Share

Chapter 68

"Can we consider this as our first date as a fake lover?" mapantuyang sambit ni Yatco.

"Ayan, grabe ka naman sa fake lover. Huwag mo nang i-emphasize, baka may makarinig pa sa 'tin," tugon ko.

"Nahiya ka pa, totoo naman," pantutuya niya pa habang nakangisi. Nahampas ko tuloy siya sa kaniyang braso nang wala sa oras.

"Naku, kung volleyball player ka siguro, ang galing mong spiker. Ang bigat ng kamay mo, e," anas niya habang hinahaplos ang brasong hinampas ko.

"Ayan kasi, tama na ang pambubuska," saad ko sabay ismid sa kaniya.

"Maiba lang ang topic, ano ang mayroon kay Amos na wala ako?" seryoso niyang tanong. Humigop siya sa kaniyang inumin pagkatapos niyang bitiwan ang mga katagang 'yon.

Napaisip akong bigla. Hindi ko masabi kung ano ang mayroon kay Amos na wala siya. Malaki kasi ang pagkakaiba nila. May mga qualities siya na wala kay Amos na talagang parang boyfriend material kagaya ng pagiging gentleman. May pagkaganoon din naman si Amos pero mas natural kay Yatco 'yon. Kumbaga nana
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status