Share

Chapter 62

"Mama, bukod sa pakikipaghiwalay sa 'kin ni Amos, ang isa pa sa talagang nagpadugo ng aking puso ay 'yung marinig ko mismo sa bibig ni Osang na ayaw niya na pag-usapan o mabanggit ni Gela ang pangalan ko. Tila ba ibinaon niya na talaga sa hukay ang pagkakaibigan namin," pagsusumamo ko pa.

Wala namang ibang nagawa si Mama kundi yakapin ako at hagurin ang aking likod. Para akong batang inapi at nagsusumbong sa kaniya. Wala, e, wala akong ibang malalapitan kundi siya bukod kay Ate.

"Tahan na, anak. Dumarating talaga sa punto na mawawalan tayo ng kaibigan. Kapag may nawala, mayroong darating. Wala naman tayong magagawa kung ayaw ka pa ring makausap ni Osang. Kapag ready na siya, mapapatawad ka rin niya," tugon ni Mama.

"Thank you, Ma. Nakakalungkot lang po kasi dati ang saya-saya namin lalo na kapag kumakain o 'di kaya kapag vacant namin. Nakaka-miss 'yung mga araw na 'yon. Balik na naman ako sa pagiging loner," dagdag ko pa.

Pinupunasan ni Mama ang aking mga luha gamit ang manggas kaniya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status