Share

Capitulo Quarenta Y Tres

Nakaupo si Arabella sa kama. Bihis na bihis na siya at handa na ito na umalis. Simula kahapon ay nakakulong lang siya sa silid. Hinahatiran ng pagkain at maiinom. Hindi na rin siya nagpumilit pa na lumabas dahil alam naman niyang wala siyang kawala.

Bandang alas seis y media nang umaga ay ginising si Arabella para maligo at makapagbihis. Bandalas siete naman ay hinatiran siya ng agahan ni Nanay Martha. Kahit ito ay naaawa sa kanya wala naman itong kapangyarihan para sumuway kay Lara Leviste. At baka matanggalan pa ito ng trabaho.

Hinihintay ni Arabella ang hudyat mula sa mga guards upang ihatid siya sa hospital. Dala-dala niya lahat ng cards niya itinago niya iyon sa loob ng bra niya.

Nagbabalak siyang lumayas at magpakalayp-layo na. Sa isip ni Arabella ay panahon na upang kumawala sa hawla ng mga Leviste.

Bumukas ang pinto at pumasok si Lara Leviste. Kalmado na ang ekspresyon nito, hindi kagaya kahapon na parang bibitayin na siya nito sa galit.

Naglakad ito papalapit sa kanya at hum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status