Share

Chapter 73

"Ang bilis makahanap ni baks, kinabog talaga ang ganda natin," dagdag pa ni Angelica habang inaayos ang binili niyang pagkain.

"Ganda talaga ang puhunan," segunda ko. Napaapir na lang tuloy kami sa tuwa nang dahil doon.

Matapos 'yon ay nagsimula na kaming kumain. Nakitikim din ako ng nachos ni Angelica. Ang mahal nga lang ng tinda, 80 pesos. Parang nilagyan lang ng kaunting giniling, gulay-gulay at dressing sauce. Pero okay naman ang lasa niya, masarap din.

Bakas naman sa mukha ni Angelica na nagustuhan niya 'ying inirekumenda ko. Sarap na sarap siya at baka nga mag-extra rice pa siya kapag nagkataon.

"Oo nga pala, Juness. Nag-de-date na pala kayo ni Arthur Yatco. Ibig sabihin ba nito ay sinunod mo ang mga payo namin sa 'yo?" tanong niya.

"Nasa public area tayo, girl. Hindi natin 'yan dapat pag-usapan dito," wika ko.

Hindi ko alam kung sinunod ko nga ba ang payo nila. Maybe oo dahil nakikipag-date ako ngayon kay Arthur. Iyon naman talaga ang goal, ang pagselosin si Zerudo. Gusto ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status