Papunta na kami ngayon sa building ng College of Business Administration. Malayo pa lang kami, nakikita na namin 'yung mga booth doon sa may baba. Nang makarating kami, nasilayan namin ang iba't ibang produkto na ibinebenta nila. Mayroong mga sabon, shampoo, mga kung anek-anek sa bahay, pero karamihan ay mga pagkain."Juness!" sigaw ni Angelica sa 'di kalayuan. Nagtatakbo siya papalapit sa amin sabay beso sa 'min isa-isa."Akala ko hindi na kayo makararating," dagdag pa niya. "Sabi naman kasi ni Amos na okay lang kahit hindi na ako tumulong sa kanila, sa inyo na lang daw. May diskarte naman na raw na nagawa 'yung mga kasama niya," turan ko."Oo nga, nasabi niya 'yan sa 'kin kanina. Mabuti nga sila malapit nang makaubos ng paninda," aniya."Wow, ang galing naman ng grupo nila. Anong klaseng tactics ba ang ginawa nila?" tanong ni Gela."Alam mo naman kapag mga kababaihan... libreng pa-selfie ang tactics nila sa mga bibili," tugon niya."Ay iba, ginamit talaga ang itsura para makakuha n
Tuwang-tuwa sila sa uwi kong mga pagkain. Habang kumakain kami, una talagang naubos 'yung ube halaya, e. Masarap kasi talaga saka texture niya ay talagang makunat, nahalo siya nang maigi. Ako lang ang pumansin sa spaghetti habang sina Januarius at Ate Aprilyn do'n sa may carbonara."Sino nagbigay ng ube halaya, anak?" tanong ni Mama."Si Angelica po," sambit ko."Wow, pakisabi sa kaniya na salamat. Masarap talaga 'yung ube, bitin lang," ani Mama."Sige, Ma. Paayuda lang po niya 'yan sa 'min nina Gela at Osang dahil tinulungan namin sila sa may event nila kanina," pahayag ko."Ah, akala ko siya o kaya parents niya ang gumawa. Still, masarap pa rin," aniya.---After naming kumain ay tumungo na ako sa aking silid. Naalala ko si Yatco dahil wala naman akong lakad bukas. Isa pa, heto na rin 'yung pagkakataon para mapaglapit ko silang dalawa ni Osang. Dali-dali akong nag-open ng messenger para i-chat siya, mabuti na nga lang at naka-online siya.Me: Hello, magandang gabi! Mukhang makapupun
Kinabukasan, maaga akong gumayak para tumungo na muna sa palengke. Simple lang naman ang sinuot ko, kulay pink na t-shirt na medyo loose saka fitted na black jeans. Tinernuhan ko lang ito ng sapatos kong itim na rubber shoes. Nag-pony tail naman ako ng aking buhok dahil medyo mainit ang panahon.Nasa baba pa si Mama, hindi pa ako nagpapaalam sa kaniya na pupunta kami sa birthday. Kapag kasama ko naman kasi si Osang or Gela, wala namang litaniya si Mama. Tiwala talaga siya sa dalawa kong kaibigan. Kaya 'yon, nag-video call na ako kay Osang dahil nag-chat siya kanina na nakabihis na raw siya."Osang!" bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko. Nakaharap lang siya sa may camera ng phone niya habang naglalagay ng lip tint sa kaniyang labi."Ayan, mukhang laban na laban ka ngayon, ah?" komento ko. Tumayo siya sa harap ng camera para makita ko nang buo ang outfit niya pagkatapos niyang maglagay ng lip tint. Nakasuot siya ng puting blouse at fitted na maong pants. Sa paa niya, sandals na kul
Naghintay kami ni Osang nang ilang saglit pa at nagsimula naman na ang kasiyahan. Tamang bati lang ng mga kamag-anak at kanta kay Lola Anita at binuksan na nila ang kainan. Tila nga fiesta ang naging ganap dahil marami talaga handa rito sa piging. Maski ako, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong kainin basta pumila na lang kami ni Osang.Nang time na namin para kumuha, hindi na ako kumuha ng kanin para matikman ko talaga 'yung mga putahe. Kumuha ako ng kare-kare, lengua, afritada, estofado, at menudo. Sa gulay naman, mixed vegetables, at chopsuey. Kumuha rin ako ng pasta katulad ng carbonara, pansit, at pansit malabon. Punong-puno na halos ang pinggan ko pero wala pa akong dessert kaya isiniksik ko talaga sa may gilid ang isang scoop ng beans at 1/4 yata ng isang llanera ng leche 'yung nakuha ko. Pagkarating ko sa may dulo, nandoon 'yung tipak ng lechon. Kumuha lang ako ng kaunting laman at tatlong hiwa ng balat. S'yempre, pinaliguan ko ito ng gravy para mas masarap. Medyo nakakahi
Nagkukuwentuhan kami ngayon sa ilalim ng punong mangga since vacant naman namin. Two hours ang pagitan ng susunod naming subject kaya tumambay muna kami rito sa IPM. Si Osang ang humada para ikuwento kay Gela ang naganap sa birthday noong Sabado."Kumusta naman ang pamilya ni Yatco?" tanong ni Gela."Okay na okay sila, napakabait. Wala akong masabi," turan ni Osang."Pinag-sharon pa nga nila kami ni Juness. Sa sobrang dami kong inuwi no'ng Sabado, umabot pa 'yon hanggang hapunan namin ng Sunday," dagdag pa niya."Wow, ang sasarap siguro ng pagkain do'n," wika ni Gela."True, the best 'yung crispy kare-kare ni Lola Anita," pahayag ko."Basta, lahat ay masarap. Maski si Yatco," saad ni Osang na wari mo'y kilig na kilig."Kumusta naman kayo ni Yatco? Nagkaroon na ba kayo ng one on one talk?" tanong pa ni Gela."Oo, medyo nagkaroon kami ng time na magkausap noong pauwi na kami. Paano ba naman, hinatid pa niya kami sa kaniya-kaniya naming bahay," turan pa ni Osang."Ay, winner ka riyan, gi
Mabilis na lumipas ang mga araw, Sabado na naman ngayon. Inanyayahan ako ni Zerudo sa kanilang tahanan. Heto na yata ang moment of truth para ipakilala niya ako sa pamilya niya. Excited ako na kinakabahan. Hindi ko alam kung magugustuhan ba ako ng parents niya, sana mababait sila. Agad akong nag-chat sa gc naming magkakaibigan para humingi ng tulong. Pagka-chat ko pa lang ay agad namang nag-seen si Osang. Pinindot ko agad 'yung video call."Girl!" bungad ko nang sagutin ni Osang ang call."Bakit, girl? Ano'ng mayroon?" tanong niya."Hindi mo 'to kakayanin. Inimbitahan lang naman ako ni Zerudo sa bahay nila!" naghuhuramentado kong sambit."Hala, seryoso?" gulat na tanong ni Osang. Mayamaya pa ay dumating na rin si Gela dito sa call namin."Hi, girls! Ano'ng ganap ngayon?" saad niya."Si Zerudo, inimbitahan siya sa bahay nila!" ani Osang.Nanlaki rin ang mata ni Gela na wari mo'y 'di makapaniwala. Kaming tatlo ay speechless talaga, ibig sabihin ba nito ay seryosong-seryoso talaga si Ze
Binuhat ako ni Zerudo na para bang pang kasal. Nakayuko lamang ako, hindi ko siya matingnan nang mata sa mata. Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa kaniyang silid. Dahan-dahan niya akong ibinaba sa ibabaw ng kaniyang kama."Akala ko, ipapakilala mo 'ko sa pamilya mo," sambit ko."Wala naman akong sinabi na gano'n. Sabi ko lang, punta ka rito sa bahay," tugon niya.Nalungkot akong bigla sa tugon niyang 'yon. Nag-expect pa naman ako na meet and greet ang mangyayari ngayon with his family pero mali pa ako ng akala. Disappointed, malungkot, at kinakabahan ako ngayon. Wala pa namang ibang tao rito sa bahay nila.Mayamaya pa, lumapit siya sa 'kin at pinunasan niya ang aking mukha gamit ang kaniyang daliri. Hindi ko napansin na may luha na palang dumadaloy sa aking mukha. "Huwag ka nang umiyak, hindi ka dapat malungkot ngayon. Dapat nga ay masaya ka kasi kasama mo 'ko," wika niya."Paano ako sasaya---" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang bigla niyang sakupin ang aki
"Ikaw ba si Juness?" tanong niya pa."Yes po," sambit ko na may kasama pang pagtango."Ah, I see. Ikaw pala 'yung bagong girlfriend ng kapatid ko," saad niya na wari mo'y kinikilatis niya ako mula ulo hanggang paa."Ano naman ang nagustuhan mo sa kapatid ko?" mapang-usisa niyang tanong.Kinabahan ako nang kaunti sa tanong niya. "Bukod sa pagiging guwapo, mabait naman po siya saka maintindihin," tugon ko. Napahawak na lamang ako sa aking dibdib dahil hindi ko alam kung tama ba 'yung nasabi ko."Nice, I like your answer, direct to the point," nakangiti niyang sambit."Ate, nand'yan ka na ba?" tanong ni Amos mula sa kusina. Sumilip siya nang bahagya, nang makita niya 'yung ate niya ay dali-dali siyang nagpunas ng kaniyang kamay at lumapit siya sa 'min. "Yep," anito."Huwag kang matakot sa 'kin, ako lang 'to. Kumalma ka lang," ani ng Ate ni Amos. Ramdam niya siguro ang kaba ko, hindi ko maiwasan kasi."Sige po," turan ko."Huwag nga tayong tumayo rito, maupo tayo sa sala," dagdag pa ng A
May mga tao talaga na mawawala sa buhay natin pero mayroon din namang papalit. Noong mawala sina Gela at Osang, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Akala ko, hindi na maaayos pa at maibabalik dati ang aming samahan. Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang saya ko dahil maayos na ang dati naming samahan.Nang mawala si Zerudo sa buhay ko, para bang guguho na rin ang mundo ko. Noong panahon na 'yon, hindi ko kayang tanggapin na wala na kami. Pilit akong umaasa na puwede pang maibalik ang pagmamahal niya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng plano para makuha siya ulit. Hindi ko alam, iyon pala ang magiging pundasyon para maibukas ko ang aking puso sa iba. Salamat sa pagdating ni Yatco dahil muli niyang binigyan ng kulay ang madilim kong mundo.Sa kabila ng nagawa sa 'kin ni Zerudo, natutuhan ko pa rin naman siyang patawarin. Pagtungtong ng semester break, tinawagan ako ni Ate Mariz na magbabakasyon na muna sila ni Zerudo sa ibang bansa. Maaaring nagtamasa raw k
Friday na ngayon, heto na 'yung huling araw ng pasok namin. Bukas, bakasyon na. Hindi naman na kami ni-require na mag-uniform. Pagkaligo ko, tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at napansin ko nga ang may galos at pasa na medyo halata. Maging sa aking leeg ay medyo pansin ang tila ba bakat ng kaniyang daliri kapag malapitan. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ni Mama, medyo malayo rin naman kasi kami sa isa't isa.Naghanap ako ng damit sa aking cabinet pagkatapos. Nakita ko 'yung turtle neck kong kulay dark green kaya iyon na ang kinuha ko. Long sleeve rin naman ito kaya maitatago nito ang dapat na itago. Mabuti na nga lang at wala akong galos o pasa sa mukha. Hindi naman nagkaroon ng bakas 'yung pagpigang ginawa ni Amos sa aking panga kaya wala akong dapat na ipag-alala.Nagsuot ako ng pants na medyo fitted at saka ko ipinaloob doon 'yung damit ko saka ako naglagay ng belt. Rubber shoes ang isinuot ko sa aking paa para maging komportable naman ako. Nagsuot din ako ng sungl
Pagkahawak ko sa may seradura ng pinto ay sakto namang nahawakan niya ako sa may balikat. Nataranta talaga ako matapos 'yon kaya agad ko 'tong hinigit para bumukas ang pinto. Nagtagumpay naman ako at bahagya itong bumukas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko pa. Ginamit ko talaga ang opportunity na 'yon para ipangalandakan na kailangan ko ng tulong."Kahit magsisigaw ka pa rito, walang ibang tutulong sa 'yo," sambit niya. Nakangiti lang siya para tuyain ako. Kahit gano'n, ayaw ko pa ring mawalan ng pag-asa."Tulong! Please, tulong!" pagpalahaw ko pa.Sa pagkakataong 'yon, ginamitan niya ulit ako ng puwersa. Agad niya naman ako sinakal at hinila niya ako habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking leeg sapag diin niya sa 'kin sa may pader."Ayaw ko sana 'tong gawin kaso namumuro ka na sa 'kin. Kung hindi ka man magiging sa 'kin, sisiguraduhin ko namang hindi ka magiging kaniya," aniya. Medyo nakalawit na ang dila ko nang sabihin niya 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa le
Isa lang ang subject namin ngayon. Pumasok lang din ako para mag-attendance, after no'n ay uuwi na ako. Hindi ako sinundo ni Yatco dahil mamaya pa ang pasok niya. Nag-text na lang ako sa kaniya ng good morning kanina para naman mapangiti ko siya kahit papaano.After kong makapag-attendance, bumaba na agad ako ng building namin para umuwi. Niyayaya pa ako kanina nina Jessa, Lilibeth, Shammy, at Zendi na magliwaliw muna pero tumanggi ako. Gusto ko na munang makapagpahinga. Habang naglalakad ako sa daan ay nakasalubong ko si Klarisse, may kasama siyang lalaki - iyon yata ang boyfriend niya ngayon."Hi, Juness. Kumusta?" bati niya sa 'kin."Hello, okay naman ako. Ikaw ba?" wika ko."Heto, okay na okay. Mas masaya ako ngayon kasi may bago ng nagpapatibok ng puso ko," aniya."Oo nga pala, Noel this is Juness, kaibigan ko. Juness, this is Noel, boyfriend ko nga pala," maligaya niyang pakilala sa 'min sa isa't isa."Hello, nice to meet you," sambit ko kay Noel."Nice to meet you, too," nakang
Nang maubos namin 'yung ice cream namin ay nagkuwentuhan na muna kami. Nakaupo lang ako habang si Yatco naman ay nakahiga, wari mo'y nakasilay siya sa kalangitan. Siya ang unang nagbukas ng topic."May ideal age ka ba kung kailan mo gustong magpakasal?" tanong niya.Napaisip naman akong bigla sa tanong niya. Mayroon nga ba? Hindi pa kasi 'yon pumapasok sa isipan ko. Hangga't maaari, kung magpapakasal ako ay hindi naman 'yung nasa 30's na 'ko. Puwede na siguro 'yung 28 yrs old kasi kailan ko munang magkaroon ng stable na trabaho kapag naka-graduate na 'ko. Tutulong pa ako sa pamilya ko lalo na sa pag-aaral ni Januarius. Wala rin namang ibang aasahan si Mama kasi tiyak na may asawa na no'n si Ate Aprilyn."Hmm, 28 yrs old siguro. Hindi naman siguro aabot ng 30's. Ikaw ba?" pahayag ko."Uy, ang tagal pa pala. Ten years from now pa pala. Ako, nakadipende kung kailan magiging handa 'yung mapapangasawa ko," wika niya."Ang tagal pa ng ten years, mahintay mo pa kaya ako no'n?" ani ko."Oo na
"Oh, bakit umalis na 'yung dalawang kaibigan mo?" tanong ni Yatco nang makalapit na siya sa 'kin."Naku, importante pa silang lakad kaya nagpaalam na," pagdadahilan ko. "I see, akala ko e pinagalitan mo dahil nadulas sila sa 'kin kahapon," ngingisi-ngising sambit niya."Grabe ka naman sa 'kin, hindi ko naman sila papagalitan nang dahil lang do'n. Nakiki-chismis pa nga kung ano nangyari kahapon," turan ko."Naikuwento mo ba?" tanong niya na may halong pang-uusisa."S'yempre, hindi. Hindi ko naman na dapat pang ikuwento ang mga pribadong usapan. Mas masarap magkaroon ng tahimik na buhay," nakangiti kong sambit."Good girl," aniya sabay pisil sa pisngi ko."Oy, hindi ako aso," wika ko. "Speaking of aso, kumusta na si Nestor? Hindi ba siya makulit?" tanong niya pa."Hindi naman, mabait nga, e. Tahimik lang siya sa isang sulok kapag hindi nakakulong. Introvert yata si Nestor," turan na may kasamang paimpit na tawa."Siguro, extrovert siya kapag maligalig na," segunda niya kaya nagtawanan
Kaya naman pala hindi ka-close ni Yatco 'yung tatay niya dahil lahat ng gusto nito ay talagang ipinagpipilitan. Noong una, 'yung kursong hindi niya gusto. Tapos ngayon, ipapakasal siya sa taong hindi niya naman mahal. Kung ako 'yon, ay... tatanggi rin talaga ako. Hindi ko kakayaning mamuhay nang gano'n. Mabuti na lang at hindi pumayag si Yatco sa kagustuhan ng tatay niya. Gano'n niya talaga ako kamahal. Napangiti na lang tuloy ako habang iniisip ko 'yon. Mahirap din talaga maging mayaman, hindi naman talaga kapakanan ng anak niya 'yung iniisip niya kundi sarili niya lang at ang kalagayan ng business niya.Habang naghihintay ako ng masasakyang jeep, bigla akong tinawag ni Sir Yatco. Hindi ko namalayang lumabas na rin pala siya. Hindi ko muna siya nilingkn at nagkunwari akong hindi ko siya narinig."Kung magbago man ang isip mo, i-text or tawagan mo lang ako," wika niya pa. Iyon na ang pagkakataon para harapin ko siya."Pasensiya na po, Sir. Hindi na po talaga magbabago ang isip ko, fi
Nagpaalam kami ni Gela sa isa't isa nang matiwasay. Pagkatapos no'n ay bumalik na ako sa aming silid. At same nga sa iba naming subject, attendance lang din talaga ang ginawa namin. Papauwi na rin sana ako sa 'min dahil wala naman na akong ibang gagawin nang biglang may mag-text sa cell phone ko. Pagkatingin ko ay unknown number, binuksan ko pa rin naman ang mensahe dulot ng kuryosidad.From: UnknownGood day, Ms. Pilapil. This is Arthur's Dad. Puwede ka bang ma-meet ngayon? What time ka available? Thank you!Nagulat ako as in, nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko 'yon. Seryoso ba? Tatay talaga siya ni Yatco? Saan niya naman nakuha ang number ko? Bakit niya naman gustong makipag-meet sa 'kin? Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.To: UnknownGood day po, Sir. Yes po, puwede naman po. Mga 2pm po puwede naman po ako.Pikit-mata kong sinend 'yung text ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para mag-reply. Ilang saglit pa ay nag-reply na 'to.From: U
Malapit na ang oras ng hapunan, nakaluto naman na sina Tita at Lola Anita. Nakatawag na rin ako kanina kay Mama na nandito ako kina Yatco at dito na ako kakain. Hindi ko na muna sinabi sa kaniya na may pabalot daw mamaya si Lola Anita para sila naman daw ang may maipatikim sa kanila. Tiyak na matutuwa 'yon mamaya."Juness, Arthur, halina kayo rito sa hapag, kakain na tayo," pagtawag sa 'min ni Tita. After ko kasi silang tulungan kanina ay dumiretso na ako sa may sala at sinamahan ko si Yatco na manuod na muna."Sige po, Mom, papunta na po kami riyan," tugon ni Yatco. Niyaya naman niya na ako at sabay kaming pumunta roon. Nadatnan naming nakahain na ang lahat maging mga pinggan, kutsara, at tinidor. Nakaupo na rin sina Tita at Lola Anita. Pagkaupo namin ni Yatco ay si Lola na ang nanguna sa pagdarasal. Matapos 'yon ay nagsimula na kaming kumain.Kumuha na ako ng kanin at iniabot naman sa 'kin ni Tita 'yung dinuguan pagkatapos niyang kumuha. Agad naman akong sumandok, pagkalagay ko sa