Home / Romance / Sweet Disposition / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Sweet Disposition: Chapter 41 - Chapter 50

117 Chapters

Chapter 40

Habang nasa biyahe, nag-iisip pa rin ako ng paraan kung ano puwede kong mahingi kay Tyron para kay Gela. Fan sign na lang din ba? Puwede rin naman 'yon, sasabihin ko lang naman na naging fan niya si Gela after no'ng contest. Pagkarating ko sa may palengke sa lugar nila Tyron ay agad kong hinanap 'yung puwesto nila. Hindi naman ako naligaw at agad kong namukhaan 'yung ate niya. Lumapit ako sa kaniya dahil abala siya sa paggawa ng longganisa."Hello po, magkano po 'yung longganisa?" bungad ko. "Hi, 240 pesos 'yung isang kilo. Kapag kalahati naman, 120 pesos," sambit niya."Ay, mahal din po pala. Puwede po bang one fourth?" tanong ko pa."Puwede naman, 60 pesos ang one fourth. Ang mahsl din kasi ng pork ngayon, e," turan niya."Oo nga po, e. Sige po, pabili po ako ng one fourth," saad ko.Apat na piraso lang pala 'yung one fourth pero malaki naman siya saka medyo mataba. Talagang tinitimbang pala nila 'yon para sure at walang aberya. Kulay pula 'yung tinda nilang longganisa, ibig sabih
last updateLast Updated : 2022-06-02
Read more

Chapter 41

Tanghalian na nang makarating ako aming tahanan. Nag-aayos na ng pagkain si Ate sa hapag-kainan. Pagkalapit ko roon, agad akong nagmano kay Mama nang walang imik. Tahimik lang ako hanggang sa makaupo ako sa aking upuan.Nilagang baboy ang ulam namin ngayon, kumuha na muna ako ng sabaw at hinigop ito. Nagtataka rin siguro 'yung dalawa kong kapatid kung bakit gano'n ang atmosphere. Nakatingin lang din sa 'kin si Ate na wari mo'y tinitimbang kung magkukuwento ba ako o hindi. Ni senyas ay hindi ko naisukli sa kaniya kaya alam niya na kung ano ang dapat gawin.Nagkuwento na lang si Ate ng mga nangyari about sa office nila para maputol ang katahimikan sa aming kalagitnaan. Maging ang nakababa kong kapatid ay nagkuwento na lang din ng mga katatawanan para hindi kami masyadong maging tahimik. Isa lang ibig sabihin nito, na-gets na nila na napagalitan ako ni Mama.Matipid lang din kung magsalita si Mama. Pagkakain, nagligpit na si Ate at si Januarius 'yung naghugas ng aking pinagkainan. After
last updateLast Updated : 2022-06-04
Read more

Chapter 42

Hindi magkandamayaw ang dalawa kong kaibigan nang ipakita ko sa kanila 'yung picture na may fan sign ng kanilang mga sinisinta. "Girl, totoo ba talaga 'yan? Hindi ba 'yan edited?" tanong ni Gela."Oo naman. Hello, wala akong talent sa pag-e-edit, 'no," turan ko."Shocks! Hindi talaga ako makapaniwala!" komento ni Osang na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta 'yung mukha sa sobra tuwa."Naku, kailangan n'yo talagang maniwala. At heto pa, para may souvenir kayo..." sambit ko sabay kuha ng papel na may fan sign ng mga sinta nila. Una kong iniabot 'yung kay Gela."Wahhh!" mahina niyang tili matapos mahawakan 'yung papel. Talagang sinamyo niya ang amoy nito at wari mo'y ginalugad pa ang bawat sulok. "Ih, totoo nga talaga! Thank you, prend!" saad ni Gela sabay yakap sa 'kin. Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi simula pa kanina."Naku, wala 'yon," tugon ko. Pagkahiwalay ko sa pagkakayakap niya, sunod ko namang binuhusan ng pansin ang kanina pa ngiting-ngiti na si Osang.Inilaha
last updateLast Updated : 2022-06-05
Read more

Chapter 43

Natapos ang klase namin nang hindi namin namamalayan dahil ang bilis ng oras. Parang kanina lang nagkukuwentuhan pa kami tapos ngayon, heto, uwian na ulit. Hindi na kami nag-abalang mag-ayos pa sapagkat pauwi na rin naman na kami at wala na kaming balak puntahan pa pagkakain namin.Pagkarating namin sa may labas ng unibersidad, sa may gilid nito ay doon matatagpuan 'yung nagtitinda ng tuhog-tuhog at mga kung anek-anek na pagkain. Tumungo kami sa tindahan ng tuhog-tuhog. Binigyan lang kami ni Manong ng baso at kami na ang bahalang tumuhog ng aming kakainin.Sa baso ko, naglagay ako ng tatlong pugo, anim na pirasong fishball, dalawang kikiam, at dalawang chicken balls. Naglagay lang din ako ng kaunting suka at marami-raming matamis. Mas bet ko kasi na lamang 'yung tamis kaysa sa asim. "Sure ka? 'Yan lang ang kukuhanin mo?" tanong ni Gela."Sa ngayon, heto na muna. Baka hindi ko maubos kapag kumuha ako ng sandamakmak. Balik na lang ako mamaya kapag na-trip-an ko pa,," turan ko."Okay,"
last updateLast Updated : 2022-06-06
Read more

Chapter 44

Tapos na ang klase namin. Himala lang at hindi agad nagyaya umuwi 'yung dalawa kong kaibigan. Maski bumisita sa building ng kanilang mga crush ay hindi rin nagyaya. Bagkus, pumunta muna raw kami sa may library dahil may hahanapin silang libro."Juness, nakasagap kami ng balita. Sa library raw, mayroong libro para magustuhan ka rin ng crush mo," turan ni Gela."True, based sa mga nasagap ko, karamihan daw sa mga sumubok na isagawa ang step na nakalagay sa book ay nagtagumpay na magustuhan sila ng crush nila," wika ni Osang."Talaga ba? Mayroong ganoong libro? At naniniwala talaga kayo roon?" tanong ko dulot ng kuryosidad."Oo naman, bakit hindi? Hindi naman masama kung susubukan din namin," ani Gela."G ka ba?" tanong pa ni Osang.Para sa akin, hindi ko naman na kailangan pa 'yung librong 'yon dahil gusto rin naman ako ni Zerudo. Siguro, support ko na lang 'yung dalawa kong kaibigan para in case man na totoo, maging masaya na rin sila katulad ko."Go lang, hashtag supportive friend," s
last updateLast Updated : 2022-06-07
Read more

Chapter 45

"Paano ba 'yan? Jowa mo na ngayon 'yung isa sa mga sikat dito sa unibersidad..." ani Osang."Keri lang, dati nga nahihiya ako sa tuwing pinagtitinginan kami ng mga tao sa tuwing naglalakad ng magkasama at magka-holding hands. Ngayon, parang mas tumaas ang confidence level ko kasi may label na kami," turan ko."True, be proud dapat. 'Yan ang friendship namin," saad ni Gela."Oo nga pala, napagtanto ko lang na isang linggo ka pa lang nililigawan ni Zerudo pero sinagot mo na agad. Kung mayroon man, ano ang masasabi mo sa mga basher mo?" tanong ni Osang."Ay, grabe ka naman, basher agad? Pero anyway, wala akong pakialam sa kanila. Mind their own business saka hindi naman panliligaw ang pinapatagal kundi ang relasyon," turan ko."May point, hindi naman por que panandalian ka pa lang nililigawan ay easy to get na agad," wika ni Gela."Yes, huwag lang isusuko agad ang perlas ng Pilipinas," komento ni Osang. Nagtawanan tuloy kaming tatlo nang dahil do'n."Grabe naman kayo sa 'kin, hindi naman
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more

Chapter 46

Uwian na ngayon, sinundo ako ni Amos sa may ilalim ng punong mangga. Kahit na may klase pa siya mamaya hanggang 8pm ay ihahatid niya pa rin daw ako sa amin."Ayan, winner ka talaga girl. Biruin mo, may taga-sundo ka pa ngayon. Ang suwerte mo naman sa boyfriend mo," komento ni Osang."True, ganiyan pala mag-alaga si Zerudo," saad ni Gela.Ngumiti lang ako bilang tugon sa mga tinuran nila. Pagkalapit namin kay Zerudo ay agad naman siyang tumayo sa pagkakaupo at nilapitan ako."Kumusta naman ang araw mo, babe?" bungad niya."Okay naman, mas lalong umaliwalas kasi nand'yan ka," sambit ko."Yieee, cheesy..." komento ni Osang. Nagtawanan tuloy kaming apat. After no'n, nagpaalam na 'yung dalawa kong kaibigan at nauna na silang naglakad palayo."Loka-loka talaga 'yong si Osang, masasanay ka rin doon," sambit ko."Okay nga 'yon, e. At least, hindi malungkot ang samahan ninyong magkakaibigan," saad ni Amos. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa pinag-parking-an niya ng motor nang naka-holding
last updateLast Updated : 2022-06-09
Read more

Chapter 47

Uwian na namin ngayon, maghihintay pa kami ng isang oras para kitain si Angelica. Hindi namin alam kung ano ang mayroon at nais niya kaming maka-bonding ulit. Naupo na lang muna kaming tatlo sa may bench sa may gilid ng building namin."Guys, mayroon ba kayong chika ngayon? Out of stock na 'ko, e," ani Osang habang nagpapaypay."Wala rin akong maiaambag ngayon," turan ni Gela.Napaisip ako saglit kung ano ang puwede kong maibahagi sa kanila. Ilang saglit pa, naalala kong bigla si Yatco. Tiyak na matutuwa si Osang kapag 'yung crush niya 'yung topic."Ay, ako... may baon akong chika. Hindi n'yo 'to dapat palagpasin," sambit ko."Sure, ready kami pagdating sa mga ganiyan," saad ni Osang.Pagkatapos no'n ay kinuha ko na ang cell phone ko sa loob ng bag ko. Nag-open ako ng social media account at tumungo ako sa profile picture ni Yatco."In-add ako ni Yatco," sambit ko sabay pakita sa kanila na friends na nga kami."Ay, nakakaloka... sana all!" anas ni Osang na wari mo'y naiinggit base sa
last updateLast Updated : 2022-06-10
Read more

Chapter 48

Papunta na kami ngayon sa building ng College of Business Administration. Malayo pa lang kami, nakikita na namin 'yung mga booth doon sa may baba. Nang makarating kami, nasilayan namin ang iba't ibang produkto na ibinebenta nila. Mayroong mga sabon, shampoo, mga kung anek-anek sa bahay, pero karamihan ay mga pagkain."Juness!" sigaw ni Angelica sa 'di kalayuan. Nagtatakbo siya papalapit sa amin sabay beso sa 'min isa-isa."Akala ko hindi na kayo makararating," dagdag pa niya. "Sabi naman kasi ni Amos na okay lang kahit hindi na ako tumulong sa kanila, sa inyo na lang daw. May diskarte naman na raw na nagawa 'yung mga kasama niya," turan ko."Oo nga, nasabi niya 'yan sa 'kin kanina. Mabuti nga sila malapit nang makaubos ng paninda," aniya."Wow, ang galing naman ng grupo nila. Anong klaseng tactics ba ang ginawa nila?" tanong ni Gela."Alam mo naman kapag mga kababaihan... libreng pa-selfie ang tactics nila sa mga bibili," tugon niya."Ay iba, ginamit talaga ang itsura para makakuha n
last updateLast Updated : 2022-06-11
Read more

Chapter 49

Tuwang-tuwa sila sa uwi kong mga pagkain. Habang kumakain kami, una talagang naubos 'yung ube halaya, e. Masarap kasi talaga saka texture niya ay talagang makunat, nahalo siya nang maigi. Ako lang ang pumansin sa spaghetti habang sina Januarius at Ate Aprilyn do'n sa may carbonara."Sino nagbigay ng ube halaya, anak?" tanong ni Mama."Si Angelica po," sambit ko."Wow, pakisabi sa kaniya na salamat. Masarap talaga 'yung ube, bitin lang," ani Mama."Sige, Ma. Paayuda lang po niya 'yan sa 'min nina Gela at Osang dahil tinulungan namin sila sa may event nila kanina," pahayag ko."Ah, akala ko siya o kaya parents niya ang gumawa. Still, masarap pa rin," aniya.---After naming kumain ay tumungo na ako sa aking silid. Naalala ko si Yatco dahil wala naman akong lakad bukas. Isa pa, heto na rin 'yung pagkakataon para mapaglapit ko silang dalawa ni Osang. Dali-dali akong nag-open ng messenger para i-chat siya, mabuti na nga lang at naka-online siya.Me: Hello, magandang gabi! Mukhang makapupun
last updateLast Updated : 2022-06-12
Read more
PREV
1
...
34567
...
12
DMCA.com Protection Status