Share

Chapter 77

Pagkatapos naming kumain ay talaga nga namang may natira pang ginisang sayote. Medyo marami-rami pa siya. Sayang naman kung itatapon lang. Kaya habang nagliligpit ang lahat, lumapit ako kay Zendi para ibulong ang pakay ko.

"Zendi, baka naman puwedeng i-sharon ko na lang 'yung natirang ginisang sayote. Sayang naman kung walang kakain at itatapon lang," mahina kong sambit.

"Ay, sure. Wala rin namang kakain niyan sa bahay kung iuuwi ko man. Sige, ikaw na bahalang magbalot no'n," aniya.

"Wow, thank you talaga!" saad ko sabay yakap sa kaniya.

Pagkatapos no'n ay kinuha ko na 'yung tupper ware ng ginisang sayote. Mabuti na lang at may naitabi pa kaming supot na pinangtakip kanina sa mga sandwich. Iyon na ang ginamit ko para ipangbalot sa ulam na iuuwi ko.

"Ayan, ngayon ko lang nalaman na certified sharonian ka rin pala, Juness," saad ni Lilibeth habang isinusupot ko 'yung natirang ginisang sayote.

"Oo naman, fan na fan ako ni Ate Showie. Halata naman, 'di ba?" nakangisi kong sambit.

"Welcom
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status