya sa selda.“Salamat,” sensirong wika niya.Ang masikip at maruming seldang ito ay ang naging tahanan niya sa loob ng halos isang taon. At ang mga narito ay itinuturing na niyang kaibigan. Sa mata ng ibang tao ay marumi at nakakatakot sila dahil suot nila ang kulay kahel na kamiseta.“Baka makalimutan mo na kami, ah!” pagbibiro ni Leila sa kanya at niyakap siya.“Paano kita makakalimutan kung sa bawat pikit ko mukha mo ang nakikita ko?” biro niya pabalik.“Fae, ha! H’wag mo rin kaming kalimutan!” sigaw ni Anna na nakaupo sa ibabaw ng kamang gawa sa kahoy.Ngumiti siya at tinignan isa-isa, “Hindi ko kayo makakalimutan, pangako ‘yan.”Paano niya makakalimutan ang mga taong mas naging pamilya niya pa kaysa sa sarili niyang pamilya. Bago pa tumulo ang luha niya ay tumingala siya. Ayaw niyang makita siya ng mga ito na umiiyak. Sino ba naman ang
Napaungol siya nang maramdaman ang mainit na palad ang dumampi sa kanyang balat. Pababa nang pababa ang haplos nito at huminto sa hita niya. He skillfully slid his hand inside the small fabric that’s covering her femininity. Nagmulat siya ng mata nang maramdamang hinahaplos nito ang kaselanan niya. “Hendrix no,” pakiusap niya, wala siyang sapat na lakas para pagbigyan ito sa makamundong pagnanasa na mayroon ito. His face darkened, “What do you mean no?”Napalunok siya, “Pagod ako. At kakalabas ko lang mula sa kulungan.”“I don’t care, it’s been a year Arabella. I fucking want you,” mariin nitong sambit at mas diniinan ang daliri nito sa kaselanan niya. “Hendrix please,” namamaos niyang sambit. He smirked at her. Alam na alam nito kung paano siya kunin, na isang salita lang nito ay tunaw na naman siya. He have the power to control her. Siniil siya nito ng halik. Napapikit na lamang siya at ninamnam ang bawat halik nito sa kanya. Sa pagkakataong ‘to lang niya nararamdaman na gusto
Nakatulala siya, hinihintay na ma-cremate ang katawan ng Lola niya. Hindi niya alam kung paano siya uusad, kung paano siya mabubuhay. Napahawak siya sa mukha niya, hinang-hina na siya. Tumayo siya at lumapit sa babaeng nasa front desk.“Ma’am?”Nag-angat ng tingin ang babae, “Yes? Ano po ang maipanglilingkod ko?”“Pwede po bang makitawag ako sa telepono niyo?” sabay turo sa teleponong nasa mesa.Tumango ito at nginitian siya kaya mabilis niyang sinubukang tawagan ang telepono sa opisina nito. Kailangan niya si Hendrix, kailangan niya ng may masasandalan sa mga oras na ‘to.“Hello?” ani niya nang may sumagot na roon. “Hendrix?”“Hello, sino sila?” ang sekretarya ni Hendrix ang sumagot sa tawag niya.Napakagat labi siya sa inis, “Nasaan si Hendrix?”“Miss Arabella?”“Ako ‘to, Mark. Nasaan si Hendrix?” napapikit pa siya nang marinig niyang bumuntong hininga si Mark sa kabilang linya. “Please, answer me honestly, Mark.”“Magkasama po sila ni Ma’am Abegail. Bigla po kasing inatake ng hika
“Good morning!” bati niya sa mga kasamahan sa station na iyon. “Good morning, ako nga pala si Sheena!” pakilala ng babaeng may katangkaran , inilahad nito ang palad niya.Tinanggap naman niya, “Fae.”Ngumiti si Sheena, “Ito naman si Naz,” turo niya sa lalaking kumaway sa kanya. “Ito naman si Iya,” sabay turo sa babaeng may hawak na chart. “Welcome sa station natin!”Mababait naman ang mga kasamahan niya sa trabaho. Hati-hati sila sa lahat ng gawain. Dahil siya ay bago ni-review niya muna lahat ng charts at profiles. Tumunog ang buzzer, kung saan may pasyenteng tumatawag sa kanila. Nagkatinginan silang apat. “Ako na,” anas niya.“Sure ka? May sa demonya pa naman ang pasyenteng ‘yun,” nakangiwing sambit ni Iya.“Bonus na lang talaga na gwapo ang boyfriend nito!” sabat naman ni Sheena.Kinawayan niya na lamang ang dalawa at mabilis na nagtungo kung saan private room iyon. Mabilis niyang pinihit ang sedura at bumungad sa kanya ang mukha ni Abegail.Pareho silang gulat na gulat nang ma