Hindi ko na ikinuwento kina Osang at Gela ang nangyari kahapon. Baka kasi kung ano pa ang isipin nila at saka hindi naman dapat pag-usapan pa ang mga ganoong kapribadong bagay. Kaya heto, magkakuwentuhan ulit kami sa video call."Wala ba kayong balak magsimba mamayang 5pm? Hindi kasi ako naka-attend ng misa kaninang umaga," turan ni Osang."Ay, hindi muna ako. Kailangan ko munang magpahinga dahil napagod din ako kahapon sa paggawa ng mga order," ani Gela."Hindi pa rin ako nakakapagsimba. Puwede rin naman mamayang hapon," sambit ko."Nice, sige. Kita us later, Juness. Ikaw Gela, rest well. Kumusta naman ang mga pa-order mo?" pahayag ni Osang."Sure, chat-chat na lang," saad ko."Ingat kayo guys later. Bawi na lang ako sa susunod," ani Gela. "About naman sa mga in-order sa 'kin, okay pa rin naman. Kinakaya pa rin saka mababait naman 'yung mga client ko kaya smooth pa rin 'yung transaction namin," dagdag pa niya."Mainam 'yan, nakakatuwa lang kasi kahit na estudyante ka pa lang, mayroon
Ilang saglit pa, sinend ni Osang sa gc namin 'yung screen shot ng My Day ni Yatco. Nag-sad react lang si Gela. Ako na, hindi ko alam kung mag-sa-sad react ako kasi naman, alam ko sa sarili ko na ako 'yung babae roon. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Osang na ako 'yung babae roon kaya wala siyang dapat ipag-alala. Mayamaya, nag-start si Osang ng video call kaya nag-join kami."Aww, sino 'yung girl? 'Di ba walang girlfriend si Yatco? Mayroon ba siyang d-in-e-date ngayon?" bungad ni Gela."Yep, alam ko rin na walang girlfriend or nililigawan man lang si Yatco. Tanungin natin si Juness baka may alam siya," saad ni Osang. Bakas sa kaniyang mukha ang lungkot nang sabihin niya 'yon. Nang marinig ko ang pangalan ko, bigla akong kinabahan."Ha? Bakit naman ako? Wala rin akong alam do'n," tugon ko. Biglang nag-iba ang aura ni Osang nang sabihin ko 'yon."Umamin ka nga, Juness. May namamagitan ba sa inyo ni Yatco?" giit ni Osang.Nanlaki bigla ang mga mata ko nang sabihin niya 'yon.
Malungkot akong naglakad patungo sa aming kanto. Hindi ko magawang ngumiti nang matiwasay, sa tuwing may nakakasalubong ako ay pilit na ngiti lamang ang naisusukli ko. Hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang nangyari kahapon. Pagkarating ko sa may kanto, wala pa naman din si Zerudo. Nakatayo lang ako habang nagmumuni-muni. Kinuha ko 'yung phone ko ay nagbukas ako ng messenger. Hanggang ngayon, tahimik pa rin sa gc naming magkakaibigan. Gusto ko sanang mag-chat ng good morning pero parang ang awkward. Habang nagtitingin-tingin ako ng message, nag-text bigla si Zerudo.From: Babe *insert heart emoji*Hi, babe! Pasensiya na, hindi kita masusundo ngayon. Tinanghali kasi ako ng gising. Bawi na lang ako mamaya. Ingat!Pagkabasa ko no'n ay agad naman akong nag-reply. Mabuti na lang at hindi niya ako masusundo kasi tiyak naman na mapapansin niyang malungkot ako at magtatanong pa siya kung ano ang nangyari. To: Babe *insert heart emoji*Okay lang, babe. See you na lang mamaya. Ingat ka rin
Habang nasa gitna kami ng biyahe ay biglang nagdilim ang kalangitan. Nagsimula na ring dumagundong ang mga nakakandik na kulog. Kinabahan akong bigla dahil wala kaming dalang payong, mahirap pa naman magkasakit. "Hala, babe, mukhang hindi tayo matutuloy sa pupuntahan natin ngayon. I-resched na lang natin sa susunod. Masyado nang malaki 'yung dilim, baka mabasa tayo ng ulan," turan ko."Oo nga, babe. Mas mainam nga na bumalik na tayo. Maliblib pa naman na 'yung lugar na 'to," ani Zerudo.Humanap lang ng tiyempo si Zerudo at saka niya ibinaling pabaling 'yung manibela para makabalik na kami pauwi. Ilang saglit pa, bigla namang gumuhit sa kalangitan ang isang napakatalim na kidlat. Nagsitindig bigla ang mga balahibo ko kaya mas humigpit ang kapit ko kay Zerudo. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata para hindi ko 'yon makita.Makalipas ang ilang minuto, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Wala itong paawat na tila ba galit na galit. Ang lalaki ng patak nito kaya basang-basa na ka
Pakiramdam ko ay medyo nanlamig sa 'kin si Zerudo dahil sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko siya pinagbigyan. Hindi naman kami nag-usap kagabi maski text ay wala. Ngayong umaga naman, wala ring good morning or pangungumusta man lang. Nagtatampo yata siya sa 'kin, mabuti siguro kung susuyuin ko siya mamaya. Ako naman ang pupunta sa building nila.Parang normal na lang talaga na dumaan sa 'kin ang araw na 'to. Mag-isa lang ako sa lahat ng pagkakataon. Nagkasalubong kami ni Gela kanina sa comfort room, mabuti na nga lang at hindi niya kasama si Osang kaya chinika ko siya."Gela, kumusta na kayo?" bungad ko."Okay naman kami, tumatawa na rin naman ulit si Osang. 'Yon nga lang, nakaka-miss kasi hindi ka namin kasama," wika niya. Bahagya siyang nalungkot matapos 'yon kaya niyakap ko siya nang mahigpit."Miss na miss ko na kayo pero kailangan kong magtiis na hindi kayo kasama para sa ikapapayapa ni Osang. Galit pa rin ba siya sa 'kin?" tanong ko na medyo mangingilid-ngilid ang aking luha."
"Tumayo ka na riyan, Juness," sambit ni Kevin.Nakahawak siya sa aking braso at wari mo'y itinatayo niya 'ko. Kahit anong buhat ang gawin niya sa 'kin ay nagpupumiglas ako. Wala akong pakialam kahit na madungisan ang aking uniporme sapagkat wala naman ng pasok. Tila ba hinihilahod ko ang aking sarili sa may sahig, iyon lang ang alam kong paraan para mailabas ang sakit na aking nararamdaman.Hindi mapakali si Kevin at hindi niya na rin alam kung paano ako aawatin kaya naman narinig ko siyang may tinawagan siya sa kaniyang cell phone."Hello, Angelica? Tulungan mo naman ako rito kay Juness. Nandito kami sa may gymnasium," sambit niya."Oo," sambit niya pa. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila pero alam kong si Angelica 'yung tinawagan niya. Pagkatapos no'n ay pinatay niya na 'yung call. "Get up na, Juness. Hindi ka na bata para maglupasay r'yan," seryosong sambit ni Kevin."Sorry, Kevin pero hayaan mo muna akong ilabas 'yung sakit. Gano'n pala 'yon, 'no? Ang lakas kasi ng impa
"Mama, bukod sa pakikipaghiwalay sa 'kin ni Amos, ang isa pa sa talagang nagpadugo ng aking puso ay 'yung marinig ko mismo sa bibig ni Osang na ayaw niya na pag-usapan o mabanggit ni Gela ang pangalan ko. Tila ba ibinaon niya na talaga sa hukay ang pagkakaibigan namin," pagsusumamo ko pa.Wala namang ibang nagawa si Mama kundi yakapin ako at hagurin ang aking likod. Para akong batang inapi at nagsusumbong sa kaniya. Wala, e, wala akong ibang malalapitan kundi siya bukod kay Ate."Tahan na, anak. Dumarating talaga sa punto na mawawalan tayo ng kaibigan. Kapag may nawala, mayroong darating. Wala naman tayong magagawa kung ayaw ka pa ring makausap ni Osang. Kapag ready na siya, mapapatawad ka rin niya," tugon ni Mama."Thank you, Ma. Nakakalungkot lang po kasi dati ang saya-saya namin lalo na kapag kumakain o 'di kaya kapag vacant namin. Nakaka-miss 'yung mga araw na 'yon. Balik na naman ako sa pagiging loner," dagdag ko pa.Pinupunasan ni Mama ang aking mga luha gamit ang manggas kaniya
Kahit na hindi kami masyadong nag-uusap ni Gela sa school ay naaalala niya pa rin. Masaya ako kasi mayroon pa rin akong kaibigan na nagmamalasakit sa 'kin. Sabi na nga ba, malalaman din nila ang nangyari sa 'min ni Zerudo. Alam kong nalulungkot din sila kasi kasama ko sila mula sa unang pag-develop ng feelings ko kay Zerudo. Alam nila kung gaano ko ito kamahal. 'Yon nga lang, hindi ko na sila kasama nang magwakas ang relasyon namin. Pinunasan ko na ang mga luhang kanina pa tumutulo. Inayos ko muna ang aking sarili para hindi halata na malungkot o umiyak ako kapag nag-record ako ng voice message kay Gela. "Hi, Gela! Miss you too! Na-mi-miss ko na 'yung mga araw na sa video call tayo nag-uusap at 'di rito sa voice message lang. Masaya ako para sa 'yo dahil nasusuportahan mo pa rin ang sarili mo sa pamamagitan ng pagtitinda. Balang araw, naniniwala ako na lalaki rin 'yang business mo. S'yempre, isa ako sa mga magiging masugid mong customer. Salamat nga pala sa pagdamay sa 'kin kahit d